Powered By Blogger

Tuesday, April 12, 2011

The Dream Pic

Kinakabahan na natatakot na naeexcite na kinikilig (Ay wala pala yung pang-apat, naexcite lang ako masyado. Lol.)  sa mga pinagagawa dito sa company. Kinakabahan at natatakot kase hindi ako familiar sa mga pinagagawa sakin. Nae-excite naman dahil madami akong natututunan as the days go by.

____________________

Sana biglang magkaroon ng himala at pumayag ang mga officers sa university na makapag-march yung iba kong friends na me problem pa sa papers nila. Sana talaga. Frustrated din ako sa nangyayari sa kanila. Hay.
____________________

Pumunta ako sa university kagabi. Biglaang desisyon lang. Masaya. Napakasaya ng nangyari sa akin. One of a kind experience. Pagdating na pagdating ko pa lang, ang ingay ko na. Kumustahan ng sobra sobra na akala mo eh isang dekada kaming hindi nagkita. Landian dito, landian diyan. Lol.

Nakita ko ang mga batchmates ko dapat na ngayon pa lang magma-march. Nandun din ang mga ka-batch ko talaga. Masaya kahit hindi ko naman ka-close lahat. Nandun naman ang mga close friends ko. Dumating ang mga ka-close kong profs. Super landian talaga. Super saya. Kwentuhan dito, kwentuhan diyan. Tawanan here, tawanan there. In-english ko na. Paulit ulit kase. Lol.

Wala talaga akong purpose sa pagpunta sa skul, ang lame excuse ko kung bakit ako tumuloy, wala akong magawa sa bahay. Yan tuloy mag-a-alas dose na ako natulog. That's too late for me kase I'm really trying my best na matulog ng not later than 10:30pm para me 8 hours pa din akong tulog.

Nakakapagtaka nga lang kase, kadalasan namang complete yung required hours ng tulog ko tapos malakas naman akong kumain lalo na sa bahay pero super payat ko pa din. As in. Hindi na ako natutuwa na nakakain ko naman lahat ng gusto kong kainin pero wala namang epekto sakin. It's as if napupunta sa iba yung proteins and vitamins na nanggagaling sa kianin ko. Nakakaloka. Hahaha.
Off topic na ako. Well, ayun nga. Naghintay kame ng napakatagal (ok lang naman kase ang sarap kalandian ng mga prof kong malalandi din. Hahaha) para maka-awit na yung mga friends ko ng University Hymn para ma-cleared sa clearance nila. Oo, grabe, isa sa mga requirements yun para makatuloy ka sa pagkumpleto ng clearance mo na kelangan para makuha mo yung TOR and Diploma mo. So kung wa ka sing, wa ka ding Diploma and TOR. Wa ka katibayang gumraduate ka nga. Lol.

So habang naglaladian kame ng mga prof ko, nagpicture picture kame. Nakalimutan ko na kung sino ang nagbigay sa amin ng ideya na magpapicture ako sa crush kong graduating din. Kung sino man siya, thank you so much. Napasaya mo ko ng bonggang bongga. Hahaha. 
Nagpapacheck pa ng system (program) yung group ng crush ko kaya hindi pa makadiskarte yung prof ko (well, hindi ko pala siya prof. Basta close kame.) na accomplice ko sa gagawin kong kalandian. Lol. So tambay tambay lang muna kame. Then the moment came.

Lumabas na sila ng Chairpersons' Office. Ayan na, hindi na mapakali yung prof ko at siyempre, lalo na ako. Sinenyasan ko siya na huwag siyang maingay at baka madaming makarinig kase nakakahiya. Hahaha. Then ayun na. Maya maya, lumapit na sa akin yung prof ko kasunod yung crush ko. Then bump. Naganap na ang isa sa mga simple kong pangarap. 

Three shots. Two of them eh kaming dalawa lang. Yung isa eh tatlo kame kasama ni prof. Ansaya saya ko. Hindi ako makapaniwalang papayag si prof sa kapritso ko yun considering na boytoy niya din si crush and take note, siya pa ang nagpakilala sa akin dun. Actually nakita ko na siya dati pero hindi ko alam name niya. 

Kelangan kong makagawa ng madaming back-up ng picture na ito. Once in a lifetime yun. Hindi ko sasayangin. Hahaha. Napakaswerte ko at sa sobrang bait ako napagdiskitahan ni kupido. I know this ain't love. Dahil na-ke Covin yung heart ko. Teka, nasa kanya pa ba? We'll see. Maaassess ko din yan. In time. Taray! Para namang the world cares. Hahaha.

Hanggang ngayon eh hindi pa din ako makarecover sa sayang nararamdaman ko. Sabihin niyo na na OA ako o napakababa ng kasiyahan ko pero hindi niyo ko masasaktan. Masyadong punong puno ng galak ang puso ko para matabunan ng judgment niyo. Sa mga taong tulad namin, masaya na kami sa ganito. Isang napakasayang moment na nito para sa amin. Wait lang, bakit bigalng nagdrama? Basta masaya ako. Tapos! The End! Ah uhm! Lol.

Keep safe guys. Godbless. :-)