Powered By Blogger

Monday, October 17, 2011

Oh my Franco!

Me bago akong crush ngayon sa showbiz! Next to Jake Cuenca, super crush ko ngayon si Franco Daza!!! Hahahaha. Look below for reference. Lol. 

 
 
 

Grabe talaga. Kaya lagi akong nanonood ng Nasaan Ka Elisa eh dahil lang sa kanya talaga. Sunod na lang yung storyline nung palabas. Ngumiti lang siya dun, kinikilig na ko ng bonggang bongga. Bwahahaha. Ewan ko ba. Mahilig ako sa mga twink pero when it comes to actors, mas madami akong crush na barako like yun nga si Jake and si Rafael Rosell. Hahaha. Tapos sa mga twinks naman, si Arron Villaflor talaga yung super duper crush ko. Pero back tayo dun ke Franco. Matagal tagal ko na siyang nakikita sa TV pero ngayon ko alng siya naging super crush. Ngayon, tuwing nakikita ko siya, napapakanta ako ng "Common baby lemme see watchu hidin' underneath". ECHOS!!! Hahaha. Yun lang. I just wanna share. Wala akong pakeilam kung hindi niyo siya type. At least, konti lang karibal ko. Chos! 

Below are other pics of him. Salivate! Hindi na ko maglalagay ng madami. Baka ma-rate as X itong blog ko. Wholesome pa naman ako! LOL.




Keep safe Franco.  Chos! Keep safe guys. Godbless. :-)


Thursday, October 13, 2011

Love Sweet Love

Sabi nila, kapag nagmahal ka ng isang tao, hindi mo daw maaarok kung ano yung dahilan kung bakit mo siya minamahal. In short, you'll love daw for no reason at all. Naniniwala ba kayo dito? Ako kase, hinde. Isipin niyong mabuti ha. Kung iibig ka sa isang tao ng walang dahilan, eh di lahat ng tao sa mundo kaya mong bigyan ng pagtingin na higit pa sa kaibigan. Got it? Kung oo, go and spread the news na kalokohan ang kasabihan na yun. Kung hindi pa din, wait ka lang diyan at magbibigay ako later ng mga bagay na sisira sa matibay na pader na pumipigil sa'yo para paniwalaan ako.

Bago tayo dumako sa pagsira ng pader na yan, lemme give some examples kung paano malalaman kung true love na ba yang nararamdaman mo. Below are just some of the symptoms sa pagiging in love. 

Disclaimer : Hindi ko sure kung tamang mga sintomas yung sasabihin ko. Hahaha. Base lang ang mga ito sa mga naranasan/nararanasan ko. Game!

Sleepless Nights- Hindi ka ba lagi makatulog? Inaabot ka ba ng bukang liwayway sa pag-iisip sa isang tao? Baka nga inlab ka dude or dudette! Pero bago mo i-congratulate yung sarili mo, check mo muna kung yung pagkakaroon mo ba ng sleepless nights eh dahil talaga sa pag-iisp mo ng bonggang bongga sa taong sinisinta mo. Baka naman normal na sayo yung madaling araw nang natutulog dahil me INSOMNIA ka! Ambisyoso/ambisyosa ka lang diyan! Pero kung napagtanto mo na dahil nga sa pag-iisip mo sa iniirog mo (with matching building your future together) yung pagkapuyat mo, aba, plus one point ka na dyan. Apir!

Faces Everywhere- Lagi mo bang nakikita yung mukha ng taong mahal mo kahit saan ka tumingin? Hindi na ba mawaglit sa iyong periperya ang kanyang presensya? Nako, check mo ulit muna. Baka naman nakadrugs ka lang friend! O kaya naman me powers lang siya ng teleportation kaya naman ganun na lang siya kabilis mag-appear sa mga tinitignan mo. Bongga yun pag nagkataon. Magkakajowa ka ng me super powers! Pero tignan mo din yung contact lens mo kapatid! Baka naman pinasadya mo pa yung design niyan! Isang design na one of a kind talaga. Walang iba kundi yung mukha niya. Naku te, hindi love yan, obsession yan! Kung isa diyan sa mga iyan ang nangyayari sayo, grabe ka na! Hindi ka in love, adik ka lang. Pero kung gusto mong tignan talaga kung pasok ka sa kategoryang ito, ilista mo yung mga nagdaan mong panaginip tapos i-tabulate mo. Kapag karamihan sa mga ito ay tungkol sa kanya, nako, plus point ka ulit! This time, ang ia-add mo sa current score mo eh yung cube root naman nung 1.

Galante-  Napapansin mo bang madalas kang mag-treat sa mga kaibigan mong ni minsan eh hindi mo nga nalibre ng lollipop? Lalo na kung kasama sa circle of friends mo na yun yung mahal mo. Nako nako nako. Isa ito sa mga mabigat na epekto ng pagmamahal. Oo, mabigat. Mabigat sa bulsa. Imagine, kahit yung allowance mo para sa susunod na linggo, mawawaldas para lang makapagpa-impress ka sa kanya. Tsk3. Tapos syempre mag-aaya ka pa dun sa mga favorite restaurants niya. Nako, pano kung Italianni's o sa TGIF pa pala yun. Patay kang bata ka. Paano pa pala lalo kung natripan niyang sa buffet lunch ng isang sikat na hotel pa kayo mananghalian. Syempre hindi ka makakatanggi no! Imbes na allowance mo lang para sa next week yung mawawala, lilipad na din sa hangin pati yung mga panggastos mo sa gimiks mo. Lagot ka ngayon. Napasubo ka tuloy. Well, at least nakapagbigay ka ng magandang impresyon sa kanya. Dagdag pogi/ganda points din yun kaibigan! Dahil magtitiis ka para lang mapasaya siya, me additional points ka na naman. This time, add (the derivative of a constant + 1) to your current score.

Diet- Hindi ka ba makakain? Nako naman, baka naman nanghihina ka lang. Me sakit or something. Double check mo muna. Baka ayaw mo lang talaga ng mga nagiging ulam niyo sa bahay. Nag-iinarte ka lang talaga. Kung hindi man, kung ok naman yung pakiramdam mo at puro favorites mo naman yung nagiging viands niyo sa bahay pero wala ka pa ding ganang kumain, another congratulations to you mafrend! You are certified na nakakaranas ng sintomas na ito. Additional 683681795426736825278 to the nth power where n=0 point to you!

Joker- Nagiging kamukha mo na ba ang namayapang aktor na si Heath Ledger sa ginampanan niya sa huling installment ng Batman dahil sa hindi mawalang ngiti diyan sa iyong mga labi? Sabi nila, palagi daw masaya ang isang tao kapag in love. Bakit nga kaya? Bakit kaya kahit me nakaambang problema sa taong in love, parang sing gaan lang ng papel ang problema na tinatangay ng hangin. Maaaring dahil sa pagiging in love ng isang tao, naapektuhan ng pag-ibig yung sistema nito. Naging positibo ang pananaw nito dahil sa mga kasiyahan at kakiligang kaakibat ng pagiging in love niya. Pwede ka ng sumali sa commercial ng Nescafe. Katabi ni ate, lumulutang habang kumakanta ng "Good morning sa inyyooooo!!!". Additional (356746 * (x-y) + 1), where x and y are both equal to one, point ka dyan!

Ayan! Ngayong nakapagsabi na ako ng mga palasak na palatandaan ng pagiging in love ng isang tao, maaassess mo na kung totoong in love ka. Oo, ikaw pa din ang mag-aassess, hindi ako. Tapos tsaka natin pag-usapan ang mga dahilan ng isang tao para ma-in love sa taong mahal niya. Hindi ko kase mapapatunayan yung teorya ko kung hindi naman pala in love yung isang tao. Pre-requisite kumbaga.

Check mo ngayon kung ilan ang nakuha mong score dun sa mga signs ng pagiging in love sa taas. Pwede kang mag-hire ng isang mathematician if you like. Ikaw/Kayo ngayon ang mag-verify kung in love ka nga. Kung sa tingin mo eh hindi, kindly click na lang yung pulang button na me "X" sa upper right corner ng page na ito. Wala na kase itong kwenta. Babu! Kung sa tingin mo naman eh in love ka nga, lemme continue. Eto na, I'll elaborate na ang mga sa tingin ko eh dahilan kung bakit minamahal mo ang isang tao. Go!

Para sa akin, Dalawa lamang ang pangkalahatang dahilan kung bakit minamahal natin ang isang tao. Ito ay ay dahil sa kanyang pisikal na kaanyuan at pangalawa eh dahil sa kanyang mga intangible na katangian.

Pisikal- Naniniwala akong malaking parte ng pagkagusto ng isang tao sa isa pang nilalang yung itsura nito. Uulitin ko, pagkagusto, hindi pagmamahal. Got it? Siguro sinasakop ng aspetong ito yung diyes porsyento ng dahilan ng pagkakaroon ng espesyal na damdamin ng isang tao towards another person. Ito yung sumasakop sa mababaw na layer ng pagmamahal. Mababaw lang dahil hindi nito napapasok yung emosyonal na damdamin ng isang tao. Ibig sabihin, kahit pa mabawasn ng bonggang bongga yung kagandahan/kakisigan ng mahal mo, oo mababawasan yung pagmamahal mo sa kanya pero hindi yun sapat para makaapekto ng malaki sa kung anu man yung lebel ng pag-ibig mo para sa kanya. Guess what, kung iba ang nangyari sayo at nabawasan ng malaking porsyento yung romantikong nararamdam mo para sa kanya dahil sa pagbabago ng kanyang pisikal na katangian, nako te, hindi pagmamahal ang tawag diyan. Isang malaking kasinungalingan ang nangyari sa inyong dalawa. Baka kumakati ka lang friend. Move on!

Intangible- Ito yung parte ng pag-ibig na sumasakop sa napakaraming parte ng buhay ng tao tulad ng emosyonal, intelektwal, spiritual, etc etc. kaya ang natitirang nobenta porsyento ay tungkol sa mga katangiang ito ng isang tao. Anlaki no! Syempre naman. Andami kaseng aspeto ng buhay yung nakapaloob sa dibisyong ito. Isa na dito yung mababaw na lebel ng intangible na katangian ng isang tao. Ang ugali. Ito yung part kung saan nahuhulog ka sa isang tao dahil sa mabubuting ugali nito. Ito yung sumasakop sa kalahati ng kabuuang porsyento ng dibisyong ito. Sunod na part ng dibisyong ito eh yung mas malalim na pagkakakilala mo sa taong iyong iniirog. Sakop nito yung natitirang kalahati pang parte ng dibisyong ito. Nakapaloob dito yung mga pinagsamahan niyong dalawa throughout ng inyong relasyon, romantiko man o hindi. Yes, bilang dito yung mga pinagdaanan niyong dalawa kahit pa noong hindi pa kayo magsyota. Doon mo kase malalaman kung constant ba yung naging pakikitungo niya sayo nung kayo na. Mas maganda pa kung mas lumalim yung relasyon niyo ngayon kesa dati na wala pa kayong commitment sa isa't isa.

Yes, natapos na din. Yan yung mga sinasabi kong dahilan kung bakit natin minamahal/sinisinta/iniirog/iniibig ang isang tao. Kaya kung wala ni isa diyan yung nararamdaman mo ngayon sa taong mahal mo, nako friend, malamang nabubuhay ka pa din sa isang kotasyon na inimbento lang para mas maging romantiko ang tingin natin sa pag-ibig. Ang masasabi ko lang sa gumawa ng teoryang iyan, napakagaling mo! Napaniwala mo ang mga tao na walang dahilan kung bakit minamahal natin ang isang tao. Napakagaling mo dahil matagumpay mong na-impose sa kanilang mga pag-iisip ang isang bagay na mas nagpapaganda ng tingin nila sa pag-ibig. Hindi ko sinasabing dapat pangit ang tingin natin sa love. Ang punto ko lang, hindi dapat tayo nabubuhay sa isang konseptong ginawa lamang para pagandahin ang tingin natin sa isang bagay. Actually, gusto ko lang maging maganda at maliwanag ang pananaw natin sa love kaya ko inakda ang mga saloobin ko tungkol sa isyung ito. Ngayon, bahala ka na kung hindi mo pa din iiwan ang konseptong iyan. Isa lang ang masasabi ko sa iyo. Wake up!

Keep safe. Godbless. :-)


Wednesday, October 12, 2011

A Blast from the Past II

Halos umikot doon sa nirerentahan naming bahay yung kwento ng pagmamahalan namin ni Pakner. Echos! Ako lang ang nagmahal. Hahaha. First sem pa din ito btw. Madaming nangyaring kakatwa saming dalawa ng mga panahong iyon. I'll elaborate one by one later. Sa ngayon, kwento ko muna kung paano ko sinabi sa kanya na I'm having a "something" for him. Yeah, grabe, sinabi ko sa kanya na me gusto ako sa kanya. Nagulat ako sa sarili ko na nagawa ko pala yun. Hanggang ngayon, hindi pa din ako makapaniwala. Hahaha. Ganito kase yun. Defense namin nun sa isang subject namin which is Data Communications. Hindi ko akalain na magiging maayos at mabilis lang yung defense namin na yun kaya naman sobrang saya naming buong grupo nun. As in. Kase nga nakapasa kame agad. Tapos ayun, sa sobrang kasiyahan ko, sinabi ko sa kanya na me sasabihin ako sa kanya later that night. Halos gabi gabi kase kaming nag-uusap sa ym dahil sa thesis. Sabi niya, bakit hindi ko na lang sabihin dun mismo. Naisip ko, wala pa kong lakas ng loob na sabihin sa kanya ng face to face kaya pinagpilitan kong mamayang gabi na lang. Nagulat na lang ako bigla sa sinabi niya. "Me gusto ka sakin no!". Napa-omg ako sa isipan ko kase paano niya naman nasabi. Ganun ba ko ka-obvious or ganun lang talaga kataas yung confidence niya sa sarili niya. Hahaha. Bumawi ako at sinabing "Wala no! Kapal mo! Hahaha". Pero maya maya lang eh naisip ko na kung umamin lang ako, hindi na ako mahihirapan pang umamin mamayang gabi. Kaya agad ko siyang tinawag at sinabing "Oo, yun na nga yun. Galit ka?". Hindi ko alam kung bakit kelangan ko pang itanong yun. Kabadong kabado tuloy ako sa isasagot niya sa akin. Pero hindi na din ako nagulat sa naging tugon niya. "Ok lang. Normal lang naman yun". Natuwa ako sa naging sagot niya sa akin. Pero hindi na ako nag-expect pa ng kung ano. Basta natuwa na lang ako. Ayun. Dun na nagsimula yung mga nakakakilig para sa akin na mga pangyayari between us. Iisa isahin ko na. Magbabanggit ako ng mga bagay na magiging parang title sa bawat nakakakilig/ nakakalungkot/ kadramahang nangyari saming dalawa ng mga panahong iyon. game!

Kumot - This is a side story of this post. Nasa apartment kame noon sa Dapitan. Kameng lahat na anim na magkakagrupo. Maaga kaming nagising dahil me defense kami that day. Wala pang 6:00 am eh tapos na akong maligo at nakakaramdam na ako ng panghihina dahil sa pagod at puyat sa mga nagdaang araw. Sobrang lakas ng ulan simula pa ng nagdaang gabi hanggang sa mga oras na iyon. Nilalamig na ako ng sobra kaya nagtalukbong ako ng kumot. Sabay pa kaming nagkaroon ng masamang pakiramdam ng kagrupo kong babae. Tapos ng maligo si Pakner at nakikita ko mula sa loob ng kumot ang mga kilos niya. Pinuntahan niya si ka-group na girl at chineck ang kalagayan nito. Natuwa ako sa thoughtful niyang gesture na iyon. Sunod niya akong nilapitan. Tinanong niya ang kalagayan ko. Ansaya saya ko ng mga panahong iyon kase ang sweet sweet niya pero sinampal ako ng katotohanang sa lahat ng tao'y ganun siya. Napagtanto ko na walang dapat kakiligan sa mga oras na iyon. Dahil sa panghihina at negatibong pag-iisip, hindi ko napigilang mapaluha. Oo, umiyak ako habang nakaupo sa silya at nakatalukbong ng kumot. Mabuti na lang at hindi ganun ka-obvious kahit na sumusinghot ako dahil inakala nila siguro na me sipon ako. Matagal akong nasa ganun kalagayan dahil hindi pa din namin alam kung paano kame papasok dahil sa lakas pa din ng ulan at sa taas ng baha sa labas kaya matagal tagal din akong nakakubli sa kumot. Fetus style pa naman ang posisyon ko nun. Para akong kaawa awang batang pinagkaitan ng lollipop kaya nag-iiiyak sa isang sulok sa loob ng isang kumot. Ang kumot na naging piping saksi sa kadramahan ko ng mga panahong iyon. Arti! Hahaha.

Hallway - Sa araw ding iyon,  nakapasok kame ng unibersidad at naghihintay ng pagsalang namin sa defense (nalate kame at nabigyan lang ng chance). Nakaupo kame sa corridor at nagbabasa ng mga documents namin bilang paghahanda sa defense. Katabi ko siya at nagtatanong tanong sa akin ng mga bagay bagay na nakalagay sa documents namin. Ninanamnam ko ang mga sandaling iyon ng dumaan sa hallway ang grupo nila Covin. Nakakatawa na wala man alng akong reaksyon ng mga oras na iyon. Ito yung mga panahon na akala ko eh napalitan na ni Pakner si Covin sa aking puso kaya deadma na lang ako. Naalala ko pa nga na tinext ko pa noon si Covin na sa wakas hindi ko na siya guguluhin ulit kase me iba na kong mahal pero nagkamali pala ako. Hahaha. Ok, back to regular programming. Nagulat ako ng biglang sinabi ni Pakner na "Marvin, yung crush mo dadaan!". Natawa ako ng sobra sobra sa loob loob ko kase naalala pa pala niya si Covin even though several times ko pa lang iyon natuturo sa kanya. Lalo akong natawa dahil sa sagot ko sa tinuran niya na hindi ko na naisatinig pa. Ang sabi ko sa isip ko, "Ano ngayon, Eh katabi na kita no!". Bwahahaha. Siguro bubulanghit si Pakner ng tawa kung sinabi ko ang mga iyon.

Fetsih - bokal ako sa pagsasabing isa sa mga kinababaliwan ko sa isang lalaki eh yung pisngi nila. Para sakin, yung mga merong malalamang pisngi eh yun yung mga cute kaya karamihan ng mga naging crush ko eh malalaman ang pisngi. Well, imho. Isa sa mga pinapangarap kong laging gawin sa taong mahal ko eh kurutin yung pisngi niya lagi. Next to yakapin siya. Since close close naman kame nun ni Pakner, hiniling ko sa kanya yun. Na kung pwede, pipisilin ko yung pisngi niya kahit once a day lang. Hahaha. Kinilig ako ng pumayag siya pero hindi naman iyon natupad. Nung minessage ko siya sa ym ng "asan na?" pertaining sa pagkurot ko sa pisngi niya, mistulang gumuho ang aking mundo (exagged) sa naging tugon niya. Sabi niya parang nakakahiya daw kung me ibang taong makakakita. naintindihan ko naman yung punto niya kaya hinayaan ko na lang. Wala naman akong magagawa. Nakakalungkot lang talaga yung moment na yun.

Jeepney Ride - Busy kame noon sa pag-aasikaso ng aming thesis. Nagkita kame para bumili ng mga materials para sa magiging visuals namin sa defense. Keri naman. Next naming hinanap eh yung susuotin naming coat sa defense. Ang arte no! Kelangan naka-coat and tie talaga sa defense. Oo as in. Magastos talaga yung defense na yun. Hindi lang sa pera kundi sa pagod at puyat. Haha. Papauwe na kame nang mangyari yung isa sa mga pinakanakakakilig na pangyayari between the two of us para sakin. Papasakay na kame sa loob ng jeep nang sabihin niya na sa unahan kame umupo. And take note, ako pa yung pinauna niya. What a gentleman! CHOS!!! Hahaha. Kinilig talaga ako ng bonggang bongga dahil dun. Ayun lang. Lol.

Overnight with Bru - isang gabi bago ang first defense namin sa thesis eh pinakiusapan ni Pakner na sumama yung isa sa mga bestfriends niya. Oo, madami siyang bestfriend. Super dami nga ata. Hahaha. Ayun, naging super close kame ni Bok (tawagan nila ng bestfriend niyang iyon). Tsinika tsika ko kase ng bonggang bongga si bru (tawagan naman namin ngayon) at hindi naman siya nagpatalo kase madaldal din si bru. Ayun. Naiinggit lang ako sa kanya nung time na yun kase super asikaso si Pakner sa kanya. Pero hindi ako nagselos. Walang dapat pagselosan. Nag-inaso lang ako ng konti. Konti lang talaga. Promise. Hahaha. Ayun. Sobrang bait ni bru. Kahit nung nasa school na kame, tinutulungan niya pa din kame. Hanggang ngayon, super close pa din kame ni bru. Isa siya sa mga naging bunga ng pagmamahalan namin ni Pakner. Echos! I mean, isa siya sa mga naging positibong  nangyari sa buhay ko ng maging partner ko si Pakner.

Home Visit -   Galing kame ng overnight noon sa bahay nila Pakner at napagpasyahan naming pumunta sa bahay namin para makatipid ng oras. Me commitment kame noon sa aming adviser sa thesis at hindi kame pwedeng malate dahil yung adviser namin eh yung pinaka-terror sa lahat ng professors namin. Natulog siya sa sofa nung maliligo na ako. Pagkatapos kong maligo eh masarap pa rin yung tulog niya. Kung wala lang yung nanay ko nung time na yun eh pagmamasdan ko siya ng bonggang bongga habang siya'y nahihimbing Matapos kong magbihis ay sapilitan ko siyang ginising upang mag-breakfast. Masayang masaya ako nung moment na yun. Kasabay ko siyang nag-agahan sa mismong bahay namin. Ayiiieeee. Chos! Ayun lang. Eto na yung last at isa sa mga pinakamagandang nangyari saming dalawa para sa akin.

Ilang buwan makalipas ang mga pangyayaring iyan, unti unti ng nawala yung romantikong nararamdaman ko para ke Pakner. Hindi ko alam kung paano at bakit. Basta ang sigurado ako, isa sa mga dahilan eh yung pagiging insensitive niya ng bonggang bongga. Biruin mo naman, paulit ulit niyang tinuturo sakin yung crush niyang girl kahit na alam niyang me feelings ako sa kanya. Bumalik na naman ako sa dating ako na mailap dahil dun. Mas malala that time. Hindi ko na nagawang sabihin sa kanya ang dahilan ng biglaang pagbabago ng ugali ko towards him. Naging casual na lang ang aming pag-uusap at nawala na ang closeness namin. At unti unti na kaming naging malayo sa isa't isa. Nag-uusap na lang pag me kelangan o kapag tungkol sa thesis. Nagkaron pa kame ng confrontation dahil sa mga ginagawa kong pag-iwas pero hindi ko na nagawang sumagot sa mga tanong niya. Iyan ang malaking pagkakamali ko. Ni minsan eh hindi ko nasabi sa kanya kung ano ang dahilan ng biglaang paglayo ng loob ko sa kanya. Umabot sa graduation yung pagkakagalit namin hanggang sa kami'y nagkatrabaho na. Nagkabati lang kami ulit noong January 30 2011. Birthday niya nun. Tinext ko siya ng isang pagbati. At ayun, naging ok na kame. :-)

____________________


Ayan! Tapos na ko sa pagshe-share ng isang bahagi ng lovelife ko. Magda-dalawang taon na simula nang maganap ang mga pangyayaring nakasaad sa itaas. Siguro nagtataka kayo kung bakit bigla kong naisipan na magsulat tungkol sa kanya. Actually, dati ko pa gustong isulat 'tong istoryang ito tungkol sa kanya. Kaso nung mga panahong iyon, hindi pa pwede kase bulgar pa tong blog na to. Tapos konti pa lang yung nakakaalam ng sikreto kong malupit (echos lang. madami ng nakakaalam. Ayaw ko lang na madagdagan pa) tungkol ke Pakner. Kaya ito, nasulat ko na kase lumamig na yung blog ko sa mga kakilala ko. Meaning, nabura ko na sa kanilang mga isipan na meron akong ganitong blog na nag-e-exist.

Eto na yung dahilan kung bakit ko to nasulat. Kase nakita ko si Pakner. KALBO! Yes, nagpakalbo si Pakner. Bwahaha. Nakakaloka lang. Two weeks ago nung makita ko siyang hubad na yung ulo niya. Nagulat ako sa aking nasaksihan. Chos! Hahaha. Nakwento niya sakin na nagpakalbo na siya dati. Pero nung elementary days pa yun. Kaya nagulat pa din ako sa ginawa niyang marahas na aksyon. Lol. Hindi ko gusto yung naging itsura niya. Actually, sa lahat ng nakakita na at nakakwentuhan ko na, lahat sila nagsasabi na hindi talaga bagay sa kanya. Tapos kahapon, naka-chat ko si Pakner after a loooong time (dahil hindi kame nakapag-usap ng mahaba nung huli naming pagkikita) at aminado din siyang madaming nagsasabing hindi bagay sa kanya ang pagiging kalbo. Ayun lang talaga yung dahilan. I just wanna share. Hahaha. Ambabaw no! Bwahahahaha. Lol.

Keep safe guys. Godbless. :-)




Tuesday, October 11, 2011

A Blast from the Past

Alam niyo ba, nain-love ako dati sa thesis partner ko. Sabi nila, don't mix business with pleasures kaya ayun hindi ko na lang pinansin yung nararamdaman ko sa kanya. Madalas lang akong malungkot ng mga oras na iyon dahil naghalo halo na yung mga pressures sa school works, yung mga prblema sa bahay tapos sinamahan pa nung kakatwang nararamdaman ko para sa kanya. Nakakatawa lang isipin na ni sa hinagap eh hindi ko talaga in-imagine na sa dinami dami ng cuties sa school, sa kanya pa ako nahulog. At ang pinakamasaklap pa, inakala ko pa noon na makakaget-over na ako sa taong minahal ko ng sobra sobra, si Covin.

Meeting naming noon para sa OJT nang banggitin ng aming future coordinator sa thesis na kailangan na naming mamili ng aming magiging partner sa thesis para makapag-start na kame ng pagse-search para sa magiging topic namin. Anyway, just quick background, ang thesis namin eh tungkol sa enhancement ng isang algorithm na gagamitin for a specific na application. Nagsimulang umingay ang klase. Right there and then, sabi niya sakin, kame na lang daw ang maging magpartner. Btw, wala pa akong nararamdaman para sa kanya ng mga panahong iyon. Natuwa ako sa gesture niyang yun kase bihira lang yung nagkakayayaan yung mga hindi naman masyadong magkaka-close na maging mag-partner. Pero dahil medyo nagkakagulo pa sa partnering yung klase,sabi ko na lang sa kanya, "Sige, tignan na lang natin. Sabihan na lang kita kapag tayo na talaga yung magka-partner". Syempre medyo malakas yung loob ko nun kase alam ko na kahit papaano, kahit mangyari yung worst case scenario na wala akong makapartner, kakayaning kong mag-isa. Chos! Makapagyabang lang. Hahaha.

Nagulat na lang ako sa bilis ng mga pangyayari na parang medyo I felt betrayed kase ganito yun. Odd number yung bilang ng circle of friends ko. Eh kelangan, partners lang talaga as long as pwede. Tapos nalaman ko na lang na nagkaroon na ng mga secret partnering yung mga friends ko. Yung isa, keri lang kase default na talaga na yung mag-bf yung magpartner kaya ayun, even number na yung bilang naming magkakaibigan. Kaso yung isa, kinuha niya yung super friend niya sa kabilang block kaya ayun, odd number na lang kame ulit. Lima actually. Yung dalawa, since sila yung maka-close samin kase tahimik sila pareho, sila na yung nagpartner. Yung dalawa pang natira maliban sakin yung medyo nagtampo ako ng konti kase nga nagulat ako na me prior na pala silang usapan na sila na yung mag-partner without even notifying me kahit alam nila na ako na lang talaga yung matitirang walang partner. Ang worse pa, hindi ko pa sila naging kagroup sa ibang subjects kase six persons lang per group tapos six na sila tapos grabe nag-away pa kame nung isa kong friend kase me usapan na kame na kame yung magiging magkaka-group tapos nalaman ko na ibang list pala yung pinasa nila sa prof namin. Kasama ako sa list na yun pero hindi kasama yung partner ko (magkapartner na kame nang mga panahong ito). Eh mahirap yung hindi mo kasama yung partner mo sa isang group kase patayan nga talaga. Halos sa lahat ng oras, kasama mo yung group mo lang kaya kapag hindi kayo magkasama ng partner mo sa thesis sa group mo sa ibang subjects, malaki ang posibilidad na mapabayaan niyo yung thesis niyo. Pero echos na lang sakin yung mga pangyayaring iyon. God really moves in mysterious ways. Hindi ko kase alam kung anung mangyayari samin kung hindi nangyari ang mga nasa itaas.

Naku, lumayo na ako sa storyline namin ni Pakner (tawag niya sakin kaya ganito na din tawag ko sa kanya dati). Ayun na nga, naging magpartner na kame kase no choice na ko. Chos! Hindi naman sa pagchuchurva pero kase kung me ibang choice talaga ako na mas ka-close ko, mas pipiliin ko yun. Eh kaso wala nga. Kaya wala na kong nagawa. Hahaha. Tapos eto na. Natapos na kame sa OJT pero nung mga time na yun, matagal tagal na din kaming  naghahanap ng magiging topic namin sa thesis. Ganito kase yun. Sa Thesis I, kailangan mo lang magkaron ng topic. Tapos sa Thesis II naman, ii-implement niyo na yung topic niyo. Para sakin, mas mahirap yung Thesis I kase sobrang hirap i-please yung mga panelists para ma-approve yung topic niyo. Mahilig pa naman ako sa mga me computation kase Math geek talaga ako kaso lahat ng mga ipasa kong topic na me kinalaman sa numbers eh rejected lahat. Wala talaga akong naipasang topic sa coordinator namin kaya binabawi ko na yung sinabi ko kanina. Hindi ko pala kayang magsolo. Wahahaha. Tapos in fairness, dalawa dun sa mga topic na pinasa ni Pakner eh ok sa coordinator namin. Dun na nagsimulang um-ok yung pakiramdam ko sa kanya. No, hindi pa yung love; yung gaan pa lang ng loob. Eh kase nga hindi naman kame ganun talaga ka-close diba! Then ayun na. Dumating na yung time na super duper mega over busy na namin. Halos kame kame na lang na magkakagroup yung magkakasama. Tapos hindi ko na din masyadong nakakabond yung mga close friends ko talaga.


Alam niyo ba, grabe ako magkaron ng mood swings. Daig ko pa ang babae sa pagbabago ng mood ko. Tapos super duper pa yung inferiority complex ko that time kase mahirap lang talaga ako. Bwahahaha. Ang drama. Lol. Kaya ayun nga, medyo naging aloof ako sa mga kagroup ko. Hindi naman super aloof pero hindi ko talaga maibigay yung buong sarili ko sa kanila. Yung tipong all-out talaga. Kase lima ang lalaki sa group kasama na ako, yung close friend ko lang ang babae. Eh kaso kasama niya lagi yung bf niya kaya wala talaga akong kachokaran buong taon na yun. Hahaha. Sa sobrang kabusyhan namin that time, lagi kaming nasa Cavite sa bahay nung isa naming ka-group para sa walang katapusang mga overnights. Grabe talaga yun. Naisip na lang namin na medyo inconvenient kung dun na lang kame lage kaya guess what, nagrent pa kame ng room na malapit sa school. Hindi kase kame pwede dun sa mga bahay ng mga ka-group ko. Ayun, dun na nagsimula yung pagkahumaling ko ke Pakner. Hahaha.

Part II coming soon.

P.S. Sa hinaba haba nito, hindi pa nagsisimula ang dramang pinagdaanan ko habang nahuhumaling ke Pakner hanggang sa stage na namuhi ako sa kanya. Abangan. Parang teleserye lang. Bwahahaha.

____________________

Last Friday night, yeah we danced some tabletops and we took too many shots, think we kissed but I forgot. Chos! Nung Friday, nakita ko na naman si Mr. Earthquake. Nagpaconsult kase yung mga classmate niya sakin na kagroup niya. Hindi ko alam kung bakit kasama siya tsaka yung isa pa nilang blockmate. Siguro namiss niya ko. Anong magagawa ko? CHOS! Nagulat lang ako na nandun siya. Nung una kase, yung tatlong proponents lang yung mineet ko tapos kinuha ko lang yung docu nila then tumuloy kame sa dinner ng kasama ko. Sabi ko sa kanila, check ko na lang over dinner yung documents nila then magkita kame ulit after para sa verdict ko. Tapos nung nagkita-kita na ulit kame, nandun na siya. Ayun. Hindi na ako masyadong kinikilig. Konti na lang. Malaking factor talaga sa pagkabawas ng pagtingin ko sa isang guy yung paggalang ko sa pagkakaroon niya ng karelasyon. Tapos dinagdagan pa ng kasungitan niya. Hindi iya kase ako nireplyan kahit isang beses sa text! Bwiset! Hahaha.

Grabe, anlandi ko! Alam niyo ba, parang medyo me crush na din ako sa partner ni Mr. Earthquake sa thesis. Inaway ko yun dati kase medyo me pagkademanding siya. Tapos nagsimula akong humanga sa kanya dahil sa mga notes niya sa Facebook. Magaling siya. Me art ang pagsulat niya. Nakakatuwa lang. Ang hindi ko lang feel eh yung pagkahumaling niya sa isang Korean girl. Hindi naman sa nag-iinarte ako. Nakakalungkot lang isipin na madami namang babae sa paligid niya na abot kamay niya lang. Ang tadhana nga naman mapagbiro, nakakatakot. Madalas madaming hindi makakaintindi. Ayun lang. Maka-segue lang ng pagda-drama. Hahaha. Sana makita ko ulit sila. Malay natin... single naman si Mr. Demanding. ECHOS!!! Yeah, yan na ang tawag ko sa kanya simula ngayon. XD

Yun lang. Keep safe guys. Godbless. :-)

 

Monday, October 3, 2011

Stranded

Wednesday; I was about to leave the office when one of my buddies invited me to watch a movie (25-peso worth in SM Manila). It was a go for me so I waited for them to finish their work. The movie was already starting when I realized that I've already watched that movie before so I volunteered myself to fetch our friend at the entrance of the mall 'cause he's not allowed to enter the mall due to the time. I believe we all enjoyed the movie. XD 

I had my first night shift ever here in work last Thursday. Dinner was the first thing in my mind so I invited my friends to eat. We landed at Yellow Cab in Ayala Avenue. That ate nearly two hours of our time. I'm expecting a set of proponents that time for the never ending consultation for their thesis but I was advised by their thesis coordinator to not entertain them so instead, I just browsed their CFG (Context Free Grammar). I came back here in the office with the clock fast approaching midnight and I was like, "Geez, I'm here to work; not to eat or have a consultation session".

I finished my work very quickly. We went home by 6:30am. I hit the sack as soon as I enter our house. Woke up at 12:30pm and prepared again for office. Office hours were "free time" that day so I just watched movies. Yeah, it's really in plural form. Haha. Gone home again and went to bed early due to early commitment the next day. Chos!

On Saturday, I went again to our school and handled a defense on two set of proponents. No best news for the five of them (one was composed of two members and the other was three). Conditional passed is the verdict for both. I've waited for my friend to have a companion on our way home but it seemed that I'll wait for another two hours for him to be free (they're having make-up classes.) so I thought of messaging one of my high school friends who was still studying in PLM. I left my friend and we (me and my high school friends) agreed to meet in SM Manila and had our way to Panulukan Dos in Tayuman to have a nomo session. Haha. I came home tipsy (Echos! I just had a half bottle of beer) around 11:30pm.

I decided to add all the proponents I've handled in Facebook and I'm happy the he (the one I'm having a crush on. Let's call him Mr. Earthquake. Blame his surname. LOL.) confirmed my invitation. Sigh. I had again my emo hours last Saturday night and all throughout Sunday. Again and again and again. Sigh. Kthxbye!

Keep safe guys. Godbless. :-)