Powered By Blogger

Monday, November 7, 2011

In Fairness


Malapit ako sa Diyos. Yan yung sa tingin ko ha. Hindi ako lingguhang nakakapagsimba ngunit sinisigurado kong gabi gabi akong nakakapagpasalamat at nakakahingi ng tawad sa Kanya. Ramdam na ramdam ko yung pagmamahal Niya sa akin. Kaya naman naniniwala ako na mahal tayong lahat ng DIyos. No doubt about that. Pero minsan, hindi ko maiwasang mag-wonder kung bakit me mga taong nailinya sa mga hindi kagandahang kaganapan sa buhay. Naintindihan ko naman ito dahil sa palasak na “Lahat naman ng tao, me problema”. Oo gets ko yun. Pero ang naitatanong ko minsan, bakit yung sa iba, sobrang bigat nung dinadala nila. Bakit hindi pantay pantay yung pagkakahati ng mga problema natin. Katulad na lang ng mga nasa ibaba.

Discrimination – Unahin ko na yung problema ko at ng karamihan din ng mga tao sa mundo. Sekswalidad at lahi. Yan yung kadalasan na uri ng diskriminasyon sa mundo.

     Sekswalidad. Tsk3. Ito yung pinakamalaking problema ko ngayon. Nagtataka kase ako kung bakit me ibang tao na mababa ang tingin sa mga taong kasali sa ikatlong kasarian. Kung bakit kelangan pa kameng gawing katatawanan. Ano kaya napapala nila dun? Nagpapataas ba yun ng antas ng pagkatao nila? Parang hindi naman. Dati, sa sobrang pagkairita ko sa mga ganitong uri ng mga tao, naipangako ko sa sarili ko na someday, pag nakita nila ako, kusang babalutin ng pagkapahiya ang mga sarili nila. Sinabi ko noon na darating ang panahon na titingalain nila ako, kabaligtaran ng pagtapak nila sa pagkatao ko noon. Chos! Wow, Vice Ganda ang peg ko dun! Speaking of Vice Ganda, isa ako sa mga super fans ni Vice. Biruin mo naman, kahit gay siya, hinahangaan na siya ng milyong milyong mga tao. Isa siya sa mga bading na nagpapataas ng tingin ng mga tao sa mga bakla. Kaya naman natutuwa ako sa kasikatang tinatamasa niya ngayon. At least, may isang Vice Ganda na nagtatanggol sa kanyang mga kalahi at nagbabandera ng talent ng mga katulad naming. Ansaveeeeeh?!

     Lahi. Kadalasang nararanasan ito ng mga mamamayan ng isang mahirap na bansa. Nagkakaron kase ng parang tatak na kapag mga ganitong bansa ka galing, automatic na akala nila eh mangmang ka na. Like for example, kapag naga-apply sa isang trabaho sa isang bansa na paerhong dayuhan ang isang taga-USA at isang taga-Pilipinas, given na pareho naman sila ng antas pagdating sa mga kinakailangang skills, more likely na matatanggap pa din eh yung taga-USA for obvious reasons. Don’t deny it. Malamang kase eh iniisip ng mga employer na porque galing sa isang makapangyarihang bansa ang isang tao, mas magaling na ito kumpara sa isang tao na nanggaling sa isang dukhang nasyon. Isa pa sa diskriminasyon na me kinalaman sa lahi eh yung pagsukat sa isang tao sa pamamagitan ng pagtingin sa balat. Nakakaloka lang. Para kasing lumalabas na superior yung mga puti sa ating mga kayumanggi at maiitim. It seems like jina-judge tayo sa pamamagitan lang ng pagtingin sa kulay n gating balat. And it’s so unfair you know!

Poverty – Isang palasak na problemang nararanasan ng halos karamihan ng mga taong nabubuhay sa buong mundo. Hindi ka na lalayo dahil ditto pa lang sa Pilipinas eh sandamukal na yung nakakaekspiryensya nito. Maraming mga tao ang hindi nakakakain ng pagkain na sapat upang mapunuan ang kinakailangang sustansya n gating katawan. Nakakalungkot lang isipin na malaki ang kasalanan talaga ng pamahalaan ng isang republika sa kung bakit nararanasan ito ng kanilang mga nasasakupan. Kung maayos lang ang pagpapatakbo nila dito, tiyak na kahit papaano eh unti unting mababawasanang mga naghihikahos nating mga kababayan. Kasabay na nito ang pagbawas ng mga krimen na kadalasan ay nag-uugat sa kakulangan ng salapi. Minsan naitatanong ko sa sarili ko kung bakit hindi na lang gumawa ng madaming pera ang pamahalaan at ipamudmod ito sa mga mahihirap. DIba, diba?! Eh kaso nabasa ko sa isang pag-aaral ang dahilan kung bakit ito hindi ginagawa. Sabi nila, hindi na daw magiging balance ang ekonomiya. Geez. Ditto sa pagkakataong ito nasasabi at sigurado akong itong parte ito ng napakalaking suliranin na ito ay tayo ang me pagkakamali. Na-conclude ko na pinapahirapan lang natin an gating mga sarili. Binibigyan natin ng problemang hindi naman dapat problemahin dahil napakadali lang ang solusyon. Ginagawa lang nating komplikado. Weird!


Kapansanan – Hindi na lingid sa ating kaalaman ang iba’t ibang kapansanan na nag-e-exist ditto sa mundo. Nariyan ang mga bulag, pipi at bingi. Dagdag pa ang mga kakaibang deformities sa katawan ng isang taong me kapansanan. Isama pa ang mga may suliranin sa pag-iisp. Mabilis akong maawa sa mga taong me kapansanan. Lalo na kung sinabayan pa ito ng mga maluliubha pang problema tulad ng kahirapan. Minsan, na-i-imagine ko yung sarili ko na nasa kalagayan nila at talagang nalulungkot ako sa mga imaheng nabubuo sa isipan ko. Tulad na lang ng kahirapang nararanasan ng mga taong bulag. Napakahirap mabuhay ng walang paningin. Alam naman nating lahat iyan. Halos kapareho din ng kahirapang nararanasan ng mga taong pinagkaitan ng isa sa mga five senses ng tao. Nako, paano pa kaya kung dalawa o higit pa sa mga ito yung wala ang isang tao. Nakapanood ako dati sa youtube ng isang video kung saan tinatampok ang isang tao na walang mga kamay at paa. At nakita ko kung paano siya nahihirapan sa kanyang sitwasyonpero pansin na pansin din ang kapunuan niya ng mga positibong paniniwala sa kanyang buhay. Amazing! Nawa'y maging katulad nating lahat siya.

Dalawa sa mga ito ang naranasan ko na. Well, actually, minsan, nararanasan ko pa din hanggang ngayon. Obviously, una na dun yung diskriminasyon sa sekswalidad. Hindi ko pa naman nararanasan yung diskriminasyon sa lahi. Thanks to Father God. Yung second naman eh yung poverty. Kahit na medyo nakaangat na ang lebel ng pamumuhay ko ngayon, hindi ko pa din masabing wala na ako sa grupo ng mga mahihirap na mamamayan. Sobrang hirap talaga makaranas ng mga problemang akala mo eh wala ng solusyon talaga. Pero come to think of it. Hindi kaya masyado lang tayong nagse-self pity kaya hindi natin nakikita yung mga simpleng bagay na ibinibigay Niya sa atin para ma-realize natin na the world is really fair? Is it possible na naba-by-pass lang natin ng tingin yung mga bagay na inihahandog Niya para sa atin? Hindi kaya masyado lang tayong naka-cling sa negative side kaya naman nabulagan na tayo sa mga blessings na natatanggap natin? Below are some realizations na sa tingin ko eh magiging matinding ebidensya para mapasinungalingan ang kotasyong "Life is unfair".

Diskriminasyon

     Sekswalidad. Look at the brighter side of life. Imagine kung hindi ka naging isang bading, nasaan ka na ngayon? Considering that your environment is really harsh. Siguro adik ka na ngayon dahil nasadlak ka sa isang bisyo na hindi mo na matakasan o kung hindi man, isa ka na lang tambay sa bahay at hindi makatulong sa magulang. Kung hindi pa rin, marahil isa ka ng batang ama ngayon. Napapabayaan mo ang responsibilidad mo bilang magulang dahil hindi ka naman nakatapos ng pag-aaral at umaasa pa din sa iyong mga magulang. Isa pa, sabi nila, mapagmahal sa magulang yung mga kasapi ng ikatlong kasarian. Hindi na ngayon matatakot ang single parent mong ama/ina na tatanda siyang mag-isa. Malamang din eh naging matagumpay kang propesyunal dahil naging motibasyon mo ang mga lait at panlilibak na tinanggap mo dati. Well, asan ba sila ngayon? Drooling over your success. Envy is all over them Pero ikaw, wag ka namang magyabang. Keep your feet and head down. at lalo kang maambunan ng blessings.  

     Lahi. Look at the brighter side of life. Gawing oportunidad ang mga bagay na nakahain sa harapan mo. Ayaw ka mang tanggapin ng ibang lahi, isipin mo na it's their loss not yours. Ibig sabihin lang ng pagtanggi nila sayo eh mas madaming oportunidad ang naghihintay sayo sa minamahal mong bansa. Hindi sa lahat ng pagkakataon eh masama ang rejection. Sigurado akong me kaakibat itong dahilan at mayroong naghihintay sa iyo na mas magandang pagkakataon. Always remember that He don't give us negative things like problems and rejections just for nothing. Every thing that happens in your life has its own reason. You just have to wait for the time para malaman mo kung ano yung reason na yun. Another one is don't cry over spilled milk. Yeah, ok lang na magdrama ka for a while but better be sure na sandali lang iyan and you'll soon pick up your sword and fight again.

Poverty - Look at the brighter side of life. Buo ang pamilya. Gawing inspirasyon ang pagkakaroon ng kumpletong mga mahal sa buhay. Sabi nila, money can't buy happiness. And I really have to agree with that. True happiness can't be bought in Rustan's. Hindi sa lahat ng pagkakataon eh pera ang makakapagbigay sa atin ng kaligayahan. Ngunit wag naman laging kumapit na lamang sa kung anong meron ngayon. Mangarap. Dream big but be sure to also win big. Ang isang pangarap na hindi naisakatuparan ay maituturing na kasayangan sa iyong buhay. At kapag narating na ang pedestal, always dont forget to thank Him at laging alalahanin na ang pagtitiis na iyong dinanaspara makarating sa iyong kinatatayuan ay para sa iyong mga mahal sa buhay.

Kapansanan - Look at the brither side of life. Gawing pagkakakitaan ang talento. Huwag pabayaang ang iyong kapansanan ang magiging dahilan ng pagiging miserable ng iyong buhay. Magkaroon ng motibasyon na hindi magiging hadlang ang iyong kapansanan sa pagtupad ng iyong mga pangarap. Gawing inspirasyon ang mga taong me kapansanan na napagtagumpayan ang laban ng buhay. One day you'll realize that there's more to come into your life. Hindi nagtatapos sa pagiging bulag, pipi o bingi ang buhay mo. Tumayo ka ng may dignidad at ipakita sa lahat na kaya mo.

Minsan, masarap talagang magmuni-muni mag-isa sa mga bagay bagay sa ating buhay. Marami kang mare-realize na mga bagay na magugulat ka at bigla  mong masasambit na "Thank God for all the blessings". Don't wish for the biggest things but for the best things. Not only for you but also for the people out there. Kaya tama na ang pagse-self pity. One day, you'll realize that there's another side of the story. Hindi lamang sa'yo umiikot ang mundo kaya wag nang magdrama. Look around you and you'll see different sides of the world. Pagtagni-tagniin ang mga bagay na iyong natutunan sa pagmamasid at sigurado akong sa isang konklusyon ka alng niyan dadalhin.

Look at the brighter side of life. Yes, life's really fair and yes yes yes, He truly loves us. No doubt about that. :-)

Keep safe guys. Godbless. :-)