Powered By Blogger

Friday, March 11, 2011

Magic and Disaster

Magnitude 8.9 earthquake hits Japan. Yan ang bumungad sa akin sa Yahoo after kong marinig ang bulung bulungan dito sa office tungkol sa nasabing disaster sa Japan. Andami ko ding nabasang plurks sa Plurk at tweets sa Twitter na me kinalaman sa trahedyang iyon. Nang nagsink in sa akin ang numerong kasama ng headline, biglang nabalutan ako ng pinagsama samang labis na takot, lungkot at kilabot. Nuon ko lang narealize kung gaano kalakas ang tumamang lindol na iyon sa Japan. Kaya naman nagresearch ako ng mga articles at pictures tungkol sa nasabing tragedy at  ito ang mga natagpuan ko.

Courtesy of Google.

ARTICLES


And here are the images:

IMAGES




 Nakakakilabot ang mga nasabing larawan. Tsk! Wala na akong masabi. Hay. Nabalita kani-kanina lamang na aabutin ng tsunami na siyang dinulot ng nasabing napakalakas na lindol ang mga nasa Silangan ng Pilipinas. Tinatayang darating ang nasabing alon sa pagitan ng 5-7pm. Ingat mga kababayan. Pumunta na tayo sa mas ligtas na lugar. Better safe than sorry. Kilos na. Now na.

Sana madali tayong makarecover sa isang napakalaking trahedyang ito lalo na ang mga lubos na naapektuhan. Huwag nating kalimutang isama  sa ating mga panalangin ang mga Hapon. Alam ko na isa lamang itong pagsubok para sa atin ng ating Panginoon at alam ko na malalampasan natin ito. Remember JAPAN: Just Always Pray At Night. KEEP SAFE GUYS! Godbless us all. 



PS. Me nangyaring kakatwa sa akin kaninang umaga. Naikuwento ko kahapon ang pagkakawala ng isa sa mga contact lens ko. Yung kanan yung nawala. And kagabi nga, pumunta ako ng Executive Optical para bumili na ng bago. Ang gwapo nung nag-assist sa akin. Lol. Sorry po, wrong timing ang aking kalandian. Hehe. And ayun nga, meron na akong bagong contact lens para sa kanan kong mata. Like the normal thing na nangyayari sa akin sa bahay ang ginawa ko pagkauwi kaya wala namang nagsuspetsa sa pagkawala nung isa kong contacts. 

Fast forward, natulog na ako't naligo kaninang umaga. Habang naliligo eh naramdaman kong kumakati yung kanan kong mata kaya naman humarap ako sa salamin sa banyo upang tignan kung ano yung sanhi ng pangangati and guess what, ME ISANG CONTACT LENS NASA MATA KO!!! Hindi ko alam kung yung ba yung bago o yung inakala kong nawawala. Ang ipinagtataka ko lang eh bakit me contact lens pa ako sa mata gayong natulog na ako at hinubad ko pareho yung contact lens ko bago matulog. Papaano nangyari na nagkaroon ako ng contact lens sa kanan kong mata given na all throughout ng stay ko dito sa office eh nakasalamin na ako after nga mawala nung isang contacts then sinuot ko yung bago kong contacts right after kong bilhin. And actually, si kuyang assistant pa ang nagsuot sa akin nun. Gets? Anu yun? Dalawa yung contact lens na nasa mata ko simula pagkaalis ko sa store ng EO hanggang paguwi ko ng bahay at me isa pang naiwan na contact lens sa mata ko habang ako'y natutulo. My gosh! Hindi ko alam kung nagtago lang ba sa mata ko yung contact lens na inakala kong nawawala na.Bigla na lamang kase siyang sumulpot sa mata ko kaninang umaga eh. Promise. 

Nakakalito man ang kwento ko eh inaassure ko kayo na kapag kinuwento ko sa inyo ng personal eh mapapasabi kayo ng "imposible". Totoo talaga ang nangyari at hanggang ngayon po ay naguguluhan ako sa nangyari. Sa ngayon 3 bale ang contact lens ko. Pero siyempre, 2 lang yung sinuot ko no.Yung left tsaka yung bagong right. Bale tinago ko yung lumang right. Baka lang bigla na namang mawala yung isa kong contact lens. Haha. Alam niyo naman siguro kung gaano ako ka-careless diba?! Haha. That's all guys! 

Again, KEEP SAFE! Godbless us all.



No comments:

Post a Comment