The crossover never fails to make me ponder on some things in life. Especially sa love. Aware naman kayo na super down ang life ko when it comes to love diba. Arteeee lang. Hahaha. Ayun nga. Matagal ko ng sinet sa utak ko na malaki yung possibility na walang dadating, na tatanda akong walang partner, na mag-isa kong haharapin ang kamatayan. Charot. Kaya nga meron akong post dito sa blog na naglalahad ng mga plans ko sa buhay. Mga plans na ako lang ang sentro, walang kasama, nag-iisa. Huhuhu. Chos. Tapos the preaches sa crossover make me think kung tama ba yung ginawa ko. Kung dapat bang ganun na lang. Kung bukal nga ba sa kalooban ko yung ganung kinabukasan.
Medyo naguguluhan ako ngayon sa takbo ng buhay ko. Hindi ko alam kung go with the flow na lang ba para hindi masaktan or dapat bang kumilos na ako and take the risk para malaman kung mararanasan ko ba yung pinakamasarap na pakiramdam sa buong mundo, yung magmahal at mahalin. Natatawang naiinis nga ako sa sarili ko kase andaming lalaki ang gumugulo sa sistema ko ngayon. Hahaha. Pero the top two (sosyal, top talaga?! Lol) ay sila Chin(the train guy) at si Covin.
Eto kasing si Chin, basta, lalo ko siyang nagiging super duper over mega crush kahit hindi ko man lang alam yung name niya. Tapos natatakot talaga ako ng bongga na makipagkilala kase nga mahiyain ako. Chos. Pero totoo hindi ko talaga alam kung paano, kelan at saan ko gagawin yun. Tapos wala talaga akong lakas ng loob. Nakakatakot kase. Mukha kase talaga siyang straight tapos mukha pa siyang bata. Baka after niya kong bugbugin eh isuplong niya ko sa mga alagad ng batas. Charot. Basta ayun. Parang hanggang tingin na lang ako. Kaya nga halos maloka ako nung hindi ko siya nakita sa tren for 3 consecutive working days. Andaming pumasok sa isip ko. Na baka nag-iba na siya ng schedule sa tren or baka na-night shift siya or baka nag-o-OJT lang pala siya and tapos na yung contract niya. Shetness lang. Paano na. Pano kung hindi ko na siya makita ulit. Huhuhu. Naku, yan talaga yung isa sa mga malalaking problema ko when it comes it love. Para akong baliw na super paranoid sa mga pwedeng mangyari. Hinaluan pa ng pagkasuper pessimistic ko. Eh kase naman hindi ko man lang alam yung name niya so hindi ko siya ma-a-add sa fb. Tapos hindi naman ako sure kung nagwowork na ba talaga siya. Ay naku basta, paranoia is all over me pagdating sa mga ganyang bagay kaya nagiging miserable ang buhay ko kapag napupunta ako sa ganitong sitwasyon. Mabuti na lang, nakita ko ulit si Chin kahapon and as usual nakasimangot na naman siya. Ewan ko ba para nasa menopausal period niya siya. Wahahaha. Feeling ko tuloy wala siyang girlfriend. Wishful thinking lang. Pero ano nga kaya kung wala siyang gf. Pano ko kaya malalaman kung pwede kame? Charot. Hahaha. Medyo umaasa pa din ang lola mo. Eh kase naman super attracted ako sa kanya and hindi ko na talaga alam ang gagawin ko. Hahaha.
Yung ke Covin naman, bigla ko lang siyang naiisip nowadays kase nakita ko yung gwapo niyang superfriend last Monday na crush ng bayan nung college kame. Yep, super gwapo nga nun. Buti na lang hindi siya yung minahal ko kase worse than hell pa siguro yung maeexperience ko dahil sa dami ng karibal. Hahaha. Isang pang cause ng pagiisip ko sa kanya nowadays eh dahil mag-wa-one year na simula ng huli ko siyang makita. Wala lang. Mahilig kase akong magdwell sa past. Reminiscing lang. Ayun. Ok naman ata siya ngayon kase masaya naman sila ni gf and going strong naman sila. Hindi ko lang sure kung me work na siya. Hay Covin, namiss tuloy kita bigla. Yun lang, I just wanna share yung mga kadramahan ko nowadays. Hahaha.
Me sakit nga pala yung mother ko. Sana lang gumaling na agad siya. Tapos si father dear naman puro kadramahan nowadays. Hay. Kung kelan gusto kong bumawi sa kanilang dalawa, tsaka parang me mga pangyayaring pumipigil sakin. Pero I'm sure, hindi pa huli ang lahat. I'm really hoping na magkakaron pa ko ng pag-asang makabawi sa kanila. Someday, someday. :-)
Keep safe guys. Godbless. Mwah. :-)
Keep safe guys. Godbless. Mwah. :-)
No comments:
Post a Comment