Powered By Blogger

Wednesday, December 15, 2010

History

Hay. Napakabilis namang binawi sa akin ang kasiyahan ko. Parang last week lang nang maramdaman ko yung kaligayahan ng noon ko lang naramdaman sa buong buhay ko. Nang dahil lamang sa mga nangyari nung nagdaang Christmas Party, nasira na ang motivation ko para maging completely happy.

Siguro nga, happiness is by choice. If that's the case, I can tell na antanga tanga for making myself suffer for more than 6 years. Yes, 6 years na when I first fell in love. Well, I can't say na love yun kase it's just a huge crush. It's just that it's my first time to have a heartbreak kaya ganun na lang ang effect nun sakin. Funny at the same time traumatic ang experience ko noon. 

Mahilig akong tumambay sa arcade shop noon. Adik ako sa video games. Dun ko siya nakilala. Si S. I thought S was friendly and the fact na exciting naman talaga lahat ng first times made my mukha so kapal kaya todo pakilala ako sa kanya. Me time pa nga na sabay kaming naglakad pauwi. Until one day, when I thought magiging super friends na kame ni S, he just said "Ayokong makipagkaibigan sayo." And that was it. Traumatic experience number 1.

The second one was yung pinakamalala. Ito yung nagbigay sa akin ng takot. As in super takot. Haha. Hindi ko alam if you'll understand kung bakit ito nagbigay sa akin ng takot kase parang hindi naman nakakatakot yung experience na yun. Ganito yun. Nasa arcade shop kami nun ng makita ko siya. Tinanong ko ang name niya. Niloko ko siya. Sinabi ko na pinatatanong ng friend ko kung anong name niya kase crush ng friend ko siya. Then he said his name. He is R. Madalang ko lang siyang nakikita sa arcade shop. Maybe once a week yun. So third time naglakas loob akong lumapit sa kanya.

"Hi. Pwede bang manghingi ng picture mo? Nanghihingi kase yung friend ko. Yung sinasabe ko na me crush sayo.", ang sabi ko.

"Sige. Tara punta tayo sa bahay.", sagot niya.

Sobrang saya ko non. This is it! Sabi ko sa sarili ko. Magiging close na kame, magkakaron pa ko ng pic niya. Naglalakad na kami papunta sa kanila. Nauuna siyang maglakad sa amin ng kasama ko. Dumaan kami sa isang sikat na mall sa Divisoria (hindi po ito 168.lols). Sakto namang me mga madudungis na bata na nakasabay naming pumasok sa mall. Hindi tuloy kami pinapasok ng guard sa pagaakalang kasama namin ang mga madudungis na mga batang iyon. Nakapasok si R sa loob ng mall. Sinubukan namin siyang abangan sa kabilang dulo ng mall pero hindi na namin siya naabutan. At iyon na ang huli naming pagkikita. Ang sad no!

Halos araw araw simula noon ay inabangan ko na siya sa arcade shop pero ni anino man lang niya ay hindi ko na nasilayan. Siguro natrauma ako sa part na nandun na eh. Konti na lang tapos biglang naudlot pa. Kaya simula noon, halos araw araw akong umiiyak sa di malamang kadahilanan. At iyon na rin ang naging dahilan kung bakit ganito ako. Kung bakit super sensitive ako. Kung bakit super iyakin ko. Kung bakit aloof ako sa mga guys. That's my traumatic experience number 2.

Anyway, stop the back to the past scene. Sa present na tayo. Eto ako ngayon, sinusubukan kong ibalik yung kung ano ako last week. Yung masaya, yung walang pakeilam sa kung anung sasabihin ng iba, yung hindi balat sibuyas, yung medyo malandi. Lol.

Sana maibalik ko at sana maimprove ko pa yung sarili ko. Wish me luck! Haha. Ingat guys, Godbless. :-)