Powered By Blogger

Thursday, March 8, 2012

Crossover

Ansarap ng feeling ko sa tuwing uma-attend ako ng crossover. Actually, twice pa lang akong nakaka-attend. Hahaha. Btw, yung crossover yung tawag sa bible study na pinupuntahan amin ng some of my friends every Thursday night. Attendees are young professionals. Minsan, naiisip ko na sana me ma-meet ako sa crossover. Yung pwedeng maging bf. Chos. Pero pag andun na ko, nawawala yung mga ganung notions sa utak ko. Mahihiya ka kaseng chumorva chorva kapag nasa venue ka na kase nga, mafi-feel mo yung kakaibang energy. Walang negativity. Pure of happiness and worship ke Father God yung mararamdaman mo. Kaya kapag nagstart na, hindi na ko tumitingin sa kung saan saan. Nakakahiya kase ng bonggang bongga. Parang me magsasabi sayo na hindi ka pumunta dun para lumandi. Hahaha. 

Maraming lessons na yung natutunan ko sa crossover. Lessons that really enlightened me sa mga bagay bagay na iniisip ko nowadays. Like nung first time ko, tamang tama talaga. Angkop na angkop sa pinagdadaanan ko. Yun yung tungkol sa super crush ko sa tren na lagi kong nakakasabay sa pagpasok sa office. Kindly read this (link sa im a slave for you). Then last Thursday naman, ang topic is about offering something to God. They said that when you offer to Him, He's not looking of the quantity of the thing/s you offered to him but the willingness to give it to Him. And I really agree to that. Alam kong alam ng Diyos kung ano ang nasa loob natin kapag nag-aalay tayo sa Kanya. Hindi porque malaki ang ibinigay natin, mas maa-appreciate niya yung kesa sa maliit na halagang binigay ng isang tao na bukal sa loob niya ang pag-o-offer. Agree?

__________

Lalong nagiging marubdob (chos) ang nararadaman ko ke Chin. Ang weird ko lang ng bongga kase hindi ko nga alam yung name niya tapos me ganito na kong nararamdaman sa kanya. Super weird no?! Pero hindi na ko nagtataka sa sarili ko. Marami rami na din kaseng beses na nangyari sakin to. I know parang tanga lang pero sa totoo lang hindi ko din alam kung bakit ganito ako. Hahaha. Eto na nga! Nakakaloka lang. Kase super crush ko na nga siya ng bonggang bongga. As in talaga. Currently, number 1 siya sa list ko. Wahahaha. Isang evidence diyan ang paggising ko ng 7am pa din kahit puyat ako the night before that! Kaloka. Pinipilit kong gumising kase hindi ko siya makakasabay kapag nalate ako. Eh kase nga diba me sched yung tren kaya kapag nalate ako ng gising, sa ibang sched na ko makakasakay. Grabe, ang cheap ko. Hahaha. Oh well, that's love. Me kakatwa pala akong ginawa last week. Nag-on bigla ang stalker mode ko. Hahaha. After ko kaseng magtren, kadalasan, magji-jeep na lang ako kase kahit gustuhin kong magbus kase standing position na yung karamihan ng mga bus na dumadaan sa part na yun ng Buendia pero sabi nga nila, opportunities come in rare occasions kaya naman sinunggab ko agad ang chance. Pasakay si crushie Chin sa isang bus(lagi kase siyang nagbu-bus) ng mapansin kong madami pang upuan. Me umilaw sa utak ko. Nagsasabing this is it. Chance ko na na malaman kung san siya nagwowork. Sumakay na ako ng bus. Nagkatinginan pa kame ni Chin. Kinilig ako ng bongga. Hahaha. Nakita kong me isa pang upuan sa tabi niya kaso nahiya akong tumabi kase super dami pang vacant seats tsaka over kung bumukaka si Chin. As in. Mahihiya kang mag-excuse kung tatabi sa kanya. Hahaha. Nasakop na nung isang hita niya yung isang seat. Wahahaha. Sa pagka-borta niyang yun ko naiisip na straight nga siya. Walang pag-asa. Huhuhu. Chos. Na-excite  ako ng marinig ko siyang magbayad. Actually, inabangan ko talaga siyang magbayad kase hindi ko pa siya naririnig na magsalita. Hahaha. So nung nagsalita siya, parang tumigil sa pag-ikot ang mundo ko. CHOS!  Hahaha. I overheard na sa Ayala lang siya bababa kaya na-excite na naman ako. Naisip ko na malalaman ko na kung san siya magwowork. Maya maya eh nakaramdam ako ng matinding jealousy kase me tumabi sa kanyang pretty girl. Shetness lang. Hahaha. Pero keri lang. Hindi naman ata siya affected sa presence  ni ate. Mukhang puyat si Chin the night before that at tulog siya. Well, actually, lagi naman siyang tulog pala even sa byahe sa tren. Ewan ko sa kanya kung bakit parang puyat na puyat siya eh hindi naman kami nagkikita sa gabi. Charot! Nasa Ayala na. Pagdating sa bababaan ko, shet, tumayo na siya. Akala ko tuloy sabay kaming bababa but to my dismay, lumipat lang pala siya ng upuan. There's a big possibility na within the Glorietta or Greenbelt  or basta sa mga malalapit na buildings in the area siya nagwo-work. Bigla bigla ko tuloy gustong mag-malling. Wahahaha. Bumili na lang ako ng coffee sa SB para maibsan ang pagkadismaya ko. Hahaha.

Dumaan ang mga araw at sa tuwing makikita ko siya eh lalong nadadagdagan yung nararamdaman kong paghanga sa kanya. One time, nauna ako sa tren at nakita ko siyang paupo sa upuan na may kalayuan sa kunauupuan ko pero maya maya lang eh bigla siyang tumayo and lumipat ng upuan. Napunta siya sa harapan ko kaya hindi ko napigilang pagmasdan siya. Pinagsawa ko ang aking mga mata sa nilalang na siyang gumugulo sa isipan ko nowadays. Ilang minuto din akong nakatitig sa kanya ng mapansin niya ito. Bigla akong nagbawi ng tingin dahil sa kahihiyan. Nang dumami na ang tao eh natakpan na siya at hindi ko na siya natitigan pang muli. Dumating ang Friday at hindi ko siya na-sight sa tren papasok sa work. Nang pauwi na ay nagpaalam ako ke boss na maaga akong uuwi dahil pupunta akong school para na naman sa thesis defense. Pagbaba ko ng bus papuntang LRT, laking gulat ko ng makita ko si Chin. Sakto namang tumutugtog ang Hummingbird Heartbeat ni mareng Katy Perry sa earphones ko. Sa kaba ko eh binilisan ko ang lakad hanggang sa malampasan ko siya. Hindi ko alam kung bakit ko yun ginawa. Hahaha. Walang lingon likod akong naglakad sa loob ng ilang segundo. Nang tumingin ako sa likuran eh wala na siya. I missed the chance na naman. Pero wala akong pinagsisisihan. Eh sa hindi pa ko prepared eh. Tsaka natatakot ako sa mga consequences kung sakaling lalapitan ko siya. Malaki kase ang possibility na hindi niya ko i-entertain. Hindi naman sa nega ako pero hindi ko talaga maamoy si Chin. Malay natin, hindi lang talaga ako marunong umamoy and someday eh siya pa mismo ang makipagkilala sakin. Char!

__________

Hindi na nga pala sa conference room ang workplace namin. Pero hindi ito masyadong good news para sakin. Hindi naman sa nag-iinarte ako pero, sige na nga nag-iinarte na ko. Pano naman kase puro kalalakihan na matatanda yung nasa paligid ko. Siguro kung wala pa yung friend kong girl sa tabi ko, nabaliw na ko ng bonggang bongga. Hahaha. Eh kase naman, puro "bro", "tol", "dude" at "pare" ang naririnig ko. Nakakarindi lang. Hahaha. And isa pa sa kinaiirita ko eh kapag me kakausap sakin, ganung din ang tawag. Kumusta naman. Mukha ba kong straight??? Hahaha. Nakakaloka lang. Busy-busy-han nga ako sa work ngayon. Biglang buhos kase ng workload. Hindi na tuloy ako nakakapagsurf. Hindi na din ako nakakapagtwitter ng bongga kase katabi lang namin yung technology department ng company. Isang malaking sampal naman sa kanila kapag me nakita silang nagso-social networking dun pa sa malapit sa kanila. Pero keribels lang. Mas madaming work, mas maganda. Yan ang pinaniniwalaan ko ngayon kase malapit ng matapos ang bond ko sa company and pwede na kong umalis. Sa salary range ko ba namang ito, gustong gusto ko na. Pero dahil wala pa kong super solid experience, hindi muna. Hahaha. Hintayin ko munang mag-one year yung capability ko bago ako umalis. I just wanna share. Hahaha.

__________

Nagtampo ako ng bonggang bongga sa mga pinapanelan ko sa thesis kase parang balewala na lang sa kanila yung mga ginagawa ko. Hindi ko alam kung naging masyado lang akong mabait o ayaw lang talaga nila sakin. Haha. Andami ko ng ginawang effort pero parang hindi nila yun na-a-appreciate. Ay, hindi na nga ako magra-rant dito sa post na to. Next time na lang. Hahaha. Sa ngayon eh ok naman ata yung standing nila. Pinilit ko ng bonggang bongga na ipasa sila lalo na yung isa. Isinantabi ko yung personal kong tampo sa kanila kase alam kong pagsisisihan ko sa future pag hindi sila pumasa ng dahil sakin. Ayun. Basta ang alam ko, ginawa ko ang best ko kaya hindi nila ako masisisi. Hehe.

__________

Latest news about ke Chin!!! Nakakaloka lang kase sinundan ko siya ng bonggang bongga. Eh kase naman, natukso akong sundan siya kase sabay kameng bumaba ng bus the other day. Nagtataka lang ako kase bakit sa binabaan ko siya bumaba eh last time na nakasabay ko siya, hindi naman siya bumaba. Actually, hindi ko sure kung hindi talaga siya bumaba kase pagkababa ko, diretso na kong coffee shop para bumili. Hindi ko napansin kung paglipat ba niya ng upuan (eto yung story sa taas) eh bumaba din siya. Sa totoo lang, hindi ko sure kung makakasabay ko siya sa bus kase hindi ko napansin kung yung sinakyan ko ba eh yung sinakyan niya. Kaya ako nagbus kase super init sa tren and kelangan ko ng aircon para mafreshen up naman ang itsura kong haggardness na. Super jackpot lang na nandun siya. Syempre pa, hindi ko inexpect na kasabay ko siyang bababa. Sumakto pa na yung way ko eh dun siya dumaan. Grabe, nakakaloka lang kase pinagdasal ko pa na sana bumaba siya ng underpass kase ibig sabihin nun, mas lalapit siya sa workplace ko. Nadismaya lang ako ng sa ibang escalator na siya papunta. That time, tingin agad ako sa oras. Inestimate ko kung malelate ba ko ng bongga pag sinundan ko siya. Swerte naman na maaga pa kaya tinodo ko na ang pagiging stalker ko. Hahaha. Mas swerte pa kase pag-akyat pa lang namin ng escalator eh diretso agad siya sa pinto ng isang building sa Ayala. Boom! The building where he was working is just across us. Happy happy-han ako dahil dun. Kilig lang kase me binunga yung pagiging cheap stalker ko. Hahaha. And that's it. Abangan na lang ang susunod na kabanata sa pakikipagsapalaran ko para sa puso ni Chin. CHOS!!!

Keep safe everyone. Godbless us all. Mwah! :-)