Naubos na ang excitement ko sa pagkukwento ng mga happenings sa buhay ko nung nakaraang weekend. Busy busyhan kase ako ngayon. And as you can see, Friday na pero only few pa lamang ang nakukwento ko. Anyway, here's the continuation.
Napuno ng sigawan ang auditorium ng nagsilabasan na ang mga contestants with their swimwear. Nauna ang mga girls. As usual, two piece with some "curtain". Lol. Nang lumabas na ang mga boys, GRABE!!!, as in GRABE ang tilian. Siyempre ba naman. Nakaboxer briefs lang ang mga male contestants noh! Tapos andami pang kalahi sa audience. Lol! Actually, first time kong makapanuod ng pageant na me swimwear competition ang mga boys. Dati kase, meron pero hindi kame nakakapanuod due to busyness sa projects kaya first time kong makakita ng mga churva! If you know what I mean. Lol.
After the nagbabagang Swimwear part, it's time for the Question and Answer portion na. By partners ang paglapit sa stage but indivual ang tanong. Interesting ang mga sagot nila sa mga pang Mr. and Ms. Universe na mga tanong ng mga judges. But someone spoiled the q and a when he answered the question in Tagalog. I don't have anything against it. But the fact na English ang tanong, you should have prepared yourself to answer in English noh! Here come my favorites. OMG! He's so cute talaga! Hahaha. And she's so charming talaga. Hindi nawawala ung smile niya. They'd answered it very well although there were lots of buckling, still, the thought of the answer was still there. Bravo guys. Btw, there's a time na tinawag si girl favorite and natusok siya ng shit na banner dun sa stage. Pero she just ignored it. Tuloy tuloy ang loka with matching walang kamatayang smile. Love you girl. Hahaha!
Announcing of winners. Nakuha lahat ni girl favorite lahat ng minor awards. Walang nakuha si male favorite. Kainis. Lol. Pinili ang top 3. Of course, kasali si girl favorite. Hindi nasama si guy favorite. Kainis talaga! Buwisit! Nasama pa yung said male contestant na nag Tagalog. Kainis!!! Kung dami lang din naman ng supporters ang basehan, aba, panalo rin naman si male favorite ko noh! Hay nako, hanggang ngayon naiinis pa din ako! LOL.
Well, past is past. Move on na. Hindi ko alam kung anong naging effect sakin ng mga nangyaring iyon pero alam ko sa sarili ko na me pinagbago ako. Hindi ko talaga alam kung paano pero masasabi ko na iba na ako ngayon. I'll explain it sa aking next post. Btw, nagpapicture ako ke girl favorite. Hoy, wala po iyong ibig sabihin. Hindi kami talo. Wahahaha. Gusto ko ding magpapicture ke guy favorite pero hindi ko na siya makita. Huhuhu. Sayang. Hahaha. After that napakasayang event, uwian na.
Sunday, birthday celebration ng aking beloved pamangkin na si Daniela Ashlie "Ella". It's a big celebration. Just like the usual na pangmasa type. Maaga ako nagising para tumulong maghanda ng mga pagkain. I helped preparing the spaghetti ang the chicken. After that, pahinga na then ligo at pumunta na ako sa venue ng birthday party. Nadatnan kong masaya naman ang mga dumalo. Masasabi kong success naman ang nasabing birthday party. Love you Bebe Ella. =)
Pagkaalis ng mga dumalo ay tumuloy na ako sa SM Manila para magpagupit. I have to wait for less than an hour pa dahil nakapila pa ang mga customers (hindi ko maintindihan kung bakit kapos sila sa naggugupit gayong nakikita kong madami naman silang employees sa loob) kaya napagpasiyahan kong pumunta muna sa Department Store. Balak ko lang magwindow shopping pero me nakita akong pwedeng suotin para sa Christmas Party and bumili na din ako ng T-shirt na pamasko. Spongebob shirt ang susuotin ko para sa Christmas Party bukas since Beach naman ang theme. White polo shirt naman ang napili kong suotin sa Pasko. I love white nowadays. White ang bibilhing kong rubber shoes. White din ang gusto kong pants. Hahaha. So magmumukha akong White Lady sa Pasko. wow White Lady. As if! Hahaha
Pagkatapos kong bumili, diretso agad ako sa salon and saktong ako na pala ang next! So ginupitan na ako. Hindi siya yung laging naggugupit sakin kase ung laging naghehaircut sakin eh me iba pang ginugupitan. Naloka ako sa style niyang maggupit kse parang detailed na detailed. Antagal niya akong ginupitan and satisfied naman ako sa outcome. Nahiya naman ako sa effort niya kaya binigyan ko siya ng tip. P50 lang naman. Hindi pa ako ganun kayaman. Lol. Actually, first time kong magtip. Haha. And it feels good pala. So kasama na siya sa gastos everytime na magpapagupit ako.
Ayan, yan ang mga naging adventures ko last weekend. I enjoyed it alot. Really. As in. Panalo. Napakalaki ng nabago sa pagkatao ko. Iba na ako ngayon. I improved alot. This is the updated version of me. (Wow! Parang si KC Concepcion lang. Wahahaha). Meet the new me sa susunod kong post. Masyado ng mahaba ang post na ito para dugtungan ko pa ng kaemohan. Next time na lang uli. Bye!
PS Christmas Party na namin bukas. Gudlak sa aming presentation. Tsaka na rin sa presentation ng ibang group. Kahit hindi kami manalo, ok lang. Basta makasayaw at makakanta lang kami ng maayos. Ok na. Btw, 4 of the major prizes sa raffle are the following: iPhone4, iPad 3G, xBox Slim and HP mini netbook. Grabe! Sana manalo ako kahit yung iPad lang. Please! hahahaha.
Ingat. Godbless guys. :-)