Ayoko na sanang i-post ang walang kwentang katangahan na nangyari na naman sa akin. Kaso naisip ko na baka mabaliw ako sa kakasabi sa sarili ko na napakatanga ko kung wala man lang akong mapagkuwentuhan nito. Haha.
Umiral na naman ang carelessness ko kaninang umaga. Simula kase nung nagkacontacts ako, nahihirapan akong ilagay yung isang lens sa right eye ko. Hindi ko matiyak kung yung ginagamit ko bang kamay sa paglagay yung dahilan. Pero basta nahihirapan talaga ako. Kaya kaninang morning, nung nahirapan na naman akong ilagay yung kanan at nakita ko yung oras at narealize kong malelate na ako sa schedule ng tren, pinalagay ko na lang sa ate ko yung lens ko sa kanan. Nakalagay na nun yung sa kaliwa. Eh di ayun nga. Nalagay naman siya ng maayos pero parang baligtad ata yung pagkakalagay kase medyo malabo dun sa me bandang lower right. Eh malelate na nga ako kaya napagpasyahan kong itry na baliktarin kapag nasa office na ako.
So ayun, punta na ako dito sa office, nandun pa din yung foggy thing sa lower right ng right eye ko kaya diretso agad ako ng cr para baligtarin siya. Nilagyan ko pa ng tissue yung butas ng wash area para hindi mahulog yung lens kung sakali. So ayun, nalagay ko naman siya ng maayos. Ok na sana eh. Kaso biglang nangati yung right eye kokaya kinamot ko ng konti. Pagkadilat ko, nagtaka ako kase bakit parang nahihilo ako. Narealize ko na anlabo pala nung right eye ko dahil wala na pala yung right contact lens ko. Shetness talaga. Hinubad ko agad yung left contact lens ko at sinuot yung salamin ko na buti naman at naisipan kong laging dalhin. Todo hanap ako kanina. Para akong tanga kase kahit me gagamit na ng cr, hindi pa din ako lumabas at inabot ako ng ilang minuto sa cr sa paghahanap. Tumigil ako sandali dahil hindi ko na siya makita pero pabalik balik pa din ako at baka sakaling bigla siyang lumitaw dun pero hindi ko na talaga siya makita.
Ayun. Inis na inis ako kanina kase wala na nga akong pera, madadagdagan pa yung utang ko sa credit card dahil sa pagbili ko ng bago. Hindi ko na naman ipapaalam sa bahay ang nangyari. Hahaha. Kahit sa mga friends ko dito, wala akong napagkwentuhan. Maiimpose kase sa kanila na napakacareless ko. And nakakahiya yun. Lol.
Tumawag ako sa branch ng Executive Optical kung saan ko binili yung contacts ko and a great news ang nalaman ko na pwede naman palang isa na lang yung bilhin na contacts. At least nakalahati yung gagastusin ko. Haha.
Lesson learned: Huwag kakamutin ang mata kahit gaano pa ito kakati. Echos. Haha.
Oo na, sige na, napakatanga ko na at careless. Given na yun. Haha. Lol. Keep safe guys. Godbless.