Grabe, hindi ko alam kung me taglay lang talaga akong kamalasan or something. Punyeta, ayaw pa ding gumana nung ginagawa kong scripts(SQL Scripts). Punyeta talaga. Wahaha. Hindi ko alam kung bakit ayaw niyang gumana. Nakakainis lang talaga kase alam ko naman na tama yung gawa ko. Juice ko naman, 20 lines of code lang naman yun no! Grabe. Nagmumukha tuloy akong tanga (feeling ko lang) sa PM (Project Manager namin). Hahaha. Feeling ko I'm so useless sa team namin. Biruin mo naman kase, very little lang nung importance and impact nung ginagawa ko sa kabuuan ng project namin pero hindi ko pa din magawa ng maayos. Hahaha. Hay.
Sa ngayon, pinatigil muna ako ng PM namin sa pagtetest nung gawa ko kaya heto ako ngayon at pinopost ang kapalpakan ko sa trabaho. Haha. Tengga na naman ako kaya naghanap ako kanina ng mga sites na pwede kong paglibangan habang hinihintay ang go signal ni PM if I'll start again with the development (yeeess, development. SOSYAL! Lol) and testing of the scripts. Again, hindi ito yung karaniwang scripts na alam natin. Hindi po ito yung compilation of dialogues of characters sa isang play or something. The scripts that I'm working on are for the application we're doing. Ayun.
So ayun nga, naghanap hanap ako ng mga sites or blogs na pwede kong basahin at napunta ako sa site ni idol Rico de Buco. Me mga nabasa ako sa kanyang short stories na talaga namang maganda ang pagkakagawa. Bigla ko tuloy naalala yung serye na sinimulan ko dito sa blog ko. Hay. Nawalan ako kase agad ng ganang magsulat. Maybe it's not for me talaga.
Bumalik na kani kanina lang sa kanyang pwesto yung PM namin. Baka utusan na niya ko uli. Sige guys. Bye! Have a very nice weekend. Keep safe. Godbless. :-)
No comments:
Post a Comment