Fiesta sa amin kahapon. Pero kung nasa bahay ka lang namin, parang hindi gaanong halata. Well actually, kahit lumabas ka pala, hindi mo din maco-conclude na fiesta pala kase hindi na din ganun kabongga katulad ng dati. Oo, me kantahan pa din. Me mga inuman pa din pero hindi na katulad ng dati na akala mo eh Pasko. Halos lahat ng tao eh nakabihis ng maayos. Tapos wala na yung mga dating palaro na inaabangan ko talaga. Kase dun mo marerealize na me okasyon that day eh. Isa pang nawala eh yung marching band sa lugar namin. So kumusta naman yun diba? Parang tanga lang.
Kumain lang ako ng kumain nitong nakaraang weekend. Nilantakan ko mga sweets sa bahay. Buko salad, leche flan, ube at yung favorite kong beans. Grabe, ako lang ata nakaubos nung beans. Hahaha. Ansarap kase eh. Kahit nanonood lang ng TV, nilalantakan ko pa din yung beans. Ambilis tuloy naubos. Lol
____________________
Nanood ako ng Break last Saturday sa DVD. Wrong Turn type of movie siya. Dati, naeexcite ako kapag ganoon ang tipo ng movie ang papanuorin ko pero nagtataka ako na hindi ko na masyadong feel yung mga ganung movie. Nakakaloka kase yung simula. Pinutol putol ng bonggang bongga yung katawan nung babae. O diba. Take note, lumalantak ako ng favorite kong beans that time! Kaloka.
Feeling ko tuloy, naapektuhan yung movie appetite ko nang puro love themed movies ang panuorin ko these past few weekends. Dati kase, walang epekto sa akin kung sakaling pugutan man ng ulo yung bida. Mereseng lumabas lahat ng laman-loob niya, keri lang. Hahaha. Pero kahapon, medyo nadisturbed ako sa mga graphics ng palabas. Ewan ko ba. Hahaha.
____________________
Masaya ako kase pumasok yung dalawang bet ko sa Pilipinas Got Talent sa Grand Finals. Sila Angel (hula-hoop) and B4 (dancers). Gusto ko din sana yung Skeights kase me crush ako dun kase nakakainis kase ang hina ng boses nung vocalist. Ang ganda pa naman ng boses niya. Promise. Bagay na bagay sa kinanta nilang Break Even. Bet ko din sana si Madonna Pianista kaso alam ko naman na malabong makapasok siya kase alam mo na. He's gay. Hay. Nalulungkot na naman tuloy ako. Discrimination nga naman oh!
Nga pala, meron akong ultimate bet sa kanilang lahat. Sorry na lang ang iba. Chos! Siya yung lalaking lalaki pero pambabae yung boses. Galing talaga. Siya si Marcelito. Sana siya yung manalo. Promise, napakagaling niya. No doubt! Naeexcite na ako sa takbo ng nasabing patimpalak. Mga talented naman kase talaga ang mga nakapasok sa semi-finals. Kapag nanonood ako ng PGT, lalo akong nagiging proud na isa akong Pinoy. :-)
That's all. Ingat! Godbless. :-)
No comments:
Post a Comment