Birthday ng aking best friend for seven years na si Ms. Maricris (I'll not state na lang her surname for security purposes. Echos) ngayon and she's turning 21 na. Yes, mas matanda siya sa akin ng ilang buwan pero hindi halata. Haha. Wala kaming planong umalis ngayong araw. Hindi ko alma kung bakit. Hindi naman kase niya ko niyaya no! Nakakaloka naman kung ako pa ang magyayaya sa kanyang umalis. Eh di parang magpapalibre lang ang labas ko non. Haha. Tsaka baka me sarili silang lakad ng boyfriend niya. Baka sa ibang araw niya ko yayain. Assuming ako! Pero dapat lang naman diba.
Sa loob ng pitong taong pagkakaibigan namin ni Macky (her nickname), dumaan kami sa hindi mabilang na tampuhan. Meron ngang isang beses na para kaming mga tanga. Hindi kase kami magkablock nung 4th year high school. Eh since magkasunod lang naman yung sections namin (mas mababa yung section ko sa kanya. Haha.), kadalasan eh magkakasalubong lang kami sa corridor kapag change subjects na. Isang beses, para kaming mga tanga, hindi kami nagpansinan. Tapos ayun, nagtuloy tuloy hanggang umabot na ng ilang linggo. Malapit na ata yung graduation nung nagkabati kami. Parang tanga diba.
After high school naman, magkaiba kami ng university na pinasukan kase hindi siya nagexam dun sa school ko kase strictly for Manila residents lang yung school ko eh taga Caloocan siya. Kaya ayun, nung mga unang taon ng college, kadalasan, twice a year lang kami magkita at puro tawag tawag lang kami sa telephone (wala kaming mga cellphones. Taghirap kami pareho. Hahaha) that time. And umaabot kami ng mga 2-3 hours sa paguusap dahil nga sa katagalan na wala kaming walang balita sa isa't isa.
Noong mga 3rd year college naman, nagkayayaan kaming magsimba one time and after that, every other Sunday, kung walang aberya, na kami nagkikita to attend a mass sa Tondo Church. Every other Sunday lang kase every Sunday din kung magserve siya sa parish nila. Hanggang ngayon ganun pa din yung set-up namin. Text text before every other weekends for confirmation kung tuloy ba yung simba namin.
Maayos naman ang naging relasyon namin as bestfriends as the years past. Masasabi ko na isa siya sa mga pinakamahalagang tao sa buhay ko ngayon. Siya ang naging sandalan ko ng ilang taon. Ang masasabi ko lang sa kanya, "I Love you so much Bessy!!!" at ke Father God naman, "Thank You po so much for giving her to me".
Ang hiling ko para sayo Bessy, more love, more beauty, more growth in your career and siyempre, more blessings for you. That's all Bes, thank you so much for everything. I miss you, I love you! Godbless! Mwah!
Keep safe! Godbless us all. :-)