"Be my last 'teenage dream' tonight". Isa yan sa mga status ko kagabi. Pero bwisit, hindi man lang nagkatotoo. Hahaha. Wala akong napanaginipan kahit isa. Pero siguro meron hindi ko lang matandaan. Anyway, ayaw kong idestroy ang aking birthday dahil lang sa panaginip na yan!
Wala akong gaanong pera nowadays kaya naisipan kong sa fastfood ko na lang ililibre yung mga friends ko. I'm so poor. Hahaha. Well at least, nakapanlibre ako. Hahaha. More than 15 kami mamayang sabay sabay na maglulunch. And I'm so excited about it. Magkikita din kame ng bestfriend ko mamaya to have dinner. Late na kame makakapagdinner kaya me kikitain pa akong isang close friend. Pero hindi pa ata siya sure. Aun.
Wala akong masyadong makwento kase wala namang exciting na nangyari sa akin these past few days. Well, I can't say anything na. Happy Birthday to me na lang. Help me pray na sana maging masaya ang buong araw ko ngayon.
Yngats and Godbless guys!
PS Nagsimbang gabi ako kanina. Sobrang galing magsermon ng parish priest namin. Hindi ka talaga anntukin. Tatamaan ka talaga sa mga sermon niya and you'll learn form it. Ang galing nga kase taon taon, tinatanung niya kung sinung me birthday for that particular day and hindi ako nagtataas ng kamay kase nahihiya ako. Eh kanina sinigaw ng tita ko yung name ko kaya nalaman tuloy ng lahat ng tao na birthday ko. Pero it's okay naman. Actually, mas masaya pa nga eh. Inabot ng 2 hours yung mass pero all throughout hindi man lang ako inantok. Ganun siya kagaling! Love you po father! :-)