Dumaan na pala ang Pasko ng wala man lang akong post. Ewan ko ba. Siguro dapat nasa hiatus mode ako ngayon pero dahil ayaw kong mabakante ng bonggang bongga yung blog ko kaya heto ako ngayon. Marami rami na ding nangyari sa akin nitong mga nagdaang linggo. Una na riyan ang nabanggit ko sa aking huling post na pagkakakuha ko ng planner ng Starbucks na tinuturing ko talagang achievement. Actually mas natuwa pa ako sa pagkaka-redeem ko ng planner kesa sa pagkakabili ko ng susuotin ko sa Christmas Party. Sa parehong araw kase nangyari yan.
Nasa Megamall kame nun para maghanap ng aking outfit for our Christmas Party. That was December 10 and the party was 4 days after that kaya naman nagkukumahog na akong makahanap ng aking outfit. Black and White ang theme namin. Sa simula pa lang ay decided na akong maglo-long sleeves polo na lang. Pero tatlo yung pinagpipilian ko. First is magko-coat and tie, second is the long sleeves polo and the third one is long sleeves t-shirt. Pero naisip ko na baka ma-over dressed naman ako kung yung first option yung pipiliin ko and baka naman ma-under dressed naman ako kung yung third. Kaya I settled for the second one na lang para safe. Sa tingin ko naman eh ok yung outcome nung black and white ek ek ko nung Christmas Party. I wore white long sleeves polo with three black something (lol) sa gilid with matching tie, black shiny not-so-skinny pants and white shoes. Nagustuhan ko ang outcome ng experiment ko pero tila ako lang yung natuwa. Hahaha. Well, past is past. Let's all forget about it na. Chos! Anyway, as usual, wala na naman akong napanalunan sa raffle namin considering na sobrang dami na ng prizes. Kahit GC man lang, hindi ako nanalo. Hahaha. Ewan ko ba, siguro malas lang talaga ako sa mga ganyan. Ever since naman kase, hindi ako swerte sa mga raffle. Nakakatawa lang kase me nangyaring twist nung party. Inaasam asam ko kase talaga yung iPad 2 sa raffle. Beforehand, we were informed that only one iPad will be given away but right after makuha na yung first iPad and nanlumo na ko (wahahaha), here comes the emcee announcing na meron pang isang extrang iPad. Ako naman, super na-excite ng bonggang bongga. Hahaha. Ending, hindi pa din ako nanalo. Umuwi kameng luhaan. Chos. Madaming pakulo nung Christmas Party namin. Kudos to the organizers. Meron kaming photobooth na instant mong makukuha yung pictures mo after the "pictorial" and meron ding taga-draw ng caricature mo. Bongga talaga. Hindi ko lang nagustuhan yung outcome nung akin. Nakakatawa kase, after 48 years of waiting there habang pinipigilang gumalaw, duling yung outcome ko. Nabulalas ko tuloy, "Ang pangit naman". Hindi ko talaga sinasadya yun. Promise. Anlakas pa ng pagkakasabi ko. Nakakahiya tuloy ke manong na nag-draw sakin. Ang ibig ko lang namang sabihin dun. Ang pangit ko pala pag sa drawing not ampangit pala ng drawing niya. Sorry talaga kuya. Actually, napahiya ako ng bongga sa sarili ko after that. Feeling ko, ako mismo yung sumira sa gabi ko. Kaya from the bottom of my broken heart (hahaha), sorry po talaga kuya. Peace na po tayo. Hehe. Free flowing ang drinks that time kaya naka-dalawang tanduay ice din ata ako. Chos. Isa lang ata. Nakalimutan ko na kase. Hahaha. Super agang natapos yung party. Eh kase ba naman, me work pa kinabukasan kaya ayun, nagsi-uwian agad yung iba. 12:30 pa lang nagliligpit na kahit nagsasayaw pa kame sa gitna. Hahaha. Yeah, totoo, kameng batch na lang talaga yung naiwan sa dancefloor kuno. Hahaha. Ending, diretso kameng Starbucks sa RCBC para mag-coffee at magpalipas ng gabi sana kaso nagsara siya ng 2am kaya umuwi na kame. Taxi ako ng bongga kaya nalagasan ako ng ilang daan. Hahaha. Ayun lang. Btw, eto pala ako nung party. Walang tawanan ha. Hahaha.
(Hanapin niyo na lang ako. Hahaha)
Next na highlight ng mga nagdaang linggo sa buhay ko eh yung aking birthday. Hindi ako palahanda sa birthday ko. Madami kasing me birthday samin ng December kaya dun na lang ako bumibili ng handa. Nakakairita nga yung mga nagsasabi dito sa bahay na birthday na birthday ko, wala man lang akong handa. Eh sana kaya kayo naman yung gumastos para sakin no! Sa totoo lang nakakalungkot lang isipin na ako na lang laging gumagastos sa mga selebrasyon dito sa bahay. Napaisip tuloy ako kung kelan naman yung ako naman yung gagastusan nila sa birthday ko. Yung me effort naman. Hindi yung just for the sake of celebration lang just like nung bata ako. Siyempre hindi ko pa yun masyadong na-a-appreciate hindi katulad kung ngayon ko yun mararanasan. Wala lang, nag-i-inarte lang. Hahaha. Anyway, umalis kame ng bestfriend kong si Macky nung birthday ko. Gusto ko sanang pumunta sa kahit saang amusement park pero hindi daw siya pwedeng gabihin kaya nag-settle na lang kaming maglunch and manood ng sine sa Glorietta and Greenbelt, respectively. Mission Impossible 4 : Ghost Protocol it is. Sa hindi ko malamang dahilan, hindi ako masyadong nakatutok sa movie kaya hindi ko masyadong nagustuhan ang latest installment ng movie ni Tom Cruise na halatang hindi na bumabata. I'm giving the movie 8 out of 10. Nagkaroon pa ng hindi kaaya-ayang pangyayari non. Akala ko tuloy masisira na yung birthday ko dahil don. Pauwi na kame ng mapansin kong hindi ko na hawak yung gift na bigay sakin ni bessy. Naka-paper bag kase yun. Tapos naka-tape pa kaya hindi ko pa talaga nakikita yung laman nun. Kaya madaling madali kame na bumalik sa cinema para tignan kung naiwan namin sa loob yung gift. Ayon kase sa memory ko na pumupurol na ata, hawak ko pa yung paper bag nung nakapila kame papasok sa cinema. Matagal tagal din naming hinintay si kuya na nagkakalkal sa trash area nila para tignan kung nandun ba yung gift pero wala. Nawalan tuloy ako ng pag-asa na makikita pa siya kase nga akala ko talaga dun ko siya naiwan. Nag-dalawang isip pa kong balikan pa sa kinainan namin mabuti na lang at nagbaka-sakali kame. Hayun at duon ko nga naiwan. Thanks to the crews na tinabi pala sa service room nila. Thanks to God talaga at nakita ko pa yung gift na yun. Pinagkasya ko agad sa loob ng bag ko yung gify ni bessy kase baka kung saan ko na naman maiwan.
Then Christmas time na!!! Bumili ako ng gift ko para sa sarili ko. Gumastos din ako ng bonggang bongga that time kase inabot ako ng 400 sa taxi. Nakakaloka lang. Hahaha. Nanood kame ng friend kong si Helaine ng Segunda Mano noong hapon ng Christmas day. Nagustuhan ko naman yung movie but I expected so much kase it's Kris Aquino's eh. Eh alam niyo naman na super fanatic ako ni Kris na kahit nanay ko eh nakaka-away ko sa pagtatanggol sa kanya. Hahaha. The movie is just like other English indie-film out there. Pero I'm giving credits pa rin ke Kris for producing a film na bongga kung manakot at bongga din kung mapatawa. Dapat talaga nasa top billed ng movie si Bangs Garcia eh. Instant fan niya ko dahil sa kakengkoyan niya sa movie. I'm also giving the movie an 8.
Malilipat na pala ako ng building next year. Na-deploy kase ako sa client namin. Hindi naman kalayuan sa main office namin yung lilipatan kong building. It's just a few meters away. Isang jeep lang. Sa Ayala Ave. lang naman yun. The company is on 45th-47th floor. Nakakaloka lang. Goodluck na lang sa tenga ko. Three months lang daw kami dun. Pero hindi ko sure kung ma-e-extend ako dun. Goodluck na lang to me. Ayun lang. Hahaha. Naasikaso ko na pala kahapon at kanina yung mga government papers ko. Pag-ibig na lang ang kelangan kong ayusin. Oo, love na lang. Chos! Yung Pag-ibig na yan eh yung government agency huh! Correction lang. Hahaha. Gosh, wala na kong masabi. Babush na nga. Hahaha.
Keep safe guys. Godbless. Mwah. :-)