Powered By Blogger

Monday, February 14, 2011

Hearts' Day

Happy Hearts' Day! Oo na, ako na. Ako ng bitter. Lagi naman eh. Echos. Actually, ang ganda ng aura ko kaninang umaga. Promise walang halong kaartehan or something. I don't know but I have a very light feeling kanina. Alam mo yung feeling na napakagaan ng loob mo. Yung napapangiti ka ng walang dahilan. Hay. Haha. I'm not in love. Aaahhhh. Wait, am I? Matagal ko ng hindi nakikita si Covin kaya i don't know kung ano pang current feelings ko sa para kanya. All I know is lagi kong hino-hope na maging masaya siya kung nasan man siya ngayon. Yes, parang nawala lang. Hahaha. Hindi ko maipaliwanag ang feeling ko kaninang morning. Basta hindi ako malungkot. I can assure that.



Siguro nga, lahat ng tao, humihiling na mahanap nila yung one true love nila. Never kong hiniling yun date. Never kong inisip na posibleng merong darating para sa akin. Until my mind was enlightened by some stories. Stories na hindi ko inakalang nageexist. Ngayon, humihiling na ako kay Father God na sana kahit papaano eh maramdaman ko yung magic. Yung pakiramdam na lagi kong nababasa sa mga books at napapanuod sa mga movies.

But even though hinihiling ko yun sa Kanya, siyempre, iniimpose ko rin naman sa sarili ko na malaki pa din yung possibility na hindi mangyayari ang gusto kong mangyari. Ginagawa ko yung para kung sakaling wala ngang dumating, hindi na ako masyadong masasaktan at baka sisihin ko pa Siya pag ganun nga ang nangyari which is so bad. I know, I really know, na Siya lang ang nakakaalam ng kung ano ang tama at makabubuti para sa akin kaya sa Kanya ko na lang talaga dinedepende ang sarili ko dahil alam kong hinding hindi Niya ako pababayaan.



Me inggit akong nararamdaman kapag nakakakita ako ng mga couples.  Karamihan naman ng mga singles eh ganun. Aminin. Lol. Pero lagi ko na lang iniisip yung mga taong nagmamahal sa akin. Hindi ko man naramdaman ang mahika ng ganung klase ng pagmamahal, alam ko na maswerte pa din ako na nabubuhay ako sa mundo at nararanasan ko ang mga biyaya ng Diyos. Sapat na na me iilang nagmamahal sa akin including Him. Sapat na din sa akin na at least naramdaman ko kung paano magmahal at masaktan. Well, that's 'our' life. 

Anyways, buti na lang eh nasa work na ako ngayong Valentine's Day na ito dahil kung nagaaral pa ako, mas madami pa akong makikitang couples na masayang masaya sa isa't isa. Haha. Medyo bitter talaga?! Well, konti lang naman. Lol. Kahit papano naman eh me kilig pa din akong nararamdaman kapag nakakakita ng couples. 

Again, Happy Hearts' Day to all. Nawa'y naging masaya ang pagdiriwang niyo sa araw ng pagmamahalan. 'INGAT', Godbless. :-) 

  

No comments:

Post a Comment