Powered By Blogger

Monday, February 28, 2011

Oscar Escort

Magiging maikli lang itong post ko na ito. May nakalimutan lang akong iinclude sa last post ko. Eh masyado ng mahab yung last post ko kaya heto, gumawa ako ng bago. Special talag huh! Haha. Me favoritism. Hahahahaha. Siyempre naman, hindi lang naman talaga dapat puro ladies lang ang binibigyang pansin sa isang pagtitipon noh! Yeah, I know, mas interesting naman talaga ang mga outfits ng mga girls sa mga ganitong pagtitipon kase naman no, puro tuxedos or coats lang naman ang laging suot ng mga men. And because of that, hindi talaga nakakaexcite na abangan kung anong mga suot nila.

Nagbabrowse ako kanina ng pics ng mga attendees sa Oscars ng makita ko siya!




Shet! Ang gwapo niya. Hahaha. Siya si Andrew Garfield. Born on August 20, 1983. Wala akong pakeilam kung 28 years old na siya. Haha. Basta ang gwapo niya talaga. Yun lang. Talagang dedicated ang post na ito para lang sayo Andrew. Hahaha. Shet, andame na pala niyang awards. Look here! Oh my! Hahaha. Another Oh my! Kakasearch ko lang and nalaman ko sa dakilang encyclopedia ng bayan, ang wikipedia, na siya na pala ang gaganap na Peter Parker sa Spiderman sa 2012. Shetness. Pinakaabangan ko pa naman yung Spiderman kase favorite action/fantasy movie ko to. Lalo ko tuloy hihintayin yung Spiderman dahil sa kanya. Hindi ko alam kung kaya ko pang maghintay. Hahaha. Kung pwede lang madaliin ang paggawa nung movie. Echos. Bwahahaha. Shet, sige na nga, baka mahuli pa ako dito. Patakas na naman po itong pagbablog ko. Wahahaha. Ich Liebe dich Andrew. Chos! Keep safe guys! Peace out. Godbless. :-)

Update Strips

I feel like a bum dito sa office. Ewan ko ba. Nakakaloka. Akala ko kase kapag nasa isang project ka na, you tend become busy all the time. Hindi pa din pala. Masyado lang over ang expectations ko. Actually, mas madami pa din nga ang free time namin compared sa busy moments eh. Kaya nga mas madalas akong makapagpost dito sa aking blog eh. Pero sabi naman sa akin ng isa kong team mate, kapag dumating na daw yung trabaho, magiging super busy na kame. Asus. Parang hindi naman. Kase matatapos na yung project ng team namin. Bwahahaha. Kumbaga sa bahay, halos finishing touches na lang yung mga gagawin namin. Ang swerte naming mga bagong pasok sa team kase hindi namin naabutan yung peak ng paggawa sa project kundi malamang puro reklamo naman sa work ang sinusulat ko ngayon. Lol.  

********************

Ang kyut nung bagong baby namin sa bahay. Antangos ng ilong. Hindi katulad ng Ate Ella niya. Lol. Just kidding Ella. I love you! Hahaha. Wala nga pala sa bahay namin ngayon si Ella. Namimiss ko na tuloy siya ng sobra. Si Ella ay nasa kanyang grandma (mother of her father) kase nga para maging hands-on ang ate ko ang kanyang hubby sa pagaalaga sa bagong baby na si CJ tsaka kase maliit na yung space dun sa amin.Hay. Matatagalan pa tuloy si Ella dun. Namimiss ko na talaga siya. Haha.

********************

Dumating na pala kahapon yung iniinquire kong credit card sa Metrobank. Huwag ng magisip kung bakit dun ko naisipan na kumuha. The only reason is dun pa lang ako pwede. I'm only 20. Hindi pa pwedeng kumuha ng credit card sa ibang bangko kapag hindi pa 21. Hindi ko alam kung nabanggit ko dito dati na nagiinquire ako. Kung hindi ko nabanggit, eh di eto na, binabanggit ko na. Lol. Nabasa ko sa letter na kelangan ko munang iactivate ang card bago ko magamit kaya naman naisipan ko kaninang umaga na pumunta sa bangko tutal me malapit naman sa office. Eh di eto na, pumasok ako ng bangko ng wala sa sarili kaya hindi ko natignan kung anong name ng bangko na pinsukan ko. Nagtanong sa guard kung san dapat pumunta, lumapit sa teller. Eto na, nagtataka si ate kung bakit hindi pa activated eh ang alam niya, once na dumating sa customer, it's already default na activated na kaagad ang card. So ako, hanap ako dun sa letter na nagsasabi na kelangan pang i-activate ang card. Hiniram niya yung card. Nung ibibigay ko na ang card, naloka si ate kase Metrobank daw yung card ko eh BDO yung pinasukan kong bank. OMG. Naloka ako. Ang tanging nasabi ko na lang eh "Ay ganon?". Para hindi halata na nagkamali ako ng pasok. Shetness talaga. Super nakakahiya. Buti na lang, to the rescue si ate ng konti. Tinanong niya ko kung interested ba akong kumuha ng credit card sa kanila. Sabi ko next time na lang. Isa pang buti na lang, medyo busy din ang ibang teller at mahina lang mga boses namin ni ateng teller kundi anlaking kahihiyan ang inabot ko no. HAHAHA. Nanliliit akong lumabas ng bangko after that incident. Isa pang kakaloka eh pumunta din ako ng Metrobank (this time, totoo na to. Tama na. Hindi na joke. Lol) at napagalaman ko na hindi naman pala sa bangko pinapaactivate yung card. Ano ba! Tatawag lang pala sa Customer Service and duon na iaactivate. Sori, hindi lang talaga ako marunong magbasa. Haha. Kakaloka talaga ang umagang ito.

********************

Pagdating ko ng office kanina, nabungaran ko yung officemate ko ng tumitingin ng mga dresses ng mga umattend ng Oscars. Nagulat ako kase ang nasa isip ko, kakasimula lang ng red carpet and nasa web na agad ang mga pics of the personalities with their gowns and suits. Kaya naisipan kong gumawa ng listahan ko ng mga Best and Worst Dresses. And here they are.

(Photos courtesy of yahoo.com) 

BEST DRESSES



Gustong gusto ko si Halle Berry.
Una dahil sa kanyang short hair at sa kanyang dark skin.
Mukha siyang boyish dahil sa buhok niya
pero pag nag-project na ang lola mo, talbog kayong lahat.
Ang bongga bongga pa nung tail cloth nung gown.
She's my Best Dress and Best Dressed.
Walang pakielamanan. Lol 


Hindi kame close ng girl na 'to pero
gustong gusto ko yung partner niya.
Este yung gown ni Elizabeth Chambers.
I really love shining shimmering splendid talaga.
Ang ganda pa niya. Kamukha ni Ms. Charlene Gonzales.
Lamang lang si Ms. Charlene ng ilang paligo. Haha 


Hindi ko din kilala ang isang ito.
Siya pala si Maria Menounos.
Napakaelegant ng dating ng gown niya
at ang ganda din niya huh!
I also love her bracelet. Haha.


Hindi din naman papakabog ang pangapat sa aking list.
Ang aking nawawalang ina na si Ms. Sandra Bullock.
Maraming kahawig na style ang gown niya
pero ang nagustuhan ko is the devilish kind of red ng kanyang gown.
Isa ko pang na-like is the shape of the cut ng kanyang gown sa bandang dibdib.
And super ganda din niya. Haha. Lahat kayo maganda!

Ayan so there's my list of Best Dresses. Heto naman ang Worst Dresses para sa akin.

WORST DRESSES



Hindi ko talaga feel ang mga damit na
parang pinagdugtong dugtong lang ang tela.
Even though layered ang style ng gown,
hindi pa rin maganda ang mga kulay.
Kahit pa gawa yan ng pinakamagaling na designer.
Hindi lang naman yun ang sukatan. Haha. That's all. Lol.
La, dilat ka naman dyan! Masyado ka atng nasisislaw.
Echos. In fairness, maganda pa din si Jennifer Redfern
kahit chaka ang gown niya para sa akin.


Maganda na sana ang gown ni Sunrise Coigney eh.
Yun nga lang, mukhang hindi bagay ang style ng
pagkakasama ng gold and black.
Isa pang nakaapekto eh yung
pavertical na halfing of colors.
Tsaka na rin yung design nung gold. Yun lang. Lol.


Ang gown naman ni Ms. Florence Welch,
no offensement pero mukha talagang kurtina.
Hindi rin maganda yung fit sa uppert part
ng body niya dun sa gown.
Isa pang hindi bagay is yung color ng hair niya.
It may have been way better kung hindi long sleeves
and mas balloon pa ng konti yung lower part nung gown
and palitan ang kulay ng gown or ang color ng buhok niya
ang palitan kung papayag lang naman siya. Haha.
In that way, mas maaaccentuate ang beauty niya
at hindi pangit tignan ang upper part.
Yun talaga yung pangit eh. Echos.

AYAN! I'm finished na. At talagang kinarir ko ang pagreview sa mga gowns ng mga umattend sa Oscars. Kaloka. Hindi ko akalain na dadating ako sa puntong ganito. Echos. Parang super lalim naman nun. O siya, gotta go na. Baka mahuli pa ako ng boss ko. Haha. Keep safe guys, Peace out everyone, Godbless.:-)

Thursday, February 24, 2011

New Baby in the House

The number of my nephews increased again. Yes, nanganak na ang ate ko last February 23, 2011. Gosh! Me baby na naman kame sa bahay. I'm so happy! Haha. All I can say is, "God really moves in mysterious ways". Naging medyo gloomy man ako for the past weeks, heto naman ang kapalit ng blessing ng pangyayaring yon. Grabe, times 10 to the nth power pa kase I can't compare it eh. Masyadong precious ang bagong baby namin para i-compare sa mga not-so-good happenings in my life lately.

Charles Jarred is the name. Parang tanga nga yung parents niya kase ang alam lang namin na ipapangalan nila is CJ. They didn't tell us the meaning of the said nickname. Sabi nila, ayaw muna nilang sabihin hanggang hini lumalabas ang baby. I don't know the meaning behind that reason of them. Whatever. Basta ako, masaya ako ng super duper kase me bago na naman kameng baby. Although, bata pa naman yung kapatid niya; one year two months pa lang. Oo, excited uling magkaanak ang ate ko after Baby Ella(older sister ni CJ). Sa super excited nila, three months pa lang si Ella, bunti sa uli si sister. Haha. All I hope is maging healthy ang baby hanggang lumaki at wag siyang maging makuli tulad ng isa kong nephew. Lol.

Change topic. Super LSS ako ngayon sa Peacock ni Ate Katy Perry. Like we all know (sa mga nakakaalam ng kanta), ang una mo talagang mapapansin sa kanta eh yung naughty lines niya. Like the "cock" thing dun sa chorus. Haha. Nakakatuwa naman talaga diba! Ang naughty naughty. Lol. Nagustuhan ko din ng bonggang bongga yung tune niya. Mapapasayaw ka talaga sa music lalo na kung feeling naughty ka din habang tinutugtog ang song. Hahaha. 

That's all. Wala na kong masabi. Lol. Btw, if you're into the lyrics of the song, click here. Keep safe dudes! Godbless.  


Wednesday, February 23, 2011

Another First Time

I've already said on my previous posts ang tungkol sa pagkawala ng cp ko last last week and yung paghanap ko ng solusyon kung pano ako magkakaron uli ng ganung unit din. So I ended up cavassing sa mga second hand stores tsaka sa tipidcp.com para makipagmeet sa seller. Last week, pumunta kame ng friend ko sa Robinson's Place Ermita para makahanap and may nakita kame. Kaso medyo mahal pa xa considering na second hand siya, nakaw at yung mismong unit lang naman yung ibibigay sa akin. Kaya medyo nagdalawang isip ako dun.

Kahapon, nakausap ko yung isang seller sa tipidcp.com and napagkasunduan naming magkita that day. Ako naman, siyempre, first time kong makikipagtransact with that kind of business kaya naman naghanap ako ng makakasama ko. At ayun, nakayag ko ang isa kong friend na samahan ako.

Habang papunta sa meeting place namin, nanghihina talaga yung tuhod ko sa kaba. Hindi ko alam kung bakit. Lol. And habang nasa biyahe ako, tsaka lang talaga nagsink in sa akin yung panghihinayang para dun sa nawala kong cp. It's so 2000-late na diba. Two weeks ng nawala yung phone ko pero ngayon ko lang talaga naramdaman yung pagkawala niya. Haha.

So ayun na nga, nagkita na muna kame ng friend ko para magkasama na kame bago namin puntahan yung kameeting ko. Muntik pa kameng hindi magkita nung friend ko kase ang pagkakaintindi niya nung sinabe kong sa labas ng National Bookstore kame magkita eh sa labas ng NBS at mall talaga eh ang ibig kong sabihin dun eh sa labas ng NBS pero sa loob ng mall. Mabuti na lang eh nagtry akong lumabas ng mall at sumilip dun at dun ko nga nakita na she's waiting for me there. Nakakapagtaka lang kase sabi niya hindi naman daw siya lumabas ng NBS papunta sa loob ng mall eh kaya nga ko bumaba (yep, sa taas ako sumisilip para tignan kung nandun na nga siya. Kakahiya kayang maghintay dun sa labas ng NBS mismo. Duh! Hahaha) galing ng second floor eh nakita ko siyang papasok pa lang ng NBS galing sa loob ng mall. Magulo yung scenario pero magtataka din kayo pag naliwanagan kayo. Haha. Anyways, hindi naman yun yung highlight nung pangyayaring yun kaya let's leave it behind na. Past is past. Echos.

After naming magkita, tinext na namin si Kuya na ka-meet namin. Nagreply siya na nasa Food Court na daw siya at hinihintay na daw niya kame dun. So kame, punta agad kame para matapos na yung business namin. And yun na nga. Presto! Nagkakilala na kame and Michael yung name niya. Kinalkal kalkal ko na agad yun phone ad satisfied naman ako. Mukhang bago talaga siya and kumpleto pa yung mga accessories yun nga lang, oo me ISANG MALAKING YUN NGA LANG! Lol, nawawala yung resibo niya. So ako, siyempre, hindi ako papayag. Actually nalaman ko na yun papunta pa lang ako. Pero sabi niya sa akin, hindi naman daw kelangan ng resibo para sa warranty. Ako naman, hindi naniwala. Kaya ang ginawa ko, actually, pinayo niya sa akin, tumawag ako mismo sa Nokia para iconfirm kung totoo nga yung sinabi niya. And oo, tama naman yung sinabi niya. Pero ang isang disadvantage nun, mapapagawa ko lang yung unit hanggang sa time na na-manufactured ito + 1 year. Meaning kung August 2010 yung na-manufactured, hanggang August 2011 na lang yung warranty nung unit kase nga hindi alam kung kelan siya totoong binili which he claims na January 2011 lang daw. Ang sa akin naman, keri lang kase based on experiences, hindi naman siya ganun masisirain talaga kaya hinayaan ko ng ganun at binili ko na ung unit.

Oo, binili ko na ung unit. Nabawasan ng 100 ung price kase hindi ko na sinama yung memory card sa bibilhin ko tutal hindi ko din magagamit un kase kelngan kong bumili ng mas mataas na memory ng mmc compared dun sa inooffer niya. Ayun, as a conclusion, naging maayos naman ang buong transaction between us last night and I think magiging maayos naman ang paggamit ko sa cp. Yun nga lang, kelngan kong gawing similar ang bago kong cp sa nawala. Kundi yari ako sa bahay. Haha.

And that ends my adventure last night sa pakikipagmeet kay Kuya. Btw, kung mapapansin niyo sa last posts ko, hindi na lamang ako nagkukuwento ng mga nangyayari sa buhay ko kundi nagbibigay na rin ako ng mga opinyon sa mga bagay bagay na nangyayari sa aking paligid. Yes, simula ngayon, hindi na lang magfofocus sa author ang blog na ito. Nawa'y maging maayos ang pagbibigay ko ng mga kuro kuro sa iba't ibang isyu at makwento ko pa din ang mga nangyayari sa life ng inyong lingkod. Keep safe, Godbless.

Tuesday, February 22, 2011

Iisa Pa Lamang Lines


I know it's super-duper-mega late na for this pero bigla kong naalala ang teleserye dati ni Ms. Claudine Barretto na Iisa Pa Lamang ng mapadaan ako sa isang forum sa PEx about the controversial lines na nabanggit sa nasabing palabas. Naging fan ako ng nasabing palabas dahil feel ko ang plot ng story kung saan me pagbangon ng naaapi. Yan pa naman ang gustung gusto kong story. Yung tipong kawawa siya sa umpisa pero dahil sa wheel of fate eh biglang naging maganda ang takbo ng buhay niya and yung mga taong umaapi sa kanya eh they received the reverse luck as hers. Yung mga ganun. In other words, type ko yung mga kwento na pinapatkabo ng KARMA!

Btw, before ko ilatag ang mga nasabing mga linya, let me give you a quick background kung sino sino ang mga characters sa nasabing teleserye. I know magti-three years na ata mula nang ipalabas ito at baka wala na kayong idea who the characters are. So here's the list.

Casts

Claudine Barretto as Catherine Ramirez/Cate Dela Rhea
Gabby Concepcion as Atty.Congressman.Raphael Torralba
Diether Ocampo as Miguel Castillejos
Angelica Panganiban as Scarlett Dela Rhea-Castillejos
Susan Roces as Lola Aura Castillejos
Laurice Guillen as Estelle Torralba
Cherry Pie Picache as Isadora Castillejos
Matt Evans as Toby Torralba
Melissa Ricks as Sofia Castillejos
Joel Torre as Rolando Ramirez
Bembol Roco as Martin Dela Rhea
Jaime Fabregas as Enrique Torralba
Kitkat as Louella
Beauty Gonzalez as Jenna
Jestoni Alarcon as Vernon Valenciano
Daniel Fernando as Marco Selveste
Aldred Gatchalian
Martin del Rosario
Frances Ignacio as Tita Winnie
Cheska Garcia as Tracy
Neil Ryan Sese
Reb Sibal as Jonas

(Source: Wikipedia)

Hindi ko na kilala yung ibang nandyan. Hindi ko na rin maalala kung anong mga papel ang ginampanan nung iba dyan. Basta ang alam ko lang, crush ko si Martin del Rosario. Lol. Afterall, yung mga bonggang linya naman nung palabas ang bida sa post na ito kaya care ko sa mga characters. Hahaha. So hindi ko na patatagalin pa, heto na yung mga pamatay ng linya ng palabas.

1.   Eto yung mga lines na seryoso ang magkakadeliver at tatagos talaga sa mga makakarinig. I mean tatatak siya sa mga makakarinig at mararamdaman mo talaga ang galit sa mga nagsasabi. Panalo ang mga lines na ito pero hindi kasing tindi ng iba. Kumbaga eh above average siya pero hindi todo todo ang level.

Isadora: Buntot mo, hila mo.
Aura: Alam ko. May buntot ka. Buntot ni Satanas!


Scarlett: You’re just a gold-digger in red. Damn you!
Catherine: Same to you, Anak.

Isadora: Pasweet-sweet ka pa dyan, ganid ka rin pala!
Catherine: Ang bigat naman ng salitang yun Isadora. Pero totoo. Oo, ganid ako! At gusto ko ni singko walang matira sayo!

 
2. Level 2. Eto naman yung mga quotes galing sa palabas na lumalabas na talaga ang bitchiness ng mga gumaganap. Panalong panalo ang bawat linya. Sarcastic ang dating ng mga bawat pagtatapos o ang mga sagot sa bawat statement. Sa mga linyang eto eh madadala ka na talaga ng mga tauhan sa mga emosyon nila at mararamdman mo rin ang mga yun. Matatawa ka na lang sa sarili mo pagkatapos mong marealize na nahu-hook ka na pala sa bawat linya. Lol.

Scarlett: Magsuswimming ka lang nakadiamonds ka pa.
Catherine: Syempre, diamonds are forever.


Catherine: Lagyan ko kaya ng partition. Lagyan ko kaya ng tali sa gitna. Ano sa tingin mo Isadora? Hatiin na natin.
Isadora: Gusto mo ikaw ang itali ko?

Isadora: Ang ganda-ganda mo na ngayon Catherine. Sarap mong patayin, no?

Isadora: Ba't mo ko sinampal, biyenan mo ko!
Scarlett: Di lahat ng biyenan, pinagbibigyan, Di lahat ng biyanan pinapatulan! para yan sa mga biyenang bakulaw tulad mo!


Scarlett: Lahat ng yan, babawiin ko rin sayo.
Catherine: Sige, maglaro tayo. Agawan ng yaman. Pero kung ako sayo kakahaban ako. Kasi ako sanay sa hirap. Eh, ikaw?

Sophia: kumpara sayo.. anghel ang nanay ko...
Catherine: Anghel na may sungay!
Sophia: Oo, may sungay. Para suwagin ka! Para mauna ka na sa impyerno!
Katherine: Hmm. Matagal-tagal na kayong inaantay dun. In fact, balita ko, si satanas mismo ang sasalubong sa inyong mag-ina!

Scarlett: Look who's here, my favorite step-mother. Ang dating gold digger in red, isa na ngayong merry widow in black... Ha! Kung sa bagay mas bagay sayo yang itim, kakulay ng budhi mo!
Katherine: Bakit ka nga ba nakaputi? Para pagtakpan ang mas maitim mong budhi?

Scarlett: Go to hell!! go to hell!! go to hell!!!!
Catherine:  I'll see you there.

3. Ito na ang huling category ko para sa mga lines. Eto yung mga linya na talagang tatatak sa isipan mo at baka masabi mo pa sa mga kausap mo kung super hooked ka na. Lol. Ang mga lines sa ilalim ang personal pick ko na manalo kung meron mang pacontest sa mga pabonggahan ng mga linya. Panalong panalo talaga. Winner na winner. Haha  

Scarlett: Ako pa talaga ang pinalayas mo. Kahit saan tayo makarating, sampid ka lang at ako ang tunay na dela Rhea.
Catherine: Hmm, bakit? Sino bang may sabing mixed breed ka?

Scarlett: You look like a whore who is about to do her job.
Catherine: Coming from you, I’ll take that as a compliment.

 Isadora: Ang ganda mo ngayon Katherine. Ang sarap mong patayin.

 Scarlett: Ano na bang role mo ngayon? Tapos ka na sa pagiging gold digger in red, married widow in black, baka pwede ka ngaung dirty mistress in dirty brown?"

Scarlett: Katherine.. Katherine di pa tayo tapos... lalabanan kita , sinisigurado kong walang sinumang judge maniniwala sayo dahil sirang sira na yang reputasyon mo! "your just a WHORE !"
Katherine: Whore? oh, Scarlett? Ako whore? at least ako di ko kailangan magbayad ng 2 million pesos para lang may makipagdate sa akin, nung una si Miguel binili mo, ngayun naman si Rafael...

Catherine: Iba na ang sitwasyon ngayon Isadora. Marami akong pera, kaya ko nang bilhin ang kahit na ano. Kahit ikaw, magkano ka ba?
Isadora: Hayop ka! Kahit kelan hindi mo ako mabibili, at hindi mo ako kayang bilhin!
Katherine: Sabagay, ayoko sayo. Mumurahin ka eh, pero yung anak mo ibebenta mo ha. Sige na, promise hindi ako tatawad. Kahit used goods na, ok lang. Pag-isipan mo.

Scarlett: Blood is always thicker than canal water
Katherine: Blood may be thicker than water,pero sino naman may gugusto ng blood na infected ng HIV?

Katherine: How do I look?
Scarlett: You look like a dirty whore who is about to do her job
Katherine: Well thank you, coming from you, I’m flattered!

Isadora: Ano na namang gimik to ha?
Manang: Mam, aalis na rin po ako dito... ilang buwan na ding hindi niyo po ako sinesweldohan eh
Isadora: Aba! ang kapal ng mukha mo, wala kang utang na loob.. ha? so pano? pera-pera nalang, hindi mo ba naisip na kinuha kita galing sa bundok, binihisan at nakatikim ng CORNED BEEF dahil sa akin... ha..
Manang: Eh wala na rin po akong makain dito...
Isadora: Hoy, anong wala? Eh Diba, diba kayo ang umuubos ng grocery go? ha? diba? kapal ng mukha nito, tapos ngayon magmamalaki-malaki ka na? sige! gusto mong lumayas sige... lumayas ka! layas! huwag ka nang babalik dito, layas..
 
Isadora: Oh aren't you excited to see me?
Scarlett: Excited? Alam mo bang mas excited pa akong magpunta ng dentista at mag pa root canal kesa ang makaharap ka?
Isadora: Ikaw naman, nagpapaka-funny. Kung ang lahat ng bulok na ngipin ay kasing ganda ko, o di wala ng bibili ng toothpaste... I'm so witty
Scarlett: Ano ba talagang pakay mo? I'm sure hindi naman ang kapakanan ng dental industry ang pinunta mo dito di ba? Business? Monkey business?
Isadora: Oo, at napaka disenteng monkey business. Politics.

Scarlett: Walang hiya ka!

Catherine: Mas walang hiya ka!
Scarlett: Home-wrecker!
Catherine: Adulteress!
Scarlett: black widow!
Catherine: Slut!
Scarlett: Social Climber!
Catherine: Desperate housewife from hell!


MY ALL TIME FAVORITES

Catherine: Pwede ba, pagod ako. Baka gusto mong ihampas ko to sa iyong bag ko na mas mahal pa sa iyo?

Isadora: Wala akong panahong makipaghampasan. In fairness, and ganda ng damit mo ha. Pahiram naman ha kung minsan? (My all time favorite # 1)

Isadora: Wala akong panahong makipag-Balagtasan sa iyo Catherine... Hindi mo ba alam na tapos na ang linggo ng wika? Wala bang nakapag-abiso sa iyo? (My all time favorite # 2)

Scarlett: (Darating ang panahon) Luluhod ka sa harapan ko at magmamakaawa ka na tanggapin kita ulit!
Miguel: Kumain ka na. Gutom lang yan! (My all time favorite # 3)

 Nung nahulog at namatay si aura:

Isadora: Oi Aura! gumising ka na dyan...as if naman ang taas taas ng hagdan niyo...
(My all time favorite # 4)

Aura: Kung ako sa iyo, magbalot-balot ka na, at malapit ka nang mapatalsik sa Amadesto
Isadora: Kahit kelan di mo ako mapapaalis sa Amadesto. Aking ang lupang iyon…
Aura: Lupa lang ba ang gusto mo? Ilang paso ang gusto mo?
Isadora: Haciendera ako Aura, hindi hardinera… Isa ka lang dumi sa paningin ko.
Aura: Tandaan mo, balang araw, itong dumi na ito ang pupuwing sa iyo
Isadora: Eh di magsi-shades ako (My all time favorite # 5)


Catherine: umalis ka na diyan sa trono mo.. dahil nagbalik na ang tunay na reyna
(My all time favorite # 6)
Miguel: Karma's a bitch! Nakarma ka na, na-out-bitch ka pa! (My all time favorite # 7)

Scarlett: Good luck bitch
Katherine: May the best bitch win (My all time favorite # 8)

Scarlett: Same to you anak, remember? Pareho na tayong nasasadlak ngayon. Damn you, damn me. Karma's a bitch, and so are we. (My all time favorite # 9)


AYAN! I'm finished na. Grabe, super haba na pala. Tama lang naman no! Sa dinami dami ng magagandang lines from Iisa Pa Lamang, kulang ang isang entry para maconsolidate lahat yun noh! Nako, baka umabot na sa limit tong entry ko. Kaya isa na lang ang masasabi ko. Bongga ang mga writers ng Iisa Pa Lamang. Nagiisa lang kayong lahat. Congratulations kahit super-duper-mega late na yung pagcongratulate ko. Lol. Hanggang dito na lang. Keep safe guys! Godbless. :-)

Monday, February 21, 2011

What The F*ck!

Naging kontrobersyal  sa buong bansa ang balitang pagbitay sa tatlong Filipino na nakasuhan ng drug trafficking sa China. Hindi man natin alam ang tunay na nangyari, hindi talaga maalis sa atin ang makialam sa takbo ng mga happenings. Talagang masasabing affected ang mga kababayan natin sa mga nangyayayari at mga mangyayari pa kaya't gagawa tayo at gagawa ng paraan. Tulad na lang ng pagpunta ni Vice President Jejomar Binay sa China upang makiusap na huwag ng ituloy pagbitay sa nasabing tatlong Pinoy.

Maituturing na matagumpay ang ginawang pagpunta ni Vice sa China dahil na-postponed ang itinakdang pagbitay. Hindi man ito tuluyang napigil, masasabing malaking tulong ang nangyari dahil:

1. Sa panahong hindi pa nabibitay ang tatlong Pinoy, maari pang umapila ang Philippine Government sa China na ipawalang-bisa ang parusa sa tatlo.

2. Kung sakali man na itutuloy pa din ang pagbitay, maari pang pumunta roon ang mga kamag-anak ng mga nasabing Pinoy at makasama pa nila ito bago ito bitayin. At least diba! Hindi katulad kung nabitay na ang mga ito. Hindi na nila kailanman makakasama ang mga ito.

Hindi ko alam kung matutuwa o maiinis sa ginawa ng TV Patrol nuong nakaraang linggo kung saan tinanong ang taong-bayan via text votes kung anung opinyon nila ukol sa nasabing isyu. Tinanong sila kung sa tingin daw ba nila ay tama na bitayin ang nasabing mga Pinoy sa China. Anak ng limampu't limang tupa naman oh! Dapat bang itanong yun?!?! Hindi ba nila naisip na napakalaking impact nun sa isipan ng mga manunuod sa kanila? Parang ang pinapalabas kase nila dun eh me doubt sa kung dapat bang hindi bitayin ang nasabing mga Pinoy.

Naman! Parang kinalaban na nila doon ang mga kapwa nila Pinoy. Eto pa! Nakakaloka ang mga kababayan natin sapagkat halos magtitriple ng mga bumoto sa Hindi Dapat Bitayin ang mga bumoto sa Dapat Bitayin. Tignan mo nga naman o! Nakakaloka talaga na mismong mga kababayan natin eh mas gustong bitayin ang mga kapwa nila Pinoy.

Hindi ko din naman alam kung ano ba dapat ang mangyari sa kanila dahil:

1. Maaring inosente sila. Hindi natin alam kung totoo ang sinasabi ng kanilang mga kamag-anak na planted ang mga droga na natagpuan sa kanila. Wala tayong alam sa tunay na nangyari. Kung totoo man na hindi nila alam na me dala silang droga o kung sila mismo ang nagpuslit noong mga yun sa ibang bansa.

2. Mukhang hindi tama ang konsepto ng pakikipagusap ng pinuno ng isang bansa sa kapwa pinuno ng ibang bansa para lamang mapalaya ang mga kababayang "nakagawa" ng kasalanan sa ibang bayan dahil tulad ng nabanggit, hindi naman talaga natin alam ang buong katotohanan sa nangyari. Hindi natin alam kung guily or not guilty ba sila sa mga kasong sinampa laban sa kanila.

At higit sa lahat!

3. Parang hindi naman tama na bitay ang ipataw na parusa laban sa kanila. Matatanggap pa kung habambuhay na pagkakabilanggo ang kanilang naging kaparusahan. Oo, mabigat ang kanilang naging kasalanan pero hindi ito maihahanay sa pagpatay o pagnanakaw o pangangalunya. Pero ano bang magagawa natin? Iyon ang nakasaad sa kanilang konstitusyon at masasabing wala tayong karapatan para kwestyunin yon.

Hindi ko mapalampas sa pandinig ko ang narinig ko sa balita na dahil daw sa ginawang pagpostponed ng China sa pagbitay sa ating mga kababayan eh hintayin na raw natin ang hihinging kapalit ng mga ito! Nakakaloka! Tama ba naman na sabihin yun on national TV! Masyado atang naging judgmental ang gumawa ng balitang iyon! Bakit kelangang pairalin ang kakitiran at kadumihan ng isip sa ganuong sitwasyon. Hindi na lang sila magpasalamat sa ginawa ng China! Kaloka! Paano na lamang kung masamain yon ng China? Aber! Kayo na lang mag-isip kung anung pwedeng mangyari! Take note, isa ang China sa mga pinakamalakas na bansa ngayon sa buong daigdig. Malakas ang kanilang ekonomiya. Maraming investors sa Pilipinas ang mga Tsino. Based on the given facts, well then, DO THE MATH!  

Mukhang sa ngayon ay paghihitay lamang ang ating magagawa. Paghihintay sa kung anong magiging hatol ng China sa ating  mga kababayan. Kaya manalangin tayo na sana'y lumabas ang totoo. May God move in His own mysterious way. Ingat, Godbless.

Friday, February 18, 2011

A Lose-Lose Situation

My father and my brother had a big "war" yesterday. It's not a secret that I do have wrath in my heart when it comes to my father. But during that so called "war", I'm just there. No, not in the fight scene. I'm there away from them. I don't know what to do. I don't think I have the right to steal a scene there. After what happened to my father and me, that was just few days ago, I don't think I'm in the right position to stop the fury that was fast-forming there.

I really don't know what to do at that time. All of them was in the state of shock and don't-know-what-to-do condition. My mother was already crying. Some of my siblings were comforting her. So I just stayed upstairs, trying to hear their conversation. I was so shocked when my brother said the worst things I've heard from him to my father. Me, even though I'm having this bad feeling about my father, yes, I can take saying those kind of words to him but after a few minutes, I'll start to cry wondering why I'd said that to him. My consciense will attack me at some point after that. But him, maybe because of over anger, he lost his patience and said those kind of words to our father. He then go upstairs after that then hit soms parts of our wooden wall. I still don't know what to do at that time. So I just stayed calm and quiet. I didn't say any words because it might gave someone there a bad impression.  

I would not divulge the whole scenario for privacy purposes but I can say that we're on a lose-lose situation at that time. Never in my life I hoped for that to happen. I just hope that everyone in my family will have a better rapport after that incident. Maybe not now but I hope soon. Keep safe. Godbless.

Wednesday, February 16, 2011

Dance with my Father

Nagaway na naman kami ng tatay ko kagabi. Well, what's new with that? Oo nga naman. Ano nga naman ang bago dun. Eh halos araw araw naman kaming nagaaway. Wala lang, gusto ko lang ikuwento. Gusto ko lang maglabas ng saloobin ko. At siyempre gusto ko ding magsorry.

Hindi ako sigurado sa kung anong pinagmulan ng matagal na naming alitan ng aking ama. Pero sigurado ako na hindi tatagal ang away namin ng ganito kung sa akin nagsimula ang sama ng loob. Dahil kung ako man ang may kasalanan, noon at noon ding araw na iyon eh marerealize ko ang pagkakamali ko at hindi ako magtatanim ng sama ng loob sa tatay ko. Katulad na lang ng nangyayari sa amin ng nanay ko. Kahit palagi kaming nagaaway ay parang wala lang nangyari pag nagkabati na kame. Hindi katulad ng nangyayari sa amin ng tatay ko na lalong lumalala ang alitan namin sa tuwing nagkakaron kame ng diskusyong mag ama.

Ewan ko ba sa sarili ko. Masyado akong naniniwala sa 'equal rights' kaya kahit pamilya ko inaaway ko para lang  mapatunayan yung bagay na yun. Hindi talaga ako magpapatalo kapag alam kong tama ako. I never tend to give up on a discussion kung alam ko na wala naman talaga sa katwiran yung kausap ko. Ganyan ako. Pero sa bahay lang. Grrrr. Ewan ko ba. Nagiging ibang tao talaga ako kapag nasa bahay ako. Nagiging masamang tao talaga ako. Kaya nga wala akong kasundo sa bahay eh.  Super maiinitin ng ulo ko kapag nasa bahay ako. Kaya nga mas gusto ko pang umalis kesa magstay sa bahay eh dahil alam ko na hindi lilipas ang araw na wala akong makakaaway sa kanila. Ganyan ako kasama sa bahay at hindi ko alam kung bakit. Hay. Alam kong mali ang sumagot sa magulang pero dahil sa punyetang konsepto na iyan na hindi ko talaga maialis sa sistema ko, nasisira na talaga ang relasyon ko sa pamilya ko.

Napakasakit para sa akin ng mga salitang binibitawan ni tatay kapag nagaaway kame. Nariyan na sinasabe niya na umalis na ako sa bahay namin, wala naman daw akong kwentang anak. Minsan sinabi din niya na sana hindi na lang ako pinanganak. Kagabi, sinabi din niya na sagad hanggang buto yung galit niya sa akin. Sinabi niya rin na ako na ang pinakawalanghiyang anak sa mundo. Pero ang pinakamasaklap na narinig ko buhat sa kanya eh yung sana mamatay na daw ako. Hindi ko alam kung nasabi niya lang yung mga bagay na yun dahil galit siya o talgang mean niya talagang sabihin yun. Ako naman, nuong una eh puro iyak lang ang ginawa ko pero nang lumaon eh sumagot sagot na ako. Either vocal o sa isip lamang. Yung mga mabibigat na bagay ay sinasarili ko na lamang. Tulad ng mga sagot ko sa mga masasakit na sinabi niya sa akin. Iniisip ko na oo talaga, aalis ako dito sa bahay no. Bakit sa tingin niyo ba gusto ko kayong kasama. Kagabi, nung sinabi niya na sagad sa buto yung galit niya sa akin. Sumagot ako ng same here. Nasaktan ako ng sobra nung sinabi niya na ako na ang pinakawalanghiyang anak sa mundo. Pero mas hindi ko kinaya yung sinabi niyang sana mamatay na daw ako.

Yang statement niya na yan sa akin ang tila baga'y nagpahinto ng mundo ko nung panahong yon. Yan ang nagparealize sa akin na ibang level na talaga ang pagkamuhi sa akin ni tatay. Yan ang sinabi niya sa akin na wala akong maisagot kundi ang iwanan siya at maghanap ng lugar kung saan ako pwedeng umiyak ng umiyak. Hindi ko inaasahang maririnig ko yung mga katagang yun galing sa kanya. Magang maga ang mata ko matapos ang gabing iyon. Iniyak ko na ang lahat ng pwede kong iiyak. Pero nagtataka ako sa sarili ko dahil wala akong maisagot sa tatay ko nung time na yun. Hindi ko masabi ni maisip na kung ako hinihiling niyang mamatay, bakit siya hindi ko din hilingin na mamatay. Doon ko narealize na me natitira pa din akong respeto sa kanya at takot sa Diyos nung time na yun. Never in my life na hihilingin ko ang bagay na yun. Hinding hindi ko gugustuhing mangyari yun sa kabila ng mga away naming dalawa. Dahil alam ko na deep within our hearts ay nanduon pa rin ang kapatawaran namin para sa isa't isa na alam ko na imposibleng maibigay namin sa isa't isa ngayong mga panahong ito. Masyado pang sariwa ang mga sugat upang gamutin. Maybe someday. I know there will come a time na maibibigay namin yun sa isa't isa.

Hindi man malinaw sa akin kung ano ang ugat ng alitan naming mag-ama, alam ko na malaking factor ang pagiging bading ko. Hindi ko naman yun maiaalis sa kanya. Kaya nga ginagawa ko ang lahat para dumating ang araw na mapalitan ang pandidiri niya sa akin ng pagmamalaki. Pero habang tinutupad ko ang pangarap kong yun, lalo naman kaming lumalayo sa isa't isa. Ayaw ko man siyang sumbatan pero lagi ko pa ding iniisip kung bakit ba ganun ang mundo sa mga katulad ko. Akala ba nila masayang maging ganito? Akala ba nila, me mga benepisyo kaming nakukuha sa pagiging ganito? Kung alam lang nila yung hirap na dinaranas ng mga katulad ko. Kung alam lang nila. Kung pwede nga lang na sa isang iglap eh maging straight ako, I'll risk it, makaiwas lang sa hirap na dinaranas ko.

Nakakatawa lang dahil kagabi, habang nakasakay ako sa isa sa mga tren ng LRT, iniimagine ko kung anong magiging buhay namin kapag natupad na ang mga pangarap ko. Yung magkaron kami ng mansyon at magarang kotse. Ansaya saya pa namin sa imagination ko. Iniisip ko pa kung paano yung magiging partition ng bahay, kung paano kami magkakasya sa kotse, kung anung magiging schedule ng mga ulam namin. Lol. Natutuwa talaga ako sa pangarap kong yun na hindi ko akalain na masisira dahil sa pagiging masama kong anak.

Mahilig kasing magcomment si tatay sa kung anu mang topic sa TV, sa radyo or even sa bahay lang. And I'm really concerned sa mga binibitawan niyang mga pangungusap na karamihan eh me mura talaga. Hindi ko pinapasama ang image ng tatay ko pero magmumukha akong abnormal kung hindi ko sasabihin yun kase nga bumulong ako kagabi sa isa sa mga sinabi niya which caused him to outrage. At yun nga, nagaway na naman kami ng bonggang bongga.

Oo na, aaminin ko na na kasalanan ko naman talaga. Pero I think mali naman na lagi na lamang ganun ang mga mangyayari. Oo nga't kasalanan ko at gusto ko ng baguhin yung attitude ko na ganun pero kung ako lang ang magbabago, parang wala rin namang saysay ang magiging outcome nun kung ganun at ganun pa din si tatay. Gusto ko sana ay sabay sabay kaming magbabago ng mga masama naming gawi para sa ikabubuti naming lahat. Ok, mukhang malabo ang gusto ko pero kung susubukan kong magbago pero ganun pa din silang lahat, para bang mapipilitan pa din akong bumalik sa mga masama kong ugali. Mahirap mang intindihin ang gusto pero I'm assuring you na kung ano man ang nais ko eh makakabuti para sa lahat ng tao. Mahirap nga lang isabuhay.

Kung me kakilala man ako na makakapagbasa nito, alam kong magbabago ang tingin nila sa akin. At maiintindihan ko yun. Oo, Masama akong tao. Masama akong anak, masama akong kapatid. Pero mabuti akong kaibigan. And I'm really trying my best para mapabuti pa kung sino man ang Marvin na kilala niyo ngayon. Nahihirapan lang talaga ako dahil na rin sa bugso ng mga pangyayari. Pero umaasa pa din ako na mapapatawad nila ako at sabay sabay naming haharapin ang pagbabagong nais ko. At maisasayaw ko ang tatay ko kasama ang iba ko pang kapamilya balang araw, balang araw. 

Ingat, Godbless. :-)    


Monday, February 14, 2011

Hearts' Day

Happy Hearts' Day! Oo na, ako na. Ako ng bitter. Lagi naman eh. Echos. Actually, ang ganda ng aura ko kaninang umaga. Promise walang halong kaartehan or something. I don't know but I have a very light feeling kanina. Alam mo yung feeling na napakagaan ng loob mo. Yung napapangiti ka ng walang dahilan. Hay. Haha. I'm not in love. Aaahhhh. Wait, am I? Matagal ko ng hindi nakikita si Covin kaya i don't know kung ano pang current feelings ko sa para kanya. All I know is lagi kong hino-hope na maging masaya siya kung nasan man siya ngayon. Yes, parang nawala lang. Hahaha. Hindi ko maipaliwanag ang feeling ko kaninang morning. Basta hindi ako malungkot. I can assure that.



Siguro nga, lahat ng tao, humihiling na mahanap nila yung one true love nila. Never kong hiniling yun date. Never kong inisip na posibleng merong darating para sa akin. Until my mind was enlightened by some stories. Stories na hindi ko inakalang nageexist. Ngayon, humihiling na ako kay Father God na sana kahit papaano eh maramdaman ko yung magic. Yung pakiramdam na lagi kong nababasa sa mga books at napapanuod sa mga movies.

But even though hinihiling ko yun sa Kanya, siyempre, iniimpose ko rin naman sa sarili ko na malaki pa din yung possibility na hindi mangyayari ang gusto kong mangyari. Ginagawa ko yung para kung sakaling wala ngang dumating, hindi na ako masyadong masasaktan at baka sisihin ko pa Siya pag ganun nga ang nangyari which is so bad. I know, I really know, na Siya lang ang nakakaalam ng kung ano ang tama at makabubuti para sa akin kaya sa Kanya ko na lang talaga dinedepende ang sarili ko dahil alam kong hinding hindi Niya ako pababayaan.



Me inggit akong nararamdaman kapag nakakakita ako ng mga couples.  Karamihan naman ng mga singles eh ganun. Aminin. Lol. Pero lagi ko na lang iniisip yung mga taong nagmamahal sa akin. Hindi ko man naramdaman ang mahika ng ganung klase ng pagmamahal, alam ko na maswerte pa din ako na nabubuhay ako sa mundo at nararanasan ko ang mga biyaya ng Diyos. Sapat na na me iilang nagmamahal sa akin including Him. Sapat na din sa akin na at least naramdaman ko kung paano magmahal at masaktan. Well, that's 'our' life. 

Anyways, buti na lang eh nasa work na ako ngayong Valentine's Day na ito dahil kung nagaaral pa ako, mas madami pa akong makikitang couples na masayang masaya sa isa't isa. Haha. Medyo bitter talaga?! Well, konti lang naman. Lol. Kahit papano naman eh me kilig pa din akong nararamdaman kapag nakakakita ng couples. 

Again, Happy Hearts' Day to all. Nawa'y naging masaya ang pagdiriwang niyo sa araw ng pagmamahalan. 'INGAT', Godbless. :-) 

  

Friday, February 11, 2011

Acceptance

Busy busyhan ako nowadays. Medyo mahirap kase ang mga pinagagawa sa amin mga baguhan sa team. Tsaka siyempre, dahil baguhan pa lang kame, kahit anung dali pa niyang trabaho na yan, mahihirapan pa din kame kase first time pa lang namin gagawin un. Kaya eto ako ngayon, kahit noong Wednesday pa yung deadline ko para sa isang assignment na noong Monday pa binigay, gumagawa pa din ako and take note, out of three assignments na gagawin ko, isa pa lang ang nagagawa ko. And worse, hindi ko alam kung matatapos ko siya ngayong araw kase super bagal nung application na kelangan ko para magawa yung mga assignments ko. Hay

Nagsimula na akong maghanap ng cp na murang mabibili para mapalitan yugn nadukot sa akin. Me mga prospect na kong bilhin pero di pa ako nagcocommit sa mga kausap ko kase me two weeks pa naman ako para maghanap pa ng iba kase 3-4 weeks naman ang alam sa bahay na gagawin yung cp ko sa Nokia.

Madali ko talagang natanggap ang truth na wala na kong cp. Hindi ko alam kung paano. Hindi ko sure kung natanggap ko na talaga ng tuluyan yun kase kapag naiisip ko nakakapanghinayang na yung dapat na pambibili ko ng bagong cp eh malaking dagdag na dapat sa ipon ko. Magkakaron pa tuloy ako ng utang para lang makabili ng bagong phone. But, well, that's life. Iniisip ko na lang talaga na it's meant to happen at alam ko na me papalit na mas magandang bagay sa pagkawala ng cp ko na yun.

That's all for now. Me deadline pa ko. Sh*t. Lol. Ingats to all. Godbless. Mwah. ;-) 






Tuesday, February 8, 2011

A Learned Lesson

Nadukutan ako kahapon sa LRT. Nakuha yung cellphone ko na pinagipunan ko pa. Nangutang pa nga ako para makabili. Excited kase ako masyado that time. Lol. 

Lagi akong nagpapahuli sa pagpasok sa tren. Pero kahapon, nagkataon na kasabay ko yung friend ko at hindi kame nakasakay sa unang tren na dumaan dahil sa dami ng tao kaya dun na kami malapit sa red line nagantay. Dumating ang tren at siksikan pagpasok. Nakasanayan ko ng ilagay yung cellphone ko sa bulsa ko kesa sa bag kapag ganung nasa tren para madali kong makapa at makuha kung sakaling me magtext. 

Kakaiba ang nangyari kagabi kase nagsiksikan talaga ng todo pagpasok. Nung nakapwesto na kame, kinapa ko yung cp ko at doon ko nga nalaman na wala na siya sa bulsa ko. Unang pumasok talaga sa isip ko is kung paano ko sasabihin sa bahay na nadukutan ako. Lagi pa naman nila akong pinaaalalahanan tungkol sa bagay na yun.

Tinry ko pang tawagan yung cp ko pero ring lang siya ng ring. Sumuko na ko that time. Inisip ko na malabo na na makuha ko pa yun ulit. Sa totoo lang, hindi ako masyadong nanghinayang sa pinambili ko nun. Mas nanaig sa akin ang pangamba kung paano ko sasabihin sa bahay ang nangyari. Kaya pagdating namin sa skul na talagang destination namin, nagisip na ako kung anung idadahilan ko kung bakit wala sa akin ang cp ko.

At ayun. Nagsinungaling ako sa bahay. Hay. Iniiwasan ko pa namang magsinungaling nowadays lalong lalo na kung mahalagang bagay pa yung gagawan ko ng kasinungalingan. Hay talaga. Kinuwento ko sa iba kong friends ang nangyari at sinabi ko sa kanila na wag silang gagawa ng bagay na pwedeng maglead sa pagkaalam sa bahay ng nangyari tulad ng pagpost sa fb.

Patuloy ko pa ding kinontak ang kung sinumang nakapulot at himalang nagtext siya.Hinihingi niya yung code ko na pambukas dun s cp at siyempre di ko binigay. Sabi pa niya, gusto niya lang daw malaman pero isosoli niya din yung cp ko. Hindi naman ako ganon katanga para hindi malaman na gusto niya lang akong lokohin kaya tinapos ko na yung conversation namin. Nung time na rin na yun naubos ang pagasa kong mabalik pa yung cp ko. Tinanggap ko na lang siya ng buong puso. Wala na naman akong magagawa eh.

Pinagpapasalamant ko na lang na kasama ko yung friends ko nung time na yun at me nagpasaya sa akin sa kabila ng nangyari.Malaki talaga yung natulong nila para mabawasan yung kalungkutan ko at mabilis na matanggap yung nangyari. Wala na akong balak na ikwento pa sa iba ang nangyari kase baka maspoil pa sa family ko. Lol.

Magaling talaga si Papa God kase madali kong natanggap kung ano man yung nangyari. Oo, me konti akong panghihinayang sa halaga nung cp ko pero iniisip ko na lang na maibabalik ko naman yun. Iniisip ko na lang din na mabuti na lang at hindi yung buong bag ko ang nakuha niya. Basta nagiisip na lang ako ng mga bagay na dapat kong ipagpasalamat dahil sa nangyari. Ayoko ng dagdagan pa ang mga aalalahanin ko. Tama na yung sundot ng konsensya ko sa pagsisinungaling ko sa bahay.

Sa kabila ng nangyari, punong puno pa rin ako ng positivity. Iniisip ko na dahil sa nangyari nakatulong pa ako sa kung sino mang nakapulot na cp ko. Iniisip ko din na dahil dun, nakagawa pa ako ng kabutihan sa kanya at dahil dun, more blessings will com to my love ones. Hahaha.

Sa ngayon ay naghahanap ako ng ganung klase din ng cp na mas mura sa internet dahil ang sinabi ko lang sa bahay eh pinagawa ko yung cp dahil nagshort circuit siya. Alam ko na malalaman din nila yung totoo pero sa ngayon, wala pa kong lakas ng loob na sabihin na sa kanila kung ano ang tunay na nangyari. Hahayaan ko muna silang maniwala sa hinabi kong kasinungalingan pero me balak pa naman akong sabihin kung ano talaga ang nangyari. Hindi pa nga lang sa ngayon. Maybe in time. Yes, maybe in time.

Lesson learned : Everything happens for a reason. Just trust Him for He knows what's best for us.

 INGAT sa LRT guys. Lol. Godbless us all. :-)