Powered By Blogger

Friday, January 7, 2011

At Last!

Sa wakas, nakapagsimula na ako ng kwento ko. Sana lang me magbasa. Pinost ko din siya sa PEx. Wala lang. Gusto ko lang ishare sa iba. Natutuwa lang ako sa ibang tao na gumagawa din ng kwento at ishashare sa iba at nainggit ako sa kanila kaya shineshare ko din. Hahaha.

Sabay sabay kaming naglunch ng two of my friends in college. Napagkasunduan namin nung isa kong friend na ituloy na yung nakaschedule naming star city bukas. Grabe masyado ata akong natutuwa sa mga amusement parks. Kagagaling ko nga lang ng Enchanted nung nakaraan, Star City naman bukas. Sana lang matuloy kame dahil namimiss ko na ang Surf Dance. Lol.

Syanga pala, start na namin ng training next week. Sana maging maayos. Lilipat na kame ng pwesto. San pa! Siyempre sa training room. But I mean, after that, sa iba na kami ipupuwesto. Hay. Mamimiss ko tong place ko for two months na. Hay. Ansaya pa naman dito. Nasa tabi ako ng window. Kita ang labas. Me swimming pool pa kong natatanaw. Hay. I'll miss this. Really! Promise! Lol.

Anyway, excited na ko bukas. Sana lang talaga matuloy kame. Hahaha. Happy weekend everyone! Ingat, Godbless. =)

METAMORPHOSIS II

Nagmadali siyang lumakad para makakita ng mapagtatanungan. Lingon likod ang ginawa niya dahil sa pagkalito sa mga nakikita niyang bahay at gusali na hindi naman niya nakita kanina. Paliko na siya sa isang street habang nakatingin sa likod ng biglang BLUG!
________________________________________
“Oh my gosh! Ano ka ba?! Tignan mong ginawa mo sa akin! Hindi ka kasi tumitingin sa dinadaan mo eh”, galit na sabi ng nakabangga niya habang pinupunasan ang mga duming napunta sa long sleeves niya.



“Sorry. Sorry talaga. Hindi ko sinasadya.”, Nahihiyang sabi ni Marco. Aminado naman siya na siya nga ang me kasalanan kaya todo hingi siya ng paumanhin.


“Naliligaw kase ako. Hindi ko alam kung paano makakabalik sa tinutuluyan ko. Pwede mu ba akong tulungan?”, dugtong ni Marco.


“Aba, ang kapal din naman ng mukha nito no! Hindi na nga ako tinulungang maglinis, me gana pang magtanong”, nasa isip ng nabangga niya. Pero dahil sa awa eh sinabi niya din dito kung paano makakauwe. Nagpasalamat naman si Marco dito.


“Siyanga pala, ako si Marco. Marco Aquino.”, pagpapakilala ni Marco sa sarili.


“Ano nga palang pangalan mo? Baka kase lagi tayong magkita dahil magkalapit lang naman ata tayo ng bahay. ”, dagdag ni Marco.


“Huwag na. Hindi na kelangan.”, masungit na sabi ng nabangga niya.


“Ah, ok, sige. Salamat na lang uli! Mauna na ako. Pasensya uli sa nagawa ko.”, pagpapaalam ni Marco.


“Ok”, at walang ano ano’y umalis na ang estranghero. Dumiretso naman sa paguwi si Marco, kumain at diretso na ng tulog para maagang magising bukas upang marami siyang mapasang resume sa pagwowalk-in sa mga companies.




Nakatapos naman si Marco ng second year sa kursong Computer Science at kasalukuyang nasa third year ng maisipang maglayas sa kanila dahil sa pangmomolestiya sa kanya ng amain. Oo, me dugong berde ang kanyang step-father pero hindi niya ito magawang isumbong sa kanyang ina dahil hindi niya alam kung papaano at natatakot siya sa mga maaaring mangyari. Kaya heto’t nagpakalayo layo siya. Ngunit ipapaalam niya rin naman sa pamilya niya ng naging pagalis niya at ang plano niya at hindi siya mapipilit ng mga ito na bumalik. Pero babalik naman siya. Hindi pa lang sa ngayon. Me gusto pa siyang patunayan kaya narito siya’t makikipagsapalaran.



Sa bahay naman ng estranghero’y hindi siya mapakali. Hindi niya makalimutan ang mukha ng nakabangga niya kanina. Kanina pa siya nakahiga pero hindi siya makatulog. Bading siya. Ngunit kakaunti lamang ang nakakaalam. Dahil batid niya ang mga consequences na naghihintay sa kanya kapag lumantad siya.


“Bakit ko kaya naiisip ang taong yun?”, naitanong na lang ng estranghero sa kanyang sarili bago siya nakatulog.




Maagang nagising si Marco kinabukasan dahil na din sa paninibago at excitement. Maghahanap siya ng trabaho ngayon. Mabilis siyang nagalmusal, naligo at nagbihis. Wala siyang inaksayang oras at dumiretso na sa Ayala. Bumalik na naman ang pagkamangha niya sa mga nagtataasang building. Nagsimula na siyang pumasok sa bawat gusali. Nagbakasakali na me opening pero makalipas ang dalawang oras ay wala pa din siyang nakitang opening. Karamihan ay nanghingi lang ng resume in case na biglang magkaroon ng bakante sa kanila.


Huling pasa na sana ni Marco sa isang building bago magtanghalian ng sinabing tamang tama daw ang kanyang dating dahil nangangailan daw ng encoder sa isang company sa gusaling iyon. Tuwang tuwa naman si Marco sa narinig. Agad agad siyang umakyat, nagpasa ng resume. Nagexam noong umaga and interview rin noong hapon na iyon.


Nagtawag ng isang employee ang interviewer na siyang mageevaluate ng application ni Marco.  Bumukas ang pinto at lumabas ang kanyang evaluator.

Nagulat si Marco ng mapagsino ang taong hahawak ng kanyang kapalaran. Parang pamilyar ang mukha. Siya nga! Ang estrangherong natapunan niya ng katakot takot na dumi kagabi!




“Lagot na ako.”, ang tanging nasabi ni Marco sa sarili.

METAMORPHOSIS I

DING! DING! DING! DING!

"Ang ingay naman! Ano ba?!", aburidong sabi ni Marco ng makita ang konduktor na me hawak na maliit na bell at kinakalansing ng kutsarang hawak nito.


"Anong ano ba?! Ginigising ka lang namin ng kasama kong driver kase ikaw na lang ang nagiisang pasahero dito sa bus. Nasa Maynila na tayo.", inis din na paliwanag ng konduktor.


"Alam mo bang kanina pa tayo tumigil at nakapananghalian na nga kami ng kasama ko ng malaman namin na me tao pa pala dito sa bus!", nanlalaki pa ang mga mata ni Manong driver.


"Shit. Anak ng. Ganon po ba? Nako, pasensya na po. Hindi ko sinasadyang makatulog ng mahimbing. Sige po bababa na po ako.", Nahihiyang sabi ni Marco.

Pagbaba ni Marco ng bus, naglakad siya buhat buhat ang maletang naglalaman ng mga gamit niya na tanging nadala niya sa pagmamadali sa paglayas sa kanilang probinsya. Kaunting lakad pa at namangha siya sa kanyang mga nakita. Nagtataasang mga buildings, mga restaurants na ngayon niya lang nakita at hindi pa mabigkas ang pangalan ng mga ito at mga taong nakabihis pormal.


“WOW! Nasa Maynila na nga ako. Akala ko sa panaginip ko lang ito mararating.”, nasa isip ni Marco.


Siya si Marco, 19. Gwapo. Maputi. Matangkad. Matalino. Naglayas sa bahay nila sa probinsya para takasan ang isang madilim na nakaraan. Nagpunta ng Maynila ng walang tiyak ng patutunguhan.

“Naku, san na kaya ako pupunta nito. Ay oo nga pala, kelangan ko ng makahanap ng matutuluyan . Maaga pa akong gigising bukas para maghanap ng trabaho. Kakaunti lang ang naipon ko galing sa dati kong trabaho sa factory. Siguradong kakapusin na ako sa mga susunod na linggo kung hindi pa ako mkakahanap ng trabaho.”, sa loob loob ni Marco.


Naglakad lakad si Marco papunta sa mga residential area na sa tingin niya ay makukuhanan niya ng marerentahang kwarto. Nakailang inquire din siya ng swerteng nakakuha na rin siya ng kwartong mapagtyatyagaan naman at kasya naman sa budget niya. Pagkaayos niya ng mga gamit niya sa gilid ng kama (dahil wala pa siyang malalagyan ng mga ito), nahiga siya at nakatulog dahil na rin sa pagod sa byahe at paghahanap ng matutuluyan. Nagising din siya makalipas ang ilang oras.


“Tsk! Alas otso na pala. Hindi pa ako nakakakain”, lumabas siya ng bahay para makahanap ng makakainan ng hapunan.


“Anu ba yan? Parang ang sososyal naman ng mga pagkain dito. Kelangan kong makahanap ng karinderya na pwede kong bilhan ng pagkain sa araw araw para naman hindi ako masydong gumastos.”, bulong ni Marco sa sarili.


Malayo layo na rin ang kanyang nalakad at ilang kalye din ang nadaanan niya ng makita ang kanyang hinahanap. Isang may kalakihang tapsilogan na nagbebenta din ng iba’t ibang ulam. Madaming tao sa loob kaya hindi na niya tinuloy ang planong doon pa kumain. Bitbit niya ang ulam at softdrinks sa kaliwang kamay at kanin naman sa kanan. Naglalakad na siya pabalik ng lumingon siya sa likod. Kinabahan siya bigla.

“Hala! Naliligaw na ata ako. Bakit ganon? Wala man lang tao? Kung mamalasin ka nga naman o!”, inis na sabi niya.


Nagmadali siyang lumakad para makakita ng mapagtatanungan. Lingon likod ang ginawa niya dahil sa pagkalito sa mga nakikita niyang bahay at gusali na hindi naman niya nakita kanina. Paliko na siya sa isang street habang nakatingin sa likod ng biglang BLAG!