Powered By Blogger

Tuesday, December 21, 2010

Whirlwind

Hindi ko pa maovercome ang mga nangyari sa akin these past few days simula nung birthday ko. Me mga pangit na experience, pero mas maraming masaya. Naging masaya ang kabuuan ng birthday ko. Sabay sabay kaming naglunch ng mga kabigan ko dito sa company. Kasama ko din yung dalawa kong friends na galing sa Ayala na dumayo lang dito sa Buendia. Lol.

Maaga akong lumabas ng office para kitain yung bestfriend ng partner ko sa thesis na super friend ko na ngayon. Si Karen. Nagpasama ako sa kanyang bumili ng red shirt for my friends' company's Christmas Party sa Araneta Coliseum the next day. Nagkita kami sa SM Manila ng 7pm. Then tingin tingin ng red shirt. Wala akong makitang maganda kaya niyaya ko muna siyang kumain sa Greenwich. Inabot kami ng isang oras sa Greenwich kakadaldal naming dalawa. Haha. Ending, wala kaming nabiling red shirt sa SM Manila.

Punta kaming SM San Lazaro. Pagdating namin, saktong papunta na ang bestfriend kong si Macky. So hinintay na namin siya bago pumasok ng Department Store to look again for a red shirt. And sa wakas, nakabili na din ako. T-shirt yung nabili ko contrary sa gusto kong bilhin na polo shirt. Anung petsa na nung time na yun kaya hindi na kami nakakain na tatlo. Binilhan ko na lang ng brownies si bessy para me makain siya pagdating niya ng office. Yes, papasok pa lang si bessy dahil sa call center siya nagtatrabaho. I'll make kwento sa mga current events sa buhay ni bessy next time.


Overall, naging super masaya ang birthday ko. Thanks again guys for celebrating with me my birthday. love you all guys!


The next day is yung sinasabi kong Christmas Party ng company ng mga friends ko. Nagulat ako ng malaman kong hindi pala kaming lahat magrered. Buti na lang at red yung binili ko dahil kung ibang kulay yun na kasama sa mga choices namin at nageffort talaga akong maghanap nung kulay na yun, ewan ko na lang kung papaanong inis yung mararamdaman ko.


So eto na, kitaan na namin. Nag LRT ako papunta sa meeting place namin. Sakto naman na ang nasakyan  kong tren eh skip train kaya super luwag at nakaupo pa ako. Two stations away lang at bababa na ako. Maluwag pa din sa loob. Ding! Station ko na. I have to ride off na. Nagulat ako sa pagdagsa ng mga tao kasi nga, maluwag sa loob. Shit! Ako lang ang pababa. So pinilit kong bumaba. Tumunog na ang buzzer. Unti unti ng sumasara ang pinto. Nakalabas na ang kalahati ng katawan ko! Ayan na, konti na lang. Halos sabay sa paglabas ko ang pagsara ng pinto. Kinulang ako. Naipit ang paa ko sa pinto!


Nagsisisigaw ako. Masakit. Mahapdi. Naging mapula ang sahig at riles. Dugo. Nagdugo na ang paa ko. Patuloy pa din ako sa pagsigaw. Nahilo ako. Hindi lang dahil sa sakit at hapdi na nararamdaman ko. Hindi lang din dahil sa sigaw na namumutawi galing sa lalamunan ko. Sumisigaw na rin pala ang mga nakasaksi. Pito na ng pito ang guard pero hindi bumubukas ang pinto. Bakit kaya? Unti unti akong nawalan ng malay na yan ang nasa isip ko. Ngunit bago pa man sumara ang mata ko, nakita ko ang isa sa mga bagay ng kinatatakutan ko. Naputol na pala ang kanang paa ko.


ECHOS! Gawa lang ng imahinasyon ko ang huling paragraph. LOL. Pero totoong naipit ang paa ko sa pinto at nagsigawan ang ilang tao. Mabuti na lamang at bumukas agad ang pinto. Natawa ang ilang nakakita. Natawa na lang din ako pero sa totoo lang, natrauma ako ng bonggang bongga dahil sa nangyari. Ayaw kong mafinal destination noh! Kahit hindi yun ganon kamorbid eh nakakadiri pa din.


Anyway, fast forward tayo. Nakarating na kami ng Araneta Coliseum. Matagal kaming nagantay bago nagsimula ang program. Then nagsimula na. Sobrang lakas ng sound system pero ok lang. Concert party nga pala yun. I forgot. Bloom Brothers ang fornt act. Masaya. Maganda yung mga kantang kinanta nila. Then me modeling somethin' na hindi ko nagustuhan. Haha. Then Tanya Markova na. Konti lang ang alam kong kanta nila pero favorite ko yung Disneyland. Ansaya. Natuwa ako sa kabuuan ng performance nila.


Hindi na namin natapos ang party dahil hinihintay na kami ng dalawa naming friends sa labas. Hindi na sila makapasok kasi isa na lang yung ticket. Magulo kung ikukuwento ko pa kung bakit naging ganun. Tsaka masyado ng mahaba ang post na ito. Hahaha. Hindi na nga namin nakita ang finale ng concert party na iyon which is Bamboo.


Naghanap ng kami ng restaurant for post-birthday party celebration namin ng friend kong si Yani. Sa Gerry's Grill kami kumain. Masarap naman kahit medyo mahal. Super tagal namin sa loob ng resto kase anung petsa na kame nagstart kumain. Hinintay pa kase naming makumpleto kame. Hayun at todo kwentuhan kami ng mga buhay buhay namin. Two months ago pa kase simula nung huli naming pagkikita. And 2nd pa lang to na kumpleto (actually, hindi kami kumpleto dahil kulang kami ng isa pero basta madami kami, kumpleto na din yun. hahaha) kami simula ng graduation. Imagine that!


After na kainan, pinagusapan namin na magkita kita after ng Christmas para magexchange gifts tulad ng nakagawian. December 27 ng gabi ang target date. Gabi dahil me pasok ang iba sa amin sa date na yun. Oo, me mga company na KJ sa mga oras na yun. Hahaha. After the bunutan ng names, nagsiuwian na kami. Napagusapan namin (ng mga kasabay ko) sa jeep na magEK sa January. Ako ang nagisip ng date. Naisip kong sa katapusan na lang ng January para hindi na makaangal ang iba na me lakad sila ng araw na yun kase maaga ko silang sinabihan at dapat eh nakareserve na yung araw na yun sa alis namin.


Ayun, nakauwi ako sa bahay ng pagod pero super saya. Isa na ito sa mga pinakamasayang birthday ko. Nais kong magpasalamat sa lahat ng mga taong sumama sa akin sa pagcelebrate. Una na riyan ang bestfriend kong si Macky na walang sawang nagmamahal sa akin bilang kanyang bessy. Si Karen, ang mga friends ko dito sa Headstrong. At siyempre ang GeeCee na forever friends ko na. Thank you all guys! You all really made me happy! Sa uulitin.


Thanks uli. Ingats and Godbless us all! :-) :)))))