Nakatanggap ako ng isang nakakalungkot na balita kahapon. Sinabayan pa ito ng nakaka-stress na assignment/task ko dito sa project namin. Oo, hindi ka nagkakamali. Me ginagawa na ako sa project namin and take note, nai-stress ako. Himala ba?! Hahaha.
So ayun na nga.Nagtext yung isa kong friend na nag-exam dito sa company last week na i-follow-up ko yung result nung exam nila. Anung petsa na kase, hindi pa din sila ini-inform. So ako naman, in-email ko na yung isang member ng Recruitment Department ng company namin and hinihingi niya yung names ng mga friends ko. After kong mabigay eh todo kaba na ang nararamdaman ko. Hindi kase pangkaraniwan yung case nila. Kadalasan kase, ii-inform ka kaagad kung sakaling nakapasa ka.Hindi talaga ako mapakali habang hinihintay ko yung email. Nagdasal talaga ako ng bonggang bongga na sana eh good news ang bumungad sa akin once na dumating na yung email galing sa contact ko sa Recruitment.
Then the bad news came. Nalungkot ako. Nafrustrate. Feeling ko wala akong nagawa para matulungan sila. Anung nangyari? Do the math. Ayaw kong sabihin yung mismong word. Ang arte?! Lol. Sinabi ko agad sa kanila ang resulta. Nung una nga, hindi ko pa sila makontak then after some tries, nasabi ko na ang dapat sabihin. Hindi ko alam kung hindi naman sila ganung affected sa nasabing hindi kagandahang balita pero masasabi kong madali silang naka-recover from it. Buti pa sila.
Ako, hanggang ngayon, nag-e-emo pa din sa nangyari. Masyado kase akong natuwa sa idea na magkakasama kaming magkakaibigan dito sa company.Sabay kakain ng lunch, mapapadalas ang gimik. And siyempre, yung nakakakilig na part na lagi kong makikita si crush kong 4th year. Hahaha. Hay.
Well, that's life. Kelangan ko ng tanggapin na hindi na mangyayari yon and I have to move on. I still believe in the cliche "Everything happens for a reason". Nakatatak na sa sistema ko yan kaya siguro kahit gaano kalungkot ang mga pangyayari, sigurado akong akong makaka-recover buhat dito. Hindi man mabilis, rest assured ako na makaka-recover ako.
Siguro nagtataka ka kung bakit ako parang over-reacting sa nasabing pangyayari. Siguro dahil nga sa inasam kong maging mas close sa mga friends ko at siyempre mas maging close ke crush. Hindi ko alam kung nabanggit ko na sa isa sa mga previous post ko ang isa sa mga pinakapinapangarap ko sa buhay. Yan ay ang magkaroon ng guy na best friend. I'll divulge the infos about that dream of mine some other time. Ayun nga. Kasama yun sa ikinalulungkot ko. Actually, malaking percent yun. Hay buhay.
____________________
Problem pa din ng friends ko ang darating na graduation. Hindi kase nila alam kung anung kalalabasan ng mga nangyayari sa school. Sana lang pagbigyan sila sa mga nais nilang mangyari. Sana makapag-march sila. Sana. Sana talaga. Hahaha.
Yun lang guys. Keep safe. Godbless. :-)