Madalas ini-imagine ko ang mga scenarios sa buhay ko kung meron akong boyfriend ngayon. And karamihan sa mga scenariong yun eh mga masasayang bagay. Mga nakakakilig na mga pangyayari. Kaya nga lalo akong nagiging hopeless romantic. Lol. Pero kapag nakakarinig ako ng mga love stories na humahantong sa sad ending, napapaisip ako kung kaya ko ba talagang mag-handle ng relationship lalo na't hindi pa masyadong tanggap here in the Philippines ang man-to-man na relasyon. Pero naiiisip ko, kung nagmamahalan naman talaga kame, why not diba. Kaso naman shet lang, walang lumalandi sakin, anong petsa na. I'm 21 na, single pa din. Feeling ko tuloy ang pangit pangit ko. Hahaha. Well actually, napatunayan ko nga na medyo tagilid yung face value ko dahil sa isang pangyayari sa life ko recently.
Me nag-pm sakin sa fb na cutie. Schoolmate ko siya dati sa university. Alam ko na gay siya. Pero pinapalabas niya na bi siya. Pero hindi ako naniniwala. LOL. So, nag-pm nga siya sakin. Hindi ako sanay na me nag-me-message sakin na ibang tao kase nga masungit talaga ang dating ko sa iba. Hindi ko sure kung nakikipag-flirt ba siya sakin. Basta ang alam ko, kinikilig ako that time kase me itsura talaga ang guy na to. Hindi kame magka-level. Hahaha. Hindi ko na idedetalye ang mga messages namin due to privacy. Charot! Wala lang talagag kwenta yung mga pinag-usapan namin. Lol. Kaya lang bigla na lang naputol ang communication namin after exchanging some messages. Inconsistent kase siya sa mga pinagsasasabi niya. Parang pinalabas pa niya na ako ang naghahabol sa kanya. The nerve ha. Kahit pangit ako, me pride pa din naman ako no tsaka hindi naman niya ka-level yung mga crush ko para habulin ko siya. Chos. Nag-bitter tuloy ako bigla. Hahaha.
Anyway, ayun na nga. Bitter ang ending para sakin. Napaisip tuloy ako. Pano kaya kung kamukha ni fb guy ang magiging boyfriend ko, lugi kaya siya ng bongga sakin? That time, meron akong dalawang friend sa fb na sinurvey ko. Lol. And sadly, negative an nakuha kong sagot. Hahaha. Hindi ko naman masyadong dinibdib na hindi kame bagay ni fb guy. Nalungkot lang ako kase parang ambaba lang pala ng pwede kong ma-achieve kung magkakaron man ako ng lovelife. Kinuwento ko sa bestfriend ko yung nangyari and nabadtrip siya sakin kase bakit daw parang ang big deal big deal sakin ng fez value ng magiging boyfriend ko. Ano naman daw kung super gwapo ng magiging bf ko compared sa akin. Well, knowing myself, napakataas ng pride ko no. Ayaw ko naman na mag-mukahng katulong habang mgkasama kame. Alam ko ang sasabihin ng mga tao kase I'm one of the most laiteras sa mga kakilala ko and takot ako sa karma. Hahahaha.
Right now, I have to change myself. I have to be a better person. Madalas pa din akong me kaaway dito sa bahay. I have to change for the better. Hindi na bumabata ang parents ko and ayokong magsisi sa huli. Naiisip ko, baka kaya gusto kong magka-bf eh dahil lang sa gusto ko ng experience ng pagiging in a relationship pero I'm picturing it as a ralationship na magkakaron din ng end. Sad no. Hindi ko din alam kung bakit ang nega ng tingin ko. Siguro nga, I'm meant to be single forever. Buti na lang napaghanadaan ko na yan. Kaya kung me dadating man, I'll charge it to experience na lang. Be thankful na lang for everything; for the family, friends and career. Nabasa ko nga sa PEx, bonus na lang kapag me dumating na magmamahal sayo forever. I'll look at it that way na lang. Para walang hassle sa buhay. Walang mabigat na nararamdaman para sa isang tao. Crushes lang keri na. Landi landi na lang. Mas masaya pa. Char!
Naloloka pala ko sa takbo ng career ko ngayon. Hindi ko alam kung anong gagawin ko. Kwento ko sa next post ko. Sana malaman ko na ang plano nila sakin para maka-resbak na ko. Chos. Para malaman ko na din ang gagawin ko. :-) Happy 58th birthday nga pala sa pinkamamahal kong ina. Kahit na lagi tayong nag-a-away, I love you so much pa din. Sorry for all the bad things I've done to you and thank you very much for everything. Sana magkasama pa tayo kahit 30 years na lang. Hahaha. Keep safe guys. Godbless. :-) xoxo