Friday Night (June 17, 2011)
Foundation Day ng aking pinakamamahal na alma mater; ang Pamantasan ng Lungsod ng Maynila. That time, wala na sa plano namin ang pagpunta sa nasabing event ng skul pero biglaang change of minds, pumunta na kame. Napakabilis ng mga pangyayari. Hahaha. Eh kase naman wala pa ata kameng 2 hours sa school, umuwi na din kame. Super parang tanga kase right after matapos ng swimwear competition ng mga candidates for Ginoo at Binibining Pamantasan, nagsiuwian na karamihan ng mga students! Nakakaloka. Sadyang makamundo ang mga kabataan ngayon. CHOS!
Me nagawa akong kasalanan that night. Yung isa ko kaseng ka-close na prof, siya yung kasama namin all throughout the event. Tapos nung pauwi na kame, nakalimutan kong tawagan siya na pauwi na kame tapos nung nasa jeep na kame, tinext niya ko. Dun ko naalala na hindi ko pala siya nasabihan na uuwi na kame. Nagreply ako ng sorry sa kanya per hindi na siya nagreply. Shetness. Sorry talaga Sir! Lol.
Bakit ko nga ba nakalimutan na itext si sir? Ang sagot: eh kase naman bigla kong naalala yung nomo session ng portri (batchmates ko nung highschool. Kaya portri kase section 3 kame nung fourth year high school. Got it? Ayun!) sa Panulukan, Tayuman. Na-excite ako bigla kaya fly fly agad ako. Bwahaha.
Madami na sila pagdating ko. Nakakatuwa kase sa tabi ng ex-crush ko (na hindi naman gwapo pero super mabenta sa gays and gals. Siguro kase super duper bait niya. As in.) ako napaupo. Tama, hindi ko sinadyang dun umupo no! Promise. Hahaha. Pero hindi ko na siya crush ngayon. Promise! Me nangyaring kakaiba. Yung isa ko kaseng classmate na girl na so so lang yung closeness namin, nagkwento ng bonggang bongga tungkol sa lovelife niya. Ako, naman, natuwa kase parang nagbigay siya sakin ng trust sa move niyang yun kaya todo kinig ako sa kanya. Todo advice din kung sakaling nagtatanong siya ng opinyon ko. Super tagal din naming nagkwentuhan. As in. Halos buong stay ko dun eh ka-kwentuhan ko siya. Hindi ko alam kung dahil ba sa tipsy na siya kaya siya nag-open sa akin o pinagkakatiwalaan niya talaga ako.
Mahirap ang sitwasyon ni friend. Me gusto siya na gusto din siya (actually, mag-ex na sila dahil sa napakababaw na dahilan, imo) kaso me ibang mas priority si guy; ang studies. Kaya naghiwalay muna sila. Si girl yung nakipaghiwalay kase ramdam na ramdam daw niya yung kawalan niya ng halaga kay guy. Tapos itong si guy, sinasabi niya ke girl na mahal niya to pero hindi naman nararamdaman ni girl. Hindi kase showy si guy. Then another person came in. Meron daw ngayong "nanliligaw" ke girl. Eh ang kaso, wala talagang nararamdaman si girl ke guy2. Hanggang super friendship lang talaga ang maibibigay niya rito. Pero consistent pa din si guy2 sa panunuyo ke girl. Tinanong ako ni girl kung masama ba siya sa ginagawa niya na hindi pagbibigay ke guy2 ng chance. Ang sabi ko naman, hindi. Super hindi talaga. Dahil ang masama ay kung bibigyan niya ito ng chance pero ke guy1 pa din nakatali yung puso niya kase magiging super unfair niya nun ke guy2 tsaka clear naman daw ke guy2 na nagiging mabait lang siya dito for friendship sake and not for the reason na binibigyan niya ito ng pag-asa. Tama naman diba???
Natigil sandali ang pagkukuwentuhan namin dahil naki-mingle muna kame sa iba kase parang tinutukso kame na me ibang world na kame kase nga super serious ng pinaguusapan naming dalawa. Maya maya pa eh nagkukuwentuhan na naman kame ni friend na girl. Napapansin ko na paulit-ulit din yung sinasabi niya pero sinasagot ko pa din. Hahaha. Tipsy na kase siya. Nakailang bote na din kase samantalang ako, 1/3 na bote pa lang yung nalaklak ko. Dinaan ko kase sa kwento eh. Bwahaha. Ang mga sumunod na sinabi ni friend na girl ang ikinagulat ko. Hindi ko akalain. A big revelation! Kaloka. Si mabentang ex-crushie pala si guy2.
Nanlaki ang mata ko sa sinabi ni girl. Ang nasabi ko na lang, "Ganda mo te!". Wahahaha. Eh kase naman no, andaming nagkaka-crush dun tapos sa kanya nagkagusto. Hahaha. Ang ironic no! Kung sino yung gusto niya, hindi pa sila pwede, tapos yung me gusto sa kanya, hindi naman niya gusto. Hay buhay.
Another highlight ng gabing yun eh yung pagkakatupad ng isa sa aking mga dream. Ang aking super duper ultimate dream na napakababaw naman. Hahaha. Super babaw talaga. Ayaw ko na tuloy i-share. Nahiya na ko. Chos! Ang dream na iyon is yung yakapin ng isang guy. OO NA! Napakababaw na! Hahaha. Anyway, kwento ko na kung paano nangyari yun. Btw, ke ex-crush galing yung dream hug. I just stated earlier na mahilig mang-akbay si ex-crush pag nagpipicture. So hindi ko alam kung saan nanggaling yung tapang ko that night at tinanong ko sa kanya kung kaya niyang yakapin ako habang nagpapapicture kame. Shetness. Wala man lang inhibitions niya akong niyakap. Grabe. Hindi kilig ang naramdaman ko that time kundi super tuwa kase me straight guy pa palang ganun sa mundo. Hahaha. Ini-status ko pa sa fb na natupad na yung pangarap ko. Thank you talaga friend. Hahaha.
____________________
Naka-message ko sa facebook yung super friend kong lalaki nung bata pa ako. 10 years na kaming hindi nagkikita. Sabi niya, pupunta daw siya sa bahay namin kase me pupuntahan siya sa malapit samin. Hindi ko gusto yung idea na yun kase hindi ako prepared. Bwahaha. Biglaan naman kase. Tsaka lalake siya (kung lalake nga. LOL). Hindi ako comfortable talaga kaya gumawa ako ng paraan para hindi kame magkita. Hahaha. At ayun nga, pumunta ako't nagpaabot ng madaling araw sa inuman namin ng high school friends ko para hindi ko na siya maabutan sa bahay. Ansama ko no! Hahaha. Hindi pa kase ako ready. Maybe in time. :-)
____________________
Saturday (June 18, 2011)
Nagkita kita naman kame ng mga college friends ko para pumunta ng Trinoma to watch Super 8. Ang konti namin. Grabe. Nakakalungkot. Apat lang kame. Kaya namin naisipan na gumimik kase baka biglaan na lang umalis na yung isa naming friend papuntang US and ang alam ko, for good na siya dun and bibisi-bisita na lang siya dito sa Philippines. Ayun. Nakakalungkot lang kase dapat madami kame eh. Nagkataon lang na me pasok yung iba tapos yung iba me gagawin that time. Hay.
Ayun. Super disappointed ako sa ending ng movie. Nakakabwisit talaga. Alam mo yung feeling na me hawak kang pagkalaki-laking gift tapos tuwang tuwa ka nung binuksan mo tapos ang laman lang pala is pagkaliit liit na walang kwentang bagay? Ganun. Natutuwa na ako eh. Nae-excite na din ako. Tapos biglang ganun na alng yung ending??? Kaloka! Hahaha. Second time ko na tong na-disappoint ng bonggang bongga sa movie na me kinalaman si Steven Spielberg. Una na yung War of the Worlds kung saan siya pa yung director. Executive producer naman siya dito sa Super 8. Laging walang kwenta talaga yung mga ending nitong dalawang movies na ito. What happened Steven??? LOL. (Paulit ulit??? Hahaha. Na-post ko na din kase yan sa FB tsaka sa twitter. Bwahaha).
I'm giving this movie a rating of 5 out of 10. Bwahahaha.
I'm giving this movie a rating of 5 out of 10. Bwahahaha.
Mabuti na lang bumawi ang happenings kase me 50% off kame sa Gelatissimo. 110 pa naman yung isang scoop dun ng ice cream kaya bumili na kame. Hahaha. Nag-enjoy naman ako sa ice cream na kinain ko kaya nabawasan na yung inis ko sa movie. Wahaha.
____________________
Sunday and Monday (June 19-20, 2011)
Father's Day last Sunday. Pero hindi ko na binati yung tatay ko. Hindi naman kase kami ok. Naisip ko na mas masama lang ang gagawin ko kung makikipagplastikan ako sa kanya. Papalabasin na ok kame kahit hindi. Hay.
Birthday ni Jose Rizal. Birthday din nung crush ko nung high school. Hindi ko na siya crush ngayon. Nagtataka ako, kahit yung ibang classmates ko nung highschool, wala ding balita sa kanya. Bumagsak kase siya dati nung 2nd year pa lang kami. Magka-college din kame nun kaya nakikita ko pa siya pero after some time, nalaman ko na lang na lumipat na siya ng school. Nasan na kaya yun? I'm just wondering.
Wala akong ginawa buong maghapon kahapon. Puro tulog lang then nagsugal kame ng Pares-Pares. Bwahaha. Katuwaan lang naman. Nanalo ako. Yehey. Hahaha. I just wanna share. Lol.
____________________
Bye bye! Keep safe. Godbless.