Nanood kame ng Transformers 3 sa Glorietta last Thursday. Hindi kame nakapag-3d kase hindi kame nakapagpareserve sa sureseats. Hindi ko alam kung bakit hindi pwedeng magpa-reserve gamit yung account ng friend ko. Hindi naman ako makagawa ng account kase kelangan globe and smart subscribers lang. Discrimination no! Porque ba mura lang ang load sa sun tapos pang-Ayala malls lang ang sureseats, ganun na lang yun??? It's so unfair! Chos! Hahaha.
Ok! Jump to the movie na tayo. Naloka na agad ako sa first scene! Nakakaloka talaga yung wetpaks ni Carly aka Rosie Huntington-Whiteley. Parang monay lang. Chos! As usual, hindi na ako magdedetalye ng story ng Transformers 3. Magbibigay na lang ako ng aking mga points, opinions and violent reactions (POV). Chos!
Isa lang masasabi ko sa effects ng Transformers 3. So EPIC!!! As in! Panalo talaga. Flawless yung mga eksena na hindi mo aakalaing magaganap sa tunay na buhay. Hindi ako nabored sa buong movie kahit maraming kwentuhan kase nga bumawi naman sa effects. Nakakaloka yung lips ni Rosie kung makapag-pout. Parang wala ng bukas. Daig pa yung nguso ni Angelina Jolie. Pero enjoy naman siya. Kaso iba pa din talaga yung karisma ni Megan Fox. When it comes to the lead character, syempre, winner pa din ang innocent/hunk/hottie/boy-next-door look ni Sam aka Shia Labouf. Natutuwa ako sa team up nila ni Rosie but if it's Megan, I think it would have been better. But I do not have bad blood ke Rosie, it's just that, aminin na natin, iba pa din si Fox. I know majority of you will agree.
As usual eh nakakapanindig balahibo pa din ang character at boses ni Megatron (voiced by Hugo Weaving) na ngayon eh kinakalawang at halos lasog lasog na ang katawan. Actually, kalahati na nga lang yung mukha niya eh pero winner pa din siya sa kasamaan bilang leader ng Decepticons. Si Optimus Prime (voiced by Peter Cullen) naman eh bida pa din bilang narrator ng story. Chos! Ganun pa din naman ang papel ni OP bilang tagapagtanggol ng mga tao.
Nagkaroon ng bagong character sa movie. Si Sentinel Prime (voiced by Leonard Nimoy) bilang dating leader pala ng Autobots na tumakas sa Cybertron upang iligtas yung mga churvaness na parang crystals. Nakalimutan ko na yung tawag nila dun. Hahaha. Napasigaw naman ako nung aktong papatayin na ng isa sa mga Decepticons si Bumblebee. Halos umingay talaga sa loob ng sinehan sa eksenang yun. Eh kase naman no! Siya yung bestfriend ni Sam sa mga Autobots kaya naman ganun na lang kami ka-affected. Hahaha.
Ang ayaw ko lang sa movie eh yung storyline. Nakakaloka lang na parang nalayo sa tunay na kwento yung takbo nung palabas. Parang mababanggit mo talaga yung mga katagang "Bakit me ganun?" tsaka "Ay, ano yun?". Eh kase naman dinamay pa yung buwan makagawa lang ng story. Chos! Sa totoo lang, hindi ko din sure kung yun talaga yung story ng totoong Transformers na pinalabas dati pero kung totoo man, parang hindi siya masyadong connected sa mga nangyari dati. Lol. Well, that's just my two cents. Pero overall, super nagandahan pa din ako sa movie.
I'm giving this movie a rating of 9.5 out of 10.