Ang post na ito ay handog ko sa mga ina sa buong mundo specifically siyempre para sa aking pinakamamahal na nanay para sa nalalapit na Mother's Day sa Linggo.
56 na ang nanay ko. Turning 57 na siya this July. Sa loob ng kulang anim na dekada niya dito sa mundong ibabaw, masasabi kong hindi pa niya nararanasan ang mga bagay na dapat niyang naranasan.
Tulad ng karamihan dito sa bansa natin, laki din sa hirap ang nanay ko. Tumataginting na isang dosena silang magkakapatid ngunit sa kasalukuyan, tatlo na lamang silang nabubuhay.
Mula ng magkaisip ako, madalas ng sabihin sa akin ni nanay ang mga pangarap niya sa buhay. Nangunguna na diyan ang magkaroon ng magandang bahay. Masasabi ko naman na maayos naman ang bahay namin (pero magulo. As in. Andami kasing tao. Segue lang. Lol) pero sa totoo lang, ayaw kong tumanda na ganun na lamang ang bahay namin. Katulad ng gusto ng aking ina (sosyal, makata??? Ina talaga? Hahaha), gusto kong mapagawa yung bahay namin. Gusto kong mas tumaas siya kase ang problema, super liit niya. As in. Ako lang kasya. Echos. Kaya ang pwede na lang gawin is pataasan ng bonggang bongga. Gusto ko din na me kanya kanya na kaming 'closed' na room. As in closed. Ayaw ko nung curtain lang yung pantakip. Echos. Wala kasing privacy. Lol. Hindi ko sinasabi na ganun yung sa bahay namin ngayon (defensive much??? LOL), pero hindi pa din katulad ng gusto ko yung situation ng bahay namin ngayon. At pag nagawa ko yan, siyempre, sa pinakamahalagang babae sa buhay ko ito iaalay.
Next in line, gusto kong mabili yung gusto niyang sasakyan. Yung malaki. Yung truck! 18-wheeler pa. Echos! Hahaha. Super echos lang yan. Bakit naman ako bibili ng truck? Hahaha. Ang gusto niya kase is yung magkakasya kaming buong family. Yung mga tipong Expedition ang size para kapag me lakad, kasya kaming lahat. Hindi na magco-commute, aircon pa! Lol. At pag nagawa ko yan, siyempre, sa pinakamahalagang babae sa buhay ko ito iaalay.
And lastly, gusto niyang magkaroon ng sariling convenient store! Nakakaloka. Sana matupad ko yung pangarap niya na yun. Ansaya kaya nun. For sure, hindi ka malulugi dun. Kase basi necessities ng tao ang mga itinitinda mo. Malabo na hindi kumita kahit papaano. Hindi ko alam sa nanay ko kung bakit iyan ang pangarap niyang negosyo. Siguro gusto niyang maging cashier. ECHOS! Pero maganda yung pangarap niya ha. In fairness. Lol. At pag nagawa ko yan, siyempre, sa pinakamahalagang babae sa buhay ko ito iaalay.
Ayan ang tatlong major major na pangarap niya sa buhay. Gustong gusto ko ng matupad yan para kahit papaano eh mapasaya ko ng bonggang bongga si nanay. Hindi na din kase siya bumabata. Kaso mukhang malabo pa. Ilang taon pa ng pagtatrabaho't pagiipon ang kelangan ko bago ko maisakatuparan yan. Ilang milyon din yan no! Kumusta naman! Hahaha. Goodluck na lang to me.
Kanina habang naghihintay ng tren, nasa Channel 7 yung TV sa station kaya Unang Hirit ang ipinapalabas. Kinakanta ang She's Always a Woman by Billy Joel habang binabati ng mga love ones nila ang mga hosts na nanay. Nakakatuwa na nakakaiyak. Hindi ko alam kung bakit nakakaiyak. Siguro kase nakakaoverwhelm isipin na me mga anak na kayang sabihin on National TV ang mga katagang "I Love You Mom". Aminin na natin, hindi lahat sa atin ang nakakapagsabi sa ating mga magulang particularly sa ating mga nanay kung gaano natin sila kamahal. Pero mas maganda naman na masabi natin sa kanila yun diba? Mas magkakaroon kayo ng good rapport for a better relationship as mom and daughter/son. Tama? Tomo! Lol
Para sa pagtatapos ng post na ito, heto ang lyrics ng She's Always a Woman. :-)
To my Mom, Nanay, I love you so much! Kahit madalas tayong nagkakatampuhan at di nagkakaunawaan, sana maramdaman mong mahal na mahal kita. Ikaw ang pinakamahalagang babae sa buhay ko (sino pa nga ba? Lol). Promise. I Love You Nay! :-)
To all nanay, nay, inay, ma, mama, mommy, mudra, mamita, basta sa lahat ng mga mothers around the world, HAPPY MOTHER'S DAY!!! :-)
Eto na pala yung kanta. Muntik ko ng makalimutan. Lol. Keep safe guys. Godbless. :-)
SHE'S ALWAYS A WOMAN
She can kill with a smile, she can wound with her eyes,
She can ruin your faith with her casual lies,
And she only reveals what she wants you to see.
She hides like a child but she's always a woman to me.
She can ruin your faith with her casual lies,
And she only reveals what she wants you to see.
She hides like a child but she's always a woman to me.
She can lead you to love, she can take you or leave you,
She can ask for the truth but she'll never believe you,
And she'll take what you give her as long as it's free,
Yeah she steals like a thief but she's always a woman to me.
Oh, she takes care of herself, she can wait if she wants,
She's ahead of her time.
Oh, and she never gives out and she never gives in,
She just changes her mind.
And she'll promise you more than the garden of Eden
then she'll carelessly cut you and laugh while you're bleeding,
But she brings out the best and the worst you can be.
Blame it all on yourself cause she's always a woman to me.
Oh, she takes care of herself, she can wait if she wants,
She's ahead of her time.
Oh, and she never gives out and she never gives in,
She just changes her mind.
She is frequently kind and she's suddenly cruel,
She can do as she pleases, she's nobody's fool,
But she can't be convicted, she's earned her degree,
And the most she will do is throw shadows at you
But she's always a woman to me.
No comments:
Post a Comment