Natutuwa ako ng me follower na ako sa blog ko. Ako na! Ako na ang lagpas isang taon ng nagba-blog pero ngayon lang nagkaron ng followers. Hahaha. Naloka ako ng makita ang pangalan ni Paul Kian sa mga followers ko. Grabe. It's such an honor. Bakit? Basahin niyo na lang ang blog niya. Sa totoo lang, nang mabasa ko ang mga akda niya, naging instant fan niya ako. Ang galing! Ang galing galing talaga. Kung hindi man, para siyang isang professinal writer. Bravo Paul Kian. Dalawa na kayo ni Aris na idol ko. :-) I just wanna share. LOL.
Yung dalawa pang follower ko eh mga ka-close ko. Yung isa eh sa cyberworld at ang isa eh sa totoong buhay. Haha. Yung sa cyberworld eh si EG. Naging ka-close ko siya ng bonggang bongga dahil sa twitter tsaka dahil sa mga kabaliwan niya sa lalake. Hahaha. Ayun, naging instant adviser tuloy ako. Mabuti na lamang at hindi na ako ganun kabaliw sa mga lalake dahil kung hindi, pareho lang kameng nag-iyakan sa mga bagay bagay sa buhay. Kaloka. Buti na lang talaga. Hay nako. Yung isa ko naman follower ay si Robert. Ayun lang. Wala akong masabi. Ay, meron pala akong masasabi. Hindi ko lang sasabihin. Patay ako diyan pag nagkataon. Lol. My mouth is zipped. Ouch! LOL. That's all. Hahaha.
____________________
Birthday ng namatay kong pinsan ngayon. It has been a year and two months since he passed away. Hanggang ngayon ay nalulungkot pa din ako pag naalala ko. At higit sa lahat, I'm attacked by my conscience? Bakit? Kase, feeling ko, hindi ako naging mabuting pinsan sa kanya. Tandang tanda ko pa na halos araw araw kaming mag-away noon. Hindi talaga kame magkasundo. Hindi ko alam kung bakit. Mas lalo akong nalulungkot kapag dumadating sa isipan ko yung realidad na he's only 17 when he died. Doon sa parteng iyon ng katotohanan hindi ko mapigilang malungkot. Kase kung iisipin, sobrang sayang talaga ng hindi man lang niya naranasan ang mga magagandang bagay the world has to offer considering na puno din ng paghihirap ang buhay niya noong nandito pa siya sa Earth. Hay nako, nalulungkot at naiiyak na naman ako. Hay.
Ang tanging iniisip ko na lamang para maibsan yung lungkot na nararamdaman ko eh maayos ang lagay niya ngayon kung nasaan man siya. Nawa'y masaya siya ngayon at hindi na niya nararanasan pa ang paghihirap.
____________________
Kani-kanina lamang nabanggit ko sa kausap ko a hindi ako pabor sa same-sex marriage. Oh gosh. Alam ko na madaming kalahi ko ang magtataas ng kilay sa sinabi ko. Sa totoo lang, hindi din ako kumbinsido sa sinabi ko na I'm against same-sex marriage. Lol. Oo na, ako na! Ako na talaga. Lol. Ako na ang nagpapakamalinis. Ako na ang righteous. Hindi naman sa ganon. Hay nako bahala na nga. Kakaiba talaga mga pananaw ko sa buhay. Hahaha.Pero malay naman natin kung bigla na lang akong sumabay sa agos. Pakapit sa inyo ha.
Keep safe guys. Godbless. :-)