I feel like a bum dito sa office. Ewan ko ba. Nakakaloka. Akala ko kase kapag nasa isang project ka na, you tend become busy all the time. Hindi pa din pala. Masyado lang over ang expectations ko. Actually, mas madami pa din nga ang free time namin compared sa busy moments eh. Kaya nga mas madalas akong makapagpost dito sa aking blog eh. Pero sabi naman sa akin ng isa kong team mate, kapag dumating na daw yung trabaho, magiging super busy na kame. Asus. Parang hindi naman. Kase matatapos na yung project ng team namin. Bwahahaha. Kumbaga sa bahay, halos finishing touches na lang yung mga gagawin namin. Ang swerte naming mga bagong pasok sa team kase hindi namin naabutan yung peak ng paggawa sa project kundi malamang puro reklamo naman sa work ang sinusulat ko ngayon. Lol.
********************
Ang kyut nung bagong baby namin sa bahay. Antangos ng ilong. Hindi katulad ng Ate Ella niya. Lol. Just kidding Ella. I love you! Hahaha. Wala nga pala sa bahay namin ngayon si Ella. Namimiss ko na tuloy siya ng sobra. Si Ella ay nasa kanyang grandma (mother of her father) kase nga para maging hands-on ang ate ko ang kanyang hubby sa pagaalaga sa bagong baby na si CJ tsaka kase maliit na yung space dun sa amin.Hay. Matatagalan pa tuloy si Ella dun. Namimiss ko na talaga siya. Haha.
********************
Dumating na pala kahapon yung iniinquire kong credit card sa Metrobank. Huwag ng magisip kung bakit dun ko naisipan na kumuha. The only reason is dun pa lang ako pwede. I'm only 20. Hindi pa pwedeng kumuha ng credit card sa ibang bangko kapag hindi pa 21. Hindi ko alam kung nabanggit ko dito dati na nagiinquire ako. Kung hindi ko nabanggit, eh di eto na, binabanggit ko na. Lol. Nabasa ko sa letter na kelangan ko munang iactivate ang card bago ko magamit kaya naman naisipan ko kaninang umaga na pumunta sa bangko tutal me malapit naman sa office. Eh di eto na, pumasok ako ng bangko ng wala sa sarili kaya hindi ko natignan kung anong name ng bangko na pinsukan ko. Nagtanong sa guard kung san dapat pumunta, lumapit sa teller. Eto na, nagtataka si ate kung bakit hindi pa activated eh ang alam niya, once na dumating sa customer, it's already default na activated na kaagad ang card. So ako, hanap ako dun sa letter na nagsasabi na kelangan pang i-activate ang card. Hiniram niya yung card. Nung ibibigay ko na ang card, naloka si ate kase Metrobank daw yung card ko eh BDO yung pinasukan kong bank. OMG. Naloka ako. Ang tanging nasabi ko na lang eh "Ay ganon?". Para hindi halata na nagkamali ako ng pasok. Shetness talaga. Super nakakahiya. Buti na lang, to the rescue si ate ng konti. Tinanong niya ko kung interested ba akong kumuha ng credit card sa kanila. Sabi ko next time na lang. Isa pang buti na lang, medyo busy din ang ibang teller at mahina lang mga boses namin ni ateng teller kundi anlaking kahihiyan ang inabot ko no. HAHAHA. Nanliliit akong lumabas ng bangko after that incident. Isa pang kakaloka eh pumunta din ako ng Metrobank (this time, totoo na to. Tama na. Hindi na joke. Lol) at napagalaman ko na hindi naman pala sa bangko pinapaactivate yung card. Ano ba! Tatawag lang pala sa Customer Service and duon na iaactivate. Sori, hindi lang talaga ako marunong magbasa. Haha. Kakaloka talaga ang umagang ito.
********************
Pagdating ko ng office kanina, nabungaran ko yung officemate ko ng tumitingin ng mga dresses ng mga umattend ng Oscars. Nagulat ako kase ang nasa isip ko, kakasimula lang ng red carpet and nasa web na agad ang mga pics of the personalities with their gowns and suits. Kaya naisipan kong gumawa ng listahan ko ng mga Best and Worst Dresses. And here they are.
(Photos courtesy of yahoo.com)
BEST DRESSES
Gustong gusto ko si Halle Berry.
Una dahil sa kanyang short hair at sa kanyang dark skin.
Mukha siyang boyish dahil sa buhok niya
pero pag nag-project na ang lola mo, talbog kayong lahat.
Ang bongga bongga pa nung tail cloth nung gown.
She's my Best Dress and Best Dressed.
Walang pakielamanan. Lol
Hindi kame close ng girl na 'to pero
gustong gusto ko yung partner niya.
Este yung gown ni Elizabeth Chambers.
I really love shining shimmering splendid talaga.
Ang ganda pa niya. Kamukha ni Ms. Charlene Gonzales.
Lamang lang si Ms. Charlene ng ilang paligo. Haha
Hindi ko din kilala ang isang ito.
Siya pala si Maria Menounos.
Napakaelegant ng dating ng gown niya
at ang ganda din niya huh!
I also love her bracelet. Haha.
Hindi din naman papakabog ang pangapat sa aking list.
Ang aking nawawalang ina na si Ms. Sandra Bullock.
Maraming kahawig na style ang gown niya
pero ang nagustuhan ko is the devilish kind of red ng kanyang gown.
Isa ko pang na-like is the shape of the cut ng kanyang gown sa bandang dibdib.
And super ganda din niya. Haha. Lahat kayo maganda!
Ayan so there's my list of Best Dresses. Heto naman ang Worst Dresses para sa akin.
WORST DRESSES
Hindi ko talaga feel ang mga damit na
parang pinagdugtong dugtong lang ang tela.
Even though layered ang style ng gown,
hindi pa rin maganda ang mga kulay.
Kahit pa gawa yan ng pinakamagaling na designer.
Hindi lang naman yun ang sukatan. Haha. That's all. Lol.
La, dilat ka naman dyan! Masyado ka atng nasisislaw.
Echos. In fairness, maganda pa din si Jennifer Redfern
kahit chaka ang gown niya para sa akin.
Maganda na sana ang gown ni Sunrise Coigney eh.
Yun nga lang, mukhang hindi bagay ang style ng
pagkakasama ng gold and black.
Isa pang nakaapekto eh yung
pavertical na halfing of colors.
Tsaka na rin yung design nung gold. Yun lang. Lol.
Ang gown naman ni Ms. Florence Welch,
no offensement pero mukha talagang kurtina.
Hindi rin maganda yung fit sa uppert part
ng body niya dun sa gown.
Isa pang hindi bagay is yung color ng hair niya.
It may have been way better kung hindi long sleeves
and mas balloon pa ng konti yung lower part nung gown
and palitan ang kulay ng gown or ang color ng buhok niya
ang palitan kung papayag lang naman siya. Haha.
In that way, mas maaaccentuate ang beauty niya
at hindi pangit tignan ang upper part.
Yun talaga yung pangit eh. Echos.
AYAN! I'm finished na. At talagang kinarir ko ang pagreview sa mga gowns ng mga umattend sa Oscars. Kaloka. Hindi ko akalain na dadating ako sa puntong ganito. Echos. Parang super lalim naman nun. O siya, gotta go na. Baka mahuli pa ako ng boss ko. Haha. Keep safe guys, Peace out everyone, Godbless.:-)
No comments:
Post a Comment