Grabe! Ang hirap palang magkaroon ng credit card. Nakakaloka. Nakakaadik magshopping. Echos. Ay, actually hindi naman shopping ang mga pinaggagagawa ko nitong nakaraang weekend. Well, in my own perspective. Kapag sinabi kasing shopping, ang nasa isip ko eh puro items of clothing ang mga binili. Haha. Eh wala nga akong biniling damit eh. Haha. Pero umabot na sa 1/4 ng limit ng credit card ko yung nagamit ko. Straight payment pa naman yun. Haha. Patay ako nito next month. A big goodluck to me. Hahaha.
Gumana na naman yung pagiging masyadong futuristic ng utak ko kase even though wala naman akong malaking pera ngayon, inisip ko na next month, magkakaroon naman ako ng pambayad dahil dun sa left overs (parang pagkain lang) ng sahod ko. Kaya ayan at nakagastos na ako ng bonggang bongga gamit yung credit card. Haha. For sure wala akong maiipon nito. Tsk3.
By the way, isa sa mga binili ko ang contact lens. Oo na, mahirap na ako. Ngayon lang ako nagkaron ng contact lens. Haha. Pero actually, ayaw ko talaga dati pa ng contact lens kase nga eh more than ten years na akong naka-eye glasses. Hindi ako nagpapalusot promise. Yes, bata akong nagkaroon ng salamin. Kaya medyo nerdy nerdy ang looks for the past few years. Haha. Gray yung pinili kong kulay. Ok naman siya. Kaya lang medyo nakakahilo pa siya. Lalo na yung sa left. Sana masanay na ako soon.
Me team building nga pala kame on the 18th and 19th of this month. Swimming siya pero wala pang final venue. Hindi naman problema ang budget kase sagot siya ng project. Excited na ako. Haha. Sana dun kame sa merong zip line. Gusto ko yung matry. Promise. Sana nga lang wag lumagpas ng 500 yung price. Hahaha. Nagkukuripot ako nowadays para sa aking iTouch. Haha.
Tuloy na tuloy na talaga ang plano kong bumili ng iTouch. Haha. Naisip ko kase, kung ipopostpone ko siya and sa April na ako bibili, ganun din. May pa din ako mag-i-start na magbayad. Kaya better na na this March ako bibili. I'm so excited na. Hahaha.
Actually, kinakabahan pa ako ng konti sa mga binabalak ko sa buhay ko. Ang lalim. Haha. Kase hindi ako sanay na maggagagastos ng ganun kalalaki. Kaya medyo me kaba pa ng konti. Sana lang talaga, tama itong desisyon ko. Haha. Help me Father God. Hehe. Yun lang guys. Keep safe, Godbless. :-)
No comments:
Post a Comment