This post will be a loooonnnnggggg one. Mapupuno din ito ng iba't ibang emosyon. As in iba't iba. Actually, iikot lang ito sa nangyari sa akin last Friday at ang naging epekto nito sa mga sumunod pang mga araw. Andami kong gustong ikuwento. Sobra sobra.
Babala: Mayroong mga damdamin at emosyong ilalabas sa post na ito. Maaaring huwag husgahan ang author. Naglalabas lang ng saloobin. Pagbigyan na siya. Blog niya to.
APRIL 14, 2011
Like what I've said in one of my previous posts, nakapag-apply na ako ng leave for April 15 kahit walang kasiguraduhan na matutuloy ang balak kong pagpunta sa PLM graduation. Pero last Thursday night eh na-confirm ko na matutuloy pala ako and mali lang pala yung interpretation ko sa mga sinabi nung isa kong friend about sa balak namin after ng graduation. And it all started there.
Na-excite ako ng malaman kong matutuloy na kame. Inisip ko kaagad kung ok na ba ang outfit ko. Then nag-sink in na naman sa akin ang mga negative comments ng isa kong friend tungkol sa susuotin ko. Naiinis ata siya kase ginaya ko lang sa kanya yung damit ko. Nagandahan kase ako. Naubos talaga ang confidence ko sa mga pinagsasasabi niya sa akin. Muntik na nga akong mapikon. Kaya naisipan kong bumili ng jacket pantago sa kapayatan ko at pandagdag porma na rin.
Nagkita kame ng friend ko na bibili naman ng sapatos. Super like ko yung nabili kong jacket. Ang ganda. Kaso medyo mahal. Pero ok lang. Umeksena naman ako nung graduation. Nakapagspoiler tuloy ako. So ayun na nga, pagkauwing pagkauwi ko, nag-ayos na agad ako ng gamit. Para ngang mas excited pa ako sa mga ga-graduate.
APRIL 15, 2011
Wait nga, fast forward na. 3:45 am ako nagising. Mabilisang naligo at matagal tagal na nag-ayos. Matagal ako sa salamin. Gusto kong ayusin ang sarili ko. Gusto ko kahit papaano, mapapansin naman ng mga friends and blockmates ko dati na me nagbago sa akin. Na kahit papaano eh nag-effort akong ayusin ang sarili ko.
Pumunta na ako sa bahay ng friend ko na kasabay kong pupunta sa venue ng graduation. Nagandahan siya sa jacket ko. I'm flattered. Minsan lang kase kame parehong magandahan sa isang bagay. In short, hindi kame magka-taste. Nakarating kame sa venue ng mga 6:00am. Nagulat ako sa mga tingin na sumalubong sa akin pagkababa ko ng taxi. Ang unang pumasok sa isip ko: "What the heck?! Am I overdressed???"
//Deleted this part. Ang jeje lang na nilista ko talaga yung outfit ko with matching tatak na cheap naman. HAHAHAHAHA.
Sa tingin ko naman, hindi naman ako nag-OA sa damit ko. Gusto ko lang talagang takpan yung kapayatan ko sa suot kong top kaya ko naisipang mag-jacket. O well, let's move on. Hindi natuloy yung balak naming mag-picture picture muna ng mga friends ko bago pumasok kase nga hindi din kame agad nagkita kita. Ayun. So hindi kame kumpleto sa unang session ng pictorial namin.
Pumasok na sa loob. Antagal bago mag-start. Naging dalawa yung ticket na naka-reserved for me dahil dalawa talaga silang nagtabi for me. I'm so touched. Nalaman ko nga pala na Magna Cum Laude yung kapatid ng friend kong si Karen. Matagal tagal na din kaming hindi nagkikita. Grabe, super late na sila, hindi na nakasama yung kapatid niya sa entrance ng mga graduates. Mabuti na lang naabutan nila ung pagma-march kahit late na talaga sila. Magkatext kame that time kaya naman pinlano na naming magkita sa labas ng venue para tahimik tsaka para safe kase nasa magkaibang forum kame ng PICC tent naka-assign eh.
So nung speech blah blah blah na, lumabas na kame ng forum hall para magkita kame sa labas. Hindi niya ko nakilala. Grabe. Nawalan lang naman ako ng eyeglasses. Ayun na nga. Papunta na ko sa kanya, sa likod ko pa din siya nakatingin, hindi niya alam na ako na yung parating. So ayun nga, sinigawan ko na siya. Ang gwapo ko daw, sabi niya. Na-flatter na naman ako. Me pinatunguhan naman pala yung effort ko. Todo yakapan kase nga sobrang tagal naming hindi nagkita. Lagpas two years ata. So imagine na lang ang kapanabikan namin sa isa't isa. Kaya naman hindi matapos na kwentuhan and kumustahan ang nangyari. Madami siyang naikwento, ganun din naman ako. Sulit na sulit ang pagkikita namin.
Pero sa kalagitnaan ng pagku-kwentuhan namin, dumating yung isa niyang friend na pupuntahan naman yung girlfriend niya sa loob. Eh kaso wala siyang ticket kaya baka hindi siya makapasok. Eh saktong dalawa yung ticket ko kaya binigay ko sa kanya yung isa. Nagkaroon pa ako ng instant friend.
Dumating na ang time ng pagma-march ng mga graduates. Heto na ang pinakahihintay ko. Ha?!?! Anung pinakahihintay ang pinagsasabi ko??? O gosh, wait lang, bakit nga ba? Anu bang dahilan at nag-effort akong mag-leave para lang umaattend ng graduation?
Ano pa ba?!?! Eh di para makita ko si COVIN! Ooooopppppssss. Wag ng mag-violent reaction. Oo na ako na ang obsessed. Ako na ang patay na patay sa kanya. Eh what can I do? Hindi naman yun bigla bigla na lang nawawala noh! Kung pwede lang na paggising ko isang umaga wala na, eh di masaya na sana ako. Wait nga lang, drama na agad? Mamaya na yan, magkukwento pa ko eh!
So ayun na nga, inabangan ko na ang pagtawag sa names ng candidates for graduation sa College of Engineering and Technology especially sa course na Electronics and Communications Engineering. Nauna na ang mga ibang courses then ang pinakaaabangan ko. Ayan na, tinawag na sila alphabetically. A, B ,C. Nang dumating na sa letter D, hinanda ko na ang mahiwaga kong cellphone at tinapat sa projector display.
Simula pa lang ng D eh tinapat ko na ang cp ko kaya halos mangalay na ako ng siya na ang tinawag. Actually, nakita ko na siya sa projector display nang pauupuin na sila sa kanilang respective seats. Pero hindi ko pa siya nakikita in flesh. Kaya ng tinawag na siya at nakunan ko na ang pag-abot niya ng toga, inabangan ko agad ang pagbaba niya ng stage, ang pagbati sa kanya ng mga prof at ang pagbalik niya sa kanyang seat. Hindi ko siya masyadong nakita dahil medyo malayo ng konti ung seat niya sa pinpuwestuhan ko that time. Pero after that, dumating ang pinakaaasam asam kong pagkakataon.
Ayan siya, papalapit sa direksyon ko. Sa sobrang kaba ko, bumalik ako sa inuupuan ko at hinintay ko siyang dumaan. Ayan na siya, lumalakad sa gilid, tumigil pa sa malapit sa akin. Ayan na siya, palayo sa akin. Naglalakad siya, palayo. Ambagal ng oras. Sobrang bagal. Naka-slow motion ba kame? Teka, hindi naman pero bakit ganun? Sa halos isang minuto niyang paglakad at ako naman eh umikot ang buong leeg sa pagsunod sa kanyang mga bawat galaw, eh parang inabot ng walang hanggan at halos mabali ang leeg ko wag lang siyang mawala sa paningin ko.
Hindi ko mapigilang mapasinghap matapos maganap ang huling talata. Halos mawalan ako ng hininga sa nangyari. It may sound OA, but it happened. Swear. Matapos ang makapigil-hiningang sandali, hindi ko mapigilan ang sayang naguumapaw sa puso ko. 13 months ko siyang hindi nakita. Believe it or not, sa loob ng 13 months na yun, umasa akong makikita ko siya sa mga lugar kung saan nakikita ko siya dati.
It's weird. Pumupunta ako ng university ng dala dala ang pag-asa na me pasok siya noong araw na iyon at pakalat kalat lang sa university. Pumupunta din ako sa mall kung saan malapit ang school namin dahil sa umaasa akong baka gumagala sila doon ng girlfriend niya.
Back to the graduation, matapos mangyari iyon, natuwa talaga ako. Masayang masaya talaga ako. Basta masaya. Mahirap ipaliwanag. I-imagine niyo na lang yung scenario na nakita mo yung taong mahal na mahal mo after some time. Basta masaya talaga.
Natapos ang graduation. Sunod sunod pa ang magagandang nangyari sa akin. Natuloy ang planong picture picture after grad. Medyo nakakalungkot lang kase limited ang time namin sa loob at kelangan ng lumabas para sa susunod na batch kaya nagkahiwa-hiwalay kame ng mga friends ko. Nawalan ako ng time para pumunta sa mga profs at bumati. Me mga friends and blockmates din ako na hindi ako nakapagpa-picture.
Nagsolianna ng toga at palabas na kame ng gate ng makasalubong ko ang favorite prof ko nowadays na kumukunsinti sa pagkakaroon ko ng crush sa isa sa mga "alaga" niya. Kaya hayun, nakapagpapicture na naman ako sa crush ko. Actually, nagpaalam, yeah, nagpaaalam talaga, pa ako sa crush ko na picture picture kame after which he didn't decline. Ambait niya. So ayun, picture picture kame. Lalo pang nadagdagan ang kasiyahan ko.
Nakita ko pa si Covin after nun. Pero dahil sobrang init ng sikat ng araw that time at nagmamadali na ang mga kasama ko, nagpadala na lang ako sa alon. Umalis na kame at pumunta sa gate at doon nagpicture picture. Yoon ang huling kita ko ke Covin.
Diretso kaming MOA after. Kumain sa Almon Marina. Ok naman kaso halos mag-collapse na ako sa gutom kase antagal dumating nung food nung isa naming kasama . Kwentuhan habang kumakain. Masaya kahit hindi kame kumpleto. Sa sobrang pagod dahil sa paglalakad at antok namin dahil sa maagang paggising, 4pm pa lang eh naisipan na naming umuwi. Pero naisip naming magpahinga muna sa bahay ng isa naming friend at magpagabi na lang doon para pakapagpahinga ng maayos.
Pagdating sa house nila, bluetooth ng pics and paglamon ang inatupag namin. Super kwentuhan din at kainan to the max. After that eh diretso ng umuwi. Grabe. Kakapagod. Konting pahinga then super nood ng TV and higa na. Dito na nagsimula ang hindi ko maipaliwanag na feeling ko. As in super lungkot ang namayani sa puso ko. Hindi ko maipaliwanag. Halo halo. May lungkot, panghihinayang , awa sa sarili at higit sa lahat, takot.
Teka, bakit? Anung naramdaman ko? Eto na. Hindi ko alam sa sarili ko kung bakit me ganun akong ugali o pakiramdam. For example, yung nangyari. Diba nakita ko nga si Covin after a long time, tapos tinignan ko lang siya. Dun pumapasok yung panghihinayang. Panghihinayang na anu kayang nangyari kung nilapitan ko siya at nagpapicture ako sa kanya. Tatanggi kaya siya o pagbibigyan niya ako. Another one, yung lungkot at awa sa sarili. Pumapasok sa isip ko bakit kaya hanggang ngayon hindi niya mapagbigyan yung hiling ko na maging friends kame. Imagine, apat na taon akong nanlilimos sa kanya ng friendship, pero hindi niya ako mapagbigyan. Am I that kadiri or something para tanggihan niya? Very vocal naman ako na friendship talaga kaya dapat eh hindi na siya mailang. O well, tama na ang sisihan. Nandyan na yan. Lastly is yung takot, namamayani talaga yung takot sa sistema ko lalo na kapag ini-imagine ko na hindi ko na siya makikita. Yung thought na yun yung me pinakamalaking impact sa akin kaya halos ilang oras akong umiyak that night. Grabe pati sa aspetong ito ng buhay ko, naapply ko yung trait ko na yun.
Dahil sa takot na yan na naramdaman ko, pati yung crush kong kakagraduate lang din eh nadamay sa ka-emohan ko. Ay wiat me sasabihin ako, actually, parang nagiging hindi ko na siya crush. Parang gusto ko talaga siyang maging bestfriend. I mean, sa sobrang kabaitan niya, parang ansarap sarap magkaroo ng kaibigan na katulad niya. Pero I know, medyo malabong mangyari pa yun sa ngayon dahil ako lang ang nag-eeffort para makapag-usap kame. Ayun nga. Nadamay siya sa pagiging emotional ko that night. Guess what kung anung tinext ko sa kanya.
Tinanong ko sa kanya kung pwede bang makita ko siya kung gusto ko siyang makita. Yeah, I know it sounded so agressive pero dahil sa pgiging helpless and emotional ko that night, hindi ko na na-rephrase yung text ko. Hanggang ngayon, hindi pa din siya nagrereply. Pero maghihintay ako. I will. Sabi ko naman sa kanya, ok lang kung ayaw niya. Nag-promise pa ko ng bonggang bongga. Basta hihintayin ko pa din ang reply niya, no matter what.
Halos mabaliw ako ng dumating ang sabado.
Wala akong mapagkwentuhan ng nararamdaman ko. Binaling ko na lang sa iba ang oras ko. Pero after that, ganun pa din. Hanggang maisipan kong tawagan ang isa sa mga friends ko and mabuti na lang at nabawasan ng konti ang nararamdaman kong lungkot at frustrations.
Natuloy na din kame sa wakas ng bestfriend kong magsimba. Tuwang tuwa ako nun. Mabibigay ko na sa wakas yung regalo ko sa kanya na isang buwan na sa akin. Makakapaglabas pa ko ng saloobin sa kanya. Kaso, ayaw ata talaga ng tadhana na gumaan ang loob ko. Kasama ng bestfriend ko yung boyfriend niya nang magkita kame. Tapos sumama pa siyang magsimba sa amin. Tapos hindi pa kami pwedeng magkwentuhan ng bestfriend ko after ng mass ng kaming dalawa lang kase ihahatid pala siya ng boyfriend niya. Hindi sa naiinis ako sa nangyari. Nalulungkot lang ako para sa sarili ko. Sana kase kahit papano nadagdagan yung mapaglalabasan ko ng sama ng loob. Eh hindi nga natuloy dahil sa mga hindi inaasahang pangyayari.
At eto ako ngayon, lunes na lunes eh wala talagang gana sa work. As in nanghihina ako. Kahit alam ko na me kelangan akong gawin, heto ako't naglalabas ng sama ng loob sa blog ko. Yep, kaninang umaga ko pa binubuo ang post na ito at hanggang ngayon eh hindi pa ako natatapos. Wala din akong ganang kumain ngayon. Grabe ang epekto sa akin ng mga bugso ng pangyayari. Call me anything pero sana maintindihan niyo ko. Masyado pa akong emosyonal ngayon. Siguro pagkalipas ng ilang buwan o baka ilang linggo, mawawala din ito. Baka tawanan ko pa ang post na to. Sana nga.
Sobrang haba na nitong post na ito. I'll include na lang sa next posts ko kung me nakaligtaan man akong ikwento. Maraming salamat sa pagbabasa. Sorry kung walang sense para sa iyo ang nabasa mo. Sana maintindihan mo. Emosyonal lang talaga ako. Ayun lang. Mabuti na lang at kahit papano eh kakabit na ng buhay ko ang blog na ito. Nakakapaglabas ako ng saloobin na hindi ko mailabas sa ibang tao. Maraming salamat talaga.
Para sayo ang kantang pamagat ng post na ito Covin.
Keep safe guys. Godbless.