Powered By Blogger

Friday, April 1, 2011

Update Strips II

Hindi natuloy mag-exam for application dito sa company yung crush ko sa school noong nakaraang Tuesday but natuloy sila nung Wednesday. Hindi niya mawari kung papasa ba siya kase nahirapan siya sa ibang part nung exam. Sa totoo lang nahirapan din ako sa exam dito sa amin pero na-mind set na ako that time na kelangan ko na talagang magkawork kaya pinabutihan ko talaga ang exam kaya nakapasa naman ako. Hanggang sa ngayon ay wala pa din akong balita kung me result na ba yung exam nila. Kinakabahan din ako sa totoo lang. Hindi na ako magiinarte pa. Kinikilig ako sa idea na magkakasama kami dito sa company. Haha. Heto na naman ako sa kalandian ko. Hehe. Kidding aside, gusto ko talagang makapasok siya dito kase, hindi ako nagbubuhat ng sariling bangko pero masasabi kong my company is a good ground for fresh grads like us.Unang una na diyan ay dahil dun sa training na gagawin sa inyo kapag nakapasa kayo. Isa talaga yung napakagandang panimula para sa mga bagong graduates.

Anyway, nag-exam naman kahapon yung mga friends ko nung college. Nakipagkwentuhan ako sa kanila habang fini-fill-up-an nila yung application form. Napaisip ako bigla dun sa tinanong ng isa kong friend kung pwede pa din ba silang mag-apply kahit me three failed subjects sila.Naguluhan ako bigla kase mga major subjects yun kasama yung thesis. Actually, tinanong ko na yun sa recruitment agent namin pero ang nasabi ko lang, meron silang three failed subjects at isa dun yung thesis. Sabi niya, ok lang daw yun pero hindi ko pala siya na-inform na lahat pala ng three subjects na yun ay major. Hay. Kinakabahan tuloy ako.Sana makapasa silang lahat. Sana talaga.

____________________________

Nabigla ako nung Wednesday nung in-inform ako nung isa kong officemate na ako na daw yung a-attend dun sa training na gagawin dito sa company. Siya talaga ang dapat na a-attend pero dahil me ginagawa siya, sabi nung isa sa mga project managers namin, ako na lang daw. So attend naman ako. Grabe two straight days pala yun na puro listening ang gagawin. Kaka-bore. Hahaha. Kaya naman puro text ang ginawa ko all through out ng training. Hahaha. Mabuti na lamang at pumasa ako sa exam na binigay sa amin. Hahaha.

___________________________

Natuloy na pala yung pagbitay sa tatlong Pinoy na me kasong drug trafficking sa China. Nakakalungkot ang mga pangyayari. Napakarami kong nabasang iba ibang reaksiyon mula sa mga tao pero karamihan ay mga negatibong reaksyon na nagkokondena sa ginawang iyon ng gobyerno ng China. 

Sa aking pananaw mali ang ginawa ng China. Mali ang parusang ipinataw sa mga taong iyon. 
Hindi ko ipinagtatanggol ang ating mga kababayan dahil wala naman akong alam sa tunay na nangyari. Hindi ko alam kung totoo ang kanilang sinasabing inosente sila at na-biktima lamang sila ng isang malaking sindikato. My point is, gaano man kalaki ang kasalanan ng isang tao, wala kahit sinuman sa atin ang me karapatang kunin ang kanilang mga buhay.  Iniisip ko nga, anu kayang mapapala nila sa pagbitay? Hindi ba nila narerealize na maaari namang pagbayaran ng isang tao ang kanyang kasalanan sa loob ng koreksyunal.  In my own opinion, mas maganda pa din kung ikukulong na lang ang isang tao ng panghabambuhay dahil me possibility pa na marealize niya ang kanyang pagkakamali, pagsisihan niya iyon, mag-iba ang kanyang direksyon sa buhay at baka maimpluwensiyahan pa niya ang mga kapwa niya bilanggo sa pagbabagong iyon. 

Mariin kong kinonkondena ang batas na iyon ng China o ng kahit ano pa mang bansa na nagpapatuad ng death penalty bilang parusa. Ayon sa datos na aking narinig, ang China ang first honor when it comes to the number ng kanilang binibitay taon taon. Hindi ko talaga lubos mawari kung bakit naisip ng kung sino mang taong yon ang  ipauso ang ganung klaseng parusa. Anu kaya ang basehan niya at naisip niyang pwedeng ipatupad yon?

Saludo ako sa nagbigay ng ideya sa ating pinuno(hindi ko na maalala kung sino ang presidente ng mawala ang death penalty dito sa Philippines. Si GMA ba?) na itigil ang pagpapatupad ng death penalty dito sa ating bansa. Nakatututwa ang hakbang na iyon ng gobyerno. Naniniwala talaga kase ako na kahit anong bigat ng kasalanan ng isang tao, wala tayong karapatan ng kitlin ang buhay niya. Sabihin man ng mga nabikitima(kung sakaling karumal dumal na krimen ang nagawa) ng taong iyon na hindi sila nabigyan ng sapat na hustisya, sana'y maisip nila na nandyan lamang ang Diyos at nakatanaw sa lahat ng ating ginagawa. Siya na lamang ang magbigay ng karampatang parusa sa nagkasala. Huwag nating ilagay sa ating mga kamay ang buhay ng isang tao. WALA TAYONG KARAPATAN. Promise!

___________________________

Nakakatawa. Me promise pa. Hahaha. Kinakabahan talaga ako sa result ng exam nila. Mas lalong tumitindi yung kaba ko dahil lalong tumatagal yung paglabas ng resulta. Hay. Sana talaga pumasa sila. Mas lalo akong matutuwa kapag nangyari yun dahil nakatulong ako sa mga kaibigan ko at kahit sa mga hindi ko naman ganun "kaibigan". Haha. Hindi pa din ako mapakali. Sige na, ico-compose ko na nga yung sarili ko. Mukha akong tanga dito sa cube ko. Haha. Keep safe guys. Godbless us all. :-)