Dumaan na pala yung birthday ko pero hindi ako nakapagblog-post. 22nd kaarawan ko last December 17. My gosh, tumatanda na ko. Hahaha. Nasanay ako na si bestfriend Macky ang kasama ko tuwing birthday ko. Siya pa din kasama ko this time pero medyo late na kame nakapagkita because of the pre-test they're conducting to their students. Yes, she's s teacher here sa isang high school malapit lang din sa amin. Sinabihan ko siya dati na mag-advanced paalam siya sa school para makapagleave on my birthday itself pero one week after eh inannounce yung pre-test. Kaya late na kame nagkita. Sa SM Manila kame nagkita. Nag-iipon ako ng stickers sa Starbucks for the planner kase ireregalo ko sa ate ko yung planner. Hindi ko feel yung planner. I hit two birds with one stone. Nakainom na ko ng drinks, me panregalo pa ako sa ate ko. Hahaha.
Diretso kaming MOA after naming magkita. Bumili ng tickets for Rise of the Guardians. First time kong manonood ng cartoon(?) sa sine kase hindi ko feel. Mas gusto ko yung mga totoong tao yung nakikita ko sa pinilakang tabing. Pero ironically, super nagustuhan ko yung movie. Ganda ng storyline, ang gwapo pa ni Jack Frost. Hahaha. 2nd time kong magka-crush sa hindi totoong tao. Yung una eh yung si King sa pinapanood kong anime sa Channel 2 dati na nakalimutan ko na yung title. Hahaha. We both enjoyed the movie dahil sa mgandang story and graphics na pinabongga pa ng 3d glassess. Lol. Bitin ang oras kase 8pm na natapos yung movie. Diretso na kame sa dinner. A Veneto it is. Mahina kame kumain pareho kaya konti lang inorder namin. Picturan galore after. Here are some. Malamang yung maaayos yung pipiliin ko. Hahaha.
Next in line sa mga exciting na kaganapan sa buhay ko eh ang nagdaang Christmas Party ng company namin. Like last 2010, it was held sa SMX Convention Center. Yep, madalas ako sa MOA nowadays. Hahaha. Mafia themed and Christmas Party namin kaya nagkalat ang mga nakablack and red. I preferred black and gray, maiba lang. Hahaha. Wala akong constant na kasama nung party kase lahat ng friends ko, me kanya kanya ng groups kaya libot libot ang ginawa ko. Para akong squatter. Hahaha. Me time nga na wala talaga akong kasama, nagtatatawag ako kung kani kanino para lang hindi ako magmukhang lonely. Hahaha. Ang pathetic lang. Lol. Of course, hindi nawala sa eksena an super picture-picturan to the max and to the highest level. Kaso nakakaloka ang lightings sa venue, hindi maganda yung 70% ng mga pics sa phone ko. Nakakaloka. Hahaha. Mamimili na naman ako ng mga maayos na pics ko. Please see below. Hahaha.
Right after the party eh diresto kame ng isa sa mga circle of friends ko na kinabibilangan ni Robert sa Starbucks MOA, nakuha ko na rin yung planner ko sa wakas. Nagkaron pa nga ng aberya and na-void yung isa sa mga stickers ko kaya bumili ulit kame ng isa pa para lang makuha ko na. Hahaha. Here it is. :-)
Naganap ang annual dinner/Christmas Party namin ng mga college friends ko aka Geecee sa Chili's Greenbelt. Eksena kame kase ang usapan namin lagi, lahat dapat bibigyan mo ng kahit anong gift. Kahit yung tig-30 lang. Tapos yung sa totoong nabunot mo, 500 naman. So nagkalat yung gifts namin kahapon sa table kase meron kaming tig-7 na gifts. Hahaha. I gave Midz yung kung ano yung nasa unahan ng wishlist niya which was a planner from Belle de Jour. Yep, andami kong reregaluhan ng planner this Christmas, bali apat. Eksena lang. Lagpas sa alloted amount yung planner pero keri lang. Dinagdagan ko pa ng G-Tech na ballpen. Hahahaha. Birthday kase ni Midz nung 14 kaya sinagad sagad ko na. Ako naman, I received a wallet. Hindi ko masyadong bet na bet yung wallet na bigay ni Sarah pero keribels na din. Actually, MFG yung gusto kong wallet kaso 1000 plus siya, so pinasabi ni Sarah ke Midz na magdagdag na lang ako dun sa kulang. Kaso 1000 daw yung idadagdag ko kase 1500 plus yung gusto niyang iregalo for me kaya sabi ko wag na lang. Nakakatawa naman yun na doble pa nung alloted amount yung idadagdag ko. Hahaha. Keri naman yung wallet, malalagay ko na sa isang maayos na lalagayan lahat ng cards ko. :-) Me separate na gift sakin si Eunny kase nga nagbirthday ako. Super thanks to her kase isa yung regalo niya sa mga gusto kong basahin!!! Yung Para Kay B ni Ricky Lee. Mukhang magiging collector na talaga ako ng mga tagalog novels. I'll start next year. Eto pala lahat ng gifts na natanggap ko. :-)
Magkakasama kame kagabi ng pumatak yung oras na sinasabing magugunaw yung mundo. Hindi ako naniniwala dun sa mangyayaring yun simula nung inannounce ng NASA na wala namang malapit na churvang something na may hit the Earth. So scientifically, malabo talaga siya. Tapos it's stated pa sa bible na even the angels and the Son don't know when's the end. Only the Father knows it so wag mag-ambisyon ang mga Mayans na yan na alam nila kung kelan. Hahaha. Nakakaloka lang 'tong si Nostradamus magbigay ng mga pangitain niya. Nakakaparanoid tuloy nung unang lumabas yang prediction ng Mayans na yan. Nadamay pa ang Oppa Gangnam Style. Hahaha. Sabi kase diba, kapag naghit ng 9 digits yung views sa youtube nung video, it's the end na daw. Eh saktong nakaka 900000000+ views na ata siya last week kaya sumasakto. Mga echusera! Hahaha. Anyway, super mahal pala sa Chili's. Naloka ako sa bill namin. Parang dapat nag eat-all-you-can na lang kame. Me sukli pa! Hahaha.
Naloka ako sa iniwan kong tasks sa office kagabi. Punyeta kase eh, biglaan na deadline daw kagabi. Eh nakaleave na ko next week!!! Kaya ngarag ngarag ako bago umalis eh kaso hindi ko natapos yung status ko, keber! Me social life ako no! Buti ko nung mga nakaraan araw niyo ko pinagmadali. Bahala kayo sa buhay niyo. Char! Hindi ko nga alam kung nainis ba sakin yung SME(subject matter expert) namin kase iniwan ko yung trabaho ko. Sana naman hindi. Ayoko na ng tension sa office. Nakakalurkey lang. Magpa-Pasko pa naman. Last update I got, keri naman ata at natapos nila. Mabait naman yun kaya hindi naman siguro siya nagalit sakin. Hahahaha. Mwah mwah friend, babawi ako sayo. Hahaha.
Ayan lang guys. Dyan nagtatapos ang adventures ng inyong martian these past few days. Sana makapagpost pa ko bago matapos ang taon. Tutal, wala na naman akong pasok. Wish me luck!!! :-)
Happy Christmas everyone!!! Mwah mwah. Keep safe. Godbless. :-)