Yehey! Sa wakas, nakalipat na ako ng pwesto. Matatakasan ko na din ang mga kinaayawan ko sa dati kong floor. Pero parang tanga din. Kase malaki pa din ang possibility ko na makita si RaDaR tsaka yung taong nagsabi sa kanya na crush ko siya. Doon pa din kase ako kumakain sa floor nila. Yung mga lunchmates ko kase, nandun pa din sa floor nila RaDaR. Ako lang yung lumipat kaya no choice but to eat there pa din. Dyahe naman kase kung dito pa kami kakain sa current floor ko eh tatlo na nga silang nandun sa dati kong floor.
Anyway, hindi ako masyadong makakapag-post nowadays kase kelangan kong mag-aral ng bongga tungkol sa system ng current project ko. Kaya kahapon eh medyo busy-busy-han ako ng konti. Oo, konti lang. Lol. Kase nga me simple task kame tungkol sa paggamit nung system. Siyanga pala, iba na yung major capability ko. Bye bye Developer, hello Quality Assurance ang drama ko ngayon. Actually, pinagisipan ko munang maigi yung major change sa career ko kase alam ko na malaki yung impact nito sa future ko and knowing me na super paranoid when it comes to my future, ilang araw din itong namalagi sa aking utak. Yes, araw lang. Minamadali ko na kase yung sarili ko kase baka mawala pa yung opportunity na nakalatag sa harapan ko. Kaya nga heto ako ngayon, napagdesisyunan na mag-change na ng path ng career. At so far, wala pa naman akong nakikitang hindi ko magugustuhan dito. :-)
____________________
Nanood ako last Sunday ng X-Men: First Class... ng mag-isa. Punyemas kase. Wala naman talaga akong balak na panoorin yung movie na yun kase hindi ko naman siya gaanong feel. Hindi kase ako fan talaga ng X-Men. Me ibang characters lang talaga na gusto ko yung powers nila kaya pinanonood ko yung mga dating installements ng X-Men pero wala akong balak na panoorin siya sa big screen. Nainggit lang ako sa mga kakilala ko na napanood na yung movie and they said na maganda naman kaya pinanood ko na.
Nung una, wala akong balak na panoorin siya asap kase hindi pa ko prepared. Kaya nagyaya muna ako ng ibang mga friendships ko. Eh kaso yung iba napanood na. Tapos yung iba nasa kung saang lupalop pa ng Philippines at pauwi pa lang kaya wala talaga akong ibang mayaya. And so I decided na manood na lang ng mag-isa. Masyado akong na-excite manood kase nga akala ko eh me makakasama ako kaya noon din mismong araw na iyon ako nanood. Masaya talaga ang biglaang plano.
____________________
Sa SM Manila lang ako nanood para hindi gaanong hassle. 3:15 yung pinakamalapit na time eh kaso 3:19 na nung time na nakarating ako sa bilihan ng ticket kaya yung 4:00 na lang yung kinuha ko. Nagpalipas muna ako ng ilang minutes sa Quantum then bumili na ako ng popcorn then back to cinema. Pero bago ako pumasok, bumili muna ako ng drinks. Yun lang. Lol.
Marami rami na rin ang mga tao pagpasok ko. And syempre, dun ako sa vacant row umupo. Hindi naman sa nag-eemo ako. Kairita lang yung mga couples kaya mas pinili kong mapag-isa. Karita sila kase ginawa nilang park yung sinehan kaya imbes na kiligin ako eh nairita ako sa kanila. Haha.
Nag-start na ang movie. Obviously, sila Magneto and Professor X ang mga bida dito. Kasama na din pala yung napakawalang hiyang villain sa movie na siyang pumatay sa nanay ni Magneto kaya ito naghiganti. Umikot ang story sa paghihiganti ni Magneto ke Sebastian Shaw na talaga namang nakapangingilabot ang taglay na kapangyarihan. In my opinion, maihahalintulad ang kapangyarihan ni Shaw ke Jean Grey ng X-Men : The Last Stand. Eh diba halos katakutan si Jean dahil sa napakalakas niyang kapangyarihan na siyang pumatay ke Professor X?! Kaya naman sa tuwing makikita ko si Sebastian, ganun na lang yung hilakbot ko. Haha. Call me an over reacting specie pero yung talaga yung naramdaman ko sa tuwing nakikita ko siya. Weird. Siguro dumagdag pa ang lamig ng aircon sa cinema sa pagtayo ng mga balahibo ko. Hahaha
Madami akong nalaman at natutunan tungkol sa X-Men sa panonood nitong First Class. Isa na diyan yung history nila Magneto and Professor X. Dati pala silang magkaibigan na pinaghiwalay ng magkaibang paniniwala. Hindi sila nagkasundo sa kung anung balak nila sa mga natipon nilang mutants kaya naghiwalay sila ng landas. Nalaman ko din ang dahilan kung bakit naging ganun si Beast. Gwapo pala siya dati. Promise. Haha. Ang pinagkaiba niya lang sa mga normal na tao eh ang kanyang mga paa na kamay ang itusra. Dahil sa pagiging genius, gumawa siya ng gamot para maging normal na silang mga mutants. Ok na sana eh. Kaso pagkalipas pa lang ng ilang seconds, bumalik na sa dati yung itsura nung paa niya tapos maya maya lang eh mas lalong lumala yung itsura niya. Hindi na lang paa yung nagmutate sa kanya. Buong katawan pa. Ayun at naging si Beast siya. Sayang ang kagwapuhan ni kuya. Lol.
Another important thing is kung paano nalumpo si Professor X. Si Magneto pala yung me major na kasalanan. Sa dulo kase ng palabas, medyo nagkalabuan na si Magneto and Professor X sa mga paniniwala nila. Gusto kase ni Magneto na pasabugin na yung mga barkong pandigma ng US and Russia (hindi ko na ikukuwento kung anong kinalaman ng mga barko sa movie. Masyado ng spoiler. Lol) kase nga gusto din silang patayin na mga mutants ng mga sundalo ng US and Russia. Kaya ang ginawa ni Magneto, pinigil niya yung mga missiles na papunta sa kanila tapos pinapunta niya sa mga barko ng US and Russia. Eh ayaw pumayag ni Professor X kase lalo lang magkakagulo kaya pinipigilan niya yung kamay ni Magneto para hindi matuloy yung pagkontrol nito sa mga missiles. Hindi na kase makontrol ni Professor X yung utak ni Magneto kase suot na nito yung mahiwagang helmet na originally eh ke Sebastian. Yung helmet na iyon eh ginawa ni Sebastian para hindi mapasok ng mga mutants na me kaparehong kapangyarihan ni Professor X yung utak niya. Eh di ayun na nga. Nagaway si Magneto and Professor X. Nung nakita ng friend ni Prof X yung ginagawa ni Magneto (kase nga, obviously, llamado si Magneto versus Prof X), pinagbabaril niya to. Ginamitan ni Magneto ng powers niya yung mga bala ng baril. Then lumipad kung saan saan yung mga bala hanggang sa matamaan si Prof X sa ibabang bahagi ng spinal cord. Ayun ang naging dahilan kaya nalumpo si Prof X.
Andami ko pa sang gustong ikwento kaso medyo busy ako ngayon tsaka nahihiya ako sa Marvel. Baka pagalitan nila ako dahil sa mga spoilers ko sa mga hindi pa nakakanood. Lol. Lalo pa't six days pa lang pinalalabas yung movie. Haha.
I'm giving this movie a rating of 9 out of 10.
I'm giving this movie a rating of 9 out of 10.
____________________
Habang papauwi ako galing sa panonood, me nangyaring hindi inaasahan. Me nakaaway ako sa daan. Ako na ang war freak. Lol. Nakakabadtrip kase si Ate. Halatang nagpapapansin lang. Ganito kase yun. Malapit na ako sa tulay malapit sa bahay namin. Naglalakad na ako ng makita ko si ate na super mega nakahawak sa beywang at nakasuper-mega-spread ang mga siko. Eh saktong me dadaan na dun sa kabilang side kaya dun ako sa medyo maliit na side dumaan. Tama kayo! Nakagitna pa sila ng kausap niya habang nakasuper duper mega spread yung siko niya dun. So ako eh di daan lang. Nabangga pa nga ng siko niya yung dibdib ko. Medyop masakit yun ha! Ang gagang hitad, sumigaw pa! Wala man lang daw bang sorry. Nakakabadtrip ha! Ayos! Ako pa pala dapat magsorry?! So ako, sumagot. Sabi ko, "Kayo na nga po yung nakaharang diyan eh tapos ako pa yung magsosorry?". Ambait ko pa niyan ha. Me "po" pa yan bilang paggalang sa gurang na si ate. Tapos sabi ba naman niya, lumapit daw ako. Aba! Ayos to ha. Gusto ng away. Game ako diyan. Hindi niya alam, me pagka-war freak din ako.
Pagkalapit ko, me sinabi siya na hindi ko na maalala. Tapos sumagot ako, "Kayo na nga po yung nakabangga eh. Me logic ba kayo?". Sabi kong ganun. Sabi niya, "Me palogic-logic ka pang nalalaman diyan. Bakit matalino ka ba?". Nagpanting talaga yung tenga ko nun pero ang galing ko, napigilan ko yung galit ko that time. Ako na super mainitin ang ulo at careless sa mga sinasabi, nakapagpigil?!?! Amazing. Kaya ang naging sagot ko sa kanya, isang matinding "WEEEEELLLLLLLLLLLLL". Sabay talikod. Lol. Wala na kong pakeilam sa kung ano pang mga sinabi niya. Basta ang alam ko, napahiya siya sa mga sinabi ko. Pasensya na lang siya at ako ang napagbalingan ng katarayan niya. Hindi kase yun umubra sa akin. Napatulpit pa siya sa mga simple but elegant kong mga sagot. Hahahaha.
Un lang. I just wanna share my katarayan. Haha. Sorry Papa God sa katarayan ko. :-)
Keep safe guys.Godbless. :-)