Saturday, November 24, 2012

The Logo Quiz's Effect


I already got my phone from globe last Tuesday and masasabing sulit siya. Last Friday pa talaga siya ready for delivery pero dahil nga we're going to the province, I decided na idelay siya ng konti. Sobrang daming features ng Galaxy Note 2 na hindi ko ma-imagine na mag-e-exist pala. Like yung smart stay na hindi mamamatay yung screen ng phone if the sensor sa harap ng phone found out na nakatingin ka pa sa screen. Useful 'to if you're into reading. Kahit gaano kahaba yung text sa screen and matagal mo itong binabasa, the screen will not lock basta ma-sense ng phone na nakatingin ka sa screen. Another feature is the smart rotation na hindi mag-o-auto rotate yung screen kahit na horizontal na yung phone mo basta ma-detect na parallel sa phone mo yung mukha mo. One example of this is when you're reading while lying on the bed. The most powerful feature of the phone is the multi-window feature. Well, actually, hindi ko siya masyadong maappreciate kase I'm not the type of person na gumagamit ng dalawang applications at the same time at one screen. Sabi sa mga nababasa kong review, maganda daw gamitin if you're watching a movie then you have received a text and you need to reply. Ang weird lang kase makakanood ka ba habang nagtatype ng maayos? Kaya hindi ko feel 'tong feature na to pero astig siya actually. Hahaha. Ayan ha, calling Samsung and Globe, wala ba kong fee sa pagbi-build up ng products niyo??? Hahaha.

We watched the lights and sound show sa Ayala Triangle last night. I learned that iba iba pala yung nangyayari bawat show every night. Kada-30 minutes kase umuulit yung bawat show and nakaka-apat ata na show every night. Every show lasts for 10 minutes ata kaya ngawit na ngawit ako after kong videohan yung halos 90% nung show. 90% lang kase walang babala nung nagsimula. Hahaha. Nakaupo kame sa bench ng bigla na lang nagsimula. Ba yan?! Walang pasabi??? Hahaha.

The four of us had dinner na malapit lang sa Headstrong kase babalik pa yung dalawa sa office. Ganun ka-busy sa project nila. Anyway, I called Robert to invite them to join. Sakto namang magdi-dinner din sila kaya go sila. First time kong nakita yung bf ng isa sa friends namin. Badtrip kase naging crush ko siya. Shetness. Bakit siya pa? Charot. Hahaha. Hindi siya ganong gwapo pero me dating. Keri pumorma. Nung una deadma lang ako pero after naming maglaro ng Logo Quiz, tsaka ko siya naging crush. Dami niyang alam na logo. Na-conclude ko tuloy na matalino siya. And alam niyo yan! Weakness ko ang mga ka-brotherhood ni Einstein.

After dinner eh we headed sa coffee shop sa Vito Cruz. Of course, Starbucks it was dahil sa stickers for the planner. Social climbers lang ang peg. Wahahaha. Sosyal-sosyalan ang mga tao dun kase karamihan taga-La Salle. I just wanna share. Hahaha. Naghintay pa kame ng table na me malapit na outlet kase nalobat yung phone ko. Eh dun kame naglalaro ng logo quiz. May we continue the game na and as usual, napabilib niya ko sa galing niya. Paksheeeeet. Hahahaha.

Another thing I admired about him was the fact na hindi siya ilang sakin. Ang galing lang kase unang beses pa lang naming mag-meet then ang ingay ingay ko pa kagabi. Baklang bakla talaga pero nararamdaman ko talagang hindi siya naiilang sakin. Ang galing lang kase nakakapag-eye to eye contact kame habang nagkakagulo sa Logo Quiz. Hahaha. Tapos nagtatanungan pa kame na akala mo matagal na kameng magkakilala. Ang cute lang. Hahaha. Me nakaka-churva pang nangyari. Bago kase pumuntang Starbucks, pumunta kame sa office ng Headstrong. Nagcr yung iba kaya naiwan kaming dalawa. Hindi naman naging masyadong awkward. Konti lang. Hahaha. I decided na mag-cr kaya naiwan siya dun. Paglabas ko ng cube, nag-cr din pala siya buti na lang sa cube din siya kase baka matukso akong silipan siya. CHAROT lang!!! Hahaha. Basta ayun, binilisan ko na lang sa wash area para hindi na kame mag-abot. Hahaha. Basta, there's something about him kaya na-attract ako sa kanya. But i can't be. Sh*t. Malamang sa malamang eh straight siya dahil jowa niya nga yung friend kong girl. I dunno what happened to me at in-add ko agad siya sa fb. Waaaah. Hindi ako mahilig mag-add ng hindi ko naman ka-close pero I did, last night. What's happening to me. Hahahaha. Kelangan kong malagpasan ang phase ng kalandiang to. Agad agad. Hahaha. Wish me luck!!!

KSGB! Mwah! :-)


Sunday, November 18, 2012

The _riefs


I hate deaths. Kung may paraan lang para walang mamatay na tao especially sa mga love ones ko and if it's bibilically legal, I'll find a way to do it. Grrrr. I hate the feeling na me nagsa-suffer na tao because of the loss. Kahit anong pag-intindi ko sa phrase na "Huwag mo na siyang masyadong alalahanin, kasama na siya ni Papa God", ang hirap pa ding lunukin nung truth na nawalan ka ng mahal sa buhay. Siguro nga totoo yung sinabi ng high school teacher ko sa Economics na majority ng kalungkutan natin sa pagkamatay ng isang mahal sa buhay yung fact na wala ng gagawa ng mga tungkulin niya dito sa mundo especially sa family niya nung nabubuhay pa siya. Partly sad but partly true. Madami na kong nasaksihan sa tv na ini-interview na kamag-anak ng namatay/pinatay/nagpakamatay na tao na humahagulgol dahil sa mga dahilang : "Pano na ang pang-gatas ng mga anak natin? Huhuhu.", "Sino na ang gagastos sa pampaaral ng bunsong kapatid mo. Parang awa niyo na po, tulungan niyo po kame." and the likes. Pero syempre mas hindi nawawala yung palasak na : Napakabait na tao/ina/ama/anak/kapatid/asawa/pamangkin/tito/tita/lolo/lola po niyan. Bakit siya pa?". Dyan ko na conclude na ang grief ng isang tao eh hindi pangsarili lamang. 

Fiesta ang peg ng dinner pagdating namin ng Tarlac. Nahiya naman ako kase pumunta kame dun para makiramay hindi makikain. Hahaha. Basta ang daming pagkain. Halatang pinagkagastusan. Nakokonsensya tuloy ako. Hindi man lang ako nakapagbigay ng budget for food. LOL. Pumunta na kame ke Chang (we were raised na "Chang" ang "Chong" ang tawag sa mga titas and titos, respectively) to give our condolences. Konting kumustahan na din sa mga pinsan ko. Of course, medyo ilang ako sa mga pinsan kong lalaki pero I did my best to mingle but I guess my best wasn't good enough. Lol. Sa babae talaga ako comfortable na makipagkwentuhan kase nga we were on the same page. Lol. We can talk about everything without hesitations. Work/studies, buhay buhay and syempre boys. Hahaha. My gosh naman no, pananamit ko pa lang, dapat halata na nila. Lol. Nalaman ko sa mga kwentuhan namin na marami pala sa kanila eh nagsipag-asawa na. Ok naman yung iba, me mga kaya yung napangasawa and yung iba, parang walang nagbago sa pamumuhay nila. Simple lang. Mahirap palang makapag-aral ng college dun kase me bayad. Napakaswerte ko talaga na wala man lang akong any fee nung college sa PLM maliban sa P30 na bayad sa school paper namin. Normal lang naman yung suot ko pero feeling ko sinusuri ako nga mga taong nakakakita sakin. I didn't use yung mga gay lingo na alam ko para hindi naman ako umeksena. Ayaw ko namang lumabas na loud-slutty-bitch gay sa kanila. LOL. Pero hindi naman ako nag-astang lalaki din. Ok na yung nagpaka-prim and proper ako. Ayokong nagpapanggap. Maganda na yung malaman nilang lahat na hindi ako straight. Lalo na sa mga girls. Hindi ako gwapo pero hindi din naman siguro pangit kaya pinagtitinginan ng mga teenage girls. Siguro minsan lang me dumayong Manileno sa part na yun ng province. My gosh naman, hindi ko kayo type. LOL. Matapos kumain at makipagkwentuhan, lumibot na kame sa iba pang bahay ng mga kamag-anak namin. Dun ko na napansin ang mga pagbabago. 

9 years akong hindi nakapunta dun. Nung mga unang taon, dahil sa kabusy-han kaya hindi ako sumasama pero nung nagtagal parang default na talaga na hindi ako sumasama kase feeling ko I don't belong. Arteeee. Lol. Madami sa mga cousins ko, especially sa mga lalaki(madami akong first cousins na lalaki), ang hindi ko na makilala. Kung hindi pa sila pinakilala or kung hindi ko pa narinig yung pangalan nila, hindi ko makikilala. Actually yung iba nga kahit binaggit na yung name, hindi ko pa din ma-recognize. Nakakaloka. Hahaha. Hindi ko na din makilala yung lugar! Pagbaba nga namin sa inarkila naming jeep eh hindi ko na masyadong makilala yung place namin. Nagkaron kase ng tindahan sa harapan nung lagi naming tinutuluyan. Yung mga bahay naman nila, naging bato na lahat, dati kase, puro mga parang kubo pa sila. Yan pala ang nagagawa ng halos isang dekada. 

Natalo ako ng tumataginting na 500+ sa mini-sugal naming Pares Pares and Lucky 9. Hahaha. Keri lang naman kase minsan lang yun and madami din namang napunta sa ball. Inabot kame ng 3:30am sa paglalaro. Take note, nagsimula kame ng mga 7:30pm. So 8 hours kaming nakaupo dun. Parang pumasok na din sa office! Kaloka. Hindi naman kase namin namalayan yung oras dahil sa tawanan namin. Hindi ko nga alam kung appropriate bang nagsasaya kame habang nagsusugal sa patay eh. Nagpainom pa ng Tanduay Ice. Muntik pa kong malasing sa isang bote! Chos! Dito ko napansin si isang cutie. Nakaharap siya sa isang direction ko. Wala siyang ginagawa nung una pero nung nagtagal eh nagsugal na din malapit samin. Hindi pala masyadong cute. Lol. Pero keri na din. Nahiya naman ako kase nasa patay ako pero lumalandi pa din ang lola niyo. Hahaha. Hindi mo naman kase maalis yun diba. Lumusot pa ko. Lol. Actually, cute yung pinsan kong anak nung tito kong namatay pero syempre that's a no-no. Mahiya naman ako sa sarili ko diba. Tsaka nakita ko kinabukasan na me jowa na pala si insan kaya mas lalong off-limits na. LOL. So may I forget na about them na. Akala ko makakapag-concentrate na ko sa nilalaro namin kase natatalo na yung milyones ko. Hahaha. Pero may dumating na mapormang guy. Let's call him "the red guy". Naka-red kase siya. Bwahahaha. Mas gwapo si insan dito pero dahil off-limits nga si cous, keri na siya. LOL. Later on, nalaman kong anak siya sa ibang guy ng asawa ng tito kong namatay na din dati pa. Hindi ko sure kung kamag-anak ko pa siya. Sana hindi na. Fingers crossed. LOL.  

4:00am na ako nakatulog and charan! 6:00am, gising na ko. Kumusta naman yung pagkahilo ko nun diba. Sana pala tinuloy tuloy na lang namin hanggang umaga yung pagsusugal. Hahaha. Breakfast galore and prepare na for the libing. Sobrang init ng sikat ng araw kaya mega-payong kame. Mahabang lakarin pero keri naman kase kakwentuhan ko yung cousin kong girl na taga-Manila din. Eksena sa mass yung pamangkin ko kase umiyak ng bonggang bongga eh di super echo yun sa buong simbahan. Eksena talaga. Lol. Muntik na kong maiyak nung sini-seal na yung nitso ni Chong. Ramdam ko yung lungkot ng bawat isa. Kahit na hindi naman kame close eh alam kong mabait na asawa, kapatid at ama siya. Naalala ko nung nalaman na ng tatay ko(kapatid ng tito kong namatay) na wala na si Chong. Hagulgol to the max siya. And for a guy na umiyak ng ganon, alam kong nalungkot at nasaktan talaga siya. Nasabi pa nga niya na me time na umuwi siya ng province and naubos yung pera niyang dala, si Chong yung nagbigay sa kanya ng pamasahe pauwi dito sa Manila. Anyway, naiinis ako sa mga picture-pictures sa lamay/libing. Parang inappropriate talaga. Nagdadalamhati yung mga tao tapos kinukunan mo pa. Parang ang sad lang.

After lunch time eh umalis na kame. Sobrang paalamanan ang naganap. Syempre mukhang matatagalan ulit bago ako makabalik dun kaya may-I-hug ako sa mga tita ko and sa ka-close kong girl cous. My gosh, muntik ko pang makalimutan yung cellphone kong naka-charge. Nakakaloka. As in, nakasakay na ko sa jeep, makakalimutan ko pa. Lol. Hindi pa kame dumretso sa Manila. Dumaan muna kame sa bahay ng pinsan ko na sa Tarlac din nakatira pero sa ibang bayan. Kinikilig ako kase kasama ko sa jeep si the red guy. Ngayon ko lang na-realize na hindi pala ako sure kung kapatid ba siya ng pinsan ko sa nanay. Hahaha. Basta ayun na. Medyo na-bored ako sa kanila kase halos matatanda lang yung nagkukwentuhan and antok na antok na talaga ako kaya nakaidlip ata ako sa jip. Nakiligo muna ako sa kanila nung nalaman kong nagkatay pa ng manok and niluluto pa yung tinola. Bihis na ako and naglalagay na ng wax sa hair ko ng makita kong nasa salas ng bahay si red guy and he's pulling down his pants. I was like "omg, what are you doing? bilisan mo, na-e-excite ako". Charot lang! Akala ko underwear niya yung nakikita kong black nung hinuhubad na niya yung pants niya. Grabe, pervert ang peg ko dyan. Hahaha. Pero to my dismay, naka denim shorts pala siya inside. Ano ba yan. Lol. Akala ko tinutukso niya ko. Balak ko pa namang magpatukso. CHAROT lang!!! Hahaha. Ayun lang. Bow. Mukhang straight si kuya eh. Hindi ko siya masyadong nakakatinginan eh. Ambisyoso lang ako kase akala ko kukunin niya yung number ko. Akala ko lang pala. Hahaha. Umuwi na din kame after makain yung tinolang fresh from the kinatay na manok. Feelingero pa ako kase feeling ko ako yung kinakawayan ni red guy nung umaandar na yung jeep namin paalis sa kanila. Hahaha.

Masaya naman ako sa experience kong ito maliban sa fact na namatayan kame. Nagbabalak sila ng reunion kase nga naman andaming hindi magkakakilala this coming December kaya sana eh matuloy. Nakakatakot lang kase feeling ko gagastos ako ng malaki dun. Hahahahaha. Masaya nga pala ako ngayon kase approved na yung application ko for note 2 and hopefully, makuha ko na siya sa Tuesday! Love it! :-)

That's all guys. KSGB. :-)


Sunday, November 11, 2012

Does Globe really sucks?

Nababadtrip ako sa globe. Ang weird lang kase hindi daw nila narereceive yung requirements na pinapadala ko regarding sa application ko for one of their plans. Last October 31 pa ko nagpasa ng requirements ko sa kanila. Four latest payslips, two latest credit card statements and a valid ID. Saturday afternoon tumawag si ateng taga-Globe. Malas lang kase nasa loob ako ng cinema at nanonood ng Skyfall kaya I advised her to call again later that evening which she never did. Monday when I followed up my application via telephone call sa hotline nila and it's indicated daw na they haven't received yet my requirements which was okay with me naman since hindi naman ako nagmamadali and Nov. 1 ng madaling araw ko na ata nasend yung requirements(?) so I re-sent it na lang.

Tuesday morning when I followed up again to confirm if they received na yung e-mail ko ng mga requirements. Hindi pa daw. They said na baka hindi pa lang nila ulit nachecheck yung e-mail. So ok lang. As I've said, hindi naman ako nagmamadali. They also said na I should follow up again after two days kaya Thursday, I followed up again. My gosh, wala pa din daw. Maghintay na lang daw ako ng tawag from them. Nakakaloka lang. So kunwari, ok lang ulit. Hahaha.

Nasa Star City ako kahapon when I received a call from them. Ang weird lang kase bakit tuwing Saturdays lang niya ko tinatawagan. Nagtataka lang ako kase ang haba ng weekdays pero bakit Saturday niya ko pinipiling tawagan. She explained to me what happened sa application ko and uminit talaga ang ulo ko. She told me na baka daw nag-exceed sa 2mb yung e-mail ko ng mga requirements kaya hindi nila narereceive which I'm sure it really did kase ilang images din yun. Nakakaloka lang kase I'm not advised na ganun pala yun. Nagreklamo ako sa kanya na I should have been informed na ganun. Shet lang. Dahil mabait ako, i told her na sige, i-re-re-send ko lna ang when I got home. Nabadtrip lang ako sa sinabi niya na kung gusto ko daw, sa globe physical store na lang daw ako mag-apply para walang problema. Eh punyeta pala siya eh. Kaya nga sa kanila ako nag-apply para wala masyadong hassle eh tapos sasabihan niya ko ng ganun??? Isang maling salita na lang talaga niya, makuha ko lang yung unit, irereklamo ko talaga siya. Badtrip.

Anyway, super nag-enjoy naman ako kahapon sa Star City kaya keri lang. Relaxed na ako. Pagtyatyagaan ko na lang muna tong poor service na globe. Kaya siguro mas mababa yung cash out kapag sa phone ka nag-apply compared sa physical store eh dahil nga kung anik anik na hassle ang mararanasan mo. Hahaha. Buti na lang kahit papano me mga cute kahapon sa Star City. Meron din namang super mga gwapo pero lahat ata eh taken na. Ouch lang. Kasama pa yung mga jowa nilang mukhang katulong. Charot! Bitter lang. Hahaha.

Super quota ako sa Surf Dance kase naka-apat na sakay ako. Nung pang apat na sakay ko eh parang wala na masyadong excitement. Hahaha. Pero super saya pa din. Hindi ko na ulit tinry yung Viking kase eto yung nagpasama ng pakiramdam ko the last time I went there. I believe, nasulit ko naman ang Ride All You Can worth 350 . Hahaha!

That's all! KSGB! :-)

Sunday, November 4, 2012

A Not So Beautiful Affair

  
I haven't posted anything pala last October. Wala kase akong maisip. Hahaha. Anyhow, what's happening to the cursed martian ba? Parang wala nga eh. Kung me highlights kase sa buhay ko last month, I created a post sana. Kaso mukhang wala talaga. Hahaha.

Magkukuwento na lang ako ng kung ano ano. Hahaha. Napadalas ang mga gimik re : alcohol consumption, coffee drinking, movie time, mall strolling. Well, I can't say na it's gimik talaga. Basta lagi akong nagyaya sa kung saan saan. Coffee here, inuman there. Movie here, rampa there. Kaya nga taghirap pa din ako hanggang ngayon. Hahaha.

Even though poorita pa rin ako, I didn't have second thoughts on giving myself a Christmas gift which I'll pay for 24 months. Hahaha. I already computed my gastos for gifts/pamasko for my love ones and holy macaroni, mas malaki pa sa 13th month pay ko. Hahaha. Kaya naman naisip ko na better give myself naman a gift kahit papano. Kawawa naman ako kung wala akong mabibili for myself this December eh it's my birthmonth kaya! And it's Pasko; time  for giving. Kaya bibigyan ko din ang sarili ko. Hahaha.

I already applied sa Globe for the phone I'm eyeing and I'll wait na lang na tawagan nila ako para sa delivery nung unit. Anyway, Galaxy Note II yung gusto ko. A gigantic phone kaya tinatawag din siyang phablet (phone/tablet). See pics below. For more information about the phone, please google it na lang. Hahaha. I told earlier na 24 moths kong babayaran yung unit because it has a lock-in period of 2 years with a cash out of P6k, it has a minimum monthly bill of 1799 with an unlimited internet and P800 consumable Sir/Ma'am. Any other charges and transaction will be on top of the minimum bill po like sharing load. Wahahaha. CSR lang ng Globe ang peg??? Hahaha. Yung nasa right side na color yung gusto ko. :-)

       

On a darker note(me ganun ba? Hahaha.), bitter ako sa crush sa twitter. Hindi niya ko nirereplyan. I added him kase on FB and I told him on a twitter message na hindi niya pa ko kino-confirm. I thought ok lang yung pagkakasabi ko kase akala ko ok yung online friendship namin. Eh hindi siya nagrereply kahit ilang beses ko na siyang minessage so I took it as a "no". Actually, in-add ko na din siya dati bigla ko lang binawi yung friend request kase nahiya ako bigla. I never thought naman na wala pala talaga siyang balak i-confirm ako. Hahaha. Bitter lang ako ng konti kase akala ko we're riding on a same boat. Turns out, we don't. Pero nakapagmove-on na naman ako. Wala naman akong magagawa kung ayaw niya sakin diba. Nakakasawa ng magpakababa. Emo??? Chos! Hahaha. Basta hindi na ko bitter katulad nung mga nakaraang araw. Ayan EG ha, hindi na talaga ko bitter. Baka kung ano pa masabi mo. Hahaha.

Ok fine, on a lighter note naman, lagi nga kaming umaalis ng mga college friends ko nowadays. Kahit lunch, madalas pa din kaming magkakasama considering na magkakaiba kame ng company. Nagkikita kame sa Ayala then gora na sa Landmark where we always eat. Meron kase dung food court sa pinakababa. Hahaha. Syempre tipid mode kami madalas kase masakit sa bulsa if we'll eat sa restaurants everytime we'll eat together diba. Tapos sila din madalas kong kasama pag nag-i-stroll sa malls and pag nag-i-inuman. Masaya kasi silang kasama. I can be the pinakabaklang version ko when I'm with them. Malandi ako pag kasama ko sila. Walang sapawan sa kwentuhan. Kanya kanyang ingay. Kanya kanyang kwento. Even if tatlo lang kame, minsan apat, wala talagang dull moments. Sana hindi magtapos ang mga gimiks namin. Malulungkot talaga ako ng bongga. :-(

Umuwi nga pala galing Singapore yung super friend namin ni Robert. We had a dinner at TGIF courtesy of generous Robert. Hahaha. Don't worry friend, babawi ako senyo kapag malaki na sahod ko. Lol. Nakakalungkot lang kase sandali lang kaming nagchikahan. Sumakit kase tiyan nila sa ininom nilang drinks na parang cocktail. Hahaha. Anyway, wag ka ng mag-emo Robert, ipagpe-pray ko na makahanap ka na. Kahit wala na ko, kahit ikaw na lang. Ganyan ako kabuting kaibigan. Wahahaha. Sana din makaget-over ka na ke Tutut. Para naman ke Khai, ingat ka diyan sa sg, sana magbloom ang lovelife mo diyan. Hahaha.

Pinagalitan ako ng AVP sa office last week. Nahuli kase akong nag-tu-twitter. Aminado naman ako sa kasalanan ko kaya medyo nahihiya ako. Hahaha. Nanood kame kahapon ng Skyfall. Ganda ha, in fairness. Ganda din nung theme song ng movie : the title itself by Adele.

Meron akong super problem ngayon kaso super haba na nitong not-so-bitter post ko. Next week I'll post it. Nababagabag talaga ako sa future ko. Hahaha. Sana me makashare ako ng frustrations ko about that. Malay mo, hindi na natin problemahin yun kase sabay na natin siyang haharapin. Ansabeeee? Hahahahahaha.

KSGB! Mwah. :-)