Powered By Blogger

Sunday, November 18, 2012

The _riefs


I hate deaths. Kung may paraan lang para walang mamatay na tao especially sa mga love ones ko and if it's bibilically legal, I'll find a way to do it. Grrrr. I hate the feeling na me nagsa-suffer na tao because of the loss. Kahit anong pag-intindi ko sa phrase na "Huwag mo na siyang masyadong alalahanin, kasama na siya ni Papa God", ang hirap pa ding lunukin nung truth na nawalan ka ng mahal sa buhay. Siguro nga totoo yung sinabi ng high school teacher ko sa Economics na majority ng kalungkutan natin sa pagkamatay ng isang mahal sa buhay yung fact na wala ng gagawa ng mga tungkulin niya dito sa mundo especially sa family niya nung nabubuhay pa siya. Partly sad but partly true. Madami na kong nasaksihan sa tv na ini-interview na kamag-anak ng namatay/pinatay/nagpakamatay na tao na humahagulgol dahil sa mga dahilang : "Pano na ang pang-gatas ng mga anak natin? Huhuhu.", "Sino na ang gagastos sa pampaaral ng bunsong kapatid mo. Parang awa niyo na po, tulungan niyo po kame." and the likes. Pero syempre mas hindi nawawala yung palasak na : Napakabait na tao/ina/ama/anak/kapatid/asawa/pamangkin/tito/tita/lolo/lola po niyan. Bakit siya pa?". Dyan ko na conclude na ang grief ng isang tao eh hindi pangsarili lamang. 

Fiesta ang peg ng dinner pagdating namin ng Tarlac. Nahiya naman ako kase pumunta kame dun para makiramay hindi makikain. Hahaha. Basta ang daming pagkain. Halatang pinagkagastusan. Nakokonsensya tuloy ako. Hindi man lang ako nakapagbigay ng budget for food. LOL. Pumunta na kame ke Chang (we were raised na "Chang" ang "Chong" ang tawag sa mga titas and titos, respectively) to give our condolences. Konting kumustahan na din sa mga pinsan ko. Of course, medyo ilang ako sa mga pinsan kong lalaki pero I did my best to mingle but I guess my best wasn't good enough. Lol. Sa babae talaga ako comfortable na makipagkwentuhan kase nga we were on the same page. Lol. We can talk about everything without hesitations. Work/studies, buhay buhay and syempre boys. Hahaha. My gosh naman no, pananamit ko pa lang, dapat halata na nila. Lol. Nalaman ko sa mga kwentuhan namin na marami pala sa kanila eh nagsipag-asawa na. Ok naman yung iba, me mga kaya yung napangasawa and yung iba, parang walang nagbago sa pamumuhay nila. Simple lang. Mahirap palang makapag-aral ng college dun kase me bayad. Napakaswerte ko talaga na wala man lang akong any fee nung college sa PLM maliban sa P30 na bayad sa school paper namin. Normal lang naman yung suot ko pero feeling ko sinusuri ako nga mga taong nakakakita sakin. I didn't use yung mga gay lingo na alam ko para hindi naman ako umeksena. Ayaw ko namang lumabas na loud-slutty-bitch gay sa kanila. LOL. Pero hindi naman ako nag-astang lalaki din. Ok na yung nagpaka-prim and proper ako. Ayokong nagpapanggap. Maganda na yung malaman nilang lahat na hindi ako straight. Lalo na sa mga girls. Hindi ako gwapo pero hindi din naman siguro pangit kaya pinagtitinginan ng mga teenage girls. Siguro minsan lang me dumayong Manileno sa part na yun ng province. My gosh naman, hindi ko kayo type. LOL. Matapos kumain at makipagkwentuhan, lumibot na kame sa iba pang bahay ng mga kamag-anak namin. Dun ko na napansin ang mga pagbabago. 

9 years akong hindi nakapunta dun. Nung mga unang taon, dahil sa kabusy-han kaya hindi ako sumasama pero nung nagtagal parang default na talaga na hindi ako sumasama kase feeling ko I don't belong. Arteeee. Lol. Madami sa mga cousins ko, especially sa mga lalaki(madami akong first cousins na lalaki), ang hindi ko na makilala. Kung hindi pa sila pinakilala or kung hindi ko pa narinig yung pangalan nila, hindi ko makikilala. Actually yung iba nga kahit binaggit na yung name, hindi ko pa din ma-recognize. Nakakaloka. Hahaha. Hindi ko na din makilala yung lugar! Pagbaba nga namin sa inarkila naming jeep eh hindi ko na masyadong makilala yung place namin. Nagkaron kase ng tindahan sa harapan nung lagi naming tinutuluyan. Yung mga bahay naman nila, naging bato na lahat, dati kase, puro mga parang kubo pa sila. Yan pala ang nagagawa ng halos isang dekada. 

Natalo ako ng tumataginting na 500+ sa mini-sugal naming Pares Pares and Lucky 9. Hahaha. Keri lang naman kase minsan lang yun and madami din namang napunta sa ball. Inabot kame ng 3:30am sa paglalaro. Take note, nagsimula kame ng mga 7:30pm. So 8 hours kaming nakaupo dun. Parang pumasok na din sa office! Kaloka. Hindi naman kase namin namalayan yung oras dahil sa tawanan namin. Hindi ko nga alam kung appropriate bang nagsasaya kame habang nagsusugal sa patay eh. Nagpainom pa ng Tanduay Ice. Muntik pa kong malasing sa isang bote! Chos! Dito ko napansin si isang cutie. Nakaharap siya sa isang direction ko. Wala siyang ginagawa nung una pero nung nagtagal eh nagsugal na din malapit samin. Hindi pala masyadong cute. Lol. Pero keri na din. Nahiya naman ako kase nasa patay ako pero lumalandi pa din ang lola niyo. Hahaha. Hindi mo naman kase maalis yun diba. Lumusot pa ko. Lol. Actually, cute yung pinsan kong anak nung tito kong namatay pero syempre that's a no-no. Mahiya naman ako sa sarili ko diba. Tsaka nakita ko kinabukasan na me jowa na pala si insan kaya mas lalong off-limits na. LOL. So may I forget na about them na. Akala ko makakapag-concentrate na ko sa nilalaro namin kase natatalo na yung milyones ko. Hahaha. Pero may dumating na mapormang guy. Let's call him "the red guy". Naka-red kase siya. Bwahahaha. Mas gwapo si insan dito pero dahil off-limits nga si cous, keri na siya. LOL. Later on, nalaman kong anak siya sa ibang guy ng asawa ng tito kong namatay na din dati pa. Hindi ko sure kung kamag-anak ko pa siya. Sana hindi na. Fingers crossed. LOL.  

4:00am na ako nakatulog and charan! 6:00am, gising na ko. Kumusta naman yung pagkahilo ko nun diba. Sana pala tinuloy tuloy na lang namin hanggang umaga yung pagsusugal. Hahaha. Breakfast galore and prepare na for the libing. Sobrang init ng sikat ng araw kaya mega-payong kame. Mahabang lakarin pero keri naman kase kakwentuhan ko yung cousin kong girl na taga-Manila din. Eksena sa mass yung pamangkin ko kase umiyak ng bonggang bongga eh di super echo yun sa buong simbahan. Eksena talaga. Lol. Muntik na kong maiyak nung sini-seal na yung nitso ni Chong. Ramdam ko yung lungkot ng bawat isa. Kahit na hindi naman kame close eh alam kong mabait na asawa, kapatid at ama siya. Naalala ko nung nalaman na ng tatay ko(kapatid ng tito kong namatay) na wala na si Chong. Hagulgol to the max siya. And for a guy na umiyak ng ganon, alam kong nalungkot at nasaktan talaga siya. Nasabi pa nga niya na me time na umuwi siya ng province and naubos yung pera niyang dala, si Chong yung nagbigay sa kanya ng pamasahe pauwi dito sa Manila. Anyway, naiinis ako sa mga picture-pictures sa lamay/libing. Parang inappropriate talaga. Nagdadalamhati yung mga tao tapos kinukunan mo pa. Parang ang sad lang.

After lunch time eh umalis na kame. Sobrang paalamanan ang naganap. Syempre mukhang matatagalan ulit bago ako makabalik dun kaya may-I-hug ako sa mga tita ko and sa ka-close kong girl cous. My gosh, muntik ko pang makalimutan yung cellphone kong naka-charge. Nakakaloka. As in, nakasakay na ko sa jeep, makakalimutan ko pa. Lol. Hindi pa kame dumretso sa Manila. Dumaan muna kame sa bahay ng pinsan ko na sa Tarlac din nakatira pero sa ibang bayan. Kinikilig ako kase kasama ko sa jeep si the red guy. Ngayon ko lang na-realize na hindi pala ako sure kung kapatid ba siya ng pinsan ko sa nanay. Hahaha. Basta ayun na. Medyo na-bored ako sa kanila kase halos matatanda lang yung nagkukwentuhan and antok na antok na talaga ako kaya nakaidlip ata ako sa jip. Nakiligo muna ako sa kanila nung nalaman kong nagkatay pa ng manok and niluluto pa yung tinola. Bihis na ako and naglalagay na ng wax sa hair ko ng makita kong nasa salas ng bahay si red guy and he's pulling down his pants. I was like "omg, what are you doing? bilisan mo, na-e-excite ako". Charot lang! Akala ko underwear niya yung nakikita kong black nung hinuhubad na niya yung pants niya. Grabe, pervert ang peg ko dyan. Hahaha. Pero to my dismay, naka denim shorts pala siya inside. Ano ba yan. Lol. Akala ko tinutukso niya ko. Balak ko pa namang magpatukso. CHAROT lang!!! Hahaha. Ayun lang. Bow. Mukhang straight si kuya eh. Hindi ko siya masyadong nakakatinginan eh. Ambisyoso lang ako kase akala ko kukunin niya yung number ko. Akala ko lang pala. Hahaha. Umuwi na din kame after makain yung tinolang fresh from the kinatay na manok. Feelingero pa ako kase feeling ko ako yung kinakawayan ni red guy nung umaandar na yung jeep namin paalis sa kanila. Hahaha.

Masaya naman ako sa experience kong ito maliban sa fact na namatayan kame. Nagbabalak sila ng reunion kase nga naman andaming hindi magkakakilala this coming December kaya sana eh matuloy. Nakakatakot lang kase feeling ko gagastos ako ng malaki dun. Hahahahaha. Masaya nga pala ako ngayon kase approved na yung application ko for note 2 and hopefully, makuha ko na siya sa Tuesday! Love it! :-)

That's all guys. KSGB. :-)