Powered By Blogger

Thursday, April 14, 2011

The World Is So Round!

Graduation na nila bukas! I'm so excited sa mga suot nila sa totoo lang. Lalo na sa mga girls. Siyempre pabonggahan sila niyan sa mga dresses nila lalo ng yung mga fashionista talaga. Natutuwa akong makakita ng mga magagandang girls na naka-dress. Feeling ko nasa runway or red carpet ako. Pero hindi ako attracted sa kanila. Hahahaha. Natutuwa lang talaga ako.

Masaya daw ang baccalaureate mass kahapon. Dami daw pictures. Nakita ko nga sa plurk and twitter yung pics nila. Kakatuwa. Parang nagkaroon bigla ng reunion. Yun nga lang, hindi kumpleto lahat ng magkakabatch kase nga nauna na kame last year.

Nasa university din daw kahapon yung girlfriend ni Covin. Ang sweet daw nila. Nakakatuwa. Masaya ako para sa kanilang dalawa. Walang halong kaplastikan or anything. Ganun ko siya kamahal. Walang halong inggit sa taong mahal niya. Basta happy siya, happy na din ako. :-)

Kani-kanina lang, pinoproblema ko kung tama ba na suotin ko bukas yung binili kong long sleeves shirt sa Giordano. Niloloko kase ako nung friend ko na hindi na daw talaga bagay sakin. Pangit daw sakin kase payat ako. Blah Blah Blah. As in sa super dami niyang negative comments, naubos talaga confidence ko. And sa totoo lang, medyo napipikon ako sa kanya kase hindi niya talaga ako tintigilan sa twitter. Basta. I don't know kung naging pikon ba ako in this instance or over na talaga siya. 

Sinukat ko kagabi yung damit kasama nung skinny jeans ko. Lol. And sa super panglalait sakin nung friend ko sa twitter, naapektuhan talaga ako ng sobra and sa tingin ko nga eh hindi talaga bagay sakin yung damit kaya kanina, naisipan kong bumili ng jacket pamatong para hindi na makita. Affected talaga ako. Hahaha. As in. Kaya nga ini-imagine ko na yung magiging itsura ko tsaka ko nga naisipan na bumili ng jacket. Aun.

So eto nga. Kung kanina, yun yung iniisip ko, ngayon naman, naguguluhan ako kung pupunta pa ba ako or not. Nagkaroon kase ng mga biglaang plano yung mga friends ko sa dapat na plano namin after graduation. Ganito kase yun. Nung nagmeet kame last Tuesday, me plan na kami na sabay sabay na magla-lunch after grad. So ako, super excited ako that time.

Niready ko na yung damit ko, nag-apply na ako ng leave and everything. All set na. Then eto na. Nagtext and e-mail brigade ako kanina to know what's the actual and to set the final plans. Eto na, biglaang nagbago ang plano. Ang isa sa amin, sinabing nagpa-reserve pala sa sa isang resto yung mama niya and kasama niya pala yung iba niyang relatives kaya nakakahiya na makisali kame. Then yung isa naman, me sakit daw yung brother niya kaya sabi nung parents niya, mag-take out na lang daw sila and sa bahay na lang sila kumain. Eh di minus two na agad kame. Eto pa. Yung dalawa pa, hindi nagrereply. Nakakaloka! Hahaha. And finally, yung nakaplan ko talagang kasama and yung kausap ko na me kasunduan kame na kahit anung mangyari aalis kame kase kelangan niya ding hintayin ung mama niya kase aattend ule ung mama niya ng graduation sa afternoon batch (dalawa silang magkapatid na magma-march), biglang nagsabi na itetext na lang daw niya ako kung tuloy kame kase me isasama pa daw siyang isang kamag-anak dahil sobra yung ticket niya kase dapat sa akin niya yun ibibigay eh me iba ng nagbigay sa akin kaya sumobra yung kaniya. Aun na. 

Naguguluhan tuloy ako kung tutuloy pa ako bukas. Ayaw ko kaseng maging tanga bukas na after ng graduation eh mag-isa lang kaong lalabas and take note, ako lang ang uuwe mag-isa dahil wala akong kasama. So lonely. Ayaw ko ng ganun. Kaya nga ngayon eh nag-iisip ako kung pupunta pa ba ako. Basta me pre-requisite ung pagpunta ko. Dapat eh me kasama akong umalis galing gradution. Tapos!

Bahala na kung anong mangyayari. Wish me luck. Post ko agad kung anong plan ko para bukas. As if you care. Lol. Basta I'm pissed dahil sa mga pabago bagong plans. Duh! Whatever. You're such a loser Marvin! Lol.  

Keep safe. Godbless us all. :-)

No comments:

Post a Comment