Powered By Blogger

Wednesday, April 27, 2011

Overhauled

Ramdam na ramdam ko ang pagbabagong ini-impose ko sa sarili ko. Yes, medyo sapilitan na nga ito. Siguro nga napuno na ang salop. Napagod na din ako malamang. Ang hirap naman kase nung magmamahal ka no. Lalo na kung walang kapalit. Ilang taon dina kong ganon.

Holy Week lang ang dumaan pero andaming nabago sa akin. Actually, hindi ko alam kung matutuwa ba ako sa mga nangyayari sa akin. Ewan ko ba pero parang wala akong maramdaman na improvement sa buhay ko sa nangyayari sa kin. Pero, wala din naman akong nararamdamang pagsisisi sa ginagawa ko. I therefore conclude na ok lang din na i-continue ko muna to. Tignan ko na lang din sa huli kung anong mangyayari. Kung me maganda ba itong kalalabasan.


Napansin ko na masyadong makabagbag-damdamin ang mga last posts ko. Natuwa kase ako na gumamit ng mga Filipino words na hindi ko naman madalas gamitin. Ang kinalabasan, mukhang naging matalinhaga ang mga posts ko. Pero hindi naman masyado. Feeling ko lang. Ikaw, anong feeling mo? Echos. Lol. Ayan bumalik na ako sa dati. Me tawa na ang post ko. Amazing. Hahaha.

Napansin ko, sa sobrang paglalabas ko ng mga sarili kong saloobin, nakalimutan kong i-kwento kung aao ba ang pinag-ugatan ng mga inilabas kong damdamin sa mga previous posts ko. Ku-kuwento ko na nga. Pero hindi ko alam kung saan ko sisismulan. Aaaahhhhhmmm. Bahala na nga.
Like what I've said in my post entitled Till They Take My Heart Away, masyadong naappektuhan ang buhay ko ng muling pagkakita ko ke Covin. Me ibang taong nadamay sa ilang araw na pagdadrama ko. Nabanggit ko din na kahit trabaho ko, affected din that time. Isa pa sa mga naappektuhan ng pag-e-emo ko that time is yung sinasabi ko na crush ko sa school. Alam niyo ba ang ginawa ko? Huwag na, nakakahiya masyado eh. Lol.

(Ang part na ito (next two paragraphs) ay nakwento ko na pala sa previous posts ko. Kaso hindi ko na mabura kase hindi ko na alam kung paano irereconstruct yung post. LOL. Kaya leave it that way na lang. :-)) 



Eto ang ginawa ko: Out of desparation that time. Ay teka, kwento ko muna kung bakit desparation. Nangyari na ba sa inyo yung feeling niyo hindi mo na makikita yung taong mahalaga sayo? Yung sa sobrang nega niyo, ang naiisip naiisip niyo, never mo na siyang makikita. As in never kaya gagawa ka ng paraan para makita siya. Ayan ang ginawa ko. Wait, isa isahin ko. Hindi ko mahihiling ke Covin yung bagay na yon kaya yung crush ko sa school na sobrang bait yung kinulit ko. Eto na. Minessage ko siya sa fb. Anong laman ng message ko? Nagpasalamat ako sa kabaitan niya sa akin. Sinabi ko sa kanya na sobrang tine-treasure ko yung friendship namin dahil madalang akong magkaroon ng guy friend. And the PASABOG: Tinanong ko lang naman siya kung pwede ba kaming magkita sa future.

Isa pa yang tanong na yan sa mga nagpagulo sa buhay ko sa totoo lang. Hindi niya ako nireplyan. Saktong isang linggo ng i-message ko uli siya. I said, ok lang naman talaga na tumanggi siya. Sinabi ko din na malamang yung silence niya about dun sa topic means hindi siya comfortable dun sa pakiusap ko. Vocal naman talaga ako na medyo agressive yung move na ginawa ko. Pati yung isa kong friend, sabi din niya, masyado daw ngang agressive yung pagkakasabi ko. Ang sabi pa niya, hindi naman daw kame ganon ka-close nung guy para humingi ng ganon klaseng request. Base sa mga reply niya eh hindi niya nagustuhan ang hiling ko which I understand naman. Hindi niya lang talaga masabi dahil siguro inaalala niya pa din yung mararamdaman ko.

Diyan na nagsimula ang mga nakakalokang realizations ko. Pero ang mga realization na yan eh umiikot lang sa iisang konsepto: "Bakit ako magpapakatanga sa mga taong ayaw naman sa akin?" Just like a strike of lightning ang pagdating sakin niyan. At sa loob lamang ng ilang oras ng pagiisip, pagaalala ng mga nangyari at pagtataya sa kinabukasan, I landed into a decision.




Ibang Marvin na ako ngayon. Hindi na ako katulad ng dati na masyadong vulnerable pagdating sa love. Hindi na ako tulad ng dati na give na lang ng give ng love kahit walang take. Natuto na ko. Pangalawang revolution ko na ito. Kung noong una eh, sinubukan kong baguhin ang sarili ko ng baguhin ko ang image ko. Naging masayahin ako. Naging mas mapili ako sa damit. Pero sa kabila ng mga pagbabagong iyan, ang tanging dahilan lang naman ng lahat ng iyan eh para me humanga naman sa akin kahit papaano. If you know what I mean. Mas naging malakas na din ang looo ko sa paglapit sa boys after that change of mine.


Pero ngayon, iba na. Aalisin ko na sa sistema ko ang paglapit sa boys. Naisip ko na hindi naman pala dapat umikot ang buong mundo ko sa kanila. Hindi naman dapat ako magmukhang kawawa at tanga sa paningin nila. Nakakasawa na kase. Nagtagumpay man ako sa mga pinlano kong pagbabago ko sa aking sarili sa revolution 1, ang mga nangyari sa akin noong mga nakaraang linggo ang nagpamulat sa akin at nagsabi sa akin na gawin ang revolution 2. So far so good naman siya. Hindi na ako ganun ka-sensitive tulad ng dati when it comes to love.  Natuto na ako. Medyo tumigas man ako ngayon, alam ko na mas mabuti ito kesa sa dating Marvin na masyadong vulnerable.

Well, wish me luck na lamang sa kalalabasan ng overhauling na ito. I hope it'll be for the betterment of my life. :-)




PS. Hiniram ko ang title ko sa aking kaibigan na si Robert. Lol.

(Nabubuwisit na ako sa pag-edit ng post na ito. Ayaw niyang umayos. If you will notice, magulo yung spacing niya. Pasensya niya. Nakakabadtrip na talaga siyang ayusin pero hindi ko talaga siya maayos. Lol) 

Keep safe guys! Godbless. :-)

No comments:

Post a Comment