Powered By Blogger

Friday, May 27, 2011

Karma

Natatandaan ko pa noon. Halos isumpa ko ang pag-ibig dahil sa pagkasira ng pamilya ko. Nagtatanong ako sa kawalan kung sino ba ang nag-imbento ng punyetang bagay na iyon at kung bakit naisipan niyang ihalo iyon sa mga kakaiba pang mga bagay na umiikot sa sangkatauhan. Nagtataka ako kung bakit kinailangan pang isama ito sa buhay ng mga nakatira sa sansinukob. Hindi ko maintindihan kung bakit kailangang may kaakibat na sakit ang bagay na iyon. Naguguluhan ako sa kung anong purpose nito sa ating buhay. Kung hindi ba pwedeng uminog ang mundo at magpatuloy ang buhay ng tao sa kabila ng kawalan nito. Nagaalinlangan ako sa kotasyon na "Love makes the world go round". Taray! Gravitational pull ba galing sa araw ang love?! Malamang ay may nakarinig ng mga katanungan at kaguluhan sa aking pagiisip kaya naman isang araw ay nangyari ang isang bagay na ni sa hinagap ay di ko inasahan.

Natatandaan ko pa noon. Una kitang nakita sa hallway ng campus. Dala ng iyong mukha ang isang salbaheng ngiti na nakaukol sa akin. Halos himatayin ako sa kilig that time. Nagtinginan tayo hanggang makalampas tayo sa isa't isa. Ngunit tila hindi ko kayang bumitaw sa pagkakatingin ko sa iyo. Halos magkandabali ang leeg ko masundan ka lamang ng tingin. Ilang segundo rin akong nasa ganung posisyon ng matigil ang pagkatulala ko nang pumasok ka na sa isang kwarto. Grabe ang moment na iyon. I asked myself ng isang cliche: "Ito na ba ang sinasabi nilang pag-ibig?". Isa ka sa mga naging inspirasyon ko sa aking pag-aaral. Wala man tayong communication, sapat na ang malagkit nating tinginan na patunay sa tunay nating nararamdaman. Mukha man akong tanga, araw araw akong sumasaglit sa harap ng kwartong pinasukan mo para magbaka-sakaling  makita kitang muli. Binaba ko ang lebel ng aking pagkatao dahil sayo. Masasabing espesyal ka para sa akin dahil sa realisasyong iyon.  Biglang nawala ang mga katanungan at kaguluhan sa isip ko. Hindi ko man aminin eh talagang napahiya ako sa aking sarili. Ang mga pangyayari na mismo ang sumagot sa mga katanungan at kaguluhan sa aking isipan.  


Natatandaan ko pa noon. Lumapit ka sa akin at nagpakilala ng pormal. Abot langit ang ngiti ko ng ibigay ang aking pangalan at numero. Halos araw araw tayong magka-usap noon. Isang araw na lamang ay inaya mo akong lumabas. Siyempre pa ay pumayag ako. Sobra sobrang kaba ang naramdaman ko habang hinihintay kang sunduin ako. At nang dumating ka, isang dream come true ang naganap. Kumain tayo sa isang restaurant. Hindi ko akalaing ikaw pa ang makakasama ko sa pagkain sa lugar na iyon. Napaka-romantic ng ambience. Talagang iyon ay para sa mga taong pinagdugtong ang mga puso. Naging tahimik ang ating buong pagkain sa lugar na iyon. Nagulat na lamang ako ng hinawakan mo ang aking mga kamay. Tinitigan mo ako sa aking mga mata at sinabi mong mahal mo ako. Halos lumundag ako sa kilig ng mga oras na iyon. Hindi mo rin napigilang itanong kung mutual ba ang nararamdaman natin. Hindi na ako nagpatumpik tumpik pa at sinagot ka agad. Magkahawak kamay nating nilisan ang restaurant habang kumakanta sa isipan ko ang The Carpenters ng "Why do birds suddenly appear, every time you are near...".


Natatandaan ko pa noon. Naging masaya ang mga unang lingo ng ating pagiging magkarelasyon. Araw araw tayong nagkikita. Kung hindi man tayo magkasama ay siguradong kinukumusta natin ang isa't isa. Masayang masaya ako ng mga panahong iyon. Walang pagsidlan ang aking kaligayahan. Sabi nga nila, "Dreams do come true". At iyan ang nangyari sa akin. Kung dati ay pinapangarap lamang kita, ngayon ay abot kamay na kita. Kaya naman pansin na pansin ang mga positibong pagbabago sa akin. Ngunit tulad din ng mga sinasabi nila, "Things will change eventually". At nangyari sa atin yan makalipas ang ilang araw. Hindi ka na tumatawag at nagtetext. Hindi ka rin na sumasagot sa mga tawag at text ko. Hindi ko din alam kung saan ka nakatira kaya wala talaga akong alam na paraan kung paano ka kakausapin. Puno ako ng pagtataka noon.


Natatandaan ko pa noon. Lumipas ang ilang linggo ng wala tayong komunikasyon. Tinanggap ko na ang katotohanan na iniwan mo na ako. Patatawarin na sana kita sa kasalanang hindi ka man lamang nagpaalam sa akin ng maayos ng may matanggap akong sulat mula sa iyo. Lumuluha at nanghihina akong napaupo matapos basahin ang sulat. Kaya pala. Kaya pala hindi ka nagpaalam. Napakasama ng ginawa mo sa akin. Sinabi mo sa sulat na pinagpustahan niyo lang pala ako ng barkada mo. Grabe ka. At sinabi mo pa na kaya ka nawala ay nagbakasyon ka pala gamit ang perang napanalunan mo sa pustahan. At pinamukha mo pa sa akin ang naging bunga ng kawalanghiyaan mo. Hindi ko na binalak pang maghiganti sa iyo. I know it's not worth it. "Vengeance will never take away the pain".


Natatandaan ko pa noon. Nakangisi ka pa din sa tuwing magkakasalubong tayo. Siguro ngayon, ang ngising yan ang tropeo mo sa panloloko sa akin. Deadma na lang kunwari ako pero pag nakalampas na tayo sa isa't isa, palaging nakahanda na ang panyo ko sa aking kamay. Masakit pa rin sa akin ang nangyari pero pilit kong kinakalimutan. I truly believe that "Life's like a wheel". Ilang beses ko ng napatunayan iyan. At iniadya ng Maykapal ng isama ka sa mga proofs ko. Nabalitaan ko na lamang isang araw ang sunod sunod na mga negatibong nangyari sa iyo. Bumagsak ka daw sa ilan sa mga subjects mo dahil sa pagsama sa mga kaibigan mong hindi mahilig pumasok sa klase. Nalulong ka pa sa masamang bisyo. At ngayon ay isa na lamang tambay. Ako naman, naging masigasig sa pag-aaral at nakakilala ng isang taong alam ko na magmamahal sa akin ng tapat at hindi gagawin ang bagay na ginawa mo sa akin noon. Alam ng Diyos na hindi ko hiniling ang lahat ng nangyari sa iyo. Matagal ko ng sinimulan na patawarin ka. Hindi man ako labis na natutuwa sa kinahantungan mo, napalagay na din ako. At least, assured ako. The wheel of fortune is really turning. Karma's a bitch... and so are we.


 

Tuesday, May 24, 2011

Bench

I'm back to bench. Ibig sabihin, wala naman akong gagawin for the next few days. Grabe. Alam mo bang super lungkot yung naramdaman ko nang malaman ko yun. Being the futuristic me, kung ano ano na naman ang pumapasok na tanong sa isip ko. Natatakot ako sa magiging future ng career ko kung magpapatuloy pa akong ganito. Hay. Paano na lang yung magiging itsura ng resume ko pag nagaapply na ko once na nagresign ako dito. Shetness. Me mahahanap pa ba akong trabaho? Hahaha. 

Sa sobrang pagiging paranoid ko, nag-isip na agad ako last weekend kung anong magandang gawin habang I'm on bench. Natatakot kase talaga ako na baka mag-i-spend na naman ako  ng half-year na walang magandang ginagawa kaya dyaran, naisip ko na mag-aaral na lang ako ng bonggang bongga. Me libreng tutorials naman dito sa company. Swerte pa din ako. Hahaha. 

Sa totoo lang, hindi ko alam kung dapat ba talaga akong maging ganito ka-affected sa nangyari. Eh kase naman, kinuwento ko sa mga friends ko yung nangyari sa akin pero parang deadma lang naman sila. Sabi nga nung iba, swerte ko pa daw kase wala akong gagawin. Ang point ko lang naman kase, nag-aalala lang ako sa career ko. Baka mawalan kase talaga to ng growth kung sakaling magpatuloy ang mga ganitong pangyayari. Hay nako! Isang literal na "Goodluck na lang sa aking career". Lol.

____________________
Kaka-receive ko lang ng text kani-kanina lang galing sa taong sobrang kinaiinisan ko nowadays. Siya yung nagkalat ng pagkakaroon ko ng crush ko ke crushie dito sa office na si RaDaR. Nagso-sorry siya. Hindi ko siya mareplyan. Wala kase akong load. Chos! Pero sa totoo lang, kahit me load ako, hindi ko pa din siya rereplyan. Hindi naman kase ganun kadali yun noh! Sinira niya kaya yung image ko. Kase feeling ko, ang tingin nila sakin, parang ang landi landi ko. Dahil sa nangyari, naubos din yung confidence ko sa katawan. Ayaw na ayaw ko ng makita nila ako. Basta ganun. Sorry na lang siya kase nadala na talaga ako. Maybe in time mapapatawad ko din siya. Siguro kapag hindi na big deal sakin yung kahihiyan ko. Kelan kaya yun?

____________________
Sana mawala na ang ka-negahan ko sa katawan nowadays. Punong puno kase. Gusto niyo? Ingat. Godbless. :-)

Monday, May 23, 2011

Phobia

Kung may kinatatakutan man ako sa mundong ito, masasabi kong sa dalawang bagay lamang yan; sa pag-ibig at sa ipis. Hindi ka nagkakamali ng pagkakabasa. Matuwa ka na. At least, hindi pa malabo ang mga mata mo. Hindi ko din alam kung bakit sa dinami dami  ng mga bagay na inilagay ng Diyos sa mundong ito, diyan sa dalawang bagay pa na yan ako nagkaroon ng katakot takot na takot. Weird.

Naalala ko pa noon; nasa iskwelahan ako. Tinatalakay ng Physics professor ko ng mga oras na iyon ang Three Laws of Motion ni Newton. Nakikinig ako sa kanya noon ng sobra. Oo na. Ako na ang studious at grade conscious. Nagulat na lamang ako ng me isang munting nilalang ang lumilipad na pala papunta sa aking direksyon. Abot abot na kaba ang naramdaman ko noon. Grabe. Para akong ipinako sa aking kinauupuan. Hindi ako makagalaw. Walang biro. Nawala ang pagkamanhid ng katawan ko ng maramdaman kong nag-landing na pala ang isinumpa kong hayop, hulaan niyo kung saan, sa gitna pa mismo ng aking mukha. Kitang kita ng aking mga mata kung paano pa ito naglaro sa aking ilong. Grabe. Halos himatayin ako ng mga oras na iyon. Tila naman kusang nakisama ang lalamunan ko at lumabas mula dito ang isang sigaw na noon ko lang ata napakawalan sa buong buhay ko. Nagulat siyempre ang buong klase sa ginawa ko. Pinuno ng kantiyaw ang buong klase dahil sa nangyari. Tawa sila ng tawa sa akin. At siyempre, isang napakahabang litanya ang pinakawalan ng aking prof matapos ang nangyari. Ipinasok ko na lang iyon sa aking isang tenga at inilabas sa isa pa. Natatawa na lang din ako sa aking sarili. Nakakahiya kase. Talagang nakakahiya.

Pagdating naman sa pangalawang bagay na kinatatakutan ko, masasabi ko na hindi ako papasok sa kategorya ng pagiging weirdo. Madami akong kasama sa grupo ng mga taong takot sa pag-ibig. Aminin! Sa totoo lang, hindi naman sa pag-ibig ako natatakot kundi sa sakit na maaaring kaakibat nito. Sino ba namang gustong masaktan diba? Mabuti na nga lamang at sa edad kong ito eh hindi pa inaadya ng langit na maramdaman ko yun kundi eh malamang hindi ko na alam ang gagawin ko. Kahit kase alam ko na me kaakibat din naman ang mahiwagang bagay na ito na kasiyahan, mas nangingibabaw sakin ang takot. Isa sa mga nagpapalala ng aking pangamba ang hindi rin iilan na mga kaso ng pagkabigo dito na aking nasaksihan. Nalulungkot ako't nagtataka kung bakit kailangan pa yung mangyari sa kanila. Kung bakit dati, tila nasa alapaap sila sa tuwing sila ay magkasama. Yung tipong akala mo sila lang ang tao sa mundo tapos ngayon animo'y hindi na sila magkakilala. Pahabol lang, masama pa ang loob sa isa't isa.

Kagagaling ko lang sa eskwelahan ng araw na iyon ng mangyari ang isang pangyayari na maghahatid sa isa pang kinatatakutan ko. Palasak mang sabihin pero literal na bumagal ang pagtakbo ng kamay ng orasan noon. Masaya ako ng mapagtanto ko na kalapit bahay ko lamang pala siya. Naging masigla ako ng mga sumunod na araw. Hindi ko nga namamalayang lagi na pala akong nakangiti kahit saan ako magpunta. Napansin lang ng aking mga kaibigan. Halos mawalan ako ng ulirat ng isang araw ay magpakilala siya sa akin. Hindi ko maipaliwanag ang aking naramdaman. Lalo pang nanghina ang mga tuhod ko ng yayain niya akong magmeryenda. Epic moment, ika nga nila. Marami kaming napagkwentuhan habang kumakain. Hindi ko man aminin ngunit masasabi kong hindi ko maikakaila ang kasiyahan sa mukha ko ng mga oras na iyon. At doon nagsimula ang aming pagkakaibigan. Sino ba ang nagsabing nakakatakot ang umibig? Sino??? Sabihin niyo't sasabihin ko sa kanya na sinungaling siya. Haha.

Dumaan ang mga araw at lalo kaming napalapit sa isa't isa. Halos kaming dalawa na lamang ang magkasama sa lahat ng oras lalo na kapag walang pasok sa eskwela. Umaalis kami ng kaming dalawa lang. Nag-uusap ng mga personal na bagay. Nagtutulungan sa lahat ng bagay. Habang dumadaan ang mga araw, lalong lumalalim ang nararamdaman ko para sa kanya. Ngunit hindi ko alam kung ganoon din siya sa akin. Siguro yung sinasabi nilang oras kung saan mararamdaman mo yung sakit eh isa na dito yung kapag hindi tinanggap ng taong mahal mo yung pagmamahal na inaalay mo para sa kanya. Ngunit hindi pa ako handa sa ganoong sakit kaya naman wala pa akong balak sabihin sa kanya. Sumabay sa daloy. Yan ang ginagawa ko muna.

Isang hapon iyon. Naghihintay ako sa aming laging tagpuan sa tuwing kami'y me lakad. Pinaghahandaan ko lagi ang araw sa tuwing aalis kame. Palagi kong inilalabas ang kung anung maganda sa akin.Magandang damit, mabangong pabango, maayos na porma. Kaya naman maraming nagdadaan ang napapalingon sa akin. Pero wala akong pakeilam. Ang ayos ko na iyon ay para sa kanya lamang. Tumingin ako sa orasan dahil ilang minuto na siyang late. Maya maya pa'y may naramdaman ako sa aking balikat. Ang munting kulay pulang nilalang, nariyan na naman. Kasabay ng pagkagulat ko ang paglabas niya mula sa aking likuran. Tumatawa siya ng parang wala ng bukas. Hindi ko napigilang sumigaw. Hindi ko napansing napayakap na pala ako sa kanya ng hindi sinasadya. Namumula akong kumalas. Pareho kaming napahiya sa nangyari at natahimik pagkatapos. Dinaan ko na lamang sa kunwaring pagka-inis ang nangyari. Ngunit hindi noon natabunan ang kung anong tensyon ang namamayani ng mga oras na iyon. Nabingi ako sa mga sumunod niyang ikinilos at sinabi. Hinawakan niya ang aking mga kamay at sinabi ang three magical ang wonderful words. Hindi ko alam ang isasagot ko kaya ang pagkilos ko ang ginawa kong pang-responde. Hindi na kinailangan ang mga salita. Ngumiti ako at hinawakan ng mahigpit ang kanyang mga kamay. Magkahawak-kamay naming nilakad ang aming patutunguhan. Batid na namin noong mga panahong iyon na pareho kaming napupuno ng saya. May napagtanto ako ng mga oras na iyon. Nagpapasalamat ako sa ipis na iyon dahil kung hindi sa kanya eh hindi ko mararanasan ang bagay na lubos palang magpapaligaya sa akin. Sabay na nawala ang phobia ko sa dalawang bagay na lubos kong kinakatakutan noon. I hit two birds with one stone. Amazing!

Friday, May 20, 2011

Coincidence

Bakit kaya ngayon pa nagtraffic? Sabi na nga ba. Dapat mas maaga akong umalis ng bahay. Eh di sana mas maliit ang posibilidad na ma-late ako sa klase. Shetness. First day pa naman ngayon ng second semester. Buset. Lagot ako nito. Maba-bad shot ako sa professor ko. Naniniwala pa naman ako sa kasabihan na "First impression lasts". Tumitingin ako sa relo ko ng mayroong sumakay ng jeep. Natigilan ako ng napatingin ako sa kanyang mukha. Grabe, sobrang ganda ni ate. Parang anghel na nahulog sa lupa. Parang huminto ang oras noon. Nakakatawa. Kanina lang, hinihiling ko na bumagal ang oras. Mapagbiro talaga ang langit. Sobra sobra pa ang ibinigay. Hindi lang pinabagal ang oras, pinahinto pa.  Haha.

Namalayan ko na lamang na umandar na muli ang sinasakyan naming jeep. Nabuhayan ako ng loob. Baka makahabol pa ako sa una kong klase at hindi malate. Habang binabagtas ng kinalululanan naming sasakyan ang daan, hindi ko napigilang muling mapatitig ke ate. Nagulat ako. Nakatingin din siya sa akin. At ngumiti pa siya. Oh gosh! Napakaganda talaga niya. Hindi ko naiwasang gantihan ang ngiti niya. Nasa kalagitnaan na ako ng pagde-daydreaming na magsalita si manong driver. Nasa harap na pala kami ng university. Tapos na ang kakiligan ko. Mapagbiro talaga ang langit. Kinulangan naman ako ngayon. Sayang, sana pinatagal pa niya ang munting kasiyahan ko. Haha.

Hinagilap ko agad ang mahiwagang babae pagbaba na pagbaba namin ng jeep ngunit hindi ko na siya matagpuan. Nanghinayang ako. Sana man lang natanong ko ang kanyang pangalan, kung ano ang kinukuha niyang course at higit sa lahat eh ang kanyang cellphone number. Sayang talaga. Himala ang nangyari sapagkat maaga pa ako sa oras ng simula ng aking unang klase. Natuwa ako sa realisasyong iyon. Hindi na ako maba-bad shot sa professor ko. Iniisip ko pa din ang babae kanina sa jeep kaya marahan pa ang aking paglalakad. Papasok na ako sa gate ng muling matigilan. Naramdaman muli ang aking naramdaman kanina. Mapagbiro talaga ang langit. Kung kanina eh nagaalala ako, ngayon naman eh mistulang busog ako sa mga magagandang tanawin. Haha.

Nakatayo sa me gate ng unibersidad ang dahilan ng pagkatigil muli ng mundo ko. Ayun siya. Napakakisig sa suot na puting uniporme. Ang gwapo niya. Grabe. Umiral na naman ang aking kalandian. Pasensya na. Tao lang. Oo na. Hindi "normal" ang aking pagkatao. Nagets niyo na siguro. Isa akong chickboy. Pwede sa chicks, pwede sa boys. Grabe talaga siya. Para rin siyang anghel sa aking paningin tulad ni ateng nakasabay ko sa jeep kanina. Sino kaya ang hinihintay niya. Hindi ko na inalam pa. Nadala na ako sa daloy ng mga estudyanteng excited ng pumasok. Excited nga ba? Mapaglaro talaga ang langit. Binigyan niya ako ng kakaibang "talento" sa buhay: ang magkagusto sa parehong kasarian. Haha.

Hindi ako mapakali sa klase. Mabuti na lamang at pagpapakilala lamang sa sarili ang ginawa namin. Iniisip ko pa din silang dalawa. Oo, silang dalawa talaga. Ano kayang course nila? Nasaang building kaya sila? Makikita ko pa kaya sila? Sana. Wala akong ginawa sa buong maghapon kundi isipin silang dalawa. Nagtataka nga ang mga kaibigan ko kung ano bang nangyayari sa akin. Bakit daw lagi akong tulala. Bakit daw hindi ako nagsasalita. Ngumiti na lang ako. Mas inalaska tuloy nila ako. Mapaglaro talaga ang langit. Binigyan niya ko ng iba't ibang emosyon. Emosyon na nagkagulo-gulo siguro kaya ako nagkaganito. Haha.

Dumating ang oras ng uwian. Nagpaalam ako saking mga kaibigan. Dali dali akong lumabas ng kwarto. Nilakad ang daan papuntang gate ng iskwelahan. Hindi ko talaga matiis na hindi makita ni isa man sa kanila. Mabilis akong naglakad para maunahan ang mga papalabas na din ng unibersidad. Hingal na hingal na ako sa pagmamadali. Kumabog ang dibdib ko sa aking nakita. Ang isa sa mga anghel na nakita ko kaninang umaga. Napakaganda niya pa din kahit lumipas na ang maghapon. Lalapitan ko na sana siya ng bigla akong matigilan. Nakangiti siya sa aking direksyon. Lalo akong ginanahang lapitan siya. Ngunit nang mga ilang metro na lamang ako mula sa kanya eh me bumunggo sa aking likuran. Halos madapa ako sa nangyari. Marahan kong pinulot ang mga natabig sa akin. Nagulat ako ng me isang kamay na tumulong sa akin. Ang isa pang anghel na nakita ko ngayong araw. Kung se-swertihin ka nga naman oh! Mabilis ang kanyang kilos. Mistulang may hinahabol. Matapos niyang humingi ng tawad ay dire-diretsong naglakad. Nagulat ako sa mga sumunod na nangyari. Si kuya, papunta ke ate. Inakbayan  ni kuya si ate. Si ate naman ay inilibot ang kamay sa beywang ni kuya. Nagtagpo ang dalawang anghel na aking kinahumalingan. Sabay nilang nilakad ang daan. Naiwan akong natigagal sa mga nangyari. Mapaglaro talaga ang langit. Wala sa hinagap na may kaugnayan ang dalawang taong kinabaliwan ko ng araw na yun. Mapaglaro nga talaga ang langit. Sobra.    


No Se Sigue

Alam na daw ni crushie dito sa office na si RaDaR na crush ko siya. Pero hindi naman ako ganun ka-affected. Nahihiya lang akong makita sila ng barkada niya especially siya nowadays. Putek. Nakakapanliit kaya. Hindi ako prepared sa akung ano mang magiging reaction niya towards me. Kun pagtatawanan niya ba ako o kung dedeadmahin lang. Anyway, ok lang. Kaya ko pa naman. Hindi naman ako mapaparesign ng dahil lang dun. Wala akong pambayad ng bond. Hahaha. Go with the flow lang. Deadma na lang whenever he's around. Lol. 

Nakakatawa lang kahapon kase nagkasabay pa kame sa pantry ng kaming dalawa lang. Kilig na kilig pa ko. Tapos maya maya nag-tweet siya. Minention niya pa yung dalawang ka-project niya na friends ko. Sabi niya nangyari na daw yung kinatatakuan niya. WTF! Punyeta siya. Echos. Hindi ako sure na yung moment na yun yung sinasabi niya pero lalong lumakas yung hinala ko nang aminin sa akin ng isa kong friend na alam na nga daw niya. Hindi na ako nagtanong kung paano niya nalaman. Nandun kase yung isang barkada ni RaDaR. Nakakahiya. Tsaka uminit na naman yung ulo ko sa kanya. Lalo na nung sinabi niya na madami ng nakakaalam. Bwisit talaga. 

Anyway, back dun sa tweet niya. Grabe naman siya kung sakaling ako nga yung sinasabihan niya nun. Bwisit siya. Ano siya, art ista??? At ako, die hard fan? Ayos siya ha! Anong akala niya sakin rapist? Bwisit talaga. Nakakainis lang kase napakataas ng tingin niya sa sarili niya. Hay nako. Kaya ginawa ko, in-unfollow ko na siya sa twitter para wala na siyang masabi. Bwisit talaga. Hindi ko din naman siya in-add sa FB. Wala akong lakas ng loob. LOL. Tsaka ayaw kong magmukhang cheap na parang naghahabol. Chos! Hahaha. Ayun lang. Bwisit talaga.

____________________

Nag-away na naman kami ni mommy. What's new? Ansama ko talaga. Huhuhu. Eh kase naman nakakabwisit yung mga nangyayari. Nadadamay tuloy yung family ko sa mga tantrums ko. Lol.

____________________

Naisipan kong gumawa ng short story kahapon at pinublish ko dito sa blog ko. Nabasa mo ba?
____________________

Ingat! Godbless. :-)

 

 

Thursday, May 19, 2011

Déjà vu

Madilim ang daan na tinatahak ko pero hindi ko iyon alintana.  Mabilis pa din ang lakad ko at malalaki pa din ang aking mga hakbang. Hindi ko na napigilan ng kusang umagos ang mga mainit na likido mula sa aking mga mata papunta sa aking pisngi sa hanggang mahulog na ito sa lupa. Maraming pares ng mga mata ang nakatingin sa akin ngunit hindi ko sila pinapansin. Wala akong pakeilam sa kanila. Wala akong pakeilam kung tawanan man nila ako. Masama ang loob ko. Masamang masama at walang makakapagpagaan nito sa mga oras na iyon.

Tinatanong ko ang aking sarili kung bakit nila nagawa sa akin yun. Ano bang naging kasalanan ko sa kanila para bigyan nila ako ng ganitong klaseng parusa. Masakit. Sobrang sakit ng ginawa nila sa akin. Isang klase ng pagta-traydor na kahit kelan ay hindi ko pinangarap at hindi ko inakalang gagawin sa akin. Sila pa na pinagkatiwalaan ko ng sobra sobra. Sila pa na halos pinag-alayan ko ng lahat ng  aking oras at panahon. Sila pa na takot na takot akong magawan ng kasalanan. Sila pa na ni minsan ay hindi ko iwinaglit sa mga magagandang plano ko sa buhay. Sila pa na mahal na mahal ko.

Maaga kesa sa kinagawian nang umalis ako ng opisina kanina. Nais ko silang sorpresahin dahil me napakagandang nangyari sa trabaho ko. Gusto kong sabay sabay namin iyong ipagdiwang. Dumaan ako sa tindahan para bumili ng aming kakainin at iinumin habang nagseselbra. Masayang masaya akong lumabas ng tindahan bitbit ang aking mga ipinamili. Halos takbuhin ko na ang daan patungo s aming tinutuluyan. Dahan dahan pa akong pumasok sa bahay para mas maganda ang pagpresenta ng aking surpresa. Kasabay ng paghahanda ko sa pagsigaw ng "Surprise" ang dahan dahan kong pagbukas ng kurtina. Ngunit bago ko pa masambit ang kanina ko pa pinananabikang salita, tila sila pa ang naunang magbanggit sa akin noon. Hindi sa salita kung hindi sa mga mukha nilang napintahan ng hindi maipaliwanag na mga emosyon. Tila bumagal ang pag-ikot ng mundo sa aking paligid. Unti unti kong nabitawan ang aking mga dalahin. Bago pa man nila ako nalapitan ay nagtatatakbo na ako palabas.

Hindi ko alam kung san ako papunta noon. Naglakad ako ng naglakad hanggang sa mapagod. Nagpahinga, muling naglakad at muling napagod. Paulit ulit hanggang sa humantong ako sa isang bahay-inuman. Nagpakalasing ako. Medyo nahihilo na ako dahil sa ilang bote ng alkohol na ang naubos ko ngunit hindi man lamang nabawasan ng kahit na kaunti ang halo halong negatibong emosyon na bumabalot sa puso ko ng mga panahong iyon. Malalim na ang gabi nang lumabas ako. Naglakad muli ng naglakad.

Naglalakad ako sa madilim na daan nang may humawak sa aking kamay. Walang lugar ang takot sa sistema ko ng mga oras na yun. Lumingon ako at nakita ang isang batang pulubi. Nanginginig ang kanyang mga kamay sa malamang na pinaghalong gutom at lamig ng gabing iyon. Hindi ko na sana siya papansinin ng mayroon siyang inilabas sa isang bulsa. Isang papel na me guhit na puso. Nagmukhang espesyal ang hitsura ng pusong nakaguhit sa papel dahil sa mga iba't ibang kulay na nakapaloob dito. Nasa gitna ako ng pagtingin sa pusong nakaguhit sa papel ng mapagtanto ko na parang nakita ko na ang imaheng iyon. Hindi ko lang maalala kung saan at kailan. Lumambot ang puso ko sa inasal ng bata kaya't hindi ko napigilang bumunot ng ilang pirasong perang papel mula sa aking bulsa. Tuwang tuwa ang bata pagkaabot ko ng mga salapi. Nagtatatakbo siya sa gitna ng daan. Huli na ng mapansin namin ang paparating at humaharurot na sasakyan. Kahit sinong tao ay hindi makaliligtas sa ganoong klaseng trahedya. Hawak hawak ko ang nalukot na papel sa gitna ng nakakuyom kong palad habang lumuluha. Hindi ko napigilang sumigaw sa abot ng aking makakaya.

Napabalikwas ako ng bangon. Punong puno ng butil butil na pawis ang aking katawan. Mabilis ang aking paghinga. Napakabilis ng mga pangyayari. Panaginip lamang pala ang lahat. Sinubukan kong i-hinahon ang aking sarili. Ilang minuto din akong nasa gaanoong ayos ng maisipang tumayo at tignan ang orasan. Mahuhuli na pala ako sa trabaho. Dali dali akong kumilos at kumuha ng mga gamit sa paliligo. Napansin kong wala pa silang dalawa. Marahil ay papauwi pa lamang galing sa kani-kanilang pang-gabing trabaho . Papunta na sana ako ng banyo na mapatigil sa gitna ng sala.

Kumabog ng mabilis ang dibdib ko. Dahan dahang lumapit sa bagay ng nagnakaw ng aking atensyon. Rinig na rinig ko ang kaba sa aking dibdib ng makita ang naging simbulo ng aking panaginip. Katulad na katulad. Kamukhang kamukha. Yung puso na iginuhit ng musmos sa aking panaginip ay nakita ko mismo sa aking bahay. Kaya pala parang pamilyar sa akin ang bagay na iyon. Bubuksan ko na sana ang pintuan ng tokador na kinakukurbahan ng hugis na iyon ng biglang tumunog ang aking telepono. Agad ko iyong sinagot ng makitang ang aking amo ang tumatawag. Ako'y kanyang pinagmamadali. Masaya ang kanyang boses. Kinabahan ako. Tinanong ang aking sarili kung bakit ganoon ang takbo ng mga pangyayari. Nahimasmasan ako. Tinungo ang tokador na kanina ko pa nais buksan. Walang ibang laman ang kahon maliban sa isang sulat. Galing sa kanya ang sulat. Patungo sa isa pa. Nanginginig kong binuksan ang sulat at nagitla sa nabasa. Nanghina ang aking maga tuhod. Kumulog. Kumidlat. Kasabay ng pag-ulan, umagos ang aking mga luha. Naihatid sa realidad ang aking nakapanghihilakbot na panaginip. Bumukas ang pinto at nakita ko silang basang basa. Gulat din sila sa kanilang nasaksihan. Kapwa nabitawan ang mga dala dala habang papalapit sa akin. Hindi ko sila hinayaang madampian nila ako ng kanilang mga kamay. Tuloy tuloy ako sa labas. At sa gitna ng daan, nandoon ako, sumisigaw at lumuluha kasabay ng pagkulog, pagkidlat at pagbuhos ng ulan. 

Wednesday, May 18, 2011

Acontecimientos

Natutuwa ako ng me follower na ako sa blog ko. Ako na! Ako na ang lagpas isang taon ng nagba-blog pero ngayon lang nagkaron ng followers. Hahaha. Naloka ako ng makita ang pangalan ni Paul Kian sa mga followers ko. Grabe. It's such an honor. Bakit? Basahin niyo na lang ang blog niya. Sa totoo lang, nang mabasa ko ang mga akda niya, naging instant fan niya ako. Ang galing! Ang galing galing talaga. Kung hindi man, para siyang isang professinal writer. Bravo Paul Kian. Dalawa na kayo ni Aris na idol ko.  :-) I just wanna share. LOL.

Yung dalawa pang follower ko eh mga ka-close ko. Yung isa eh sa cyberworld at ang isa eh sa totoong buhay. Haha. Yung sa cyberworld eh si EG. Naging ka-close ko siya ng bonggang bongga dahil sa twitter tsaka dahil sa mga kabaliwan niya sa lalake. Hahaha. Ayun, naging instant adviser tuloy ako. Mabuti na lamang at hindi na ako ganun kabaliw sa mga lalake dahil kung hindi, pareho lang kameng nag-iyakan sa mga bagay bagay sa buhay. Kaloka. Buti na lang talaga. Hay nako. Yung isa ko naman follower ay si Robert. Ayun lang. Wala akong masabi. Ay, meron pala akong masasabi. Hindi ko lang sasabihin. Patay ako diyan pag nagkataon. Lol. My mouth is zipped. Ouch! LOL. That's all. Hahaha.

____________________

Birthday ng namatay kong pinsan ngayon. It has been a year and two months since he passed away. Hanggang ngayon ay nalulungkot pa din ako pag naalala ko. At higit sa lahat, I'm attacked by my conscience? Bakit? Kase, feeling ko, hindi ako naging mabuting pinsan sa kanya. Tandang tanda ko pa na halos araw araw kaming mag-away noon. Hindi talaga kame magkasundo. Hindi ko alam kung bakit. Mas lalo akong nalulungkot kapag dumadating sa isipan ko yung realidad na he's only 17 when he died. Doon sa parteng iyon ng katotohanan hindi ko mapigilang malungkot. Kase kung iisipin, sobrang sayang talaga ng hindi man lang niya naranasan ang mga magagandang bagay the world has to offer considering na puno din ng paghihirap ang buhay niya noong nandito pa siya sa Earth. Hay nako, nalulungkot at naiiyak na naman ako. Hay.

Ang tanging iniisip ko na lamang para maibsan yung lungkot na nararamdaman ko eh maayos ang lagay niya ngayon kung nasaan man siya. Nawa'y masaya siya ngayon at hindi na niya nararanasan pa ang paghihirap.

____________________

Kani-kanina lamang  nabanggit ko sa kausap ko a hindi ako pabor sa same-sex marriage. Oh gosh. Alam ko na madaming kalahi ko ang magtataas ng kilay sa sinabi ko. Sa totoo lang, hindi din ako kumbinsido sa sinabi ko na I'm against same-sex marriage. Lol. Oo na, ako na! Ako na talaga. Lol. Ako na ang nagpapakamalinis. Ako na ang righteous. Hindi naman sa ganon. Hay nako bahala na nga. Kakaiba talaga mga pananaw ko sa buhay. Hahaha.Pero malay naman natin kung bigla na lang akong sumabay sa agos. Pakapit sa inyo ha.

Keep safe guys. Godbless. :-)

Monday, May 16, 2011

Fast Five

Akala ko tanggap ko na. Akala ko tanggap ko na ang malaking posibilidad na magi-sa kong tatahakin ang landas ng pagtanda na puno ng hirap at pagsubok. Akala ko tanggap ko na. Akala ko tanggap ko na ng buong buo. Buong buo na tipong hindi na ako maaapektuhan ng mga bagay bagay na umuukol sa pagiisa sa buhay. Pagiisa sa buhay na matagal kong kinatakutan at akala ko eh tanggap ko na talaga. Paulit ulit at paikot ikot. Pulit ulit at paikot ikot na lang pala ang mga sinasabi ko. Wahaha.

Habang tumatagal eh nakikita ko na ng bonggang bongga yung epekto sa akin ng pagbabago ko. Wait nga! Parang paulit ulit na naman yung sinasabi ko. Nasabi ko na ata yan sa mga previous posts ko. Nakakaloka. Lol. Eh kase naman, habang dumadaan ang mga araw, lalo kong nakikita yung pagbabago sa sarili ko. At habang nagtatagal at dumadaloy sa harapan ko ang mga kaganapan, lalong lumilinaw yung maaari kong patunguhan kapag nagpatuloy pa ito. Shetness. The monster inside me is really getting bigger and bigger. Hindi ko na siya kayang kontrolin. Actually, siya pa mismo ang kumokontrol sa akin. Papaano ako nadako sa ganyang conclusion? Ganito kase yun.


Naranasan mo na ba ang pakiramdam na ikaw mismo ang gumagawa ng paraan na magkaroon ng pangyayari sa buhay mo na makakapagpatunay sa isang bagay na gustong mong patunayan sa sarili mo? Magulo ba? Ok, magbibigay ako ng example. These past few days kase, mapapansin din naman sa mga posts ko, naging sentro na ng mga pag-iisip ko yung sarili ko at yung future ko. Alam mo yun? Masyado ko ng hinahanda ang sarili ko sa mga maaaring mangyari. Especially ang pagiging solo flight ko sa future. Alam naman nating lahat ang pagiging malabo ng kinabukasan ng mga taong katulad ko diba? So ayan na nga! Sa sobrang pagpe-prepare ko, gusto ko ng ma-test ngayon yung feeling ng pag-iisa kaya gumagawa ako ng paraan para maranasan yun. Sounds weird? Yes, it is. Aminado ako. Ang gulo talaga ng sistema ko ngayon. Segue lang. Lol. So ayun nga. Siguro ini-imagine mo kung paano ko ginagawa. Maiinis ka. Promise. Hahaha.


First, sa family ko. Grabe no! Napaka-negative ko. Iniisip ko na kahit yung family ko, iiwanan din ako in the future. Hays. Eto pa, ang pinakanakakainis dyan eh, iniisp ko na ang sama sama nila towards sa akin. Iniisip ko na pinakikisamahan lang nila ako dahil malaking tulong ako financially sa family namin. Grabe no. I'm so bad. Hindi ko alam kung bakit nagkakaganito ba yung family namin. Parang walang magandang patutunguhan. Bawat isa sa amin eh me grudge para sa iba. Nangunguna na ako dyan. Sa totoo lang, masyado na akong malayo sa family ko. Hindi na din ako gumagawa ng paraan para mapalapit sa kanila. Ang tanging nagdudugtong na lamang  sa amin eh ang truth na kelangan namin ang isa't isa dahil napapakinabangan namin ang bawat isa. Hay. Isa pa sa mga natitirang koneksyon namin eh ang mga pamangkin ko na mahal na mahal namin. Alam mo, sa sobrang bad ko, iniisip ko na pinakikisamahan na lang talaga nila ako dahil sa nakakatulong ako sa amin financially pero kung mawawalan ako ng maitutulong sa kanila eh papaalisin na nila ako anytime. Kaya ang ginagawa ko eh ayun nga, hindi na ako gaanong uma-attach. Nakakalungkot no. Hindi ko din alam kung papaanong napunta sa ganito yung pamilya namin. Hay.

Dahil naman dito sa second na parte na buhay ko na naapektuhan ng pagbabago ko, hahaba pa ng bonggang bongga yung post ko. Nagsanga-sanga na kase. Btw, tungkol naman ito sa mga kaibigan ko. Grabe talaga no! Lahat na lang ng "nagmamahal" sa akin eh parang tinataboy ko dahil sa takot ko na wala namang kasiguraduhan kung susukuban ba talaga ng takot ng pag-iisa yung buhay ko sa hinaharap.


Hindi ko akalain na pati mga relasyon ko sa mga kabigan ko eh maapektuhan. Hay. Last Saturday, me naka-sched dapat  akong lakad with my friend. Manonood dapat kami ng Fast Five. Eh biglaang nasira ang plano. Bakit? Eh kase na-stuck siya sa community service nila ng mga classmates niya. Btw, guess what kung ano ang community service nila. Since it's summer and nag-aaral sila para maging doctor, ang community service nila is libreng... CIRCUMCISION. Yeah, you've read it right. Take note, magse-2nd year pa lang sila sa Medicine. Nagtataka ako na pwede na palang gumawa ng ganoong klaseng procedure yung mga "fresh" students na katulad nila. Anyway, so ayun nga, hindi kami natuloy. So ako, dahil sa biglaang pagbabago ng plano which I really hate, kesa masira ng bonggang bongga yung araw ko, naghanap na lang ako ng makakasama. Una kong niyaya yung bestfriend ko. At hindi ko alam kung maayos ba ang kinalabasan ng paguusap namin. Nahalata siguro niya na nagtatampo ako sa kanya. Eh kase naman, lagi na lang ako ang nag-i-initiate ng plano para magkita kame. Ok lang naman sa akin na hindi kame magkita for such a long time kase sanay na ako. Ang hindi ko lang matanggap eh bakit laging ako na lang yung kelangang magyaya. Ok, forgiven na yun. Keri na. Isa pang isyu, siguro laging busy siya. Ok lang din. Keri pa. Pero yung malalaman ko na alis pala siya ng alis kasama yung boyfriend niya, ok pa din naman. Hindi ako nagseselos. Wala akong karapatan. Ang nararamdaman ko? It's more of envy. Bakit? Eh kase bakit sa boyfriend niya lagi siyang me time pero saming mga close friends niya, wala masyado. Hay nako. Nagtatampo ako. Kaya siguro naiparamdam ko sa kanya yung lungkot ko nung magka-text kami. Maliwanag sa mga text ko na ok lang, ako na lang mag-isa manonood pero mahahalata mo na me tampo factor kase nung sinabi ko sa kanya na ok lang, ako na lang manonood mag-isa, sabi niya, iusog ko na lang daw yung movie time ko. Sabi ko naman, hindi pwede, kase naka-sched na tsaka sila na lang ng boyfriend niya yung manood next week. Dun niya siguro nahalata na me inggit ako sa bf niya. Hindi na siya nagreply after nun. Hindi ko alam kung bakit. Nagtext pa ako ulit na ibang movie na lang yung panoorin namin kase naka-scked na talaga yung Fast Five ko noong araw na iyon pero hindi na siya nagreply. Ang insensitive ko no. Isang magandang samahan na naman ang nalagyan ng lamat dahil sa pag-te-"testing" ko. Hay. Ano ba naman to?! Wait nga, nakakaumay na ang drama ko. Change mode.

____________________








Nagyaya ako ng ibang makakasama pero lahat sila, hindi pwede. Kaya napagdesisyunan ko na that time na manonood na akong mag-isa. Pero nalaman ko na manonood din pala yung mga college friends ko kaya naisipan ko na lang sumama sa kanila. Hindi pa kase ako prepared manood magisa. Hahaha. So ayun nga. Sabay kameng pumunta ng isa kong friend sa Rob Ermita. 7:00pm yung pinakamalapit na showing. Eh past 6pm na nun and hindi pa kame nagdidinner kaya naisipan naming dun na lang sa pang 10pm yung panoorin. Nagwa-wonder lang ako kung bakit three hours yung interval ng bawat movie time. Anyway, sa Shakey's kame nagdinner. Maaga aga pa after naming kumain kaya umikot ikot muna kame. Nahati kame sa dalawang grupo kase hindi naman pala manonood yung iba. Nakipagkita lang pala sa amin then me iba silang agenda that day. Lol. Bago kame nakarating sa bilihan ng ticket eh nagtext yung isa naming friend na kasama sa humiwalay na group na meron palang showing time sa SM Manila na mas maaga sa 10pm na hihintayin namin sa Rob kaya ayun at fly fly kame sa SM Manila. Sakto naman ang pagdating namin at diretso kame sa paghahanap ng food na malalantakan inside the cinema. Then, ayon na. Yehey, palabas na. Lol.

Grabe! Yan lang masasabi ko. Grabe talaga. As in super grabe! Hahaha. Super ganda niya. Grabe talaga. Vin Diesel never fail to amaze me. Sa totoo lang. Lahat ng palabas niya na napanood ko eh pawang magaganda talaga. Grabe talaga. Wala na kong masabi. Ayaw kong ikuwento kase hindi ako magaling magkwento. Hahaha. Pero isa lang masasabi ko, masyadong mura ang halaga ng ticket sa ganda nung movie. As in. Sulit na sulit. Hahaha. Hanggang ngayon nga eh hindi pa din ako makaget-over sa movie. Lalo na dun sa bugbugan ni Vin Diesel and The Rock. Grabe talaga yun. Akala ko me mamamatay talaga sa kanila. Goshness. Ako nasasaktan para sa kanila nun. Lol. Pero ang pinakafavorite kong part dun is yung hatak hatak ng dalawang kotse yung vault na ninakaw nila na me lamang pera na nagkakahalaga ng $100M. Bongga diba? Bongga talaga. Hahaha. Grabe talaga yugn part na yun. Grabe talaga. Shetness, puro "grabe" na lang yung nasasabi ko. LOL. Eh kase naman grabe talaga yung movie when it comes to special effects. Ooooohhhh Yeeeaaahhh talaga.




Yun lang. Ang masasabi ko lang. GRABE! Echos. Ngayon pa lang eh inaabangan ko na agad ang Fast and Furious 6. Sana siya ulit bida. Anyway, makukuha na ng mga friends ko yung 14th month nila sa katapusan ng May. And nauto ko sila na ilibre kame ng movie next time. Kaya ngayon pa lang, me plano na agad kame. Ang next stop? PIRATES OF THE CARIBBEAN: ON STRANGER TIDES! OH YEAH! Excited na ko. Masaya yun for sure. And the fact na libre yun, isa pang Oh Yeah! Hahaha.

I'm giving this movie a rating of 9.9 out of 10.  LOL


Keep safe guys! Godbless. :-) 

Wednesday, May 11, 2011

A Lie Hurts Twice

Truth really hurts... but a lie hurts twice more than a truth does.

Latest status ko yan sa Facebook. Medyo masama ang loob ko. Pero pilit kong kinakalma ang sarili ko.Masama lang kase sa health ang inis. Lol. Hindi naman sa nagmamalinis lang ako. Actually, noong sumama ang loob ko, kung ano ano pumasok sa isip ko. Merong mga masasamang bagay. Pero karamihan, puro nakakalungkot. Napakasakit sabihan ng isang bagay na hindi naman totoo. Na kahit saang aspeto ay hindi mabibigyang hustisya ng mga nagsabi.  Soxal! Nagpapakamakata na naman ako. Hahaha. 

Grabe, napatunayan kong ansalba-salbahe ko na pala talaga. I'm turning into a monster na hindi ko na mapigilan sa paglaki. Hay. Kung ano ano nasabi ko laban sa kanila na dapat eh hindi ko naman nasasabi. Iba talaga pag emosyonal ang isang tao. Kung ano ano ang naiisip at kung ano ano din ang lumalabas sa bibig. Ilang oras ko ding pinagnilayan yung mga salitang binitawan nila sa akin. Sa totoo lang, after kong malungkot for several hours, na-realize ko na hindi na ako katulad ng dati. Hindi na ko masyadong sensitive. Hindi na umabot sa pagiyak ko hanggang hating gabi ang nangyari.

Tumigas na ang puso ko. Hindi ko alam kung positive ba ito o negative.  Positive ba dahil hindi na ako ganun ka-sensitive tulad ng dati? Hindi na din ako kasing iyakin tulad ng dati. O negative ba dahil parang nagiging insensitive naman ako pagdating sa ibang tao? Hay. 

Naapply ko sa nangyayari sa akin ngayon ang isa sa mga Newton's Laws of Motion which is "To every action there is always an equal and opposite reaction". Katulad ng nangyari sa akin. 

My action : Baguhin ang ibang aspects ng buhay ko especially love.
Equal reaction : Hindi na ako ganoon ka-attached sa mga minahal ko sa buhay.
Opposite Reaction : Insensitive na ako sa mga sinasabi nila. In return, insensitive na din ako sa mga sinasabi ko.

Oh gosh. I need to kill the monster inside me before it eat my soul. Keep safe guys. Godbless. 

Monday, May 9, 2011

Update Strips III

Fiesta sa amin kahapon. Pero kung nasa bahay ka lang namin, parang hindi gaanong halata. Well actually, kahit lumabas ka pala, hindi mo din maco-conclude na fiesta pala kase hindi na din ganun kabongga katulad ng dati. Oo, me kantahan pa din. Me mga inuman pa din pero hindi na katulad ng dati na akala mo eh Pasko. Halos lahat ng tao eh nakabihis ng maayos. Tapos wala na yung mga dating palaro na inaabangan ko talaga. Kase dun mo marerealize na me okasyon that day eh. Isa pang nawala eh yung marching band sa lugar namin. So kumusta naman yun diba? Parang tanga lang. 

Kumain lang ako ng kumain nitong nakaraang weekend. Nilantakan ko mga sweets sa bahay. Buko salad, leche flan, ube at yung favorite kong beans. Grabe, ako lang ata nakaubos nung beans. Hahaha. Ansarap kase eh. Kahit nanonood lang ng TV, nilalantakan ko pa din yung beans. Ambilis tuloy naubos. Lol

____________________
Nanood ako ng Break last Saturday sa DVD. Wrong Turn type of movie siya. Dati, naeexcite ako kapag ganoon ang tipo ng movie ang papanuorin ko pero nagtataka ako na hindi ko na masyadong feel yung mga ganung movie. Nakakaloka kase yung simula. Pinutol putol ng bonggang bongga yung katawan nung babae. O diba. Take note, lumalantak ako ng favorite kong beans that time! Kaloka. 

Feeling ko tuloy, naapektuhan yung movie appetite ko nang puro love themed movies ang panuorin ko these past few weekends. Dati kase, walang epekto sa akin kung sakaling pugutan man ng ulo yung bida. Mereseng lumabas lahat ng laman-loob niya, keri lang. Hahaha. Pero kahapon, medyo nadisturbed ako sa mga graphics ng palabas. Ewan ko ba. Hahaha.

____________________

Masaya ako kase pumasok yung dalawang bet ko sa Pilipinas Got Talent sa Grand Finals. Sila Angel (hula-hoop) and B4 (dancers). Gusto ko din sana yung Skeights kase me crush ako dun kase nakakainis kase ang hina ng boses nung vocalist. Ang ganda pa naman ng boses niya. Promise. Bagay na bagay sa kinanta nilang Break Even. Bet ko din sana si Madonna Pianista kaso alam ko naman na malabong makapasok siya kase alam mo na. He's gay. Hay. Nalulungkot na naman tuloy ako. Discrimination nga naman oh! 

Nga pala, meron akong ultimate bet sa kanilang lahat. Sorry na lang ang iba. Chos! Siya yung lalaking lalaki pero pambabae yung boses. Galing talaga. Siya si Marcelito. Sana siya yung manalo. Promise, napakagaling niya. No doubt! Naeexcite na ako sa takbo ng nasabing patimpalak. Mga talented naman kase talaga ang mga nakapasok sa semi-finals.  Kapag nanonood ako ng PGT, lalo akong nagiging proud na isa akong Pinoy. :-)

That's all. Ingat! Godbless. :-)


Friday, May 6, 2011

Happy Mother's Day

Ang post na ito ay handog ko sa mga ina sa buong mundo specifically siyempre para sa aking pinakamamahal na nanay para sa nalalapit na Mother's Day sa Linggo.

56 na ang nanay ko. Turning 57 na siya this July. Sa loob ng kulang anim na dekada niya dito sa mundong ibabaw, masasabi kong hindi pa niya nararanasan ang mga bagay na dapat niyang naranasan.

Tulad ng karamihan dito sa bansa natin, laki din sa hirap ang nanay ko. Tumataginting na isang dosena silang magkakapatid ngunit sa kasalukuyan, tatlo na lamang silang nabubuhay.

Mula ng magkaisip ako, madalas ng sabihin sa akin ni nanay ang mga pangarap niya sa buhay. Nangunguna na diyan ang magkaroon ng magandang bahay. Masasabi ko naman na maayos naman ang bahay namin (pero magulo. As in. Andami kasing tao. Segue lang. Lol) pero sa totoo lang, ayaw kong tumanda na ganun na lamang ang bahay namin. Katulad ng gusto ng aking ina (sosyal, makata??? Ina talaga? Hahaha), gusto kong mapagawa yung bahay namin. Gusto kong mas tumaas siya kase ang problema, super liit niya. As in. Ako lang kasya. Echos. Kaya ang pwede na lang gawin is pataasan ng bonggang bongga. Gusto ko din na me kanya kanya na kaming 'closed' na room. As in closed. Ayaw ko nung curtain lang yung pantakip. Echos. Wala kasing privacy.  Lol. Hindi ko sinasabi na ganun yung sa bahay namin ngayon (defensive much??? LOL), pero hindi pa din katulad ng gusto ko yung situation ng bahay namin ngayon. At pag nagawa ko yan, siyempre, sa pinakamahalagang babae sa buhay ko ito iaalay.

Next in line, gusto kong mabili yung gusto niyang sasakyan. Yung malaki. Yung truck! 18-wheeler pa. Echos! Hahaha. Super echos lang yan. Bakit naman ako bibili ng truck? Hahaha. Ang gusto niya kase is yung magkakasya kaming buong family. Yung mga tipong Expedition ang size para kapag me lakad, kasya kaming lahat. Hindi na magco-commute, aircon pa! Lol. At pag nagawa ko yan, siyempre, sa pinakamahalagang babae sa buhay ko ito iaalay.

And lastly, gusto niyang magkaroon ng sariling convenient store! Nakakaloka. Sana matupad ko yung pangarap niya na yun. Ansaya kaya nun. For sure, hindi ka malulugi dun. Kase basi necessities ng tao ang mga itinitinda mo. Malabo na hindi kumita kahit papaano. Hindi ko alam sa nanay ko kung bakit iyan ang pangarap niyang negosyo. Siguro gusto niyang maging cashier. ECHOS! Pero maganda yung pangarap niya ha. In fairness.  Lol.  At pag nagawa ko yan, siyempre, sa pinakamahalagang babae sa buhay ko ito iaalay.

Ayan ang tatlong major major na pangarap niya sa buhay. Gustong gusto ko ng matupad yan para kahit papaano eh mapasaya ko ng bonggang bongga si nanay. Hindi na din kase siya bumabata. Kaso mukhang malabo pa. Ilang taon pa ng pagtatrabaho't pagiipon ang kelangan ko bago ko maisakatuparan yan. Ilang milyon din yan no! Kumusta naman! Hahaha. Goodluck na lang to me.

Kanina habang naghihintay ng tren, nasa Channel 7 yung TV sa station kaya Unang Hirit ang ipinapalabas. Kinakanta ang She's Always a Woman by Billy Joel habang binabati ng mga love ones nila ang mga hosts na nanay. Nakakatuwa na nakakaiyak. Hindi ko alam kung bakit nakakaiyak. Siguro kase nakakaoverwhelm isipin na me mga anak na kayang sabihin on National TV ang mga katagang "I Love You Mom". Aminin na natin, hindi lahat sa atin ang nakakapagsabi sa ating mga magulang particularly sa ating mga nanay kung gaano natin sila kamahal. Pero mas maganda naman na masabi natin sa kanila yun diba? Mas magkakaroon kayo ng good rapport for a better relationship as mom and daughter/son. Tama? Tomo! Lol

Para sa pagtatapos ng post na ito, heto ang lyrics ng She's Always a Woman. :-)

To my Mom, Nanay, I love you so much! Kahit madalas tayong nagkakatampuhan at di nagkakaunawaan, sana maramdaman mong mahal na mahal kita. Ikaw ang pinakamahalagang babae sa buhay ko (sino pa nga ba? Lol). Promise. I Love You Nay!  :-)

To all nanay, nay, inay, ma, mama, mommy, mudra, mamita, basta sa lahat ng mga mothers around the world, HAPPY MOTHER'S DAY!!! :-)

Eto na pala yung kanta. Muntik ko ng makalimutan. Lol. Keep safe guys. Godbless. :-)


SHE'S ALWAYS A WOMAN

She can kill with a smile, she can wound with her eyes,
She can ruin your faith with her casual lies,
And she only reveals what she wants you to see.
She hides like a child but she's always a woman to me.

She can lead you to love, she can take you or leave you,
She can ask for the truth but she'll never believe you,
And she'll take what you give her as long as it's free,
Yeah she steals like a thief but she's always a woman to me.

Oh, she takes care of herself, she can wait if she wants,
She's ahead of her time.
Oh, and she never gives out and she never gives in,
She just changes her mind.
And she'll promise you more than the garden of Eden
then she'll carelessly cut you and laugh while you're bleeding,
But she brings out the best and the worst you can be.
Blame it all on yourself cause she's always a woman to me.

Oh, she takes care of herself, she can wait if she wants,
She's ahead of her time.
Oh, and she never gives out and she never gives in,
She just changes her mind.
She is frequently kind and she's suddenly cruel,
She can do as she pleases, she's nobody's fool,
But she can't be convicted, she's earned her degree,
And the most she will do is throw shadows at you
But she's always a woman to me.



Wednesday, May 4, 2011

On the Side of Me

"Bakla!  bakla! bakla!"

Nakakabadtrip yung mga taong kelangan pang ipangalandakan na bakla ka. Kulang na lang lagyan ka nila ng malaking tag na me nakasulat na "BAKLA". Oo all caps na, bold pa. Eto pa, 500 ang font. Hahahaha. I'm wondering tuloy kung anong napapala nila sa pangmamaliit ng tao.

Hindi ko alam kung nagawa ko na ito dati dito sa blog ko pero maglalabas ako ng sama ng loob ko sa mga taong makikitid ang utak. Unang una sa lahat hindi niyo na kame kelangang tawaging bakla dahil given na yun. Redundant much?! Lol. Nakakarindi kase yung paulit ulit. Oo na aware din naman kame siguro no.

Naalala ko dati nung me tumutukso sa akin. Sabi ng ate ko, "Kapag me tumutukso sayo, isagot mo, 'obvious ba?'". So ako naman, bilang masunuring kapatid, sinunod ko naman yung ate ko. Eh bata pa ako nun. Hindi ko pa alam ang ibig sabihin ng obvious. Hahaha. So ako, sinunod ko nga yung ate ko. Natahimik yung nanunukso sa akin. Feeling ko tuloy, effective. Lumaki na ako ng marealize ko na parang tanga pala yung sinabi ko. Putek. Pinahamak pa pala akong lalo ng ate ko. Lol.

Habang tumatanda ako (20 pa lang ako ngayon. Feeling matured lang. Hahaha), andami dami kong tanong sa buhay tungkol sa pagiging ganito ko. Kung masama ba ito tulad ng sinasabi ng karamihan. Kung anong mangyayari sa akin pagtanda ko. Kung me basbas ba ni Father God ang pagiging ganito at kung me purpose ba maging ganito.

Kung madaming tanong ang pumasok sa aking isipan, sobrang dami din namang nakakalitong sagot ang umikot sa isip ko. Siguro it's brought na ng mga paniniwala ng mga taong nakapaligid sa akin kaya naging negatibo ang pananaw ko sa buhay. Actually, nawalan ako ng tiwala sa sarili ko tsaka feeling ko wala akong silbi sa mundo. Pero ngayon, naging open-minded na ako. Madami akong tinignang mga anggulo sa pagtataya ng mga bagay bagay. Bakit ko 'to ginawa? Nagsawa na kase ako sa mga nakakalungkot na nangyayari sa buhay ko dahil sa pagiging ganito. Naisip ko na kelangan ding magbago. Overhauling kumbaga. Nagamit ko na naman ang signature word ni Robert. Lol.

Matapos ang ilang oras na pagtataya? Akala ko wala akong makukuhang responde pero tadhana na din ang nagdala sa akin sa mga sagot na kailangan ko. Bigla bigla ang dating ng mga realizations ko. Wala akong pakeilam kung hindi ako sasang-ayunan ng mga makakabasa nito pero I know deep inside my heart na dumulog ako sa Kanya bago gumawa ng mga pagbabago sa buhay ko.

First issue: Masama nga bang maging bakla. Ang sagot ko, HINDI. Para sa akin, hindi masamang maging ganito. Dahil unang una sa lahat, hindi ito choice. Nakakainis ang mga taong nagsasabing ito ay aming pinili. Hindi namin ito pinili. Sino ba namang tao na nasa tamang pag-iisip ang pipili sa isang landas na alam niyang magiging malubak na nga ang daan, wala pang kasiguraduhan ang patutunguhan? Sino? Kung ito ay choice, sa unang una pa lamang ay sa pagiging straight na ako pupunta. Ang hirap kayang maging ganito! Sobra! Ilang beses ko na ngang pinagpe-pray na sana wala ng maging ganito hindi dahil sa mali ito kundi dahil sa mahirap ito. Sobrang hirap talaga. Lalo pang pinapahirap ng mga taong mapanghusga. Follow-up answer, ang masama sa pagiging ganito ay kung mag-e-engage ka sa sexual activities. Sa usaping iyan,  hindi ko na maitatanggi na madami akong kabaro ang sumuko sa kasalanang iyan. BUT, a very big but, hindi lamang sa mga 3rd sex applicable ang sin na iyan. Para rin kase yang pre-marital sex kung saan nakikipagtalik ang isang indibidwal out of wedlock. Ang pinagkaiba lang, sa aking pananaw (na medyo shaky pa when it come to this issue), kahit kelan eh hindi magiging tama ang sex with the same gender, kahit kasal pa kayo. Naniniwala kase ako na ang katawan natin ay isang sagradong bahagi ng ating pagkatao na ibinigay Niya sa atin kaya kelangan nating pakaingatan. Thus, sa ngayon, naniniwala ako na isang kalapastanganan sa ating katawan ang pakikipagtalik with the same gender. Ayan ay sa pananaw ko lamang. Sa ngayon. Maaring mabago yan pagdating ng araw. Lol. Totoo naman. We'll never know. Life's like a box of chocolates, it's full of surprises. :-)

Second issue: Kung anong mangyayari sa akin pagtanda ko. Dati, dito ako takot na takot sa totoo lang. Kung anung mangyayari sa akin pagtanda ko. Kung me magaalaga ba sa akin kung sakaling hindi ako magkaroon ng sariling pamilya which is way nearer from the reality kase hindi talaga ako kelan man nagkagusto sa isang girl. Lol. Pero nitong mga nakaraang araw, actually gabi. Wait, off topic muna. Nito kasing mga nakaraang gabi, gustong gusto kong mahiga pero yung nakadilat lang. Yung tipong relax relax ng konti tapos magiisip ng malalim. So ayun nga, nitong mga nakaraang gabi ay isama na din yung mga lifeless weekends ko, pinlano ko talaga yung future ko. Hahaha. I mean, better ready than sorry. Wow, new saying. Hahaha. So eto nga. Nagkaroon ako ng sarili kong timeline sa utak ko. First, by the age of 25, kelangan, napagawa ko na yung bahay namin. Yung tipong, maganda talaga. Gusto ko kase magkakasama pa din kaming buong angkan sa bahay. Kahit maliit, basta mataas.  Kasya na naman siguro kami dun no. Next, by the age of 30, gusto ko me kotse na ko. Super late na malamang pero hindi naman ako ganun kayaman para magkaroon agad ng car. Lol. Next, 35, gusto ko me ilang millions na ko. LOLOLOL. Millions talaga! Echos lang. Kahit 1 million lang. Enough to start a business. Next 40, me sarili na akong anak. Not the one that came from me. As I said earlier, wala pa sa plans ko ang magkaroon ng family someday. Yep, me balak akong mag-ampon. Gusto ko din by that time, me isa pa kong malaking sasakyan. Gagamitin ko sa pamamasyal ng family sa mga out of town trips. And one of my ultimate dreams, yung magbigay ng mga pagkain sa mga mahihirap. Yung isang bag sa isang family na ang laman ay mga basic necessities ng isang pamilya. Pero gusto ko karamihan, pagkain talaga. Gusto ko diyan magsimula yung bonggang pagtulong ko. Then tuloy tuloy hanggang tumanda. Siguro by the age of 50, pwede na kong mamatay. Ok na yun. Siguro, nagawa ko na yung mga gusto kong gawin. Natulungan ko na yung mga gusto kong matulungan at ok na yung future ng mga maiiwan ko dito sa earth. :-)

Third Issue: Kung me basbas ba ni Father God ang pagiging ganito at kung me purpose ba maging ganito. Naniniwala ako na mahal tayong lahat ni Father God regardless of our sexuality at wala tayo dito kung wala tayong purpose sa buhay. Tapos!Masakit isipin na may mga nagsasabi na ang demonyo ang dahilan kaya me mga taong katulad ko. Nagtataka ako kung saan nanggaling ang konseptong iyon. Napatunayan na ba nila iyon? Kahit mga wala kaming kasalanan eh parang me stigma na sa mga katulad ko na masamang tao kami. Napakasakit isipin noon. Hindi lang naman kame ang mga nakakagawa ng kasalanan sa mundo. Pare-pareho lang naman tayong lahat na mga tao, nagkakasala. Hindi naman porque ganito ka eh masamang tao ka na. Naniniwala ako na lahat ng tao eh me kabutihang taglay. Kahit ikaw na ang most wanted sa Earth, me natitira pa ding kabutihan diyan sa kaibuturan ng iyong puso. Basta ako, naniniwala ako na mahal Niya talaga tayong lahat. Nasa sa atin na lamang kung saang landas ang tatahakin natin. Kung ang balikong daan ba o ang landas patungo sa Kanya.

Nailahad ko na ang mga saloobin na dapat ilahad. It's your choice na lamang kung anung damdamin ang ilalahad niyo sa mga katulad ko. Ingat na lamang mga kaibigan. Godbless us all.  

Laser Tag/One Last Cry

Natuloy kami last Monday sa Market Market para sa Laser Tag sa Lazer Xtreme. Maaga kaming dumating. 6:00pm pa yung reservation namin pero 5:10 pa lang eh nandun na kame. Excited much? Siguro. Lol.

Nagkwentuhan muna kame habang hinihintay yung time. Then eto na. In-orient kame for several minutes habang sinusuot yung vest. Tapos biglang nagpasukan na. Ansaya saya. Nakakatuwa. Barilan dito. Barilan doon. Bang bang bang. Echos. Parang mga pulis. Nakakatawa kapag umiiwas kame sa mga nambabaril samin. Me paupo upo pang nalalaman. Parang mga sundalo na nasa giyera. Lol.

Twenty minutes lang per session. Dalawa yung session namin. Kaya after magpahinga from the first session, bumalik na uli kame. Talo ang team namin sa parehong rounds. Hahaha. Ang rank ko 13/19 sa first round, 14/19 naman sa pangalawa. Wahahaha.

Nagtataka lang ako kase bakit mga super pawisan ng mga officemates ko pagkalabas namin ng battlefield (Echos! Battlefield talaga. LOL). Grabe as in akala mo tumakbo sila ng 10 kms. Hahahaha. Pero ako fresh na fresh pa rin from the fight. Wahahaha. Ansaya saya pala ng ganun. Sana maulit uli namin yun. Soon.

After nung Laser Tag, nagpunta na kame sa pinareserve na table for us sa isang restaurant named Abe (not quite sure) sa labas ng Serendra (not sure ule. Lol). It took our 30 mintues to just wait. Eh akala ko ba me reservation. Ganito pala yung nangyari. Yung manager namin, tinatawagan pala kanina nung isa employee nung restaurant habang nasa kalagitnaan kame ng pagbabang bang. Hahaha. Eh siyempre nageenjoy kame nun kaya ayun, hindi niya nasagot. Akala ata nung employee, cancelled na yung reservation namin. Super tagal tuloy naming nag-antay. Yung order din namin, super tagal ding dumating. Lol.

Anong oras na kame natapos kumain kaya anung oras na din kame nakauwe. Grabe. Natakot nga ako nung time na yun kase sarado na yung LRT tapos super layo pa ng panggagalingan ko. Tapos isang mahabang byahe pa na ako lang mag-isa. Katakot kaya! Lol. Yun lang. Ansaya saya talaga nung Laser Tag. Sana maulit talaga siya soon. Kaya sana magkaron ulit ng promo. LOL.

____________________

Namatay na si Osama Bin Laden. Pero hindi man lang nabawasan yung pangamba ko when it comes to terrorism. Hindi lang naman kase siya yung gumagawa ng lahat ng yun no! Kahit sabihin pa na siya yung mastermind ng lahat ng kaguluhan sa mundo, madali lang namang palitan yung ganun. Kaya hindi pa din ako kampante na mawawala na ang terorismo. Nagtataka din ako na tuwang tuwa pa talaga yung mga tao sa pagkamatay niya. Ok lang sana kung masaya lang pero parang galak na galak pa yung iba tapos parang ipinagbubunyi pa nila yung nangyari. Hahaha. Kelan pa naging masaya na me mamatay na tao. Kahit gaano pa siya kasama, tao pa din siya. Tama na nga. Mahihirapan din akong i-justify kung anu yung tinutumbok ko. Lol. Leave it that way na lang.

____________________

Speaking of Tumbok, magshoshowing na ata yang movie na yan ni Cristine Reyes. Nagtataka lang ako kung bakit tinaon pa ni Cristine na magsho-showing yung movie niya ng ipangalandakan niya sa press yung "change" na gagawin niya sa sarili niya. Wala lang. Parang ginawa niya lang na promo para sa movie.

____________________

Hindi ko napigilang i-text yung crush ko sa school (na graduate na ngayon) kung kumusta na siya. At nainis ako sa sarili ko sa ginawa ko. Ang babaw no. Eh kase naman, pinangako ko na sa sarili ko na hindi na ako maghahabol sa mga taong ayaw sakin. Although, hindi niya directly in-state na hindi niya ko feel, gosh naman, gut feeling na lang. Super sensitive pa naman ako sa mga ganung bagay

Anyway, dahil dun sa kababawan na yun, umiyak na naman ako kagabi. Shetness talaga. Nakakainis kase eh. Na-feel ko na naman yung inferiority complex na bumalot sa akin. Nakakababa ng pagkatao yung pinagmumukha kang tanga. As in. Mas maganda pa talaga na prangkahin nila ako no kesa yung pinagmumukha nila akong aso na sunod ng sunod sa kanila. Kainis.

Ngayon, hindi ko alam kung buburahin ko na yung number niya para hindi na ako ma-tempt na i-text siya uli. Pero nagdadalawang isip ako. hindi naman ata kase siya aware na pinagmumukha niya akong tanga. Unfair naman ata sa kanya yun. Pero kase hangga't nandyan yung number niya, mate-tempt at mate-tempt akong i-text siya eh. Kainis!  

Bye na nga. Naiinis lang ako sa sarili ko. Haha. Ingats guys. Godbless. :-)

Monday, May 2, 2011

Thor

Natuloy kame last Friday sa panonood ng Thor. Wala pang 8:00pm eh nasa Glorietta na kame. 8:20pm yung dapat kukunin naming schedule kaso wala ng vacant seats para dun kaya napilitan kaming kunin na lang yung 10:55pm na schedule na madami pang vacant seats. Dahil nga sa super gabi na yung nakuha naming schedule, lumibot muna kame sa mall bago nag-dinner. Hindi na din nakasama sa amin yung dalawa naming friends dahil paraeho silang hindi pwedeng gabihin. Imagine naman no! Kung 10:55 ang start at 2 hours ang play time ng movie, aabutin kami ng pasado 1am na. Nakakaloka. Kaya hindi na namin sila pinilit pa. 

So ayun na. After naming kumain, diretso na sa cinema. Hindi ko akalain na mapupuno pa yung theater ng ganun oras. Pero naisip ko na siguro hindi na makapaghintay ang mga tao. First day pa lang kase noon ng movie. Nagpakita ng mga coming soon na movies. Andami na naming planong mga papanuorin. Lol. Isa na diyan ang 4th installment ng Pirates of the Caribbean.

Nagsimula na ang movie at dahil hindi ako magaling na reviewer, hindi ko na ire-review yung movie at hindi ko din siya iku-kuwento. Nakatulog kase ako. Lol. Sandali lang naman ako nakatulog. Naintindihan ko pa naman ang takbo ng istorya. Hanep sa special effects yung Thor. Kudos to the special effects team. Nakakalungkot lang talaga yung ending niya. Dun lang talaga ako na-disappoint. It's so ampness. Echos. Basta. A good ending will make the movie way better. Kaso yun na ata yung istorya niya kaya hindi na ako makikipagtalo pa. Lol. 2:30am na ako nakarating ng bahay. Nakakatakot na palang umuwi ng ganung oras. Halos wala na talagang tao. Mabuti na lang me nasakyan pa kame ng mga friends ko. So far, naging masaya naman ako that night.

I'm giving this movie a rating of 8 out of 10.

____________________ 
 
Masyado akong na-disturbed sa April 29's episode na Maalaala Mo Kaya starring AJ Perez. Hindi ko siya nasimulan ngunit nakuha ko agad ang plot ng story at naiparating naman sa akin ang aral ng nasabing episode.
Habang nanonood ako, hindi ko mapigilang malungkot sa takbo ng mga pangyayari. Hindi lang dahil sa istorya kundi dahil na din sa bida nito. Paano kaya kung buhay pa si AJ ngayon. Siguro puro papuri ang natanggap niya sa pagganap sa nasabing papel. 

Saludo ako sa kung sino man ang may-ari ng kwentong iyon. Madami akong natutunan sa kanya. Madaming realizations ang dumating sa akin. Na-conclude ko na ang ganun klaseng mga episodes ang dapat napapanood ng mga tao. Maraming mapupulot na aral. Sobra.

Natapos ang palabas na iniwan akong natigagal. Iniimagine ko tuloy ang sarili ko na nilalakad ang daan mula Maynila patungong Samar. Kinikilabutan ako. Mahirap yun ah. Masakit pa sa paa. Natanong ko tuloy sa sarili ko kung fair nga ba ang life. Biruin mo, ang ibang tao eh nagpapakasasa sa kanilang mga yaman tapos me mga tao palang nakakaranas ng mga ganitong klaseng hirap sa buhay. Na-realized ko tuloy na maswerte pa din pala ako. Hindi ko man maabot ang lahat ng mga bagay na hinahangad ko, at least, nabubuhat pa din ako ng normal. Nakakakain ng mga gusto kong pagkain tatlong beses sa isang araw. Nakakapaglinis pa ng katawan. At higit sa lahat, me sapin pa sa paa. Imagine na lang kung pumapasok ako sa office ng naka-apak. Disaster yun!
____________________

Kagabi ko lang napanuod ang The Royal Wedding. Super sosyal pala nun. Grabe. Hahaha. Nakakakilig yung love story ni Prince William and ni Kate Middleton na ngayon eh Duke and Dutchess na. Bongga! Hahaha. Sana'y maging maligaya ang kanilang pagsasama. Lol.

____________________

Laser Tag at Lazer Xtreme kame mamaya! Bale mini team building namin yan. Excited na ko! New experience na naman. Goodluck to us. Sana maging super saya. Lol. 

____________________

First day daw ngayon ng crush ko sa school sa first job niya. I just wanna share. Goodluck to him. Hahaha.
____________________

I'm finished na. LOL. Keep safe guys. Godbless us all. :-)