Powered By Blogger

Monday, March 28, 2011

Unknown

Pakiramdam ko, hindi na ako yung dating Marvin. Ilang araw lang naman yung lumipas. Ewan ko ba. It feels like I'm turning into a monster, not literally huh! Haha. 

Me pagtatalong nagaganap sa isip ko sa tuwing magiisip ako ng mga bagay bagay after kong humiga at bago matulog sa gabi. Andami kong mga iniisip. Hindi ko nga alam kung dapat ko bang isipin yun eh. Or worse, kung kelangan ko bang problemahin yung bagay na yun.
Me ugali ako na hindi ko alam kung tama ba. Masyado akong righteous when it comes to issue of being like this. Malalim na ang pagkakatatak sa isip ko ng konsepto na ito ay mali at ito ay labag sa utos ng Diyos. Pero sa ilang taon ng pakikipagbuno ko sa realidad at pantasya, unti unting natatabunan ng pag-asa ang hukay na dulot ng ideyang iyon na ilang taong umikot sa buhay ko.

Iyan naman ang pinakamalaki kong suliranin sa kasalukuyan. Hindi ko alam kung itutuloy tuloy ko ba ang pagbabago sa sistema ko para matabunan na ng tuluyan ang paniniwala. It's like there's something that hinders me to fully embrace the new me. Ang bagong ako na naguumapaw sa confidence, walang pakeilam sa mga mapanuring mata ng mga tao at higit sa lahat, matapang ng lumapit sa apoy. Don't get me wrong with that. Ang ibig ko lamang sabihin dun eh mas naging risk-taker ako when it comes to friendship with the likes.
Ang panghuling pagbabago sa akin ang humahawak ng malaking posyento ng pagkalito ko sa ngayon. Hindi ko alam kung positibo ba o negatibo ang hatid ng pagbabagong iyan sa akin. Oo naging makapal ang aking mukha sa pakikipag-kaibigan. Nagkakaroon ako ng mga cyber-kausap. Nakikipagtinginan sa hindi ko kakilala. Waaaahhh! Hindi ko alam kung tama ba ang ginagawa kong ito. Kaya nalilito ako sa kung anung dapat kong gawin. 

Isa pang nagpapagulo ng isipan ko is yung fact na me dahilan talaga kung bakit ko ginagawa ang mga bagay na hindi ko naman ginagawa dati. At yun ay dahil gusto kong magkaroon ng mga first time experience sa mga bagay ng me kinalaman sa ganun. Another "don't get me wrong statement". Ang ibig kong sabihin doon eh yung mga bagay na hindi ko talaga naranasan dati pa. Pero wala iyong kinalaman sa mga sekswal na bagay. 

Hindi lang naman iyon ang first times ko when it comes to this kind of life. Nangunguna na sa listahan(well, actually, isa lang ata ang nasa list ko at eto yun) ang pagkakaroon ng guy na friend. Hindi ko alam kung nasulat ko na dati na isa sa mga pangarap ko ang magkaroon ng kaibigang lalaki peropangarap ko talaga yan. Promise. Sounds corny or mababaw pero ano bang magagawa ko, yan yung matagal ko ng inaasam eh. Haha.
Ayun. Naguguluhan talaga ako ngayon. Good luck to me! 

P.S. Bukas na mageexam yung crush ko sa school dito sa company namin. Ay! Kalandian na naman. Hahaha. Ayun lang. Sana pumasa sila ng mga kasama niya especially him. Hehe.

Keep safe guys. Godbless. :-)



Friday, March 25, 2011

Close To You

"Why do birds suddenly appear, every time you are near. Just like me, they long to be close to you..."

Oh My Gosh! Puno ng kalandian (este kilig ay sige kalandian na nga.Bwahahaha) ang aking mga nagdaang araw. Puro hoity toity tuloy yung mababasa mo sa mga status ko. Hahaha. Anu nga ba ba yung hoity toity? Ginamit ko kase yung google translate para matranslate sa english yung salitang gusto kong sabihin which is kilig. Oo mga kaibigan, un lang ang ibig sabihin nung napakaarteng salitang yun. Haha. Well, bakit nga ba ako kinikilig nowadays??? Eto na!

Btw, puro tungkol sa guys ang mga mababasa niyo. Wahaha. I'm so landi talaga. Hahaha.

So nagstart yan last Wednesday nga nung na-realize ko yung about sa last post ko. Nadagdagan pa yun kahapon. Hindi ko na na-include in my last post this thing kase nangyari to right after I posted my last post. Puro "post". Timawa? Hahaha.

I have this routine na right after I came to office, I would directly go to the pantry to make a coffee. Pero kahapon, naadik ako masyado sa twitter kaya medyo late na akong nakapagtimpla. Pagpasok ko sa pantry, nandun si crushie, nagwawash ng tumbler niya. Para akong tanga kase right after makita ko siya, bigla akong napaatras, literally, and inisip ko kung lalabas ba ako or not. Take note, me isa pang tao nun huh! Pano pa kaya kung siya lang mag-isa sa loob pagpasok ko. It sounds stupid talaga diba. Ang arte arte ko. Hahaha.

So ayun na nga. after niyang magwash-wash (parang ambaboy ng dating. LOL.) ng kanyang tumbler, nagtimpla siya ng coffee niya and it's my turn na para ako naman ang magwash. That time, kaming dalawa na lang yung nasa pantry kaya super duper awkward talaga nung moment na yun para sa akin pero being the person that I am, I acted very normal. As in mukha akong hindi affected pero deep inside, halos mamatay na ko sa hindi ko malamang feeling na yun. Haha! Eto pa! Eh di after niyang ma-make yung coffee niya, lumabas na siya and ako naman, I'm already wiping my things when he came back to get tissues eh hindi ko naman alam na tissue pala yung kelngan niya kaya deadma lang ako. Hindi ko alam na nakaharang na pala ako dun sa tissue dispenser kaya napilitan siyang magsabi ng "Excuse me" sa akin. Yun yung pinakaunang sentence na sinabi niya sakin. Wahahaha. Memorable. I'll remember that until my last breath. Echos. So yan na nga yung second na dahilan ng hoity toity ko nowadays.

The next one is last night naman. The other day kase eh ininform ko yung crush ko (see! puro kalandian talaga tong post na to. Hahaha! btw, hindi po ito si Covin. Love ko yun. Hindi lang crush.) sa alma mater ko na me opening dito sa company namin for another batch of bootcamp training. And ayun, like the kind person he was, we exchanged messages sa fb kase interested daw siya. Ayun lang. Hahaha. Natutuwa lang ako sa thought na maaring maging officemates kami at maging close friends pa. Ang saya saya.

Kanina nga pala, nakita ko crush (putek, crush na naman and take note, iba iba pa sila huh! Hahaha.) sa train. And talagang dun ako pumuwesto sa malapit sa pinupwestuhan niya para mas makita ko siya. Ang landi talaga! Haha. And ayun, he's so close yet so far. Haha. Nakikita ko siya ng bonggang bongga and luckily, nakapikit siya most of the time of travel kaya mas lalo ko siyang natitignan. Haha!

Me katwitter din ako na nakilala ko sa PEx na niyaya ko ding mag-apply dito sa company namin. Hindi ko nga lang alam kung pwede siya dito sa bootcamp kase he's older than the usual ng mga 5 years and wala pa siyang experience. Ayun. Sana pwede siya. The more na ma-recruit ko, the happier. Haha.

That's all guys! pasensya na sa mga kalandian ko nowadays. Hahahaha. Keep safe guys! Godbless. :-)



Thursday, March 24, 2011

The Kilig Train (My Fetish)

WTH! Anung klaseng title yan. Grabe. Super landi. Hahahaha. Eh kase naman kinikilig talaga ko sa pagsakay ng train nowadays. Hahaha. It's because of one thing. Care to make a guess? Ah, wait! What a stupid question. Kaya nga kilig eh. OMG! Nababaliw na ko. Hahaha. I'm so landi talaga.

So as usual. There I was, looking like a fool. Smiling alone. As in mukhang tanga talaga. Shet, ang arte ko. Parang tanga lang. Eto na nga magshe-share na ng story. So here it is.

I've been riding the train(PNR) for about nine months already. Ay wait, masyado na atang matagal yun. Kahapon lang naman nagsimula to. Hahaha. Nakikita ko na siya dati. Pero walang attraction. So I'm shocked with what I felt yesterday when I saw him. He's so cute! That's the first thought that entered my mind nung napagmasdan ko siya. So kanina, I really tried my best para makita siya. And there he is. Siya na yata yung pinakahuling sumakay. And shetness, that's a very me attitude. Yung hate yung pakikipagsiksikan. Mas gusto pang magpahuli para nga naman safe sa stampede. Echos!

So ayun nga, nakita ko na naman siya kanina and para akong tanga na ngiti ng ngiti. Hahaha. Badtrip nga lang kase he's on the other side of the train. And sa mga sumasakay diyan ng PNR train, alam niyo naman ang situation sa loob nun. Super siksikan ng bonggang bongga talaga lalo na kapag morning ride. So ayun, after ko siyang makita pagpasok niya, hindi ko na uli siya makita. Hay. Well, at least nakita ko siya. Finale pa yung entrance niya. Hahahahahaha.

Bakit ko nga ba siya nagustuhan. Kelan ko lang narealize na FETISH ko pala yung medyo malaki yung CHEEKS. Hindi ko alam kung bakit. As in. I came to a realization na lahat pala ng nagiging crush and "love" ko, me kalakihan yung cheeks nila. And actually, it may look stupid but, I will do anything, even stupid thing/s, makurot ko lang mga pisngi nilang lahat. Hahaha. So sweet diba! Haha. 

Sana makasabay ko uli siya bukas. And sana sa harap ko siya tumayo. Echos. A very awkward situation pero super kakilig nun. As in. Shet. Hahaha. Tama na nga ang kalandian. Babush na guys! Keep safe! Godbless. :-)  

Tuesday, March 22, 2011

Hay Buhay!

Hindi ako natutuwa sa ibang nangyayari sa akin nowadays. Nangunguna na dyan ang mga problemang pinansyal ko. Echos. Actually, hindi naman yun ganun kabigat kase nabubuhay pa naman ako kahit papano. Yun nga lang, feeling ko medyo kakapusin ako sa darating na buwan. Nakakaloka naman kase eh. Sunod sunod ang mga bayarin ko ngayong buwan at sa susunod na buwan na aabot ng kulang bente mil. Hahaha. Sosyal! Ay, parang hindi pala. Para kase sa akin, malaki na ang perang iyan. Bwisit kase yung cellphone ko bakit nawala pa. Eh di sana me ipon na ko ngayon.Anyway, kalimutan na ang nakalipas. Isa pa ang bayarin ko sa credit card. Grabe, nakakaloka palang magkaroon ng credit card. Feeling mo ang yaman yaman mo kahit sa totoo lang wala ka naman talagang cash. Bwahahaha. Totoo naman kase no! Napakadaming pwedeng paggamitan ng credit card nowadays kaya feeling mo me pera ka na din. Haha! Ayan tuloy umabot ng ganun kalaki ang mga bayarin ko. Hahaha.

Isa pang ikinalulungkot ko sa mga nangyayari sa akin ngayon ay ang hindi namin pagkikita ng best friend ko. Hindi ko alam kung bakit biglang naging big deal sa akin ang hindi namin pagkikita gayong dati naman halos isang taon kaming hindi nagkikita. Nagtatampo lang ako kase kahit nung birthday niya hindi man lang niya ko niyayang umalis. Hindi ko tuloy nabigay yung gift ko sa kanya. Imagine, magti-three weeks na simula nung birthday niya pero nasa akin pa din yung gift ko para sa kanya. Tapos last weekend, nagpost ako sa wall niya kung magsisimba ba kame, hindi naman siya nagreply, the day after na siya nakapagreply kase daw nuon lang niya nabasa. Ok lang sana kase ok yung reason kaso parang nagpatong patong na kase yung tampo ko kaya sumara na ng konti yung isip ko. Hindi ko na tuloy siya nareplyan. Hay. 

This post is supposed to be yesterday's post kaso nasa unang sentence pa lang ako, narealize ko na na maguuwian na kaya ngayon ko na lang pinagpatuloy. Kaya maikukuwento ko pa ang isa na namang nakalulungkot na pangyayari sa buhay ko. This time, problema naman sa bahay. Sanay na kame sa super kakaibang ugali ng kuya ko pag nagalit na. Kung ako, super mainitin ang ulo, siya naman, super pagwawala ang nangyayari kapag galit na. Hindi ko na idedetalye ang nangyari pero alam ko na walang me kasalanan sa nangyari. Ang mali lang ng kuya ko is hindi na niya iniisip ang posibleng mangyari sa pagwawala niya. Hay. Isang napakalaking misunderstanding due to emotions inside ang nangyari. Isang simpleng statement lang ng nanay ko, ang dahilan, na sobrang dinamdam ni kuya. Hay. Hindi ko alam kung me matutulong ako regarding this problem of ours kase aminado akong I'm not in the right position to make a move kase alam ko na isa din ako sa mga madalas na me makaaway sa bahay. Bahala na. Basta gagawin ko na lang ang best ko para hindi na ako dumagdag pa sa eksena.

Well guys, it's goodbye time na. Haha. Keep safe (Lumindol kahapon pero hindi ko naramdaman. Malamang eh nasa loob ako ng jeep kagabi nang mangyari ang nasabing lindol pauwi sa aming bahay. Ingat sa ating lahat!). Godbless.


Friday, March 18, 2011

Epic Fail

Grabe, hindi ko alam kung me taglay lang talaga akong kamalasan or something. Punyeta, ayaw pa ding gumana nung ginagawa kong scripts(SQL Scripts). Punyeta talaga. Wahaha. Hindi ko alam kung bakit ayaw niyang gumana. Nakakainis lang talaga kase alam ko naman na tama yung gawa ko. Juice ko naman, 20 lines of code lang naman yun no! Grabe. Nagmumukha tuloy akong tanga (feeling ko lang) sa PM (Project Manager namin). Hahaha. Feeling ko I'm so useless sa team namin. Biruin mo naman kase, very little lang nung importance and impact nung ginagawa ko sa kabuuan ng project namin pero hindi ko pa din magawa ng maayos. Hahaha. Hay.

Sa ngayon, pinatigil muna ako ng PM namin sa pagtetest nung gawa ko kaya heto ako ngayon at pinopost ang kapalpakan ko sa trabaho. Haha. Tengga na naman ako kaya naghanap ako kanina ng mga sites na pwede kong paglibangan habang hinihintay ang go signal ni PM if I'll start again with the development (yeeess, development. SOSYAL! Lol) and testing of the scripts. Again, hindi ito yung karaniwang scripts na alam natin. Hindi po ito yung compilation of dialogues of characters sa isang play or something. The scripts that I'm working on are for the application we're doing. Ayun. 

So ayun nga, naghanap hanap ako ng mga sites or blogs na pwede kong basahin at napunta ako sa site ni idol Rico de Buco. Me mga nabasa ako sa kanyang short stories na talaga namang maganda ang pagkakagawa. Bigla ko tuloy naalala yung serye na sinimulan ko dito sa blog ko. Hay. Nawalan ako kase agad ng ganang magsulat. Maybe it's not for me talaga. 

Bumalik na kani kanina lang sa kanyang pwesto yung PM namin. Baka utusan na niya ko uli. Sige guys. Bye! Have a very nice weekend. Keep safe. Godbless. :-) 

Tuesday, March 15, 2011

Bonding Moments

Naging masaya ang aking mga nagdaang araw. Last Friday, nanuod kame ng mga kaofficemates ko ng tig-15 na movie sa SM Manila. Nakakatuwa talaga yung idea na yun ng SM na magpalabas ng ganung ka-cheap na movie tapos maganda pa yung pelikula na ipalalabas. Actually, most of the films na tig-15 eh bago pa lamang. Hindi naman yung showing pa. Parang tanga naman yun. Karamihan eh pinalabas mga 6 months ago pa lang. Oh diba, sulit talaga. Haha.

Matagal ang hihintayin namin nun kase ung LFS na lang yung natitirang sched kaya naisipan muna naming magdinner sa Greenwich. Dumating yung mga friends nung college nung isa kong officemate. Masaya naman. Mababait sila kaya ok lang. 12mn na ata ako nakauwi dahil late na yung sched nung LFS. Maganda yung movie. As in. Shaolin yung title. Hindi ko na ikukuwento. Kindly research na lang. Haha.

Saturday, nagkita kita kami ng mga ka-officemates ko ule para manuod ng Pyromusical sa MOA. Grabe super daming tao. Dun lang kame sa tig-100 na place nanuod. Tag-tipid kame bakit ba?! Wahaha. Ayun, shetness, andaming gwapo. Haha. Me isa nga akong nakita na inabangan ko talagang dumaan uli dun sa place namin hanggang matapos na yung show. Haha. France ata tsaka Philippines yung nagshow nung gabing yun which is the final night na para sa contest na yun kaya super daming tao talaga. Hindi kasali yung Philippines sa contest. China yung tinanghal na first place. Nakalimutan ko yung second (lol, napakamakakalimutin ko talaga) and Japan yung third. Kung kasali yung Philippines, malamang isa tayo sa mga nanalo. Maganda kase siya. Tuwang tuwa ako dun sa hugid heart na firework. Haha.

After the contest, diretso kaming sea side for the beer session. Kadiri kase beer yung iinumin pero kelangan kong uminom para hindi naman KJ kaya ayun, masukasuka ako. Haha. Masaya kase nagkaroon kame ng mga bonding moments ng mga friends ko dito sa office. Nakakatawa kase nalaman ko na nung time na yun kung anu ang nakakubling kababalaghan sa likod ng kinuwento kong magic sa last post ko regarding my contact lens. Punyeta, nagtago lang pala yun sa likod sa bandang taas ng eyelid ko. 

Na-experience ko kase uli yun that time. Kinamot ko yung mata ko kase nag-fa-fog na siya kase nga anung petsa na nun tsaka parang natutuyo na yung contacts ko. Pagkadilat ko, wala na naman yung contacts ko kaya ayun, pinakiramdaman kong maigi kung nasa mata ko pa ba yung isa kong contacts at ayun, tinignan ko sa mirror and guess what, ayun nga at nagtatago siya sa likod ng eyelid ko. Haha.Nakakatawa talaga lalo na at iniimagine ko na nung time na akala ko nawala yung isa kong contact lens, akala ko talaga eh nahulog siya or something, nagpagawa pa ako ng bago, pinasukat ko pa yung bago and worst, natulog pa ko nung time na yun tapos malalaman ko na nasa mata ko lang pala yung nawawal kong contact lens. Amazing! Lol. Buti na lang talaga at walang dinulot na masama sa mata ko yung pagstay nung inaakala kong nawawala kong contact lens sa likod ng eyelid ko.

Anyway, enough of that silly moments of mine. Naging ok naman ang Sunday ko except hindi pa din ako nakapagsimba kase wala pa din akong kasama (what a silly excuse!) kase hindi ako masasamahan ng bestfriend ko kase sasamahan niya daw yung stepmom niya sa hospital. Ayun. Magulo ba? Intindihin niyong mabuti. Haha.

Sa ngayon, medyo busy ako sa work (yes, parang tunay huh!) dahil me mga assignments na binigay sa akin. Ayun. Ok naman at sa tingin ko naman eh mapapasa ko siya on time. Yes, yabang! Haha. That's all for now guys! I'm gonna be testing pa my work. Echos! Keep safe guys! Godbless. :-)   

Friday, March 11, 2011

Magic and Disaster

Magnitude 8.9 earthquake hits Japan. Yan ang bumungad sa akin sa Yahoo after kong marinig ang bulung bulungan dito sa office tungkol sa nasabing disaster sa Japan. Andami ko ding nabasang plurks sa Plurk at tweets sa Twitter na me kinalaman sa trahedyang iyon. Nang nagsink in sa akin ang numerong kasama ng headline, biglang nabalutan ako ng pinagsama samang labis na takot, lungkot at kilabot. Nuon ko lang narealize kung gaano kalakas ang tumamang lindol na iyon sa Japan. Kaya naman nagresearch ako ng mga articles at pictures tungkol sa nasabing tragedy at  ito ang mga natagpuan ko.

Courtesy of Google.

ARTICLES


And here are the images:

IMAGES




 Nakakakilabot ang mga nasabing larawan. Tsk! Wala na akong masabi. Hay. Nabalita kani-kanina lamang na aabutin ng tsunami na siyang dinulot ng nasabing napakalakas na lindol ang mga nasa Silangan ng Pilipinas. Tinatayang darating ang nasabing alon sa pagitan ng 5-7pm. Ingat mga kababayan. Pumunta na tayo sa mas ligtas na lugar. Better safe than sorry. Kilos na. Now na.

Sana madali tayong makarecover sa isang napakalaking trahedyang ito lalo na ang mga lubos na naapektuhan. Huwag nating kalimutang isama  sa ating mga panalangin ang mga Hapon. Alam ko na isa lamang itong pagsubok para sa atin ng ating Panginoon at alam ko na malalampasan natin ito. Remember JAPAN: Just Always Pray At Night. KEEP SAFE GUYS! Godbless us all. 



PS. Me nangyaring kakatwa sa akin kaninang umaga. Naikuwento ko kahapon ang pagkakawala ng isa sa mga contact lens ko. Yung kanan yung nawala. And kagabi nga, pumunta ako ng Executive Optical para bumili na ng bago. Ang gwapo nung nag-assist sa akin. Lol. Sorry po, wrong timing ang aking kalandian. Hehe. And ayun nga, meron na akong bagong contact lens para sa kanan kong mata. Like the normal thing na nangyayari sa akin sa bahay ang ginawa ko pagkauwi kaya wala namang nagsuspetsa sa pagkawala nung isa kong contacts. 

Fast forward, natulog na ako't naligo kaninang umaga. Habang naliligo eh naramdaman kong kumakati yung kanan kong mata kaya naman humarap ako sa salamin sa banyo upang tignan kung ano yung sanhi ng pangangati and guess what, ME ISANG CONTACT LENS NASA MATA KO!!! Hindi ko alam kung yung ba yung bago o yung inakala kong nawawala. Ang ipinagtataka ko lang eh bakit me contact lens pa ako sa mata gayong natulog na ako at hinubad ko pareho yung contact lens ko bago matulog. Papaano nangyari na nagkaroon ako ng contact lens sa kanan kong mata given na all throughout ng stay ko dito sa office eh nakasalamin na ako after nga mawala nung isang contacts then sinuot ko yung bago kong contacts right after kong bilhin. And actually, si kuyang assistant pa ang nagsuot sa akin nun. Gets? Anu yun? Dalawa yung contact lens na nasa mata ko simula pagkaalis ko sa store ng EO hanggang paguwi ko ng bahay at me isa pang naiwan na contact lens sa mata ko habang ako'y natutulo. My gosh! Hindi ko alam kung nagtago lang ba sa mata ko yung contact lens na inakala kong nawawala na.Bigla na lamang kase siyang sumulpot sa mata ko kaninang umaga eh. Promise. 

Nakakalito man ang kwento ko eh inaassure ko kayo na kapag kinuwento ko sa inyo ng personal eh mapapasabi kayo ng "imposible". Totoo talaga ang nangyari at hanggang ngayon po ay naguguluhan ako sa nangyari. Sa ngayon 3 bale ang contact lens ko. Pero siyempre, 2 lang yung sinuot ko no.Yung left tsaka yung bagong right. Bale tinago ko yung lumang right. Baka lang bigla na namang mawala yung isa kong contact lens. Haha. Alam niyo naman siguro kung gaano ako ka-careless diba?! Haha. That's all guys! 

Again, KEEP SAFE! Godbless us all.



Thursday, March 10, 2011

The Missing Piece

Ayoko na sanang i-post ang walang kwentang katangahan na nangyari na naman sa akin. Kaso naisip ko na baka mabaliw ako sa kakasabi sa sarili ko na napakatanga ko kung wala man lang akong mapagkuwentuhan nito. Haha.

Umiral na naman ang carelessness ko kaninang umaga. Simula kase nung nagkacontacts ako, nahihirapan akong ilagay yung isang lens sa right eye ko. Hindi ko matiyak kung yung ginagamit ko bang kamay sa paglagay yung dahilan. Pero basta nahihirapan talaga ako. Kaya kaninang morning, nung nahirapan na naman akong ilagay yung kanan at nakita ko yung oras at narealize kong malelate na ako sa schedule ng tren, pinalagay ko na lang sa ate ko yung lens ko sa kanan. Nakalagay na nun yung sa kaliwa. Eh di ayun nga. Nalagay naman siya ng maayos pero parang baligtad ata yung pagkakalagay kase medyo malabo dun sa me bandang lower right. Eh malelate na nga ako kaya napagpasyahan kong itry na baliktarin kapag nasa office na ako.

So ayun, punta na ako dito sa office, nandun pa din yung foggy thing sa lower right ng right eye ko kaya diretso agad ako ng cr para baligtarin siya. Nilagyan ko pa ng tissue yung butas ng wash area para hindi mahulog yung lens kung sakali. So ayun, nalagay ko naman siya ng maayos. Ok na sana eh. Kaso biglang nangati yung right eye kokaya kinamot ko ng konti. Pagkadilat ko, nagtaka ako kase bakit parang nahihilo ako. Narealize ko na anlabo pala nung right eye ko dahil wala na pala yung right contact lens ko. Shetness talaga. Hinubad ko agad yung left contact lens ko at sinuot yung salamin ko na buti naman at naisipan kong laging dalhin. Todo hanap ako kanina. Para akong tanga kase kahit me gagamit na ng cr, hindi pa din ako lumabas at inabot ako ng ilang minuto sa cr sa paghahanap. Tumigil ako sandali dahil hindi ko na siya makita pero pabalik balik pa din ako at baka sakaling bigla siyang lumitaw dun pero hindi ko na talaga siya makita.

Ayun. Inis na inis ako kanina kase wala na nga akong pera, madadagdagan pa yung utang ko sa credit card dahil sa pagbili ko ng bago. Hindi ko na naman ipapaalam sa bahay ang nangyari. Hahaha. Kahit sa mga friends ko dito, wala akong napagkwentuhan. Maiimpose kase sa kanila na napakacareless ko. And nakakahiya yun. Lol. 

Tumawag ako sa branch ng Executive Optical kung saan ko binili yung contacts ko and a great news ang nalaman ko na pwede naman palang isa na lang yung bilhin na contacts. At least nakalahati yung gagastusin ko. Haha.

Lesson learned: Huwag kakamutin ang mata kahit gaano pa ito kakati. Echos. Haha.

Oo na, sige na, napakatanga ko na at careless. Given na yun. Haha. Lol. Keep safe guys. Godbless.   

Wednesday, March 9, 2011

Ash Wednesday

Ash Wednesday ngayon. Kaninang morning, nagisip ako kung paano ako makakapagsimba. Super tagal ko na kaseng di nakakattend ng mass eh. Magwa-one monnth na. Hindi kase lagi pwede yung bestfriend ko pag niyayayako. Ayun. So ayun nga, nagiisip ako kanina kung paano ako makakapagsimba at naisip ko yung chapel dito sa building.

Pagpakapasok ko kanina, nag-in lang ako at diretso na ako sa sa baba para puntahan yung chapel and para na din bumili ng pwedeng i-breakfast kase hindi pa ako nagaalmusal. Pumunta ako sa basement kung saan nakapwesto yung chapel at nagtanong ako sa guard tungkol sa schedule ng mass. Ang sabi niya, kadalasan daw na 12:00 nn daw yung mass kaya naisip kong maaga kumain para umabot sa mass.

Nagmail ako sa mga kasabay kong kumain kung pwede bang agahan naming kumain. Pumayag naman sila. Diretso na ako sa chapel after eating. Nabigla ako sa dami ng tao. Hindi ko akalain na madami palang aattend ng mass kase akala ko super busy ng mga tao at baka sa gabi na lang sila umattend ng mass. So ayun na nga. Nagulat ako kase malapit na sa homily yung mass. Naisip ko na maaga sigurong nagstart. Nakatayo lang ako throughout the mass kase nga madaming tao. Natapos naman ng matiwasay ang misa at nalagyan ako ng abo sa noo.

Teka, ano nga ba ibig sabihin nung paglalagay ng abo sa noo? Wait, lemme check the ever famous and reliable wikipedia. Eto na:

Ash Wednesday, in the Western Christian calendar, is the first day of Lent and occurs 46 days (40 days not counting Sundays) before Easter. It is a moveable fast, falling on a different date each year because it is dependent on the date of Easter. It can occur as early as February 4 (February 5 on leap years) or as late as March 10.

Ash Wednesday derives its name from the practice of placing ashes on the foreheads of adherents as a sign of mourning and repentance to God. The ashes used are typically gathered after the palms or Palm Crosses from the previous year's Palm Sunday are burned.

This practice is common in much of Christendom, being celebrated by Catholics, Lutherans, Methodists, Presbyterians, and Anglicans. 

At Masses and services of worship on this day, ashes are imposed on the foreheads of the faithful (or on the tonsure spots, in the case of some clergy). The priest, minister, or in some cases officiating layperson, marks the forehead of each participant with black ashes in the shape of a cross, which the worshipper traditionally retains until it wears off. The act echoes the ancient Near Eastern tradition of throwing ashes over one's head to signify repentance before God (as related in the Bible). The priest or minister says one of the following when applying the ashes:

Remember, O man, that you are dust, and unto dust you shall return.
—Genesis 3:19

Turn away from sin and be faithful to the Gospel.
—Mark 1:15

Repent, and hear the good news.
—Mark 1:15


The liturgical imposition of ashes on Ash Wednesday is a sacramental, not a sacrament, and in the Roman Catholic understanding of the term the ashes themselves are also a sacramental. The ashes are blessed according to various rites proper to each liturgical tradition, sometimes involving the use of Holy Water. In some churches, they are mixed with a small amount of water or olive oil,  which serve as a fixative. In most liturgies for Ash Wednesday, the Penitential psalms are read; Psalm 51 (LXX Psalm 50) is especially associated with this day. The service also often includes a corporate confession rite.

In some of the low church traditions, other practices are sometimes added or substituted, as other ways of symbolizing the confession and penitence of the day. For example, in one common variation, small cards are distributed to the congregation on which people are invited to write a sin they wish to confess. These small cards are brought forth to the altar table where they are burned.

In the Roman Catholic Church, ashes, being sacramentals, may be given to anyone who wishes to receive them, as opposed to Catholic sacraments, which are generally reserved for church members, except in cases of grave necessity. Similarly, in other Christian denominations ashes may be received by all who profess the Christian faith and are baptized.

In the Roman Catholic Church, Ash Wednesday is observed by fasting, abstinence from meat, and repentance—a day of contemplating one's transgressions. The Anglican Book of Common Prayer also designates Ash Wednesday as a day of fasting. In the medieval period, Ash Wednesday was the required annual day of penitential confession occurring after fasting and the remittance of the tithe. In other Christian denominations these practices are optional, with the main focus being on repentance. On Ash Wednesday and Good Friday, Roman Catholics between the ages of 18 and 59 (whose health enables them to do so) are permitted to consume only one full meal, which may be supplemented by two smaller meals, which together should not equal the full meal. Some Roman Catholics will go beyond the minimum obligations demanded by the Church and undertake a complete fast or a bread and water fast. Ash Wednesday and Good Friday are also days of abstinence from meat,as are all Fridays in Lent (before the 1962-1965 Second Vatican Council's liturgical reforms, every Friday of the year was a day of abstinence from meat, which some still follow). Some Roman Catholics continue fasting during the whole of Lent, as was the Church's traditional requirement, concluding only after the celebration of the Easter Vigil.

As the first day of Lent, Ash Wednesday comes the day after Shrove Tuesday or Mardi Gras (Fat Tuesday), the last day of the Carnival season.
 
Ayan. So bahala na kayong magbasa to further dig the meaning of Ash Wednesday. Click here na lang din for better and deeper understanding pa tungkol sa nasabing okasyon. Again, keep safe. Godbless us all.

Tuesday, March 8, 2011

Change of Hearts

Parang tanga lang yung title. Hahaha.

Actually malayo yan sa patutunguhan ng post ko ngayon. Kahapon kase, nabanggit ko na sure na ako na bibili ng iTouch diba? Kahapon din kase, hiniram ko yung iTouch nung friend ko dito sa company para kalkalin. 'Kalkal' ang term na gagamitin ko ha. Sorry for being so vulgar. Echos. Yan kase yung tawag ko sa ganung scenario na kakalikutin ko yung isang bagay specifically gadget.

So ayun nga. Super kalkal ako sa gadget. At sa totoo lang, wala akong makalkal. Hahaha. Eh kase naman diba, ang interface ng iTouch products eh kadalasan nasa menu lang lahat nung mga apps. Aun, filing ko tuloy napakalimited lang ng mga bagay na magagawa ko sa iTouch. Dahil lang dun sa simpleng dahilan na yun kaya humantong ako sa isang decision. Wow humantong talaga. Haha. Hindi na muna ako bibili ng iTouch. Yan ang nasa isip ko ngayon. Nagyon lang huh! Malay natin magbago bigla yung isip ko in the upcoming days. Haha. 

Ang plan ko ngayon, magiipon muna ko para pandagdag sa credit limit ng credit card ko para makabili ng laptop. Bwahahaha. Oo, andami ko ng gusto. Haha. Adik talaga ako sa gadgets eh. nagkataon lang na ngayon lang ako nagkaroon ng capability na makabili. Lol. Me nakita na akong gusto kong bilhin. Sana nandun pa siya sa mga susunod na buwan. Baka kase May ko pa yung mabili. Huhu. Antagal pa. Haha.

So ayun na nga. That's my current plan. Wala munang gastos ngayon. We'll see kung mangyayari yung plan ko or biglang mababago na naman ang aking isipan. Haha.

Ay! Me ikukuwento pa pala ako. Ambait kase nung crush ko dun sa school. Lagi ko siyang minemessage sa mga fb ng kung anu anu pero kadalasan mga tanong. Ayun. Grabe super bait niya kase sinasagot niya talaga yung mga queries ko. Kahit ano pa yun. Dati nga nakachat ko pa siya. At ang bait talaga niya. Hahaha. Gosh. I'm starting to smell something fishy. Huwag naman sana. Hindi pa ako ready. Echos! Haha. Ayoko na. Nakakapagod na. Sana huli na si Covin. Bigla akong emo mode eh no! O siya. Sige na. Baka bumaha pa ng luha dito. Echos.  


Just want to share guys. LolKeep safe. Godbless. :-)  


Monday, March 7, 2011

Utang Galore

Grabe! Ang hirap palang magkaroon ng credit card. Nakakaloka. Nakakaadik magshopping. Echos. Ay, actually hindi naman shopping ang mga pinaggagagawa ko nitong nakaraang weekend. Well, in my own perspective. Kapag sinabi kasing shopping, ang nasa isip ko eh puro items of clothing ang mga binili. Haha. Eh wala nga akong biniling damit eh. Haha. Pero umabot na sa 1/4 ng limit ng credit card ko yung nagamit ko. Straight payment pa naman yun. Haha. Patay ako nito next month. A big goodluck to me. Hahaha.

Gumana na naman yung pagiging masyadong futuristic ng utak ko kase even though wala naman akong malaking pera ngayon, inisip ko na next month, magkakaroon naman ako ng pambayad dahil dun sa left overs (parang pagkain lang) ng sahod ko. Kaya ayan at nakagastos na ako ng bonggang bongga gamit yung credit card. Haha. For sure wala akong maiipon nito. Tsk3.

By the way, isa sa mga binili ko ang contact lens. Oo na, mahirap na ako. Ngayon lang ako nagkaron ng contact lens. Haha. Pero actually, ayaw ko talaga dati pa ng contact lens kase nga eh more than ten years na akong naka-eye glasses. Hindi ako nagpapalusot promise. Yes, bata akong nagkaroon ng salamin. Kaya medyo nerdy nerdy ang looks for the past few years. Haha. Gray yung pinili kong kulay. Ok naman siya. Kaya lang medyo nakakahilo pa siya. Lalo na yung sa left. Sana masanay na ako soon.

Me team building nga pala kame on the 18th and 19th of this month. Swimming siya pero wala pang final venue. Hindi naman problema ang budget kase sagot siya ng project. Excited na ako. Haha. Sana dun kame sa merong zip line. Gusto ko yung matry. Promise. Sana nga lang wag lumagpas ng 500 yung price. Hahaha. Nagkukuripot ako nowadays para sa aking iTouch. Haha.

Tuloy na tuloy na talaga ang plano kong bumili ng iTouch. Haha. Naisip ko kase, kung ipopostpone ko siya and sa April na ako bibili, ganun din. May pa din ako mag-i-start na magbayad. Kaya better na na this March ako bibili. I'm so excited na. Hahaha.

Actually, kinakabahan pa ako ng konti sa mga binabalak ko sa buhay ko. Ang lalim. Haha. Kase hindi ako sanay na maggagagastos ng ganun kalalaki. Kaya medyo me kaba pa ng konti. Sana lang talaga, tama itong desisyon ko. Haha. Help me Father God. Hehe. Yun lang guys. Keep safe, Godbless. :-)

Thursday, March 3, 2011

Happy Birthday Bessy!

Birthday ng aking best friend for seven years na si Ms. Maricris (I'll not state na lang her surname for security purposes. Echos) ngayon and she's turning 21 na. Yes, mas matanda siya sa akin ng ilang buwan pero hindi halata. Haha. Wala kaming planong umalis ngayong araw. Hindi ko alma kung bakit. Hindi naman kase niya ko niyaya no! Nakakaloka naman kung ako pa ang magyayaya sa kanyang umalis. Eh di parang magpapalibre lang ang labas ko non. Haha. Tsaka baka me sarili silang lakad ng boyfriend niya. Baka sa ibang araw niya ko yayain. Assuming ako! Pero dapat lang naman diba. 

Sa loob ng pitong taong pagkakaibigan namin ni Macky (her nickname), dumaan kami sa hindi mabilang na tampuhan. Meron ngang isang beses na para kaming mga tanga. Hindi kase kami magkablock nung 4th year high school. Eh since magkasunod lang naman yung sections namin (mas mababa yung section ko sa kanya. Haha.), kadalasan eh magkakasalubong lang kami sa corridor kapag change subjects na. Isang beses, para kaming mga tanga, hindi kami nagpansinan. Tapos ayun, nagtuloy tuloy hanggang umabot na ng ilang linggo. Malapit na ata yung graduation nung nagkabati kami. Parang tanga diba.

After high school naman, magkaiba kami ng university na pinasukan kase hindi siya nagexam dun sa school ko kase strictly for Manila residents lang yung school ko eh taga Caloocan siya. Kaya ayun, nung mga unang taon ng college, kadalasan, twice a year lang kami magkita at puro tawag tawag lang kami sa telephone (wala kaming mga cellphones. Taghirap kami pareho. Hahaha) that time. And umaabot kami ng mga 2-3 hours sa paguusap dahil nga sa katagalan na wala kaming walang balita sa isa't isa. 

Noong mga 3rd year college naman, nagkayayaan kaming magsimba one time and after that, every other Sunday, kung walang aberya, na kami nagkikita to attend a mass sa Tondo Church. Every other Sunday lang kase every Sunday din kung magserve siya sa parish nila. Hanggang ngayon ganun pa din yung set-up namin. Text text before every other weekends for confirmation kung tuloy ba yung simba namin.

Maayos naman ang naging relasyon namin as bestfriends as the years past. Masasabi ko na isa siya sa mga pinakamahalagang tao sa buhay ko ngayon. Siya ang naging sandalan ko ng ilang taon. Ang masasabi ko lang sa kanya, "I Love you so much Bessy!!!" at ke Father God naman, "Thank You po so much for giving her to me".

Ang hiling ko para sayo Bessy, more love, more beauty, more growth in your career and siyempre, more blessings for you. That's all Bes, thank you so much for everything. I miss you, I love you! Godbless! Mwah!

Keep safe! Godbless us all. :-)   

Wednesday, March 2, 2011

I am so Busy... Echos

I am so busy these past few days. I can't even find a time to work on my life. Echos. Isang malaki pang ECHOS! Naku kung alam niyo lang ang pinaggagagawa ko dito sa office noong mga nakaraang araw. Haha. Zero. As in wala. W-A-L-A. Grabe nga eh. Kahit alam ko na hindi ko kasalanan na wala akong ginagawa, my conscience is attacking me pa din. Eh kase naman no! Yung ibang projects dito sa amin, yung mga developers eh inaabot ng magdamag sa pagcocode samantalang ako eto, me gana pang magblog. Haha. Considering na karamihan sa mga nasabing busy colleagues eh kapareho ko lang ng compensation. Yung iba kase eh tinatamad ng magfile ng OT nila dahil dun sa medyo me kabagalan na processing nito. Yung iba naman eh sacrifice na lamang yun para sa company. O diba, bongga sa kabaitan ang mga officemates ko. Lol.

Dahil nga sa wala akong ginagawa at dahil na rin sa first time kong magkaron ng credit card, masyado akong naging excited sa pagiisip kung saan ko gagamitin yung credit card, I spent most of my time searching for items na gusto kong bilhin and nangunguna na dyan eh ang iTouch. 



Oo na, sige na. Ako na ang pathetic. Ako na ang kawawa. Mahirap lang naman kase ako no! Ngayon lang ako nagkaroon ng kapasidad na bumili ng mga bagay na gusto ko. Kaya sasagad sagarin ko na. Wala pa akong ipon up to now. Haha. Ewan ko ba kung saan napupunta ang mga sinahod ko. Hindi naman kalakihan ang binibigay ko sa bahay. Hindi din naman karamihan ang mga nabili kong gamit. Actually, yung cellphone ko pa lang na nawala yung nabili ko talaga na mahal. Oo mahal na yun para sa akin. Basta naging five digits na yung price, mahal na para sa akin. Ganito nga pala yung nawala kong cellphone. Ganito din yung binili kong bago, I mean 2nd hand, kong cellphone kase nga hindi alam sa bahay na nawala yung cellphone ko. See previous posts for more details. Echos. Lol. Eto na nga pala siya.




Photos courtesy of google.com


Ayan. Ewan ko ba kung bakit pero hook na hook ako sa mga touch screen na gadgets. Maybe because super sophisticated siyang tignan. Totoo naman diba? Ansosyal talagang tignan kapag touch screen yung gadgets niyo. Haha.

Btw, siguro sinasabihan niyo kong tanga dahil sa dahilan na nadukutan na nga ako, bibili pa ako ng bagong madudukot. Oo na, tanga na ako. Naisip ko na rin naman yun eh. Actually, nagdadalawang isip nga ako sa pagbili ng iTouch kaso nagiisip naman ako ng alternative na pwedeng bilhin. Ang balak ko kase, after kong mabili to, bibili naman ako ng laptop. Then after that, tsaka ako magiipon ng bonggang bongga. Promise! As in promise talaga. Kakaririn ko talagang magipon. Kung kelangan na ipatanggal ko yung credit card ko, papatanggal ko talaga. Haha. Ganun ako kapursigidong magipon. Kaso matagal tagal pa naman yun siguro mga one year pa. Kase 6 months kong huhulugan yung iTouch eh tapos 6 months ule yung laptop. Ayun. Haha. Basta promise! Magiipon talaga ako.

Sa ngayon, gusto ko lang talagang makuha yung mga gusto ko dati pa. Yun lang. Kase hindi ko naman alam kung mabibili ko pa yun sa future. Malay natin mamatay na ako. Echos. Biglang death ang usapan. Haha. Masyado na akong lumalayo. Wala na ata akong masabi. Lol. Sige na guys. Keep safe. Godbless. :-) 


P.S. Bigla akong natuwa kanina sa pagnanature tripping. Sana magawa ko ito very soon. Haha. Pero siyempre gusto ko yung me kasama. Pwede ka ba? Haha. ;-)