WAAAAHHHHH!!! That's all I can say. Blast eh! LOL. I can't describe my feeling. Basta MASAYA! Hanggang ngayon me hang over pa din ako sa nagdaang Christmas Party. Anyweiz, I'll make kwento na. Haha. Super aga namin sa venue which is SMX. Me dry run kase ng 4pm para sa mga magpeperform. 3pm pa lang ay nandun na kame. So yung iba, gala mode muna.
Nagstart ang practice by maybe 4pm then nagsimula ng magdatingan ang mga employess. Napansin ko na parang naiiba ata ang suot ko. Biruin mo, naka Spongebob Squarepants akong shirt samantalang karamihan ng mga guys ay nakasando/tshirt with polong floral sa labas. Napa-OMG ako bigla. Mukha akong tanga, literally. Hindi pumasok sa isip ko ang ganung get up. I'm so stupid. Lol.
Naramdaman siguro ng mga organizer ng event na gutom na kame kaya nagbukas na ang ilang stations ng buffet. So kain galore kame. Hindi ko feel ung ibang food. Ang nagustuhan ko lang ay yung pasta tsaka yung brownies.
After that, nagsimula na ang program. Pinagbihis agad kame ng leader namin. Eh kase naman pala, una na ung contest. Parang nagulat ako kase I'm not well prepared pa at that time. Kakakain lang kase tapus sasayaw na. Kumusta naman yun. So bihis bihis na kame. Madalian lang kase third kame. Hindi ko tuloy napanuod yung presentation ng Batch 1 ng mga bootcampers. =(
Pagbalik namin from the cr, umupo lang kami sandali para panuorin yung QA Team. Aun. Ang ganda ng theme nila. From 70s to new generation ang drama. Mahaba yung kanila compared sa length ng presentation namin. After them, nagkaroon muna ng spiels ang mga hosts then tinawag na ang group namin. Aun, so pumosisyon na kami and BANAT. Sayaw kung sayaw. LOL. As in tinodo ko na lahat ng kaya ko. Haha. Well applauded naman kami. Actually, madami ang nagsabi na baka kami raw ang manalo. Echos!
After us is the Java Group. Ansaya nung sa kanila. Nag ala Lady Gaga and Beyonce yung 2 boys nila. Nakakaloka. Shetness. Panu kayang pangungumbinsi ang ginawa sa kanila para gawin yun. Haha. Ang ganda ng voice nung isa sa kanila na kaclose ko! Grabe, hands down ako. After the presentations, raffle na. Sa kasamaang palad, hindi man lang ako nanalo ng kahit na ano. Kahit iPad man lang. Lol.
Announcing of winners na. Actually, hindi talaga ako nagaasam na manalo kame pero nung narinig ko yung mga complements ng mga tao, nagassume na ako. LOL. Pero hindi kami nanalo. Assumming lang talaga ako. Ready na akong tumayo eh. As in ready na. Echos. In fairness to the winner which is the QA Group, maganda naman talaga yung sa kanila. Yung sa amin kase, masyadong seryoso ang pagkakagawa. Yung sa kanila, pangshowtime, pangaliw kaya siguro sila yung nanalo. But no bitterness at walang halong kaplastikan, I can say that I'm really proud of them. Andami ko pa namang friends sa kanila! Congratulations guys. You all deserved it.=)
After the announcing of winners for the presentation and the major prizes sa raffle which are iPad, iPhone4 and LED TV, nagtapos sa ang program proper. the PARTY PARTY na. As in literal na nagparty kami. Wala ng kiyeme. Sayaw dito, sayaw doon. Picture here, picture there. Buti na lang hindi ako uminom (actually, hindi naman talaga ako umiinom), dahil kung sakali, marahil ay nadala na ako ng yugyog ng mga pangyayari at baka nalapitan ko pa si RaDaR. Well, andaming nagsabi sa akin na lapitan ko siya pero wala talaga akong balak no, hindi pa ako gaanong trained pagdating sa mga ganong bagay. Lol. So nagkasya na lang ako na tignan siya at ang mga kasama nia. But shit happens.
Habang nagsasaya ako at kausap ko si Eunny, umakbay sa kanya yung isa naming friend na lalaki, so ako dedma lang. Nagulat na lang ako kase out of the blue, tinulak niya ako. Grabe, so ako, nagulat ako. Yun pala pinipicturan pala sila nung time na yun which is hindi din alam ni Eunny. Sana man lang ininform niya kami dbah?!?! Nasira ang mood ko dahil dun. As in sirang sira. Nilapitan niya ko at nagsori. Strike two na siya sakin. Akbay siya ng akbay kaya ako, sabi ko na lang, "oo na, sige na, ok na" para lang lumayo na siya. Ayaw kong magpatuloy pa yun kase baka gumawa pa kami ng eksena. Kahiya kaya noh! Tsaka hinayaan ko na lang siya. Lasing eh!
So move on ako. Nawalan ako ng ganang sumayaw kaya naupo na lang ako. Pero umiindak at nakikikanta pa din ako sa singer. Matagal akong naupo habang ang lahat ay nasa dancefloor. Maya maya, me mga lumalapit na sa akin. Sinasabi nila na tumayo daw ako at makiparty. Sinasabi ko na lang na masakit na yung paa ko dahil kanina pa ako nakatayo. Hanggang dumating ung isa kong friend na girl. Walang sabi sabi, "PAK"!
Sinampal niya ko! Nagulat ako sa ginawa niya. Sanay akong makipagbiruan ng pisikalan pero iba to. Maliban sa pagkasira ng mood ko dahil sa isang tulak, dumagdag pa to. Yun na ata ang pinakamalakas na sampal na naranasan ko sa buong buhay ko. Mas malaks pa sa sampal na inabot ko noon sa nanay ko. So ako, nabigla talaga ako,. Speechless. Nagulat siya ng hindi ako nagreact. Umupo siya, nagsorry. Again, para hindi maspoil ang moment, I said "It was ok". Pero parang hindi siya naniwala. So to stop that drama scene. I hugged her to say that I'm ok. So again, back to normal ang lahat.
Bumawi ang pagkakataon sa akin. Naging maharot ang grupo ng crush ko. Lasing yung isa. Sayaw sila ng sayaw. Para hindi ako mahalata na nakatingin ako sa kanila, sa iba nakabaling ang ulo ko pero my eyes are with them. Sayaw sayaw, sayaw sila ng sayaw ng biglang me nakahubad na. Kita ang underwear. Nagulat ako. Yung lasing pala yun. Grabe, ganito pala malasing ang mga ito. Me hubaran portion. LOL. Maya maya, natanaw kong galing ng cr yung grupo ng crush ko. And si kuyang naghubad, lupaypay na. Naconclude ko na baka nagvommit na siya sa cr. Grabe, nawala siya sa katinuan niya noong gabing iyon.
Nakamasid lang ako sa lahat, sa kanila, sa kanya sa buong oras na nakaupo ako. Natapos ang gabi ng ganon. After 11, pinalabas na kami, tapos na ang party. Hinintay namin ang friend namin ni Eunny na saktong kasabay namin ng Christmas Party. Inabot kami ng isang oras sa paghihintay. 2am na ako nakauwi. 3am na ako nakatulog.
Masaya. Masayang masaya para sa akin ang nasabing okasyon. Although me mga nanira ng mood ko, hindi niyon nasira ng kabuuan ng kasiyahan ko that night. Ngayon, ilang araw na ba ang nagdaan pero hindi ko pa rin maovercome ang naramdaman ko sa event na iyon.
Masyado ng mahaba ang post na ito. Haha. Yngats, Godbless.