Hindi ako natutuwa sa ibang nangyayari sa akin nowadays. Nangunguna na dyan ang mga problemang pinansyal ko. Echos. Actually, hindi naman yun ganun kabigat kase nabubuhay pa naman ako kahit papano. Yun nga lang, feeling ko medyo kakapusin ako sa darating na buwan. Nakakaloka naman kase eh. Sunod sunod ang mga bayarin ko ngayong buwan at sa susunod na buwan na aabot ng kulang bente mil. Hahaha. Sosyal! Ay, parang hindi pala. Para kase sa akin, malaki na ang perang iyan. Bwisit kase yung cellphone ko bakit nawala pa. Eh di sana me ipon na ko ngayon.Anyway, kalimutan na ang nakalipas. Isa pa ang bayarin ko sa credit card. Grabe, nakakaloka palang magkaroon ng credit card. Feeling mo ang yaman yaman mo kahit sa totoo lang wala ka naman talagang cash. Bwahahaha. Totoo naman kase no! Napakadaming pwedeng paggamitan ng credit card nowadays kaya feeling mo me pera ka na din. Haha! Ayan tuloy umabot ng ganun kalaki ang mga bayarin ko. Hahaha.
Isa pang ikinalulungkot ko sa mga nangyayari sa akin ngayon ay ang hindi namin pagkikita ng best friend ko. Hindi ko alam kung bakit biglang naging big deal sa akin ang hindi namin pagkikita gayong dati naman halos isang taon kaming hindi nagkikita. Nagtatampo lang ako kase kahit nung birthday niya hindi man lang niya ko niyayang umalis. Hindi ko tuloy nabigay yung gift ko sa kanya. Imagine, magti-three weeks na simula nung birthday niya pero nasa akin pa din yung gift ko para sa kanya. Tapos last weekend, nagpost ako sa wall niya kung magsisimba ba kame, hindi naman siya nagreply, the day after na siya nakapagreply kase daw nuon lang niya nabasa. Ok lang sana kase ok yung reason kaso parang nagpatong patong na kase yung tampo ko kaya sumara na ng konti yung isip ko. Hindi ko na tuloy siya nareplyan. Hay.
This post is supposed to be yesterday's post kaso nasa unang sentence pa lang ako, narealize ko na na maguuwian na kaya ngayon ko na lang pinagpatuloy. Kaya maikukuwento ko pa ang isa na namang nakalulungkot na pangyayari sa buhay ko. This time, problema naman sa bahay. Sanay na kame sa super kakaibang ugali ng kuya ko pag nagalit na. Kung ako, super mainitin ang ulo, siya naman, super pagwawala ang nangyayari kapag galit na. Hindi ko na idedetalye ang nangyari pero alam ko na walang me kasalanan sa nangyari. Ang mali lang ng kuya ko is hindi na niya iniisip ang posibleng mangyari sa pagwawala niya. Hay. Isang napakalaking misunderstanding due to emotions inside ang nangyari. Isang simpleng statement lang ng nanay ko, ang dahilan, na sobrang dinamdam ni kuya. Hay. Hindi ko alam kung me matutulong ako regarding this problem of ours kase aminado akong I'm not in the right position to make a move kase alam ko na isa din ako sa mga madalas na me makaaway sa bahay. Bahala na. Basta gagawin ko na lang ang best ko para hindi na ako dumagdag pa sa eksena.
Well guys, it's goodbye time na. Haha. Keep safe (Lumindol kahapon pero hindi ko naramdaman. Malamang eh nasa loob ako ng jeep kagabi nang mangyari ang nasabing lindol pauwi sa aming bahay. Ingat sa ating lahat!). Godbless.