Powered By Blogger

Wednesday, June 1, 2011

Update Strips IV

Hay... June na pala noh! Kani-kanina ko lang na-realize. Matagal tagal din akong walang post. Wala kase akong gaanong maikwento nowadays. Ay, actually, meron pala. Tinatamad lang ako. Lol. Lemme start sa kakaibang nangyari sa akin noong last Friday. Friday is lunch out day and magkakasama kame ng college friends kong nag-lunch. Dati pa namin balak na kumain sa isang restaurant named Amici. Nakakain na ako dun dati with my previous team mates pero sa ibang branch kame this time.

Tatlo nga pala kame nun. Alam kong malaki ang gagastusin namin that time kaya dala ko si mahiwagang credit card. Lol. Ako na! Ako na ang madaming utang. Hahaha. So order time. Since masyado ka ng matakaw kung mauubos mo ang isang serving nila, 2 pasta lang ang inorder namin, isang pizza and dessert.  Ansarap! Grabe! Chos! But no kidding, masarap talaga siya. Lalo na yung dessert ko which is isang slice ng chocolate cake. Busog na busog ako ng umalis ng restaurant. Hindi ko namalayan ang oras. Pagkatayong pagkatayo ko, bigla kong naramdaman yung tiyan ko na nasa hindi mabuting kalagayan kaya mabagal ako naglakad. Hindi siya yung sakit na nachuchurva eh. Basta masakit lang siya. Promise. Haha.

Lagpas 1:30  na  ng makabalik ako sa office. I thought keri na, o-ok na yung pakiramdam ko but I was wrong. Isang kasumpa sumpang bagay ang dumating sa akin. Guess what. Tumunog ang fire alarm. Shetness. Fire Drill pala. Grabe! Imagine, bababa kame ng building from 16th floor to the ground floor by stairs. And me, with that kind of condition, naawa ako sa sarili ko ng bonggang bongga. Hahaha. Binalak ko ngang magkulong na lamang sa cr para hindi nila ako makita at sapilitang pababain pero nalaman ko na 3 hours pala yung fire drill. 

Nagtataka din ako kung bakit three hours yung drill. Naisip ko, baka siguro kunwari me totoong apoy. Chos! Tamang tama kase diba ganun naman talag kadalasan tumatagal yung apoy? mga 2-3 hours? Pero hindi naman natuloy yun kase wala pang 1 hour eh pinaakyat na uli kame. Nakakatawa yung nangyari nung pinapatay na nung mga firemen yun kunwaring sunog sa 9th floor. Hindi kase umaabot yung tubig nila sa floor na yun. Hanggang 8th floor lang yung inabot. Inimagine ko tuloy; paano kung nasa tuktok ng building yung sunog? Eh hanggang 34th floor yung building namin. Lol. Isa pang nakakatawang eksena yung nabasa talaga yung mga bystanders sa gilid ng building. Walang pasabi kase yung mga bumbero. Bigla na lang binuksan yung tubig. Umulan tuloy sa pwesto nila ng bonggang bongga.

Naging ok naman yung pakiramdam ko after that. :-)
____________________

Dinner with college friends naman yung next. Pumunta kaming McKinley para dun mag-dinner. Nandoon din kase yung isa naming friend and naisipan naming doon na din mag-dinner. Hindi ako masyadong nag-enjoy sa dinner namin kase hindi ko feel yung mga ulam. Pero bumawi naman ako sa drinks kong mango shake tsaka sa dessert naming leche flan and cassava cake with vanilla ice cream. Antakaw ko. Grabe. Lol. 

Sobrang mahal ng nagastos ko that day. Baon ko na for one week. Hahaha. Hays. Pero enjoy ko naman ang aking naging mga adventures sa pagkain nung araw na yun. Hindi ko lang alam sa tiyan ko. Siya kase yung nagdusa. Hahaha.

 ____________________

About sa development ng mga pangyayari when it comes to RaDaR walang magandang nangyayari. Naiinis pa akong lalo sa kanya. Ang arte kase. Akala mo eh napakasama kong tao para layuan niya. Nakakabwisit. Huwag siyang gaanong ambisyoso no! Hindi porque me crush ako sa kanya eh magpapakababa na ako. Iba na ako ngayon oy! I don't care kung ayaw mo sa akin dahil ayaw ko din sayo! Huwag mong masyadong ipasok sa isip mo na antaas taas mo. Grow up!

Chos! Umit tuloy yung ulo ko. Hay. Nga pala, nilapitan ako nung taong nagkalat kung sino yung crush ko. Hindi ko alam kung masyado bang bad yung ginawa ko. In-ignore ko kase siya. Eh kase naman, hindi naman yun ganun ganun na lang no! Nakita niyo naman yung epekto nun sa akin. Pati sa crush ko, badtrip na ko kase ang arte arte niya. Eh kung hindi naman niya nalaman na me crush ako sa kanya, hindi naman mangyayari yun. Oo nga, hindi kame close pero hindi naman siya nagiinarte pag nagkikita kame. Wala naman akong ibang masisisi kung hindi siya eh. Anyway, sorry na lang siya at hindi pa ako ready sa gusto niyang pakikipag-ayos. Salbahe na ako kung salbahe but I can assure you na hindi ako plastik. Hindi ko hinayaan na maging ok kami kahit hindi naman.

Anu ba yan, ang nega na tuloy na mood ko. Change topic nga! Lol.

 ____________________

Siyanga pala! (Hindi naman ako masyadong excited niyan. Lol.), mukhang magkakaroon na ako ng bagong project dito sa company. Grabe, ambait talaga ni Papa God. Parang kelan lang, nagrereklamo't nag-aalala ako sa future  na career ko kung magpapatuloy na ganito ang ginagawa ko dito sa company. Ngayon, mukhang na-excite masyado si Papa God na sagutin yung hiling ko. Binigyan niya agad ako ng project.

Eto pa! Diba nung nakaraan lang, nag-e-emo ako sa pagkakatanggal ko sa project ko. Nang mga sumunod na araw eh ang mga kwento na rin mismo sa akin ang nagparealize sa akin na ganun pala talaga ang patakaran sa mga ganitong klaseng company. Na hindi porque natanggal ka  sa isang project eh kelangan mong mag-inarte as if katapusan na ng mundo. Pina-realize nito sa akin na hindi ko dapat iniisip ang mga negatibong bagay katulad ng mga inisip ko noon.

And lastly, mukhang yung plano kong change of career eh magkakatotoo na. Dapat kase eh developer ako dito. Eh kaso hindi ako mabigyan bigyan ng opportuniy na maging developer kaya sinabi ko sa RM (Resource Management) Department, na siyang nag-aasikaso kung saan mapupuntang project ang isang individual, na gustong ko ng palitan yung general capability ko from being a developer (na hindi ko nga magamit gamit) to a QA team member. 

Hindi ko alam kung tama ba yung naging move ko pero as of now eh wala pa namang sintomas na nagsasabing mali ang aking ginawa. Isa lang ang masasabi ko. Goodluck sa bago kong career. Mahirap na kaseng bumalik uli sa pagiging developer once na nalipat ka na sa ganitong field eh. Kaya ayun nga, a big goodluck na lang to me. :-)

Ayan lang guys. As always, Keep safe and Godbless everyone. :-)  

No comments:

Post a Comment