I know it's Black Saturday and hindi tutugma sa panahong ito ang patutunguhan ng post ko na ito ngunit subalit datapwat kailangan ko itong ilabas. Chos. Wala akong bonggang lakad sa buong bakasyon kaya ang panonood na lang ng American TV Series na Glee and Pretty Little Liars ang pinang-ubos ko ng oras ko. Anlaki ng kasalanan ko ngayon dahil nakakatatlong araw na na bakasyon pero hindi pa din ako nakakapagsimba. And dito na papasok yung isa sa mga medyo pino-problema ko nowadays.
Hindi ako makapagsimba ng ako lang mag-isa. Nahihila ako ng katamaran. Kaya hinihintay ko na lang lagi ang bestfriend ko na magyaya na magsimba kami. I know it's wrong and I know it's a big sin kaya I'm hoping na dumating yung time na makapagsimba ako mag-isa... ng constant. As in every week. Kahit naman ang ibang tao, aminado na hindi sila makapagsimba ng sila lang mag-isa. Like my friend na tinanong ko dati kung makakapagsimba ba siya ng hindi kasama yung boyfriend niya and her answer is no. Na-relief ako ng konti noon. Konti lang naman. Kase I'm not treating that as an excuse para hindi na din ako magsimba mag-isa. Mabuti na nga lang eh me cross-over. Medyo natututo ako ng mga words of God. Nakakabawas ng guilt. Charot.
Another thing na bothered ako ngayon eh yung crush ko sa twitter. Si Flo. Ok, talagang nag-name drop ako. Hahaha. Flo is a discreet bisexual (if there's such thing as that. Hahaha) na nakilala ko sa PEx. This may sound bitter and yeah, bitter talaga ako sa kanya. Ansungit kase niya. Lalo na nung nalaman niya na crush ko siya. ~___~ Hello, don't be too assuming. Hindi porque crush kita eh makakapag-inarte ka ng bongga sakin. Hahaha. Hindi ko naman alam sa sarili ko kung bakit hindi ko siya ma-unfollow. Baka umaasa pa din ako. Chos. I don't know if me kinalaman yung bitterness ko sa kasungitan niya sakin sa pagka-bother ko or talagang medyo offensive lang ang mga tweets niya. Last Saturday eh nanalo bilang big winner si Slater. Super cute ni Slater no! Chos. Back to the main topic. Ayun nga, Flo tweeted that girls and "pa-girls" will be happy dahil sa pagkapanalo ni Slater. Oh gosh, napaka-hypocrite niya para magtweet ng ganun. I mean, you're bisexual(sabi mo) but you flirt with boys sa twitter as if you're gayer than me tapos magbabato ka ng ganung statement against sa mga kalahi mo. How rude! Ok stop na, masyado na kong nag-iinarte dito. Hahaha.
Lastly, itong kaibigan ko sa work na super flirtatious ang dating! Kaloka lang. When it comes to friendship, wala ka talagang maipipintas sa kanya kase Ms. Congeniality and dating ng lola mo. Ang problema lang talaga eh pagdating sa workmates naming boys. Alam niyo naman sa IT industry, maliit lang ang percentage ng mga babae and kahit saan ka lumingon eh me makikita kang boys. Ansaya lang. Charot. Ngayon nga eh inlababo ang lola mo sa isang team mate namin na married na, me mga anak pa! Kaloka lang. And take note, in a relationship din siya no! Keri lang sana na ganun at walang nangyayari. Kaso eh e-emote emote siya samin ngayon pero kinabukasan eh lumalandi na naman ke churvang team mate. Eh pano naman siya makakaalis sa problema niya ngayon kung ganun ng ganun. Super concerned lang kame sa kanya kaya pinapagalitan namin pero it seems like hindi naman siya nakikinig. :-( Eto pa, me kasabihan siyang kapag ayaw niya sa isang tao unang pagkakakilala pa lang, hindi na niya ito makakasundo kahit kelan. Nakakaloka lang kase me drift ngayon sa team namin and masasabi ko talaga na siya talaga and dahilan nun dahil sa paulit ulit niyang pagpansin sa mga ginagawa ni team mate. Dumating tuloy sa point na nagka-confrontation kaming lahat versus sa team mate namin. Naaawa nga ako sa team mate naming yun kase hindi naman niya nakuha yung sagot sa tanong niya kung me problema ba si friendship sa kanya. Puro kase pag-iwas ang sagot ni friend. Nakakaloka lang.
Hay naku, sana maging ok na ang lahat. Sana mabago natin ang mga bagay na kailangan nating baguhin. Sana mapag-nilay-nilayan natin ngayong panahon ng Semana Santa na handa tayong patawarin ng Diyos sa kung anumang kasalanan ang nagawa natin basta handa tayong tanggapin siya ng buong puso. :-)
Keep safe guys. Godbless. Mwah. :-)
No comments:
Post a Comment