Powered By Blogger

Friday, September 2, 2011

Tiis Ganda

Second post ko pa lang pala for the month. Grabe. Yan ang nagagawa ng sobrang pagkabusy... sa Youtube. Chos! Minsan lang naman ako magsurfsurf dito sa office nowadays no! Kase nga busy busy-han kame sa project kase matatapos na siya. Yes, konti na lang talaga at balik buhay bench na naman ako. Tambay sa company at sumasahod. Pero hindi ibig sabihin nun na masaya yun. Alam niyo naman kung gaano katagal kong naranasan ang maging bench last year and masasabi kong hindi sa lahat ng time eh masaya ang walang ginagawa.

Ang pinakamabigat na dahilan diyan eh mauubos at mauubos ang mga blog na mababasa ko sa web. Hahaha. Echos lang. Seriously, nangunguna talaga sa mga dahilan kaya ayaw kong maging bench eh yung pagbagalng growth ko dito sa company. Syempre, future career yung una kong concern. Papano na lang kung ma-bench ako dito sa company hanggang matapos yung bond ko which is a year from now pa. Gosh! Sira ang career ko nun. Kumusta naman ang resume ko no! Hahaha.

Anyway, wala namang masyadong highlights sa mga nangyayari sa buhay ko ngayon kaya hindi din ako excited na magpost. Wala kase akong makwentong matino-tino. Latest lang na kaaya-ayang nangyari sa buhay ko eh yung mga libre na ginawa ng mga friends ko. Hahaha. Ako na ang timawa at patay-gutom sa libre.  Sa sobrang pagkagahaman ko sa libre, ako pa ang number 1 na taga-plano kung san kami kakain. Kapal much lang. Lol

Sa MOA kami nilibre ng 2 of my closest friends. Yung isa, nanlibre kase meron na siyang work, bale first blood niya. Chos! First blood pero two months na siya sa work. Hahaha. Tapos yung isa naman, birthday niya kase. Ayun. Nakakatawa kase sandamukal yung inorder namin. Btw, A Veneto yung name nung resto. Hindi namin akalain na ganun pala kadami yung per order kaya naman andami naming natira. Ang ending,  pinabalot na lang namin yung iba tapos binigay yung ibang natira sa may pulubi dun sa me LRT.  Sayang naman kase eh. Mabuti na yung me makinabang na iba sa mga bagay na hindi mo na naman gagamitin/mapapakinabangan pa. 


(Kakadagdag ko lang ng part na to. Matagal na tong post na to actually, hindi ko lang matapos tapos)


Next is yung sa TOR ko. Inayos na namin ng mga friends ko yung TOR namin kase anung petsa na, wala pa kameng TOR. Nakakaloka. 1 1/2 years na kaming graduate  pero wala pa sa mga kamay namin yung isa sa mga katunayan ng pagtatapos namin. Kaya sa wakas, ready for pick-up na yung TOR namin. Ansaya saya. 


So far, ok naman ang mga nagiging takbo ng pangyayari sa buhay ko. Kanina nga pala, nag-exam dito sa company yung classmate ko nung highschool. I hope he'll pass kase sayang ang commission ko. Bwahahaha.


Yun lang guys. Keep safe, Godbless. :-)


__________


Wait lang. Shet. Wala palang kinalaman yung title ko sa content ng post na ito. Kaloka. Hahaha. Btw, ang tiis ganda ay isang word na nagrerefer sa condition na tinitiis mo yung porma mo even though uncomfortable na siya sa current na panahon. For example, pumorma porma ka ng bonggang bongga with matching jacket then not so good shirt sa loob. Dahil sa kapangitan nung t-shirt mo sa loob, hindi mo mahubad hubad yung jacket mo kahit super pawis na pawis ka na. I just wanna share. Hahahaha.