Pakiramdam ko, hindi na ako yung dating Marvin. Ilang araw lang naman yung lumipas. Ewan ko ba. It feels like I'm turning into a monster, not literally huh! Haha.
Me pagtatalong nagaganap sa isip ko sa tuwing magiisip ako ng mga bagay bagay after kong humiga at bago matulog sa gabi. Andami kong mga iniisip. Hindi ko nga alam kung dapat ko bang isipin yun eh. Or worse, kung kelangan ko bang problemahin yung bagay na yun.
Me ugali ako na hindi ko alam kung tama ba. Masyado akong righteous when it comes to issue of being like this. Malalim na ang pagkakatatak sa isip ko ng konsepto na ito ay mali at ito ay labag sa utos ng Diyos. Pero sa ilang taon ng pakikipagbuno ko sa realidad at pantasya, unti unting natatabunan ng pag-asa ang hukay na dulot ng ideyang iyon na ilang taong umikot sa buhay ko.
Iyan naman ang pinakamalaki kong suliranin sa kasalukuyan. Hindi ko alam kung itutuloy tuloy ko ba ang pagbabago sa sistema ko para matabunan na ng tuluyan ang paniniwala. It's like there's something that hinders me to fully embrace the new me. Ang bagong ako na naguumapaw sa confidence, walang pakeilam sa mga mapanuring mata ng mga tao at higit sa lahat, matapang ng lumapit sa apoy. Don't get me wrong with that. Ang ibig ko lamang sabihin dun eh mas naging risk-taker ako when it comes to friendship with the likes.
Ang panghuling pagbabago sa akin ang humahawak ng malaking posyento ng pagkalito ko sa ngayon. Hindi ko alam kung positibo ba o negatibo ang hatid ng pagbabagong iyan sa akin. Oo naging makapal ang aking mukha sa pakikipag-kaibigan. Nagkakaroon ako ng mga cyber-kausap. Nakikipagtinginan sa hindi ko kakilala. Waaaahhh! Hindi ko alam kung tama ba ang ginagawa kong ito. Kaya nalilito ako sa kung anung dapat kong gawin.
Isa pang nagpapagulo ng isipan ko is yung fact na me dahilan talaga kung bakit ko ginagawa ang mga bagay na hindi ko naman ginagawa dati. At yun ay dahil gusto kong magkaroon ng mga first time experience sa mga bagay ng me kinalaman sa ganun. Another "don't get me wrong statement". Ang ibig kong sabihin doon eh yung mga bagay na hindi ko talaga naranasan dati pa. Pero wala iyong kinalaman sa mga sekswal na bagay.
Hindi lang naman iyon ang first times ko when it comes to this kind of life. Nangunguna na sa listahan(well, actually, isa lang ata ang nasa list ko at eto yun) ang pagkakaroon ng guy na friend. Hindi ko alam kung nasulat ko na dati na isa sa mga pangarap ko ang magkaroon ng kaibigang lalaki peropangarap ko talaga yan. Promise. Sounds corny or mababaw pero ano bang magagawa ko, yan yung matagal ko ng inaasam eh. Haha.
Ayun. Naguguluhan talaga ako ngayon. Good luck to me!
P.S. Bukas na mageexam yung crush ko sa school dito sa company namin. Ay! Kalandian na naman. Hahaha. Ayun lang. Sana pumasa sila ng mga kasama niya especially him. Hehe.
Keep safe guys. Godbless. :-)
No comments:
Post a Comment