I am so busy these past few days. I can't even find a time to work on my life. Echos. Isang malaki pang ECHOS! Naku kung alam niyo lang ang pinaggagagawa ko dito sa office noong mga nakaraang araw. Haha. Zero. As in wala. W-A-L-A. Grabe nga eh. Kahit alam ko na hindi ko kasalanan na wala akong ginagawa, my conscience is attacking me pa din. Eh kase naman no! Yung ibang projects dito sa amin, yung mga developers eh inaabot ng magdamag sa pagcocode samantalang ako eto, me gana pang magblog. Haha. Considering na karamihan sa mga nasabing busy colleagues eh kapareho ko lang ng compensation. Yung iba kase eh tinatamad ng magfile ng OT nila dahil dun sa medyo me kabagalan na processing nito. Yung iba naman eh sacrifice na lamang yun para sa company. O diba, bongga sa kabaitan ang mga officemates ko. Lol.
Dahil nga sa wala akong ginagawa at dahil na rin sa first time kong magkaron ng credit card, masyado akong naging excited sa pagiisip kung saan ko gagamitin yung credit card, I spent most of my time searching for items na gusto kong bilhin and nangunguna na dyan eh ang iTouch.
Oo na, sige na. Ako na ang pathetic. Ako na ang kawawa. Mahirap lang naman kase ako no! Ngayon lang ako nagkaroon ng kapasidad na bumili ng mga bagay na gusto ko. Kaya sasagad sagarin ko na. Wala pa akong ipon up to now. Haha. Ewan ko ba kung saan napupunta ang mga sinahod ko. Hindi naman kalakihan ang binibigay ko sa bahay. Hindi din naman karamihan ang mga nabili kong gamit. Actually, yung cellphone ko pa lang na nawala yung nabili ko talaga na mahal. Oo mahal na yun para sa akin. Basta naging five digits na yung price, mahal na para sa akin. Ganito nga pala yung nawala kong cellphone. Ganito din yung binili kong bago, I mean 2nd hand, kong cellphone kase nga hindi alam sa bahay na nawala yung cellphone ko. See previous posts for more details. Echos. Lol. Eto na nga pala siya.
Photos courtesy of google.com
Ayan. Ewan ko ba kung bakit pero hook na hook ako sa mga touch screen na gadgets. Maybe because super sophisticated siyang tignan. Totoo naman diba? Ansosyal talagang tignan kapag touch screen yung gadgets niyo. Haha.
Btw, siguro sinasabihan niyo kong tanga dahil sa dahilan na nadukutan na nga ako, bibili pa ako ng bagong madudukot. Oo na, tanga na ako. Naisip ko na rin naman yun eh. Actually, nagdadalawang isip nga ako sa pagbili ng iTouch kaso nagiisip naman ako ng alternative na pwedeng bilhin. Ang balak ko kase, after kong mabili to, bibili naman ako ng laptop. Then after that, tsaka ako magiipon ng bonggang bongga. Promise! As in promise talaga. Kakaririn ko talagang magipon. Kung kelangan na ipatanggal ko yung credit card ko, papatanggal ko talaga. Haha. Ganun ako kapursigidong magipon. Kaso matagal tagal pa naman yun siguro mga one year pa. Kase 6 months kong huhulugan yung iTouch eh tapos 6 months ule yung laptop. Ayun. Haha. Basta promise! Magiipon talaga ako.
Sa ngayon, gusto ko lang talagang makuha yung mga gusto ko dati pa. Yun lang. Kase hindi ko naman alam kung mabibili ko pa yun sa future. Malay natin mamatay na ako. Echos. Biglang death ang usapan. Haha. Masyado na akong lumalayo. Wala na ata akong masabi. Lol. Sige na guys. Keep safe. Godbless. :-)
P.S. Bigla akong natuwa kanina sa pagnanature tripping. Sana magawa ko ito very soon. Haha. Pero siyempre gusto ko yung me kasama. Pwede ka ba? Haha. ;-)