Powered By Blogger

Saturday, November 24, 2012

The Logo Quiz's Effect


I already got my phone from globe last Tuesday and masasabing sulit siya. Last Friday pa talaga siya ready for delivery pero dahil nga we're going to the province, I decided na idelay siya ng konti. Sobrang daming features ng Galaxy Note 2 na hindi ko ma-imagine na mag-e-exist pala. Like yung smart stay na hindi mamamatay yung screen ng phone if the sensor sa harap ng phone found out na nakatingin ka pa sa screen. Useful 'to if you're into reading. Kahit gaano kahaba yung text sa screen and matagal mo itong binabasa, the screen will not lock basta ma-sense ng phone na nakatingin ka sa screen. Another feature is the smart rotation na hindi mag-o-auto rotate yung screen kahit na horizontal na yung phone mo basta ma-detect na parallel sa phone mo yung mukha mo. One example of this is when you're reading while lying on the bed. The most powerful feature of the phone is the multi-window feature. Well, actually, hindi ko siya masyadong maappreciate kase I'm not the type of person na gumagamit ng dalawang applications at the same time at one screen. Sabi sa mga nababasa kong review, maganda daw gamitin if you're watching a movie then you have received a text and you need to reply. Ang weird lang kase makakanood ka ba habang nagtatype ng maayos? Kaya hindi ko feel 'tong feature na to pero astig siya actually. Hahaha. Ayan ha, calling Samsung and Globe, wala ba kong fee sa pagbi-build up ng products niyo??? Hahaha.

We watched the lights and sound show sa Ayala Triangle last night. I learned that iba iba pala yung nangyayari bawat show every night. Kada-30 minutes kase umuulit yung bawat show and nakaka-apat ata na show every night. Every show lasts for 10 minutes ata kaya ngawit na ngawit ako after kong videohan yung halos 90% nung show. 90% lang kase walang babala nung nagsimula. Hahaha. Nakaupo kame sa bench ng bigla na lang nagsimula. Ba yan?! Walang pasabi??? Hahaha.

The four of us had dinner na malapit lang sa Headstrong kase babalik pa yung dalawa sa office. Ganun ka-busy sa project nila. Anyway, I called Robert to invite them to join. Sakto namang magdi-dinner din sila kaya go sila. First time kong nakita yung bf ng isa sa friends namin. Badtrip kase naging crush ko siya. Shetness. Bakit siya pa? Charot. Hahaha. Hindi siya ganong gwapo pero me dating. Keri pumorma. Nung una deadma lang ako pero after naming maglaro ng Logo Quiz, tsaka ko siya naging crush. Dami niyang alam na logo. Na-conclude ko tuloy na matalino siya. And alam niyo yan! Weakness ko ang mga ka-brotherhood ni Einstein.

After dinner eh we headed sa coffee shop sa Vito Cruz. Of course, Starbucks it was dahil sa stickers for the planner. Social climbers lang ang peg. Wahahaha. Sosyal-sosyalan ang mga tao dun kase karamihan taga-La Salle. I just wanna share. Hahaha. Naghintay pa kame ng table na me malapit na outlet kase nalobat yung phone ko. Eh dun kame naglalaro ng logo quiz. May we continue the game na and as usual, napabilib niya ko sa galing niya. Paksheeeeet. Hahahaha.

Another thing I admired about him was the fact na hindi siya ilang sakin. Ang galing lang kase unang beses pa lang naming mag-meet then ang ingay ingay ko pa kagabi. Baklang bakla talaga pero nararamdaman ko talagang hindi siya naiilang sakin. Ang galing lang kase nakakapag-eye to eye contact kame habang nagkakagulo sa Logo Quiz. Hahaha. Tapos nagtatanungan pa kame na akala mo matagal na kameng magkakilala. Ang cute lang. Hahaha. Me nakaka-churva pang nangyari. Bago kase pumuntang Starbucks, pumunta kame sa office ng Headstrong. Nagcr yung iba kaya naiwan kaming dalawa. Hindi naman naging masyadong awkward. Konti lang. Hahaha. I decided na mag-cr kaya naiwan siya dun. Paglabas ko ng cube, nag-cr din pala siya buti na lang sa cube din siya kase baka matukso akong silipan siya. CHAROT lang!!! Hahaha. Basta ayun, binilisan ko na lang sa wash area para hindi na kame mag-abot. Hahaha. Basta, there's something about him kaya na-attract ako sa kanya. But i can't be. Sh*t. Malamang sa malamang eh straight siya dahil jowa niya nga yung friend kong girl. I dunno what happened to me at in-add ko agad siya sa fb. Waaaah. Hindi ako mahilig mag-add ng hindi ko naman ka-close pero I did, last night. What's happening to me. Hahahaha. Kelangan kong malagpasan ang phase ng kalandiang to. Agad agad. Hahaha. Wish me luck!!!

KSGB! Mwah! :-)