Naging masaya ang aking mga nagdaang araw. Last Friday, nanuod kame ng mga kaofficemates ko ng tig-15 na movie sa SM Manila. Nakakatuwa talaga yung idea na yun ng SM na magpalabas ng ganung ka-cheap na movie tapos maganda pa yung pelikula na ipalalabas. Actually, most of the films na tig-15 eh bago pa lamang. Hindi naman yung showing pa. Parang tanga naman yun. Karamihan eh pinalabas mga 6 months ago pa lang. Oh diba, sulit talaga. Haha.
Matagal ang hihintayin namin nun kase ung LFS na lang yung natitirang sched kaya naisipan muna naming magdinner sa Greenwich. Dumating yung mga friends nung college nung isa kong officemate. Masaya naman. Mababait sila kaya ok lang. 12mn na ata ako nakauwi dahil late na yung sched nung LFS. Maganda yung movie. As in. Shaolin yung title. Hindi ko na ikukuwento. Kindly research na lang. Haha.
Saturday, nagkita kita kami ng mga ka-officemates ko ule para manuod ng Pyromusical sa MOA. Grabe super daming tao. Dun lang kame sa tig-100 na place nanuod. Tag-tipid kame bakit ba?! Wahaha. Ayun, shetness, andaming gwapo. Haha. Me isa nga akong nakita na inabangan ko talagang dumaan uli dun sa place namin hanggang matapos na yung show. Haha. France ata tsaka Philippines yung nagshow nung gabing yun which is the final night na para sa contest na yun kaya super daming tao talaga. Hindi kasali yung Philippines sa contest. China yung tinanghal na first place. Nakalimutan ko yung second (lol, napakamakakalimutin ko talaga) and Japan yung third. Kung kasali yung Philippines, malamang isa tayo sa mga nanalo. Maganda kase siya. Tuwang tuwa ako dun sa hugid heart na firework. Haha.
After the contest, diretso kaming sea side for the beer session. Kadiri kase beer yung iinumin pero kelangan kong uminom para hindi naman KJ kaya ayun, masukasuka ako. Haha. Masaya kase nagkaroon kame ng mga bonding moments ng mga friends ko dito sa office. Nakakatawa kase nalaman ko na nung time na yun kung anu ang nakakubling kababalaghan sa likod ng kinuwento kong magic sa last post ko regarding my contact lens. Punyeta, nagtago lang pala yun sa likod sa bandang taas ng eyelid ko.
Na-experience ko kase uli yun that time. Kinamot ko yung mata ko kase nag-fa-fog na siya kase nga anung petsa na nun tsaka parang natutuyo na yung contacts ko. Pagkadilat ko, wala na naman yung contacts ko kaya ayun, pinakiramdaman kong maigi kung nasa mata ko pa ba yung isa kong contacts at ayun, tinignan ko sa mirror and guess what, ayun nga at nagtatago siya sa likod ng eyelid ko. Haha.Nakakatawa talaga lalo na at iniimagine ko na nung time na akala ko nawala yung isa kong contact lens, akala ko talaga eh nahulog siya or something, nagpagawa pa ako ng bago, pinasukat ko pa yung bago and worst, natulog pa ko nung time na yun tapos malalaman ko na nasa mata ko lang pala yung nawawal kong contact lens. Amazing! Lol. Buti na lang talaga at walang dinulot na masama sa mata ko yung pagstay nung inaakala kong nawawala kong contact lens sa likod ng eyelid ko.
Anyway, enough of that silly moments of mine. Naging ok naman ang Sunday ko except hindi pa din ako nakapagsimba kase wala pa din akong kasama (what a silly excuse!) kase hindi ako masasamahan ng bestfriend ko kase sasamahan niya daw yung stepmom niya sa hospital. Ayun. Magulo ba? Intindihin niyong mabuti. Haha.
Sa ngayon, medyo busy ako sa work (yes, parang tunay huh!) dahil me mga assignments na binigay sa akin. Ayun. Ok naman at sa tingin ko naman eh mapapasa ko siya on time. Yes, yabang! Haha. That's all for now guys! I'm gonna be testing pa my work. Echos! Keep safe guys! Godbless. :-)