Ang buhay nga naman talaga. Andaming surprises. Buong sabado akong malungkot. Nadagdagan pa ng malungkot na balita last Sunday morning.
Madaling araw na ako natulog ng Linggo pero naalimpungatan ako ng mga 7am at nagbukas ng fb sa cp. Nagulat ako sa isang nabasa ko. Pumanaw na daw ang aktor na si AJ Perez. Ang unang pumasok sa isip ko, anu ba yan, another hoax. Grabe naman ang mga tao, hindi na pinatawad lahat ng artista. Lahat na lang pinapatay. Pipikit na sana uli ako ng makita ko kung ano ang source ng nabasa ko. Pep pala. Malabo ng maglabas ng balitang walang bahid ng kahit konting katotohanan ang site na iyon dahil na rin sa isang eskandalo na kinasangkitan nila dati.
Anyway, hindi na ako nakatulog after non. Me halong kaba sa dibdib ko. Walang halong biro. Hindi ko crush si AJ. Pero gusto ko siya. Napakaamo ng kanyang mukha. Nanlumo ako ng makompirma ang balita. Kung ano ano pumasok sa isip ko. Nakakatakot, nakakalungkot, nakakapanghinayang. Andaming tanong ang namayani sa akin. Bakit kelngang mangyari yun. Bakit siya pa? Bakit ganoon pa? Bakit ngayon na? Andami dami pa niyang pwedeng magawa. Andami pa niyang mga pangarap na pwedeng matupad. Lalo pa ngayon na naguumpisa ng umusbong ang kanyang karera sa pag-arte.
Sabihan niyo ng OA ako. Hindi ko kakilala ni isa sa mga kakilala ni AJ. Wala kaming koneksyon sa isa't isa. Pero nakakagulat pa din ang balita. Nakakalungkot talaga. Pero alam ko na me magandang plan si Father God kaya ito nangyari. Alam ko at sigurado ako.
Nakikiramay ako sa mga naiwan ni AJ especially sa kaniyang pamilya lalong lalo na sa kanyang mga magulang. Madami po kayong kasamang nagdadalamhati. Sana po ay kayanin ninyo ang pagsubok na ito. Kapit lang po ke Father God. Hinding hindi Niya tayo pababayaan. Kapit lang po.
Paalam AJ. Paalam. We will miss you. :-(
February 17, 1993 – April 17, 2011
Keep safe guys. Godbless us all.
No comments:
Post a Comment