Powered By Blogger

Wednesday, June 29, 2011

Si Falcon

Super busy ko nowadays sa work! Gosh! Totoo yun no! Hindi lang halata. Lol. Puro kase tungkol sa pagka-bum ko dito sa office yung kinukwento ko date. Pero totoo talaga na madami na akong ginagawa nowadays. Haha. 

Bongga yung ulan last Thursday no! Grabe talaga. Mala-Ondoy. Naglakad tuloy kame ng bonggang bongga sa baha. Take note, nakaformal ako nun and wala akong  baong tsinelas. Yes mga kapamilya, kapatid at mga kapuso. Sinuong ko sa baha ang aking bagong sapatos. Huhuhu. Bobo much ko no! Sana nagpaa na lang ako pero hindi ko talaga keri eh. Hahaha. 

Actually dapat hindi naman siya mababasa. Bwisit lang talaga ang tadhana. Sinisi ko talaga ang tadhana. Lol. Ganito kase yun. Sobrang lakas ng ulan non diba kaya hindi namin alam kung aalis na ba kame ng office ng kasama ko. Mga 9:00pm na kame umalis ng office. Medyo umuulan na nun at super baha na sa dadaanan namin. As in. Hanggang tuhod na ata that time sa ibang lugar.

Nakasakay pa kame ng bus pero umatras din yung bus sa baha kaya no choice kame kung hindi maglakad na talaga sa baha. Nalulungkot lang ako kase wala akong dalang slippers that time. Bonggang bongga kong sinugod sa baha ang aking shoes na wala pang one month nung binili ko. Huhuhu. For sure, malaki yung epekto nun sa sapatos ko. Antanga ko kase. Nakalimutan kong magdala ng slippers. Tanga mo Marvin! Lol

Mukha akong tanga nung mga panahong iyon kase naka-formal attire pa ko that time. Super long sleeves pa ako at slacks. Habang naglalakad, nakataas yung slacks ko above the knee kaya mukhang tanga talaga. Pagod na pagod ako pagdating ko sa LRT Station na sarado na that time. Biruin niyo naman kase no! From 9-12, nilakad namin ng bonggang bongga yung baha galing sa building namin hanggang sa LRT Station. Nakakaloka talaga! Parang yung defense lang namin nung college

Matiwasay naman akong nakauwi bandang mga 1:30am. Kaya anong petsa na ako nakapasok kinabukasan. Keri lang naman din kase flexi time naman kame dito sa office. Yun nga lang, sanay akong umuwi ng maaga kaya naga-undertime ako kapag ganung time na ako nakakapasok. Hahaha.

____________________

Umuulan pa din nung Friday pero kelangan ko pa ding pumasok. Nakakaloka yung suot ko nun. Naka-tsinelas lang. Parang mamamasyal lang sa park. Medyo maaga kaming pinauwi (5:00. Maaga na yun kase mga 11am na din naman ako nakapasok). Nakakatawa lang kase kahit bumabagyo na, tumuloy pa din kame ng mga classmates ko nung high school sa lakad namin na naka-sked na. Kahit umuulan ng malakas, nagsidatingan pa din kame sa birthday ng anak ng isa naming classmates. Ansaya no Parang kelan lang ambabata pa namin. Ngayon, me anak na yung iba. :-)

As usual, walang humpay na tawanan na naman ang naganap. Me ilang secrets na na-reveal. Me mga chikang noon ko lang narinig. Kaya masaya talaga pag nagkasama sama kame eh. Meron na naman kaming kita-kits later. Excited na ako. Hahaha. Bibisitahin naman namin yung isang friend ko na nanganak na. See, andami ng nanganak samin, ako na lang ang hindi. CHOS!

____________________

Shopping galore na naman ako last Sunday. Echos lang. Konti lang naman yung binili ko. Tsaka sale lang naman. Kaya keri lang. Hahaha. Goodluck na lang pag bayaran na naman ng bill sa credit card. LOL.

____________________

Medyo busy ako ngayon sa work kaya babu na. Keep safe gusy. Godbless. XD


Tuesday, June 21, 2011

Super 8

Friday Night (June 17, 2011)

Foundation Day ng aking pinakamamahal na alma mater; ang Pamantasan ng Lungsod ng Maynila. That time, wala na sa plano namin ang pagpunta sa nasabing event ng skul pero biglaang change of minds, pumunta na kame. Napakabilis ng mga pangyayari. Hahaha. Eh kase naman wala pa ata kameng 2 hours sa school, umuwi na din kame. Super parang tanga kase right after matapos ng swimwear competition ng mga candidates for Ginoo at Binibining Pamantasan, nagsiuwian na karamihan ng mga students! Nakakaloka. Sadyang makamundo ang mga kabataan ngayon. CHOS!

Me nagawa akong kasalanan that night. Yung isa ko kaseng ka-close na prof, siya yung kasama namin all throughout the event. Tapos nung pauwi na kame, nakalimutan kong tawagan siya na pauwi na kame tapos nung nasa jeep na kame, tinext niya ko. Dun ko naalala na hindi ko pala siya nasabihan na uuwi na kame. Nagreply ako ng sorry sa kanya per hindi na siya nagreply. Shetness. Sorry talaga Sir! Lol.

Bakit ko nga ba nakalimutan na itext si sir? Ang sagot: eh kase naman bigla kong naalala yung nomo session ng portri (batchmates ko nung highschool. Kaya portri kase section 3 kame nung fourth year high school. Got it? Ayun!) sa Panulukan, Tayuman. Na-excite ako bigla kaya fly fly agad ako. Bwahaha.

Madami na sila pagdating ko. Nakakatuwa kase sa tabi ng ex-crush ko (na hindi naman gwapo pero super mabenta sa gays and gals. Siguro kase super duper bait niya. As in.) ako napaupo. Tama, hindi ko sinadyang dun umupo no! Promise. Hahaha. Pero hindi ko na siya crush ngayon. Promise! Me nangyaring kakaiba. Yung isa ko kaseng classmate na girl na so so lang yung closeness namin, nagkwento ng bonggang bongga tungkol sa lovelife niya. Ako, naman, natuwa kase parang nagbigay siya sakin ng trust sa move niyang yun kaya todo kinig ako sa kanya. Todo advice din kung sakaling nagtatanong siya ng opinyon ko. Super tagal din naming nagkwentuhan. As in. Halos buong stay ko dun eh ka-kwentuhan ko siya. Hindi ko alam kung dahil ba sa tipsy na siya kaya siya nag-open sa akin o pinagkakatiwalaan niya talaga ako. 

Mahirap ang sitwasyon ni friend. Me gusto siya na gusto din siya (actually, mag-ex na sila dahil sa napakababaw na dahilan, imo) kaso me ibang mas priority si guy; ang studies. Kaya naghiwalay muna sila. Si girl yung nakipaghiwalay kase ramdam na ramdam daw niya yung kawalan niya ng halaga kay guy. Tapos itong si guy, sinasabi niya ke girl na mahal niya to pero hindi naman nararamdaman ni girl. Hindi kase showy si guy. Then another person came in. Meron daw ngayong "nanliligaw" ke girl. Eh ang kaso, wala talagang nararamdaman si girl ke guy2. Hanggang super friendship lang talaga ang maibibigay niya rito. Pero consistent pa din si guy2 sa panunuyo ke girl. Tinanong ako ni girl kung masama ba siya sa ginagawa niya na hindi pagbibigay ke guy2 ng chance. Ang sabi ko naman, hindi. Super hindi talaga. Dahil ang masama ay  kung bibigyan niya ito ng chance pero ke guy1 pa din nakatali yung puso niya kase magiging super unfair niya nun ke guy2 tsaka clear naman daw ke guy2 na nagiging mabait lang siya dito for friendship sake and not for the reason na binibigyan niya ito ng pag-asa. Tama naman diba??? 

Natigil sandali ang pagkukuwentuhan namin dahil naki-mingle muna kame sa iba kase parang tinutukso kame na me ibang world na kame kase nga super serious ng pinaguusapan naming dalawa. Maya maya pa eh nagkukuwentuhan na naman kame ni friend na girl. Napapansin ko na paulit-ulit din yung sinasabi niya pero sinasagot ko pa din. Hahaha. Tipsy na kase siya. Nakailang bote na din kase samantalang ako, 1/3 na bote pa lang yung nalaklak ko. Dinaan ko kase sa kwento eh. Bwahaha. Ang mga sumunod na sinabi ni friend na girl ang ikinagulat ko. Hindi ko akalain. A big revelation! Kaloka. Si mabentang ex-crushie pala si guy2. 

Nanlaki ang mata ko sa sinabi ni girl. Ang nasabi ko na lang, "Ganda mo te!". Wahahaha. Eh kase naman no, andaming nagkaka-crush dun tapos sa kanya nagkagusto. Hahaha. Ang ironic no! Kung sino yung gusto niya, hindi pa sila pwede, tapos yung me gusto sa kanya, hindi naman niya gusto. Hay buhay.

Another highlight ng gabing yun eh yung pagkakatupad ng isa sa aking mga dream. Ang aking super duper ultimate dream na napakababaw naman. Hahaha. Super babaw talaga. Ayaw ko na tuloy i-share. Nahiya na ko. Chos! Ang dream na iyon is yung yakapin ng isang guy. OO NA! Napakababaw na! Hahaha. Anyway, kwento ko na kung paano nangyari yun. Btw, ke ex-crush galing yung dream hug. I just stated earlier na mahilig mang-akbay si ex-crush pag nagpipicture. So hindi ko alam kung saan nanggaling yung tapang ko that night at tinanong ko sa kanya kung kaya niyang yakapin ako habang nagpapapicture kame. Shetness. Wala man lang inhibitions niya akong niyakap. Grabe. Hindi kilig ang naramdaman ko that time kundi super tuwa kase me straight guy pa palang ganun sa mundo. Hahaha. Ini-status ko pa sa fb na natupad na yung pangarap ko. Thank you talaga friend. Hahaha.

____________________

Naka-message ko sa facebook yung super friend kong lalaki nung bata pa ako. 10 years na kaming hindi nagkikita. Sabi niya, pupunta daw siya sa bahay namin kase me pupuntahan siya sa malapit samin. Hindi ko gusto yung idea na yun kase hindi ako prepared. Bwahaha. Biglaan naman kase. Tsaka lalake siya (kung lalake nga. LOL). Hindi ako comfortable talaga kaya gumawa ako ng paraan para hindi kame magkita. Hahaha. At ayun nga, pumunta ako't nagpaabot ng madaling araw sa inuman namin ng high school friends ko para hindi ko na siya maabutan sa bahay. Ansama ko no! Hahaha. Hindi pa kase ako ready. Maybe in time. :-)
____________________

Saturday (June 18, 2011)

Nagkita kita naman kame ng mga college friends ko para pumunta ng Trinoma to watch Super 8. Ang konti namin. Grabe. Nakakalungkot. Apat lang kame. Kaya namin naisipan na gumimik kase baka biglaan na lang umalis na yung isa naming friend papuntang US and ang alam ko, for good na siya dun and bibisi-bisita na lang siya dito sa Philippines. Ayun. Nakakalungkot lang kase dapat madami kame eh. Nagkataon lang na me pasok yung iba tapos yung iba me gagawin that time. Hay.

Ayun. Super disappointed ako sa ending ng movie. Nakakabwisit talaga. Alam mo yung feeling na me hawak kang pagkalaki-laking gift tapos tuwang tuwa ka nung binuksan mo tapos ang laman lang pala is pagkaliit liit na walang kwentang bagay? Ganun. Natutuwa na ako eh. Nae-excite na din ako. Tapos biglang ganun na alng yung ending??? Kaloka! Hahaha. Second time ko na tong na-disappoint ng bonggang bongga sa movie na me kinalaman si Steven Spielberg. Una na yung War of the Worlds kung saan siya pa yung director. Executive producer naman siya dito sa Super 8. Laging walang kwenta talaga yung mga ending nitong dalawang movies na ito. What happened Steven??? LOL. (Paulit ulit??? Hahaha. Na-post ko na din kase yan sa FB tsaka sa twitter. Bwahaha).

I'm giving this movie a rating of 5 out of 10.  Bwahahaha.

Mabuti na lang bumawi ang happenings kase me 50% off kame sa Gelatissimo. 110 pa naman yung isang scoop dun ng ice cream kaya bumili na kame. Hahaha. Nag-enjoy naman ako sa ice cream na kinain ko kaya nabawasan na yung inis ko sa movie. Wahaha. 
____________________

 Sunday and Monday  (June 19-20, 2011)

Father's Day last Sunday. Pero hindi ko na binati yung tatay ko. Hindi naman kase kami ok. Naisip ko na mas masama lang ang gagawin ko kung makikipagplastikan ako sa kanya. Papalabasin na ok kame kahit hindi. Hay.

Birthday ni Jose Rizal. Birthday din nung crush ko nung high school. Hindi ko na siya crush ngayon. Nagtataka ako, kahit yung ibang classmates ko nung highschool, wala ding balita sa kanya. Bumagsak kase siya dati nung 2nd year pa lang kami. Magka-college din kame nun kaya nakikita ko pa siya pero after some time, nalaman ko na lang na lumipat na siya ng school. Nasan na kaya yun? I'm just wondering.

Wala akong ginawa buong maghapon kahapon. Puro tulog lang then nagsugal kame ng Pares-Pares. Bwahaha. Katuwaan lang naman. Nanalo ako. Yehey. Hahaha. I just wanna share. Lol.

____________________

Bye bye! Keep safe. Godbless. 

 

Thursday, June 16, 2011

Badtrip

Matagal tagal na din pala akong walang post at hindi ko akalain na hindi pa maganda ang maba-blog ko ngayon. Anyway, bago ko ilabas ang sama ng loob ko, magku-kwento na muna ako sa mga nangyayari sa akin nowadays. Actually, wala namang mga interesanteng bagay ang nangyayari sa akin nitong mga nakaraang araw kaya nga wala akong mai-post. Puro meetings lang kase dito sa work. Wala namang kaganapan sa bahay at sa social life ko. In short, boring ang life ko nowadays.

Me first time na nangyari sa akin kagabi. Ay hindi yung iniisip niyo yun. Malayo masyado. Haha. Dapat kase mid-shift (4pm-12mn) kame kahapon. Pero last Tuesday night, biglang nagbago ang mga plano sa hindi ko malamang mga kadahilanan. Kaya kahapon eh mid-shift pa din naman kame pero 1-6pm lang kame dito sa office dahil sa bahay na lang daw namin kukunin yung calls. Kinabahan ako ng bonggang bongga nun kase hindi naman ako marunong sa mga ganung bagay tapos baka hindi ako maka-attend sa nasabing meetings.Kaya todo prepare ako sa mga procedures na gagawin para makapunta sa nasabing online meeting (Webex). Nagmamadali pa kong umuwi kase magpe-prepare pa ko sa bahay tapos aayusin ko pa yung connection ko para maka-attend. 

Meron kaming dalawang meeting kagabi. Isang 8-9pm tsaka meron 10pm-12mn. Masayang masaya ako kase nakapunta naman ako ng maayos sa unang Webex kaso hindi ko naririnig yung conversations ng mga ka-meeting ko kase biglang nasira yung landline namin. Haha. Kaya sa screen lang ako nakatingin at hinuhulaan  kung anong paliwanag ang ginagawa nung host sa mga pinaggagagawa niya. Lol. Pagdating nung second meeting, nalaman ko na pwede palang kumonek sa call gamit yung skype kaya tinry ko siya and, amazing!, nagawa ko siya. I'm so happy. Hahaha. Kaso hindi ko rin maintindihan lahat ng mga sinasabi ng mga nagsasalita kase Indian yung accent nila and sabay sabay pa silang magsalita. Kairita. Lol. Hindi rin ako nagtagal sa call na yun kase naputol yung line tapos ayaw na kong pabalikin nung host. Grabe. He's so bad. Hahaha. So far, so good naman yung Webex and client call experience ko last night. Sana magkaron pa uli. Hahaha.
____________________ 

ETO NA!!! Hindi ko na mapigilan yung inis ko. Magiging maikli lang to. Ayaw ko ng patagalin pa yung inis ko. Habang nagla-lunch kame sa pantry ng 16th floor kanina, pumasok si RaDaR and yung barkada and nag-init sila ng pagkain. Hindi ko akalain na dun din sila kakain kase kadalasan, bumababa sila sa basement or lumilipat ng pantry ng ibang floor. Kaya ako naman, super binilisan kong kumain. Ayaw ko kase silang makasama sa kahit na anong lugar. So awkward kaya! 


Tapos mabilis na natapos yung dalawa kong kasama na parehong nasa right side ko. Btw, nasa left most side kame ng pantry that time. Take note, super liit lang ng pantry ng 16th floor. 10 persons lang ata yung kasya. So eto na! After nilang mag-init, umupo na sila. Since ako na yung nasa pinaka-left side sa aming dalawang natira, ako yung pinakamalapit sa kanila. Ang nakakainis na part dun, super luwag pa sa tabi ko. Bakit kelangan nilang magsiksikan dun sa dulo. I'm not saying na tumabi sila sakin no! Ayaw ko din naman nun. Ang point ko lang. Me ilang seats pa naman kahit layuan nila ako ng konti pero mas pinili nilang kumain sa kasuluk-sulukan. 

Ang pinakanakakairitang part eh eto! Super sikip na dun sa part nila. As in! Walang halong ka-oa-yan. Yung isa niyang friend, parang mas nag-iinaso pa kesa sa kanya. Kairita talaga! Alam niyo ba ginawa niya? Wala na talagang puwesto dun sa side nila. Pinagsisiksikan niya talaga yung sarili niya mereseng nakaharang na siya sa pinto! Bwiset!


I'm don't know kung paranoid much lang ako pero masisisi niyo ba ko? Eh alam na niya na cursh ko siya and malamang ginagawa niya ang mga bwisit na bagay na yan para umiwas. Kairita much lang kase parang they're treating me as if me nakakahawa akong sakit. Kainis talaga. Grrrrrrrrr. BADTRIP!

____________________ 
 
 Nagsend ng e-mail samin about sa liga ng basketball na magaganap. Magsisimula na siya bukas. Kasama si RaDaR sa mga players. Inaaya ako ng mga friends kong girls na manood. Hindi ko na pinag-isipan pa! Sinabi ko agad na AYAW kong manood. Unang una sa lahat, baka isipin niya na siya ang ipinunta ko dun. That's a very big lie kung nagkataon. Haha. Second, hindi naman ako mage-enjoy sa mga ganun. Kahit gaano pa kadami ang gwapo sa mga players. WHATEVER!

Keep safe. Godbless. 


Friday, June 10, 2011

My New Office Crushie

Me bago na kong crushie sa company. Ayyyiiieee. Hahaha. Ayoko na ke RaDaR. He's bad kase. Chos! Echos lang talaga. Siguro naiirita lang ako sa pagiging homophobic niya. Nakakainis lang kase wala naman akong natatandaang ginawang masama sa kanya para umasta siya ng ganon. Hindi siya ganun kagwapo. Isa pa uling chos! Hahaha. Oo na gwapo na siya. Pero that doesn't gave him the right para umasta ng ganon. Kairita talaga. Lol.

Anyway, back to the topic. Si new office crushie eh first time kong nakita nang magkaroon kame dati ng seminar about sa rules and regulations and processes dito sa company. Grabe ang kyut niya talaga. Maputi tsaka medyo singkit. Shetness. Kinikilig ako dito sa cube ko. Lol. Na-cute-an na ako sa kanya that time pero parang wala lang. Humaling na humaling pa kase ako nun ke RaDaR. Pero ngayon, nagkasabay sabay kase ang mga not-so-good, not-so-bad events, like yung pag-iwas ng nagiinarteng si RaDaR tsaka yung pagkalipat ko ng floor, kaya heto ako ngayon at biglang nabaling sa iba ang aking pagtingin. Chos! Hahaha.

Ka-team siya ng isa sa mga friends ko dito sa company kaya sa tingin ko eh mapapadalas ako sa cube ng aking friend. Lol. Kaso sabi niya medyo masungit daw si new office crushie. Kaya nawalan na naman ako ng gana. Hahaha.

____________________

Puro KT (Knowledge Transfer) kami nowadays kase nga wala kaming alam na mga bagong recruit sa project sa kung paano tumatakbo yung system ng current project namin. Madalas, wala akong maintindihan sa mga tinuturo samin kahit na nakikinig na ako ng bonggang bongga. Haha. Napakalaki kase nung system na  inaaral and sabi nung TL (Team Leader) namin eh yung current team namin ang nagha-handle daw dun sa pinakamalaking sub-project sa current project ko. 

Magulo ba? Ganito kase yun. Sa sobrang laki ng project namin, me mga sub-projects ka siya na composed of several teams. Ayun. Ganun lang. Lol. Mabuti na nga lamang eh, feeling ko, medyo madali lang ang aming magiging trabaho sa mga susunod na mga araw, linggo at buwan. Hindi kase yung full responsibilities ng current designation ko yung trabaho namin kaya ganun. Btw, hindi ko na maalala kung nabanggit ko na ba sa isa sa mga previous posts ko na hanggang september lang ako dito sa current project ko and then bench na naman ako. Hay nako. Hahaha.
____________________

 Ayun lang so far ang mga nangyayari sa akin nowadays. Btw, me job na yung isa kong friend. I'm so happy for her. Hindi na ko makapaghintay sa libreng matatanggap ko mula sa kanya. Chos! Hahaha.

Keep safe guys. Godbless. :-)


Tuesday, June 7, 2011

First Class

Yehey! Sa wakas, nakalipat na ako ng pwesto. Matatakasan ko na din ang mga kinaayawan ko sa dati kong floor. Pero parang tanga din. Kase malaki pa din ang possibility ko na makita si RaDaR tsaka yung taong nagsabi sa kanya na crush ko siya. Doon pa din kase ako kumakain sa floor nila. Yung mga lunchmates ko kase, nandun pa din sa floor nila RaDaR. Ako lang yung lumipat kaya no choice but to eat there pa din. Dyahe naman kase kung dito pa kami kakain sa current floor ko eh tatlo na nga silang nandun sa dati kong floor.

Anyway, hindi ako masyadong makakapag-post nowadays kase kelangan kong mag-aral ng bongga tungkol sa system ng current project ko. Kaya kahapon eh medyo busy-busy-han ako ng konti. Oo, konti lang. Lol. Kase nga me simple task kame tungkol sa paggamit nung system. Siyanga pala, iba na yung major capability ko. Bye bye Developer, hello Quality Assurance ang drama ko ngayon. Actually, pinagisipan ko munang maigi yung major change sa career ko kase alam ko na malaki yung impact nito sa future ko and knowing me na super paranoid when it comes to my future, ilang araw din itong namalagi sa aking utak. Yes, araw lang. Minamadali ko na kase yung sarili ko kase baka mawala pa yung opportunity na nakalatag sa harapan ko. Kaya nga heto ako ngayon, napagdesisyunan na mag-change na ng path ng career. At so far, wala pa naman akong nakikitang hindi ko magugustuhan dito. :-)

____________________


Nanood ako last Sunday ng X-Men: First Class... ng mag-isa. Punyemas kase. Wala naman talaga akong balak na panoorin yung movie na yun kase hindi ko naman siya gaanong feel. Hindi kase ako fan talaga ng X-Men. Me ibang characters lang talaga na gusto ko yung powers nila kaya pinanonood ko yung mga dating installements ng X-Men pero wala akong balak na panoorin siya sa big screen. Nainggit lang ako sa mga kakilala ko na napanood na yung movie and they said na maganda naman kaya pinanood ko na. 

Nung una, wala akong balak na panoorin siya asap kase hindi pa ko prepared. Kaya nagyaya muna ako ng ibang mga friendships ko. Eh kaso yung iba napanood na. Tapos yung iba nasa kung saang lupalop pa ng Philippines at pauwi pa lang kaya wala talaga akong ibang mayaya. And so I decided na manood na lang ng mag-isa. Masyado akong na-excite manood kase nga akala ko eh me makakasama ako kaya noon din mismong araw na iyon ako nanood. Masaya talaga ang biglaang plano.

____________________

Sa SM Manila lang ako nanood para hindi gaanong hassle. 3:15 yung pinakamalapit na time eh kaso 3:19 na nung time na nakarating ako sa bilihan ng ticket kaya yung 4:00 na lang yung kinuha ko. Nagpalipas muna ako ng ilang minutes sa Quantum then bumili na ako ng popcorn then back to cinema. Pero bago ako pumasok, bumili muna ako ng drinks. Yun lang. Lol. 

Marami rami na rin ang mga tao pagpasok ko. And syempre, dun ako sa vacant row umupo. Hindi naman sa nag-eemo ako. Kairita lang yung mga couples kaya mas pinili kong mapag-isa. Karita sila kase ginawa nilang park yung sinehan kaya imbes na kiligin ako eh nairita ako sa kanila. Haha.

Nag-start na ang movie. Obviously, sila Magneto and Professor X ang mga bida dito. Kasama na din pala yung napakawalang hiyang villain sa movie na siyang pumatay sa nanay ni Magneto kaya ito naghiganti. Umikot ang story sa paghihiganti ni Magneto ke Sebastian Shaw na talaga namang nakapangingilabot ang taglay na kapangyarihan. In my opinion, maihahalintulad ang kapangyarihan ni Shaw ke Jean Grey ng X-Men : The Last Stand. Eh diba halos katakutan si Jean dahil sa napakalakas niyang kapangyarihan na siyang pumatay ke Professor X?! Kaya naman sa tuwing makikita ko si Sebastian, ganun na lang yung hilakbot ko. Haha. Call me an over reacting specie pero yung talaga yung naramdaman ko sa tuwing nakikita ko siya. Weird. Siguro dumagdag pa ang lamig ng aircon sa cinema sa pagtayo ng mga balahibo ko. Hahaha

Madami akong nalaman at natutunan tungkol sa X-Men sa panonood nitong First Class. Isa na diyan yung history nila Magneto and Professor X. Dati pala silang magkaibigan na pinaghiwalay ng magkaibang paniniwala. Hindi sila nagkasundo sa kung anung balak nila sa mga natipon nilang mutants kaya naghiwalay sila ng landas. Nalaman ko din ang dahilan kung bakit naging ganun si Beast. Gwapo pala siya dati. Promise. Haha. Ang pinagkaiba niya lang sa mga normal na tao eh ang kanyang mga paa na kamay ang itusra. Dahil sa pagiging genius, gumawa siya ng gamot para maging normal na silang mga mutants. Ok na sana eh. Kaso pagkalipas pa lang ng ilang seconds, bumalik na sa dati yung itsura nung paa niya tapos maya maya lang eh mas lalong lumala yung itsura niya. Hindi na lang paa yung nagmutate sa kanya. Buong katawan pa. Ayun at naging si Beast siya. Sayang ang kagwapuhan ni kuya. Lol. 

Another important thing is kung paano nalumpo si Professor X. Si Magneto pala yung me major na kasalanan. Sa dulo kase ng palabas, medyo nagkalabuan na si Magneto and Professor X sa mga paniniwala nila. Gusto kase ni Magneto na pasabugin na yung mga barkong pandigma ng US and Russia (hindi ko na ikukuwento kung anong kinalaman ng mga barko sa movie. Masyado ng spoiler.  Lol) kase nga gusto din silang patayin na mga mutants ng mga sundalo ng US and Russia. Kaya ang ginawa ni Magneto, pinigil niya yung mga missiles na papunta sa kanila tapos pinapunta niya sa mga barko ng US and Russia. Eh ayaw pumayag ni Professor X kase lalo lang magkakagulo kaya pinipigilan niya yung kamay ni Magneto para hindi matuloy yung pagkontrol nito sa mga missiles. Hindi na kase makontrol ni Professor X yung utak ni Magneto kase suot na nito yung mahiwagang helmet na originally eh ke Sebastian. Yung helmet na iyon eh ginawa ni Sebastian para hindi mapasok ng mga mutants na me kaparehong kapangyarihan ni Professor X yung utak niya. Eh di ayun na nga. Nagaway si Magneto and Professor X. Nung nakita ng friend ni Prof  X yung ginagawa ni Magneto (kase nga, obviously, llamado si Magneto versus Prof X), pinagbabaril niya to. Ginamitan ni Magneto ng powers niya yung mga bala ng baril. Then lumipad kung saan saan yung mga bala hanggang sa matamaan si Prof X sa ibabang bahagi ng spinal cord. Ayun ang naging dahilan kaya nalumpo si Prof X.

Andami ko pa sang gustong ikwento kaso medyo busy ako ngayon tsaka nahihiya ako sa Marvel. Baka pagalitan nila ako dahil sa mga spoilers ko sa mga hindi pa nakakanood. Lol. Lalo pa't six days pa lang pinalalabas yung movie. Haha.

I'm giving this movie a rating of 9 out of 10. 

____________________


Habang papauwi ako galing sa panonood, me nangyaring hindi inaasahan. Me nakaaway ako sa daan. Ako na ang war freak. Lol. Nakakabadtrip kase si Ate. Halatang nagpapapansin lang. Ganito kase yun. Malapit na ako sa tulay malapit sa bahay namin. Naglalakad na ako ng makita ko si ate na super mega nakahawak sa beywang at nakasuper-mega-spread ang mga siko. Eh saktong me dadaan na dun sa kabilang side kaya dun ako sa medyo maliit na side dumaan. Tama kayo! Nakagitna pa sila ng kausap niya habang nakasuper duper mega spread yung siko niya dun. So ako eh di daan lang. Nabangga pa nga ng siko niya yung dibdib ko. Medyop masakit yun ha! Ang gagang hitad, sumigaw pa! Wala man lang daw bang sorry. Nakakabadtrip ha! Ayos! Ako pa pala dapat magsorry?! So ako, sumagot. Sabi ko, "Kayo na nga po yung nakaharang diyan eh tapos ako pa yung magsosorry?". Ambait ko pa niyan ha. Me "po" pa yan bilang paggalang sa gurang na si ate. Tapos sabi ba naman niya, lumapit daw ako. Aba! Ayos to ha. Gusto ng away. Game ako diyan. Hindi niya alam, me pagka-war freak din ako. 

Pagkalapit ko, me sinabi siya na hindi ko na maalala. Tapos sumagot ako, "Kayo na nga po yung nakabangga eh. Me logic ba kayo?". Sabi kong ganun. Sabi niya, "Me palogic-logic ka pang nalalaman diyan. Bakit matalino ka ba?". Nagpanting talaga yung tenga ko nun pero ang galing ko, napigilan ko yung galit ko that time. Ako na super mainitin ang ulo at careless sa mga sinasabi, nakapagpigil?!?! Amazing. Kaya ang naging sagot ko sa kanya, isang matinding "WEEEEELLLLLLLLLLLLL". Sabay talikod. Lol. Wala na kong pakeilam sa kung ano pang mga sinabi niya. Basta ang alam ko, napahiya siya sa mga sinabi ko. Pasensya na lang siya at ako ang napagbalingan ng katarayan niya. Hindi kase yun umubra sa akin. Napatulpit pa siya sa mga simple but elegant kong mga sagot. Hahahaha.

Un lang. I just wanna share my katarayan. Haha. Sorry Papa God sa katarayan ko. :-)

Keep safe guys.Godbless. :-)


Wednesday, June 1, 2011

Update Strips IV

Hay... June na pala noh! Kani-kanina ko lang na-realize. Matagal tagal din akong walang post. Wala kase akong gaanong maikwento nowadays. Ay, actually, meron pala. Tinatamad lang ako. Lol. Lemme start sa kakaibang nangyari sa akin noong last Friday. Friday is lunch out day and magkakasama kame ng college friends kong nag-lunch. Dati pa namin balak na kumain sa isang restaurant named Amici. Nakakain na ako dun dati with my previous team mates pero sa ibang branch kame this time.

Tatlo nga pala kame nun. Alam kong malaki ang gagastusin namin that time kaya dala ko si mahiwagang credit card. Lol. Ako na! Ako na ang madaming utang. Hahaha. So order time. Since masyado ka ng matakaw kung mauubos mo ang isang serving nila, 2 pasta lang ang inorder namin, isang pizza and dessert.  Ansarap! Grabe! Chos! But no kidding, masarap talaga siya. Lalo na yung dessert ko which is isang slice ng chocolate cake. Busog na busog ako ng umalis ng restaurant. Hindi ko namalayan ang oras. Pagkatayong pagkatayo ko, bigla kong naramdaman yung tiyan ko na nasa hindi mabuting kalagayan kaya mabagal ako naglakad. Hindi siya yung sakit na nachuchurva eh. Basta masakit lang siya. Promise. Haha.

Lagpas 1:30  na  ng makabalik ako sa office. I thought keri na, o-ok na yung pakiramdam ko but I was wrong. Isang kasumpa sumpang bagay ang dumating sa akin. Guess what. Tumunog ang fire alarm. Shetness. Fire Drill pala. Grabe! Imagine, bababa kame ng building from 16th floor to the ground floor by stairs. And me, with that kind of condition, naawa ako sa sarili ko ng bonggang bongga. Hahaha. Binalak ko ngang magkulong na lamang sa cr para hindi nila ako makita at sapilitang pababain pero nalaman ko na 3 hours pala yung fire drill. 

Nagtataka din ako kung bakit three hours yung drill. Naisip ko, baka siguro kunwari me totoong apoy. Chos! Tamang tama kase diba ganun naman talag kadalasan tumatagal yung apoy? mga 2-3 hours? Pero hindi naman natuloy yun kase wala pang 1 hour eh pinaakyat na uli kame. Nakakatawa yung nangyari nung pinapatay na nung mga firemen yun kunwaring sunog sa 9th floor. Hindi kase umaabot yung tubig nila sa floor na yun. Hanggang 8th floor lang yung inabot. Inimagine ko tuloy; paano kung nasa tuktok ng building yung sunog? Eh hanggang 34th floor yung building namin. Lol. Isa pang nakakatawang eksena yung nabasa talaga yung mga bystanders sa gilid ng building. Walang pasabi kase yung mga bumbero. Bigla na lang binuksan yung tubig. Umulan tuloy sa pwesto nila ng bonggang bongga.

Naging ok naman yung pakiramdam ko after that. :-)
____________________

Dinner with college friends naman yung next. Pumunta kaming McKinley para dun mag-dinner. Nandoon din kase yung isa naming friend and naisipan naming doon na din mag-dinner. Hindi ako masyadong nag-enjoy sa dinner namin kase hindi ko feel yung mga ulam. Pero bumawi naman ako sa drinks kong mango shake tsaka sa dessert naming leche flan and cassava cake with vanilla ice cream. Antakaw ko. Grabe. Lol. 

Sobrang mahal ng nagastos ko that day. Baon ko na for one week. Hahaha. Hays. Pero enjoy ko naman ang aking naging mga adventures sa pagkain nung araw na yun. Hindi ko lang alam sa tiyan ko. Siya kase yung nagdusa. Hahaha.

 ____________________

About sa development ng mga pangyayari when it comes to RaDaR walang magandang nangyayari. Naiinis pa akong lalo sa kanya. Ang arte kase. Akala mo eh napakasama kong tao para layuan niya. Nakakabwisit. Huwag siyang gaanong ambisyoso no! Hindi porque me crush ako sa kanya eh magpapakababa na ako. Iba na ako ngayon oy! I don't care kung ayaw mo sa akin dahil ayaw ko din sayo! Huwag mong masyadong ipasok sa isip mo na antaas taas mo. Grow up!

Chos! Umit tuloy yung ulo ko. Hay. Nga pala, nilapitan ako nung taong nagkalat kung sino yung crush ko. Hindi ko alam kung masyado bang bad yung ginawa ko. In-ignore ko kase siya. Eh kase naman, hindi naman yun ganun ganun na lang no! Nakita niyo naman yung epekto nun sa akin. Pati sa crush ko, badtrip na ko kase ang arte arte niya. Eh kung hindi naman niya nalaman na me crush ako sa kanya, hindi naman mangyayari yun. Oo nga, hindi kame close pero hindi naman siya nagiinarte pag nagkikita kame. Wala naman akong ibang masisisi kung hindi siya eh. Anyway, sorry na lang siya at hindi pa ako ready sa gusto niyang pakikipag-ayos. Salbahe na ako kung salbahe but I can assure you na hindi ako plastik. Hindi ko hinayaan na maging ok kami kahit hindi naman.

Anu ba yan, ang nega na tuloy na mood ko. Change topic nga! Lol.

 ____________________

Siyanga pala! (Hindi naman ako masyadong excited niyan. Lol.), mukhang magkakaroon na ako ng bagong project dito sa company. Grabe, ambait talaga ni Papa God. Parang kelan lang, nagrereklamo't nag-aalala ako sa future  na career ko kung magpapatuloy na ganito ang ginagawa ko dito sa company. Ngayon, mukhang na-excite masyado si Papa God na sagutin yung hiling ko. Binigyan niya agad ako ng project.

Eto pa! Diba nung nakaraan lang, nag-e-emo ako sa pagkakatanggal ko sa project ko. Nang mga sumunod na araw eh ang mga kwento na rin mismo sa akin ang nagparealize sa akin na ganun pala talaga ang patakaran sa mga ganitong klaseng company. Na hindi porque natanggal ka  sa isang project eh kelangan mong mag-inarte as if katapusan na ng mundo. Pina-realize nito sa akin na hindi ko dapat iniisip ang mga negatibong bagay katulad ng mga inisip ko noon.

And lastly, mukhang yung plano kong change of career eh magkakatotoo na. Dapat kase eh developer ako dito. Eh kaso hindi ako mabigyan bigyan ng opportuniy na maging developer kaya sinabi ko sa RM (Resource Management) Department, na siyang nag-aasikaso kung saan mapupuntang project ang isang individual, na gustong ko ng palitan yung general capability ko from being a developer (na hindi ko nga magamit gamit) to a QA team member. 

Hindi ko alam kung tama ba yung naging move ko pero as of now eh wala pa namang sintomas na nagsasabing mali ang aking ginawa. Isa lang ang masasabi ko. Goodluck sa bago kong career. Mahirap na kaseng bumalik uli sa pagiging developer once na nalipat ka na sa ganitong field eh. Kaya ayun nga, a big goodluck na lang to me. :-)

Ayan lang guys. As always, Keep safe and Godbless everyone. :-)