Powered By Blogger

Sunday, May 27, 2012

Bullied


I felt bullied last Friday. Nagkaron kame ng division lunch sa Vikings sa MOA. I'm so thrilled when I received the invite through e-mail. Naisip ko, sayang din ang free buffet lunch kung hindi ako sasama. Hahaha. Tsaka para na din makilala ko yung iba pang member ng division where I belong to. I didn't expect that my excitement will suddenly turn into disappointment.

Sabi na nga ba, hindi na dapat ako sumama sa lunch na yun. There's something inside me that hindered me to click the accept button in the invitation. Alam ko kase sa sarili ko that I hate crowds. Lalo na yung crowd na magkakakilala and you'll be left out of place kapag nakasama mo sila. Akala ko kakain lang. Akala ko, simpleng pagpapakilala lang. Akala ko, mabilisan lang. Akala ko walang mangyayaring hindi maganda. Akala ko lang pala yun.

Ok pa siya nung una eh. Masaya din ako sa biyahe papunta dun. Siksikan kame sa sasakyan ng team mate ko. Masaya, magulo. Then pagdating namin dun,  kain kain lang. Until dumating na yung time ng pagpapakilala. Hindi ko in-expect yun kaya medyo kinakabahan ako. Well, name lang naman yung sasabihin pero the fact na hindi ko masyadong hobby yung pakikisalamuha sa mga tao, medyo naging I'm not at ease. Alam niyo naman ako, madalas, sa girls lang nakikipag-friends. Ewan ko ba nahihirapan akong makipag-kaibigan sa guys. Ok naman yung mga nauna until napunta na sakin. Bago ako eh ilang girls yung nagpakilala. Karamihan sa crowd eh boys. Syempre, medyo me ilang lokohan kase magaganda yung girls namin . Like for example hindi nila narinig yung name nung girl kaya papaulit nila.  Then ako na nga. I really think I'm openly gay sa company namin but that doesn't mean na open na ako sa mga gay jokes kaya medyo na-offend ako sa ginawa nung isa sa mga divisionmate ko na lalaki. Bago pa ko nagsalita eh sumigaw na siya ng "Anu daw???". Na-offend ako ng bongga kase alam ko na niloloko ako. Hindi lang yun simpleng panloloko kase feel na feel ko na me kinalaman sa sexuality ko yung ginawa niya. Tapos nagtawanan pa silang lahat. Nabastos talaga ako. Dinaan ko na lang sa ngiti lahat pero sa loob loob ko, umiiyak na ko. Hindi ako sanay sa ganun. Sensitive din ako pagdating sa ganung bagay. Kaya ako naging aloof sa crowd lalo na sa mga lalaki eh dahil din sa mga tao mismo. 

Nalulungkot lang ako kase bakit kelangan pa niyang gawin yun? Nalulungkot lang ako kase bakit hindi na lang niya ko pinalampas. Napatunayan ko tuloy na hindi pa din "kame" tanggap sa lipunang 'to. Naiilang tuloy ako sa kanila. Naging sign na tuloy yun sakin na aalis na ko dun right after matapos yung bond ko. Pero naisip ko, makakahanap kaya ako ng company na walang ganung mangyayari? Alam kong medyo malabo pero umaasa pa din ako. Hindi ko alam kung pagtakas ba yung gagawin ko pero nalulungkot lang talaga ko. Naiisip ko tuloy kung pinagtatawanan ba nila ko behind my back. Sensitive and pessimistic pa naman ako. I feel so small tuloy. 

Iniyak ko na lang siya sa cube ko. Buti na lang andyan yung mga team mate kong girls kaya medyo gumaan yung loob ko nung binigyan nila ko ng advise. Isa lang ang wish when it comes to this matter, sana lang pare-pareho kaming magbago... for good.

Keep safe guys. Godbless. Mwah.