Birthday niya ngayon. Kasabay ng araw ng kanilang Baccalaureate Mass ang kanyang birthday! Instant simba siya! Hahaha. Sa Friday na matatapos ang limang taong paghihirap niya sa kolehiyo. At konting panahon na lang, magte-take na siya ng isa sa mga pinakamahalagang eksaminasyon sa kanyang buhay. Ang Electronics and Communications Engineering Licensure Board Examination. Pero sure ako na mapapasa niya yun. Siya pa! Tsss. Panis. Hahaha. Hindi naman sa itinataas ko ang trono niya (konti lang. Lol) pero kahit hindi ko siya ganoon kakilala sa personal at sa aspetong akademikal, masasabi kong kakayanin niya yun.
Valedictorian siya nung High School kaya napasama siya sa isa sa mga star sections nung freshmen pa lamang kami sa unibersidad. Halos lahat ng breakdown per block ng results ng midterm and finals na nakita ko sa top 1 ang block nila. Hindi lang iisang beses ko siyang nakitang dumalo sa mga quiz bees. At higit sa lahat, ang isang bagay na nagpasimula ng paghanga ko sa kanya, ang pagkabilang niya sa Top 10 sa Chemistry Midterm Examination.
Top 6 siya noon. Hindi ko mapigilang humanga sa kanya dahil ayaw na ayaw ko talaga ang chemistry noon. Bored na bored ako sa subject na iyon kahit pa sabihin na gustong gusto ko ang Math eh hindi ko talaga mai-connect yun sa Chem. Lalo na ng ma-realize ko na halos kalahati lang ng score niya yung score ko. What the f! Hahaha. Doon na nagsimula ang marubdob (Hahaha) kong feelings towards sa kanya.
That time pala, hindi ko pa alam na Valedictorian siya nung High School. Lumalim ng lumalim ang nararamdaman ko para sa kanya kaya hanggang ngayon, hindi man lamang yun nabawasan. Super lalim talaga. Mas malalim pa sa Lake Baikal (uy, isesearch niya. Lol). Nalaman ko na magiging magka-college pala kame dahil Computer Science ang magiging course ko at siya naman eh ECE nga. Yep, wala pa kaming course nung freshmen.
Lumabas ang Dean's List for the second semester of first year. Kasabay ng knowing ko na Valedictorian siya nung High School ay ang pagkatuklas ko na second siya sa course nila (na merong more than 100 students) na me pinakamataas na GWA (General Weighted Average). Lalung tumindi ang kung anumang nararamdaman ko para sa kanya ng mga oras na iyon dahil sa kanyang mga accomplishments.
Naging sunod sunod pa ang academic milestones niya. Naging consistent ang pagiging Dean's Lister niya. At ang pinakamatindi sa lahat ay nang maging second siya sa me pinkamataas na GWA sa BUONG 2nd YEAR (including me na walang binatbat ang GWA sa kanya. Lol) noong school year na iyon (2007-2008).
Hindi ko maipaliwanag ang naramdaman ko nun. Pinagsamang tuwa, excitement and pagiging proud. Hindi ko alam kung me karapatan ba akong maging proud para sa kanya dahil hindi naman kame magkakilala personally. Yes, magiisang taon ko na siya noong minamahal ng bonggang bongga pero hindi man lamang ako nagkaroon ng lakas ng loob na makipagkaibigan. What for diba?! I mean, basta! Mahirap ipaliwanag. Lol.
Lumakad ang mga sems at napansin kong umikli ang listahan ni Dean at nawala ang pangalan niya. Ako naman ang nanguna sa course namin non. Echos! Wala lang. Makapagyabang lang. Hahaha. Take note, dalawa lang kaming Dean's Lister ng friend ko that time. I just wanna share. Wahaha. Hindi ko alam kung bakit nawala ang name niya sa mahiwagang papel. Nawala tuloy yung pangarap kong papalakpakan ko siya habang tinatawag ang pangalan niyang me kasunod na "Cum Laude" sa dulo sa graduation. Yep, that time, pinangarap ko na talaga na makita siyang ga-graduate. Korni diba. Haha.
Hindi ako naging masyadong devastated that time. Hindi ko alam kung bakit. Maybe because, naisip ko na baka nahirapan siya that sem. Blah blah blah. Pero nung una ko yung malaman, kung ano ano pumasok sa isip ko. Baka me balak pala siyang mag-stop sa studies. Baka nalulong na siya sa bisyo. Echos. Hahaha. Eh kase naman nakakagulat na biglang baba yung grades niya. Mabuti na lamang at medyo updated pa ako sa kanya that time kaya nawala lahat ng aalalahanin ko sa kanya.
Mabilis na dumaan ang mga araw. Nangyari na din ang Most Embarassing Moment Part 2 ko.Ga-graduate na ako. Takot na takot ako nun. Baka kase malabo na na makita ko pa siya ule. Na nangyari na nga. Simula nang gumraduate ako eh hindi ko pa siya nakikita uli. Pero hindi ko pa ule nararamdaman yung nakakatakot na feeling. Nandyan naman kase yung facebook. Kahit papano, nakikibalita ako tungkol sa kanya.
Heto na nga ngayon, ga-graduate na siya. Baka mangyari na ang kinatatakutan ko. Huwag naman sana. Wait nga! Ang post na ito ay tribute para sa kanya lamang. Tama na muna ang drama! Hahaha. Since tungkol sa kanya to, ikukuwento ko na lang muna ang first encounter ko sa kanya. Kelan ko nga ba siya unang nakita? Eto na.
Hindi ko alam kung special moment ba ang nangyari pero kapag naalala ko yun eh parang kung inisip ko lang ng mabuti, macoconclude ko na magkakaroon pala siya ng malaking impact sa buhay ko. Enrollment noon para sa NSTP-CWTS ng makita ko siya. Grabe ang attraction ko dun. As in. I know it's a simple crush na. Mahaba ang pila at magkalapit lang kame kaya lagi ko siyang tinitignan.
Biglang nabawasan ang crush ko sa kanya ng me dumating na bago sa buhay ko. Pero to not spoil the moment, laktawan ko na yun. Nangyari ang mga nakasulat sa itaas. Nangyari din ang Most Embarassing Moment Part 1. And so on and so forth.
Back to present ule. Birthday na nga niya ngayon. Ang message ko? Ano pa ba?! Eh di ang akong favorite na LIFE, LOVE, HEALTH, PEACE and PROSPERITY!!! Yehey! Idagdag mo pa ang lifetime happiness.
Hindi ako pwedeng magdrama sa post kong ito kaya hindi ito magiging novel. Lol. Wala na kong masabi. Maybe some other post. Me part 2? Haha.
By the way hindi ko pa pala nasasabi kung sino ang celebrant. Sino pa ba? Eh di ang pinakamamahal kong si COVIN! Yehey! Hahaha. HAPPY BIRTHDAY COVIN! I LOVE YOU SO MUCH!!! Hahaha. Tama na nga, nakakapandiri na ang mga pinagsasasabi ko. Lol. Bye! See you soon. Sana. :-)
Keep safe always, my love. Wahahaha. I love you ule kahit hindi mo ko pinapansin. Hahaha. Sana maging masaya ang birthday mo. Party Party! Mwah! Ingat, Godbless. :-)