"Why do birds suddenly appear, every time you are near. Just like me, they long to be close to you..."
Oh My Gosh! Puno ng kalandian (este kilig ay sige kalandian na nga.Bwahahaha) ang aking mga nagdaang araw. Puro hoity toity tuloy yung mababasa mo sa mga status ko. Hahaha. Anu nga ba ba yung hoity toity? Ginamit ko kase yung google translate para matranslate sa english yung salitang gusto kong sabihin which is kilig. Oo mga kaibigan, un lang ang ibig sabihin nung napakaarteng salitang yun. Haha. Well, bakit nga ba ako kinikilig nowadays??? Eto na!
Btw, puro tungkol sa guys ang mga mababasa niyo. Wahaha. I'm so landi talaga. Hahaha.
So nagstart yan last Wednesday nga nung na-realize ko yung about sa last post ko. Nadagdagan pa yun kahapon. Hindi ko na na-include in my last post this thing kase nangyari to right after I posted my last post. Puro "post". Timawa? Hahaha.
I have this routine na right after I came to office, I would directly go to the pantry to make a coffee. Pero kahapon, naadik ako masyado sa twitter kaya medyo late na akong nakapagtimpla. Pagpasok ko sa pantry, nandun si crushie, nagwawash ng tumbler niya. Para akong tanga kase right after makita ko siya, bigla akong napaatras, literally, and inisip ko kung lalabas ba ako or not. Take note, me isa pang tao nun huh! Pano pa kaya kung siya lang mag-isa sa loob pagpasok ko. It sounds stupid talaga diba. Ang arte arte ko. Hahaha.
So ayun na nga. after niyang magwash-wash (parang ambaboy ng dating. LOL.) ng kanyang tumbler, nagtimpla siya ng coffee niya and it's my turn na para ako naman ang magwash. That time, kaming dalawa na lang yung nasa pantry kaya super duper awkward talaga nung moment na yun para sa akin pero being the person that I am, I acted very normal. As in mukha akong hindi affected pero deep inside, halos mamatay na ko sa hindi ko malamang feeling na yun. Haha! Eto pa! Eh di after niyang ma-make yung coffee niya, lumabas na siya and ako naman, I'm already wiping my things when he came back to get tissues eh hindi ko naman alam na tissue pala yung kelngan niya kaya deadma lang ako. Hindi ko alam na nakaharang na pala ako dun sa tissue dispenser kaya napilitan siyang magsabi ng "Excuse me" sa akin. Yun yung pinakaunang sentence na sinabi niya sakin. Wahahaha. Memorable. I'll remember that until my last breath. Echos. So yan na nga yung second na dahilan ng hoity toity ko nowadays.
The next one is last night naman. The other day kase eh ininform ko yung crush ko (see! puro kalandian talaga tong post na to. Hahaha! btw, hindi po ito si Covin. Love ko yun. Hindi lang crush.) sa alma mater ko na me opening dito sa company namin for another batch of bootcamp training. And ayun, like the kind person he was, we exchanged messages sa fb kase interested daw siya. Ayun lang. Hahaha. Natutuwa lang ako sa thought na maaring maging officemates kami at maging close friends pa. Ang saya saya.
Kanina nga pala, nakita ko crush (putek, crush na naman and take note, iba iba pa sila huh! Hahaha.) sa train. And talagang dun ako pumuwesto sa malapit sa pinupwestuhan niya para mas makita ko siya. Ang landi talaga! Haha. And ayun, he's so close yet so far. Haha. Nakikita ko siya ng bonggang bongga and luckily, nakapikit siya most of the time of travel kaya mas lalo ko siyang natitignan. Haha!
Me katwitter din ako na nakilala ko sa PEx na niyaya ko ding mag-apply dito sa company namin. Hindi ko nga lang alam kung pwede siya dito sa bootcamp kase he's older than the usual ng mga 5 years and wala pa siyang experience. Ayun. Sana pwede siya. The more na ma-recruit ko, the happier. Haha.
That's all guys! pasensya na sa mga kalandian ko nowadays. Hahahaha. Keep safe guys! Godbless. :-)
No comments:
Post a Comment